You are on page 1of 18

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Edukasyong sa Pagpapalakas ng Katawan

YUNIT III

PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Aralin 1 Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Physical Fitness

Aralin 2 Paglinang ng Flexibility

Aralin 3 Paglinang ng Koordinasyon

Aralin 4 Rhythmic Interpretation

Aralin 5 Likhang Sayaw

Aralin 6 Pangunahing Kaalaman sa Sayaw na Liki

Aralin 7 Kasanayan sa Pagsayaw ng Liki

Aralin 8 Liki: Ang Katutubong Sayaw Mula sa Negros Occidental


Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 1: PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS


Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Physical Fitness (Cardiovascular Endurance,
Lakas ng Kalamnan, Tatag ng Kalamnan, at Flexibility)

I. Layunin
1. Naiisa-isa sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na
nalilinang/napapaunlad ng mga gawaing pisikal.
2. Naisasagawa ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin.
3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na
pakikipaglaro.

II.PaksangAralin
A. (1) Filipino Pyramid Activity Guide (2) Fitness Challenge
B. Kasanayan: Balik-Tanaw sa mga Sangkap ng Physical Fitness, Cardiovascular Endurance,
Lakas ng Kalamnan,Tatag ng Kalamnan, Kahutukan (Flexibility)
C. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat
D. Sanggunian: Curriculum Guide; www.obesity.org.ph/
E. Kagamitan: hula hoop, lubid, baton, palaruan

III.Pamamaraan
A. Pang- araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.


2. Pampasiglang Gawain:
a. Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang
mga aralin.
3. Balik-aral Ilahad sa mga bata na naisagawa na nila ang iba’t ibang pagsubok sa physical
fitness nang nakaraang unang markahan. ARALIN 1
Sabihin din sa mga bata na sa Ikatlong Yunit, patuloy na pauunlarin ang kanilang
physical fitness. Ilahad ang Filipino Activity Pyramid Guide.
Ipabasa sa mga bata ang talata tungkol sa Aralin 1 at pag-usapan ito.
B. Panimulang Gawain
a. Ipakita sa mga bata ang mga nakatalang gawaing pisikal sa bahay, sa paaralan at sa
labas ng tahanan. Ipatukoy rin kung gaano nila kadalas na ginagawa ang mga ito at
ang fitness component na napapaunlad ng gawain. Ipasagot ang “Simulan Natin” na
nasa LM. Itanong kung ilang puntos ang kanilang natamo sa gawain. Ipaliwanag ang
kahulugan ng kanilang puntos na nakatala sa kasunod na pahina.
C. Panlinang na Gawain
Magkaroon ng talakayan sa ginawang gawain.
Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin” at hikayatin ang mga bata na pagtuunan ang
pagpapaangat ng antas ng gawaing pisikal at fitness.
Itanong kung ano-anong mga gawaing pisikal ang dapat isagawa upang
mapataas ang antas ng physical fitness.
D. Paglalapat
Ipagawa ang nasa LM “Gawin Natin”.
Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat
gawin. Magkaroon ng talakayan sa ginawa.
Ipasagot ang checklist upang maitala ang kanilang ipinakitang galing sa Fitness
Challenge.
E. Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang
makabuo ng kaisipan na dapat tandaan. Itanong kung paano malilinang ang mga sangkap
ng fitness.

IV. Pagtataya
Ipasagot sa mga bata ang “Suriin Natin” upang mataya ang antas ng pagkilos sa kanilang
pakikilahok sa gawaing pisikal.

V. Takdang Aralin
Ipakopya sa isang malinis na papel o bond paper ang Talaan ng Isang Linggong Physical
Activity na nasa LM.
Ipasulat o ipalarawan sa mga bata ang kanilang paboritong gawaing pisikal sa loob ng isang
linggo at lagdaan ito. Ipapasa ang talaan sa susunod na pagkikita sa PE.
Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 2: PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS Paglinang


ng Flexibility

I. Layunin
1.Nasusubok ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing
nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing
nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan.
3. Naipapakita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na
pakikipaglaro.

II.PaksangAralin
A. (1) Filipino Pyramid Activity Guide (2) Two- hand Ankle Grip
B. Kasanayan: Pagpapaunlad ng Flexibility ng katawan
C. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat, paggalang sa kapwa.
D. Sanggunian: Curriculum Guide; www.obesity.org.ph/
E. Kagamitan: palaruan

III.Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain


1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga
nakaraang mga aralin.
3. Balik-aral
Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Fitness Challenge noong
nakaraang aralin.
Itanong kung paano pa malilinang ang mga fitness components
Sabihin na sa araling ito, patuloy na pauunlarin ang kanilang flexibility
kaya ihanda ang katawan sa mga gawain.
Ipabasa sa mga bata ang talata tungkol sa Aralin 2 at pag-usapan ito.
B. Panimulang Gawain
Ipakitang muli ang Filipino Physical Activity Pyramid Guide sa “Simulan Natin”.
 Ipatukoy ang bahagi nito na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
flexibility ng katawan.
 Ipasagot ang tanong at talakayin. Ano ang kaugnayan ng bawat bahagi
ng pyramid sa pagpapaunlad ng iba’t ibang bahagi ng katawan?
Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing
makapagpapaunlad ng flexibility ng katawan?

C. Panlinang na Gawain
 Ipabasa ang Ipagpatuloy Natin.
 Itanong kung ano ang flexibility at sabihin ang mga gawain sa araw-araw
na nangangailangan ng flexibility.
 Ipakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan
ang nagpapakita ng flexibility ng katawan.
 Ipatukoy rin kung ito ay gawaing pang araw-araw, ehersisyo, laro, o
sayaw.

D. Paglalapat
 Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa flexibility.
 Ipagawa ang nasa LM na “Gawin Natin”.
 Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat
gawin. Magkaroon ng talakayan sa ginawa.
F. Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat.
Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipang dapat tandaan.
Itanong kung bakit kailangang mapaunlad ang kahutukan (flexibility).

IV. Pagtataya
 Ipakita ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ipatukoy sa pamamagitan ng paglagay ng
tsek sa kolum kung alin ang mga makapagpapaunlad ng kanilang flexibility.
 Ipakopya sa kwaderno ang talaan at ipasagot ito.
 Itanong kung ilan sa talaan ang nilagyan ng tsek.
 Magtanong din kung ano pang mga gawain ang makatutulong upang mapaunlad ang
flexibility.
 Ipapuno ang talaan sa LM at ibabahagi nila sa kanilang kamag-aral ang ginawang talaan.

V . Takdang-aralin
Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o ehersisyong nakakatulong sa
pagpapaunlad ng flexibility ng katawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakuna o pananakit
ng katawan.
Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM gagawa ang mga bata ng personal na
kontrata para sa patuloy na paglinang ng flexibility.
Ipapasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 3: Paglinang ng Koordinasyon

I. Layunin
1. Nasusubok ang physical fitness sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing
nagpapaunlad sa koordinasyon ng katawan.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing
nagpapaunlad sa koordinasyon ng katawan.
3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na
pakikipaglaro.

II.PaksangAralin
A. : Coordinated Walk
B. Kasanayan: Pagpapaunlad ng koordinasyon ng katawan
C. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat, paggalang sa kapwa.
D. Sanggunian: Curriculum Guide; Teaching Physical Education
E. Kagamitan: palaruan, hula hoop

III.Pamamaraan

A. Pang- araw-araw na Gawain


1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang
mga aralin.
3. Balik-aral
Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Two-Hand Ankle Grip
noong nakaraang aralin
Itanong kung paano pa malilinang ang flexibility ng katawan.
Ipakita ang larawan. Itanong kung ano ang ginagawa ng mga bata. Pag-
usapan ito.
B. Panimulang Gawain
Ipabasa ang “Simulan Natin”. Pag-usapan ito.

C. Panlinang na Gawain
Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”. Itanong kung ano ang koordinasyon
(coordination) at itanong din kung bakit kailangan itong malinang.
Hikayatin ang mga bata na magbigay ng halimbawa ng mga gawaing pisikal na
nagpapaunlad ng koordinasyon.
D. Paglalapat
Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa koordinasyon (coordination).
Ipagawa ang nasa LM Gawain 1 - Coordinated Walk.
 Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat
gawin. Magkaroon ng talakayan sa ginawa.
 Ipagawa ang Gawain 2 - Gamit ng Hula Hoop. Magkaroon ng talakayan sa
ginawa.
 Ipasagot ang mga tanong:
o (a) Mahirap bang gawin ang coordinated walk? Ang paggamit ng hula
hoop? Bakit?
o (b) Paano makatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng iyong
koordinasyon?
o (c) Sa isinagawang gawain, maaari mo bang sabihin kung ano ang
kahalagahan ng pagtaya ng iyong koordinasyon?
E. Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat.
Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.
Itanong kung bakit kailangang mapaunlad o malinang ang koordinasyon ng katawan
(coordination).

IV. Pagtataya
Ipabasa ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ipatukoy sa pamamagitan ng paglagay ng
tsek sa kolum kung alin ang mga makapagpapaunlad ng kanilang koordinasyon.
Ipakopya sa kwaderno ang talaan at ipasagot ito. Itanong kung ilan sa talaan ang
nilagyan ng tsek.
Itanong din kung ano pang mga gawain ang makatutulong upang mapaunlad ang
koordinasyon. (Muling balikan ang talaang ginawa makalipas ang isang linggo at muling ipakita
kung talagang nagawa nila nang maayos ang mga pagsubok.)

V. Takdang-aralin
Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o ehersisyong nakatutulong sa pagpapaunlad ng
koordinasyon (coordination) ng katawan. Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM, gagawa ang
mga bata ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng koordinasyon. Ipapasa ang konrata sa
susunod na pagkikita.
Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 4: PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS


Rhythmic Interpretation

I. Layunin
1. Nakalilikha ng mga kombinasyon ng kilos na ginagamitan ng dalawa o higit pang kilos.
2. Naisasagawa nang wasto ang mga nilikhang kilos nang may tiwala sa sarili.
3. Naisasagawa ang mga hakbang na gumagamit ng mga nilikhang kilos.
4. Naipakikita ang kasiyahan sa pakikilahok at wastong pag-iingat sa likhang galaw

II.PaksangAralin
A. Likhang galaw Ayon sa Tema at Ritmo
B. Kasanayan: Pagpapaunlad ng Pagkamalikhain Ayon sa Ritmo
C. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat, paggalang sa kapwa.
D. Sanggunian: P.E Curriculum Guide, Teaching Physical Education
E. Kagamitan: palaruan, mga tugtog o musika na may iba’t ibang tempo o bilis

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa
sa mga nakaraang mga aralin.
3. Balik-aral
 Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Coordinated Walk at
gawain sa hula hoop noong nakaraang aralin. Itanong kung paano pa
malilinang ang koordinasyon (coordination) ng katawan. ARALIN 4
 Ipakita ang larawan sa LM sa Aralin 4.
 Ipabasa ang talata. Pag-usapan ito.

B. Panimulang Gawain
 Ipasuri ang larawan sa “Simulan Natin”.

Itanong kung ano ang ginagawa ng mga bata.


 Ipabasa ang talata. Pag-usapan ito.
 Ipagawa ang nasa larawan sa parehas na pahina.
 Itanong kung ano ang tempo ng tugtog kung lalapatan ng musika ang kanilang
galaw.
C. Panlinang na Gawain
 Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”.
 Itanong kung ano ang rhythmic interpretation.
 Itanong kung paano ito ipakikita sa mga nanonood.
 Pag-usapan ang mga inilahad na halimbawa ng interpretation.
 Itanong kung paano maipahihiwatig ang mensahe ng lilikhaing galaw.
 Itanong din kung paano ito maiintindihan ng mga manonood.

D. Paglalapat
Maghanda ng apat na tema na gagawan ng interpretasyon ng bawat pangkat. (Pipili ang
guro o maaaring gumawa ng sariling ideya.) Ilan sa mga halimbawa ng interpretasyon ay ang mga
sumusunod:
 Kalikasan - panahon, hayop, halaman
 Likhang-isip na bagay - higante o duwende,engkantada,
 awiting pambata
 Mga gawain/hanapbuhay ng tao - guro, driver, ballet dancer, paglalaba,
pagmamaneho
 Mga sasakyan - eroplano, tren, bus, barko, bisekleta Machinery - orasan,
elevator, crane, forklift
 Moods/feelings - masaya, malungkot, galit

Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Papiliin ang mga bata ng lider sa bawat
pangkat.
Ipabasa ang nasa loob ng kahon sa “Gawin Natin”.
Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa pagkamalikhain
upang masanay nang husto.
E. Paglalagom
 Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat.
 Maaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.
 Itanong kung ano ang rhythmic interpretation.
 Itanong din kung ano ang mga dapat gawin upang maipahayag ang mensahe ng
likhang galaw.

IV. Pagtataya
Ipakita at ipapuno ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ipatukoy sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek sa kolum na naglalarawan ng kanilang sama-samang pagganap bilang isang
pangkat.
Ipakopya sa kuwaderno ang talaan at ipasagot ito.
Itanong kung ano ang temang nabunot ng bawat pangkat.
Magtanong din kung ano ang kanilang pakiramdam pagkatapos ng gawain.

V. Takdang-aralin
Ipabasa ang talata sa “Pagbutihin Natin”. Ipagawa ang mungkahing gawain sa LM upang lubos
na malinang ang kanilang pagkamalikhain . Ipapuno ang talaan sa mga kapamilya batay sa pagtataya ng
ipinakitang galing ng bata. Ipapasa ang iskor kard sa sunod na pagkikita
Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 5: Likhang Sayaw

I. Layunin
1. Natutukoy at naisasagawa ang mga batayang posisyon ng kamay at paa sa pagsasayaw.
2. Naisasagawa ang mga hakbang pansayaw sa rhythm na na gumagamit ng mga batayang kilos
ng mga bisig sa pagsasayaw.
3. Naipakikita ang kasiyahan sa pakikilahok at wastong pag-iingat sa pagsasayaw.

II.PaksangAralin
A. Likhang Galaw Ayon sa Tema at Ritmo
B. Kasanayan: Pagpapaunlad ng Pagkamalikhain ayon sa Ritmo at Tema
C. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat, paggalang sa kapwa.
D. Sanggunian: Curriculum Guide, Teaching Physical Education
E. Kagamitan: palaruan; mga tugtog o musika na may iba’t ibang tempo o bilis, tugtugin na
kinagigiliwan ng mga bata, usong kanta, patalastas sa radyo at telebisyon

III. Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain


1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain: Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa
sa nakaraang mga aralin.
3. Balik-aral
Itanong kung ano ang rhythmic interpretation?
Itanong din kung ano ang dapat gawin upang lubos na maintindihan ng manonood ang
mensahe ng likhang galaw. Pansinin ang larawan sa LM sa Aralin 5.
Ipabasa ang talata. Pag-usapan ito.

B. Panimulang Gawain
 Ipabasa ang unang talata sa “Simulan Natin”.
 Magparinig ng iba’t ibang tugtugin. (Maglaan ng 2 o 3 musika na kinagigiliwan
ng mga bata: usong kanta, patalastas sa radyo at telebisyon, atbp.
 Itanong kung sila ay gagawa ng sayaw ayon sa tugtugin, anong mga hakbang
ang nais nilang ilapat.
C. Panlinang na Gawain
Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin” sa LM Pag-usapan ito.
Ipagawa ang mga kilos lokomotor at kilos di-lokomotor upang maigalaw ito nang maayos

D. Paglalapat
Patayuin ang mga bata na medyo bahagyang magkakalayo. Maaari ding humarap sa
timog, hilaga, kanluran, o silangan. Magpatugtog ng musika at iparinig sa mga bata.
Palikhain sila ng mga galaw gamit ang mga kilos lokomotor at di-lokomotor.
Pagalawin sila patungo sa iba’t ibang direksiyon nang walang nasasagi o nababanggang
kaklase.
Itanong kung nakasunod sila sa bilis o bagal ng tugtog.
Itanong ang mga galaw na nagawa nila.
Itanong din kung anong direksiyon ang kanilang tinahak. Ipagawa ang Gawain 1 na nasa
LM; Gawain 2 at 3 na nasa LM .
Pag-usapan ang ginawang kilos.

E. Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang
makabuo ng kaisipan na dapat tandaan. Itanong kung paano makatutulong ang likhang
sayaw sa pagpapaunlad ng physical fitness.

IV. Pagtataya
Palagyan ng tsek ang kolum na makapaglalarawan ng kanilang kasagutan. Sumangguni sa LM

V. Takdang-aralin
Ipabasa ang “Pagbutihin Natin”. Gawin nang pangkatan ang nakatalagang gawain upang lubos na
malinang ang pagkamalikhain.
Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 6: Pangunahing Kaalaman sa Sayaw na Liki

I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang batayang kaalaman ng sayaw.
2. Nailalarawan ang mga kasanayang gamit sa sayaw.
3. Naipamamalas ang wastong pag-iingat sa pagsasayaw.
4. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.
5. Naipakikita ang katuwaan at paggalang sa pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.

II.PaksangAralin
A. Batayang Hakbang at Posisyon ng Kamay sa Sayaw na Liki
B. Kasanayan: Mga Batayang Kasanayan at Kaalaman sa Pagsayaw
C. Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagkamatiyaga
D.Sanggunian: Visayan Folkdance Vol.
3E. Kagamitan: Larawan, tsart, mapa ng Negros Occidental, tugtugin ng Liki, cassette/CD
player

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain/Balik-aral
Magpatugtog ng musikang kinagigiliwan ng mga bata.Hayaan silang gumalaw batay sa
tempo ng tugtog at sa kilos lokomotor at dilokomotor na sasabihin ng guro. (apat na
minuto)
Itanong kung paano nabubuo ang mga likhang sayaw.
Itanong din kung ano ang kabutihang dulot ng pagsasayaw.

B. Panimulang Gawain
 Ipakita sa mga bata ang mapa ng Negros Occidental.
 Magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa lugar. Sabihin din na sa Bago,
Negros Occidental ay may popular na sayaw na Liki na pagtutuunan ng pansin sa
susunod na mga aralin sa PE.
 Ipabasa ang talata sa ibaba ng larawan. Pag-usapan ito. Sabihin na higit na
mapahahalagahan ang sayaw na Liki kung aalamin muna ang mga batayang
galaw nito tulad ng hakbang-sayaw at galaw ng kamay at katawan
C.Panlinang na Gawain
(Note: Kabisaduhin ng guro ang mga hakbang pansayaw at posisyon ng kamay
bago ituro sa mga bata.) Ipakitang-turo ang mga hakbang sa pagsasayaw at posisyon ng
kamay sa sayaw na Liki.
 Tingnan ang LM. Ipaalala sa mga bata na ang mga batayang hakbang sa
pagsasayaw ay dapat sanayin upang mapadali ang pagkatuto nito habang
isinasaalangalang ang wastong pag-iingat.
 Itanong kung masaya ang mga bata habang isinasagawa ang mga
hakbang sa pagsasayaw.

D. Paglalapat
Ihanda ang mga bata nang may kaniya kaniyang kapareha.
Ipagawa ang Gawin Natin sa LM E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo
ng paglalahat.
Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.
Itanong kung bakit kailangang isagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsasayaw.
Itanong din kung ano ang kahalagahan ng pagsasayaw.

IV. Pagtataya
A.Gawaing May Kapareha
 Papiliin ang mga bata ng kani-kaniyang kapareha
 Ipagawa ang mga hakbang ng may 16 na bilang pakanan at pakaliwa ayon sa saliw ng
tugtugin.
 Gamitin ang tugtog ng Liki para masanay ang mga bata sa tempo ng musika.
Close step - balse (waltz step)
Brush step - arms in lateral position
Point step - arms in forward bend position.
 Tukuyin kung wasto o mali ang pagkakagawa ng kilos. Ipagamit ang talaan ng puntos na nasa
LM upang magbigayan ng puntos ang magkapareha batay sa pagsasagawa ng kasanayan sa
sayaw na Liki.
B. Panlahat
Ipagawa nang sabay-sabay ang bawat hakbang sa pagsasayaw na sasabihin ng guro.

V . Takdang-aralin
Isaulo ang mga hakbang sa pagsasayaw na natutuhan at pagsanayin pa bilang
paghahanda sa sayaw na “Liki”.
Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 7: Kasanayan sa Pagsayaw ng Liki

I. Layunin
1. Naisasagawa ang iba’t ibang hakbang sa pagsayaw ng “Liki”.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.
3. Naipakikita ang katuwaan at paggalang sa pakikilahok sa gawaing pagsasayaw.
.

II.PaksangAralin
A.Paksa: Pambayang Sayaw - “Liki”
B. Kasanayan: Mga Batayang Kasanayan at Kaalaman sa Pagsayaw
C.Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagtitiyaga; Pagkamakabayan
D.Sanggunian: Visayan Folkdance Vol. 1
E.Kagamitan: larawan, tsart, tugtugin ng “Liki”, cassette/CD player

III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na Gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain/Balik-aral
Itanong kung ano ang sayaw na pinag-aralan ng nakaraang linggo.
Itanong din sa mga bata kung saan nagmula ang sayaw, ano ang katangian nito, ano ang
kasuotan ng mananayaw at kung natatandaan pa nila ang mga pagsasanay na isinagawa
hinggil sa mga hakbang sa pagsasagawa ng Liki.
Itanong din kung nagsanay sila sa mga hakbang ng sayaw. (Sumangguni sa LM)

B. Panimulang Gawain
Iparinig ang buong musika ng “Liki”. Pasabayan ng palakpak ang tugtog upang madama
ang wastong palakumpasan nito.

C. Panlinang na Gawain
INTRODUCTION Music Introduction.

Three-step turn right in place (1M), bow to audience (1M) Pause (1M). Girl holds skirt,
Boy’s hand on waist. 3M Music A. Partners face each other.
a. Brush R foot and step on it immediately forward (ct. 1), step L foot backward (ct. 2),
step R foot sideward right (ct. 3)Girl holds skirt swaying it in time with the music, Boy’s
hand on waist. 1M b. Point L foot in front (cts. 1, 2, 3). Hands as in (a). 1M c. Repeat (a)
and (b) starting with L foot 2M d. Starting with R foot, take two close steps forward to
partner’s place, passing by R shoulders. Hands as in (a). 2M e. Three-step turn right
about, hands as in (a), finish facing partner. 2M Repeat all (a-e), finish in proper places.
8M II Music B. Partners face each other. a. Step R foot forward (ct. 1), step L foot close
to R (ct. 2) step R foot backward (ct. 3), hands as in Fig. 1 (a) 1M b. Point L foot in front
(cts. 1, 2, 3) Arms in fourth position, R arm high 1M c. Repeat (a) and (b) starting with L
foot. Reverse the position of hands in (b) 2M d. Two waltz steps forward (R,L) to
partner’s place, passing by R shoulders. Arms in lateral position moving sideward R and
sideward L 2M e. Waltz turn R about, arms in forward bend position with a forearm turn
R and L. Finish facing each other. 2M Repeat all (a-e). Finish in proper places. 8M All
rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or
by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written
permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. 64 III Music A. Partners
face away from each other. a. Repeat Fig. I (a-c) 4M b. Take two close steps backward
(R,L) going to partner’s place passing by R shoulders. Girl holds skirt swaying it in time
with the music. Boy’s hands on waist. 2M c. Three step turn R about, hands as in (b),
finish facing away from each other. 2M Repeat (a-c). Finish facing audience. 8M IV
Music B. Partners face each other. a. Repeat Fig. II (a-c), moving forward little by little.
4M partners face each other. b. Repeat Fig. II (d) and (e). Finish in partner’s place. 4M
c. Repeat (a) and (b). Finish in proper places. Execute the 8M last turn slowly, bow to
partner or audience.
 Ipakita ang tamang pagsasayaw.
 Ipakitang-turo ang sayaw. Ipasanay na may tugtog.
 Ulitin hanggang matutuhan nang maayos ang buong sayaw na Liki.

D. Paglalapat
Sabihin sa mga bata na sanayin ang pagsasagawa ng mga hakbang sa sayaw na Liki
upang mas mapaunlad ang kakayahan sa pagsasayaw. Ipasayaw muli ang buong sayaw na Liki na
may saliw ng musika. Ipasayaw sa buong klase ang Liki; nang may kapareha at ng pangkatan.

E.Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang
makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.
Itanong kung bakit kailangang tama ang pagsasagawa ng mga hakbang sa pagsasayaw
lalo sa pambayang sayaw na Liki.
Sabihin sa mga bata na maipakikita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng
pagsasayaw ng mga katutubong sayaw mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

IV . Pagtataya
Ipamarka ang kanilang ipinakitang performance.

Hakbang Galaw Napakagaling Magaling Di-gaanong Magaling


Close step
Brush step
Point step
3 step- turn
Waltz ( balance)

V. Takdang-aralin
Itanong kung ano ang saloobin ng mga bata sa natutuhang sayaw na Liki na nagmula sa Bago,
Negros Occidental. Ipasulat ang sagot sa kanilang PE Journal.
Petsa: ____________________________

2:30 – 3:10 IV – DEL PILAR


3:30 – 4:10 IV- BONIFACIO
4:10- 4:50 IV- QUEZON
5:10- 5:50 IV- RIZAL

Aralin 8: Ang Katutubong Sayaw Mula sa Negros Occidental

I. Layunin
1. Naisasagawa ang pangwakas na gawain (culminating activity) ng yunit.
2. Naipakikita ang iba’t ibang kasanayan sa pagsasagawa ng mga hakbang sa pagsasayaw.
3. Naipamamalas ang kasiyahan sa pagsasayaw na may wastong kilos, galaw at hakbang.

II.PaksangAralin
A.Pangkatapusang Gawain (Culminating Activity)
B.Kasanayan: Katutubong Sayaw - Liki
C.Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagkamatiyaga, malikhain
D.Sanggunian: Visayan Folkdance Vol. 1
E.Kagamitan: cassette/CD player, tugtugin ng Liki

III . Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain


1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain/Balik-Aral
Itanong: Anong sayaw ang pinag-aralan natin? Saan ito nagmula? Ano-anong mga
hakbang sa pagsasayaw at posisyon ng kamay ang bumubuo rito?

B. Panimulang Gawain
Sabihin na sa araling ito, masusukat ang kanilang kasanayan sa pagsasayaw ng Liki suot
ang kanilang damit pansayaw.
Itanong kung ano ang kanilang pakiramdam habang may suot na Visayan costume?
Sabihin din na dapat nilang maisagawa ang mga gawain nang may pag-iingat.

C. Panlinang na Gawain
Hatiin sa apat na pangkat ang buong klase.
Ipakita kung saan ang nakatalagang lugar para sa kanila.
Sumangguni sa LM para sa diagram.

D. Paglalapat
Ipabasa ang “Gawin Natin”. Ipaintindi sa mga bata ang kanilang gagawin upang maayos
ang pagkakasunod-sunod sa pagsasayaw. Gamit ang 3-point scale sa LM
magmamarkahan ang magkapareha na sinusunod ang pamantayan.
E.Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong
upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan. Itanong kung paano makatutulong ang
katutubong sayaw sa pagpapaunlad ng physical fitness. Itanong din kung ano ang
kabutihang maidudulot ng pakikilahok sa sayaw?

IV. Pagtataya
A. Pansariling Ebalwasyon Palagyan ng tamang smiley ang inyong performance gamit ang talaan
na nasa LM.

V . Takdang-aralin
Pagawain ang mga bata ng poster ng mga katutubong sayaw sa kanilang lugar. Itanong kung
paano makatutulong ang pagsasayaw sa pagpapaunlad ng kanilang physical fitness. Isama na rin ang
paglalarawan ng saloobin. Ipasulat ito sa kanilang PE journal.

You might also like