You are on page 1of 2

Grade 1/ Araling Panlipunan, SY 2020-2021

Dates and Week # Marso 01-05, 2021, week no. Inihanda ni: Bb. Jesica L. Decalan

Ang mga Alituntunin sa Aking Paaralan


Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Naiisa-isa ang mga mahahalagang alituntunin sa paaralan
• Naipapaalam ang mga epekto ng pagsunod at di pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan
• Nalalaman ang kahalagahan ng mga alituntunin ng paaralan at sa buhay ng bawat mag-aaral
• Affective Objective: Integrity – katulad ng pagiging tapat at pagsasabi ng tama. Ang
pagkakaroon ng integridad ay tumutukoy rin sa pagpapakita ng tamang gawi tulad na lamang
ng pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan.

Paraan ng Pagkatuto:

Synchronous

Oras:

Synchronous–inaasahang ang nasabing talakayan sa pamamagitan ng video conferencing ay tatagal ng


hindi lalagpas sa 30 minuto
Asynchronous – inaasahan ng guro na matatapos ng mga mag-aaral ang mga learning kit sa loob ng 3-
4 na araw

Kagamitan at Sanggunian:

• Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1 - Ikalawang Edisyon (Pahina 214-223)


• Link: https://tl.wikicell.org/Look-Good-for-School-1272, https://www.google.com/search?
q=mga+larawan+ng+mga+batang+naka+uniporme+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjgs5rgq
MrvAhXNEKYKHSa7DqQQ2-

Procedure

I. Prelection

Synchronous: Sisimulan ang klase sa isang dasal bilang paghingi ng gabay sa talakayan. Susundan ito
ng pagbati sa mga mag-aaral, pag-awit at kaunting ehersisyo, gayundin ang pagsusuri kung ang
kanilang mikropono at kamera ay gumagana at ang pinakahuli ang pagpapaalala sa mga mag-aaral na
makibahagi sa talakayan.

II. Lesson Proper

A. Prior Knowledge Check

Asynchronous: Ang mga mag-aaral ay inaasahang sasagutan ang isang aktibidad na makikita sa
kanilang Learning Kit.

Aktibidad: Paghambingin ang dalawang larawan. Lagyan ng ekis (x) ang mga nasa ikalawang larawan
na wala sa unang larawan.
Grade 1/ Araling Panlipunan, SY 2020-2021
Dates and Week # Marso 01-05, 2021, week no. Inihanda ni: Bb. Jesica L. Decalan
Paalala: Ang aktibidad na ito ay isang pagsusuri lamang na magpapakita sa kaalaman ng mga mag-
aaral patungkol sa aralin.

B. Lesson Input/Study Guide

Ang nasabing aralin ay maaaring makita o malaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng


“asynchronous” na pamamaraan. Babasahin muna ng mga mag-aaral ang nakalagay na pahina sa
kanilang aklat at sasagutin ang kanilang maikling gawain upang malaman kung naintindihan ba ng
mag-aaral ang kanilang binasa.

Aklat:Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1 (Ikalawang Edisyon) Pahina 214-223

Aktibidad: Paghahambing sa alituntunin ng paaralan sa kuwento at sa alituntunin ng ating paaralan. Ang mga
mag-aaral ay magbibigay ng ilang alituntunin sa kasalukuyang paaralan.

III. Evaluation
• Pagsagot sa mga gabay na tanong (20 puntos)
1. Ano ang alituntunin?
2. Bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng paaralan?
3. Magbigay ng ilang alituntunin ng iyong paaralan.
4. Ano-ano ang mga maaaring maging epekto ng di pagsunod sa mga atituntunin ng paaralan?

Pamantayan:
4 – Nasagutan ng mag-aaral ang katanungan ng tama at kumpleto. Ang mag-aaral ay nagpakita ng aplikasyon
ng kanyang natutunan sa pagsagot sa mga tanong
3 – Ang mag-aaral ay sinagot ang katanungan gamit ang kanyang mga natutunan sa aralin. Subalit, hindi
gumamit ng mga salita na maaaring makapagbigay ng kaugnayan sa naturang aralin
2 – Ang mag-aaral ay sinubukan na sagutin ang tanong subalit hindi nagpakita ng pagkaunawa sa aralin
1 – Ang mag-aaral ay nagsabi na hindi niya kayang sagutin ang tanong.

IV. Synthesis
Ang alituntunin ay mga regulasyon na dapat sundin o gawin. May mga alituntunin ang ating
paaralan. Ang mga ito ay sinusunod para sa kabutihan ng lahat. Sinusunod din ang mga alituntunin
upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito sa
pagpapanatili ng mabuting samahan ng mga mag-aaral sa kanilang guro at sa kanilang kapwa kamag-
aral.

You might also like