You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

I. Layunin:

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagiging magalang sa kilos at pananalita

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng:
1. pagmamano/paghalik sa nakatatanda
2. bilang pagbati
3. pakikinig habang may nagsasalita
4. pagsagot ng “po"at“opo”
5. paggamit ng salitang “pakiusap”at “salamat”

II. Paksang Aralin: Pagkamagalang


Aralin 2: Mahal ko, Kapwa Ko
Sanggunian: Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat).1997.pp.124-129.* Wastong
Pag-uugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat).1997.pp.103-110.*

Kagamitan: larawan, tsart atbp.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Pumalakpak ng isa kung tama ang gawain at dalawang palakpak kung mali.
- Nagdadabog pag inuutusan ng magulang.
- Sumasagot ng salitang “po” at “opo” kapag tinatanong.
- Pagrespeto sa may kapansanan.
- Simpleng pagtulong sa nakakatanda pag may bitbit na mabigat.

2. Pagganyak
Magpakita ng 2 larawang ng paggalang at hindi paggalang
Itanong: Alin ang dapat tularan mo sa dalawang ito? Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig/Ipanood ang kuwento:
2. Pagtalakay
Ano ang ginawa ni Jose upang maging magalang sa kapwa?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
- Si jose ang batang magalang.
- Huwag sumagot sa nakakatanda.
- Magsabi ng “po” at “opo”.
- Sumunod sa utos ng magulang.
- Awayin ang magulang pag hindi nabigay ang gusto.
2. Paglalapat:
Humanap ng ka-grupo para isagawa ang paggalang sa mga nakakatanda.

IV. Pagtataya:
Kulayan ng pula ang mga larawan na gumagalang sa kapwa, at dilaw kung hindi.

V. Takdang-Aralin
Iguhit sa inyong kuwaderno ang mga dapat ginagawa ng isang batang magalang.

You might also like