You are on page 1of 2

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY

Daproza Avenue, General Santos City


College of Teacher Education

Banghay - Aralin sa GMRC 2


Ipinasa ni: Shaquille Benzon Lauglaug

I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) (Cognitive): Makapagpaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa


kapwa

b) (Affective): Makapagsadula ng eksena na nagpapakita ng


pagmamahal sa kapwa

c) (Psychomotor): Makapag bigay halaga ang pagmamahal sa kapwa

II. Nilalaman:

Paksang –Aralin: Mahal ko, kapwa ko

Kagamitan: Laptop, Projector, Storybook

Sanggunian: https://www.slideshare.net/ellaboi/banghay-aralin-sa-
edukasyon-sa-pagpapakatao,
http://www.depedbataan.com/resources/21/grade_2_teaching_guide
_in_edukasyon_sa_pagpapakatao.pdf

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Pagdarasal: Guro: Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
2. Aming ama, Salamat po sa araw na ito. Patawarin niyo po kami
sa mga kasalanan naming nagawa. Gabayan nyo po ang landas
na tatahakin naming at saaming eskwela. Bigyan niyo po kami
ng lakas ng loob upang harapin ang nakakubling kapalaran
naming. Ilayo niyo po kami sa kapahamakan ang masama.
Amen.
3. Pagbati ng Guro: Guro: Panibagong araw, panibagong panahom
para matuto at magsaya! Magandang umaga learners!

4. Pagtatala ng mga Liban: Guro: Magsiupo kayo. Sabihin ang


“Mabuhay” kung tatawagin ko ang unang pangalan at ang
apelyido. Kung wala ang aking tatawagin maaring sabihin ang
“Yahubam”.
5. Pagbabalik-aral/Paglinang sa dating Kaalaman: Guro:
Masayang pagbabalik mga bata! Ano nga ulit ang ating
tinalakay sa ating huling pagkikita? Tama! Kaugnay sa
talakaying iyon ay ang ating panibagong topiko sa araw na ito.
Pero bago tayo magsimula ay magkakaroon muna tayo ng isang
gawain!

B. Pagganyak na Gawain:

Sina Grace, Sandra at Obrero ay naging magkakaibigan


ngayong pasukan. Isang araw, niyaya ni Grace at Sandra si
Obrero na pumunta sa canteen upang mamili ng makakain.
Ngunit wala palang dalang pera si Obrero kung kaya’t hindi
siya sumang-ayon sa pang-aaya ng dalawa. Inalok ni Grace
si Obrero na babahagian niya ito ng pera upang may pambili
siya ngunit palihim na binulungan ni Sandra si Grace na
wag ito bigyan at sila na lamang dalawa ang pumunta sa
canteen at iwanan na lamang si Obrero dahil ayaw niyang
makipagkaibigan sa mga walang pera. Iginiit pa rin
gayunpaman ni Grace na bigyan si Obrero ng pera at naging
matagumpay ang kaniyang plano.

1. Ano ang katangian na ipinakita ni Grace sa sitwasyon ni


Obrero?
2. Ano naman ang katangian na ipinakita ni Sandra sa sitwasyon
ni Obrero?
3. Kung ikaw ang nasa kuwento, sino ka sa dalawa: Sandra o
Grace?
4. Mabuti ba ang ipinakitang katangian ni Grace? Ni Sandra?
Pano mo nasabi?

You might also like