You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN

Week:
Day:

4
1

Date: June 22, 2015


Time: ___________

I. Layunin
1. Nailalarawan at naiguguhit ang pansariling kagustuhan tulad ng paboritong kulay, damit, laruan ,
pagkain sa paggawa ng collage
2. Naibabahagi sa iba ang natapos na gawain
II.

Paksang Aralin
Aralin 1.4:
Ang Aking Paboritong Bagay
Sanggunian: Gabay a kurikulum ng k to 12 p. 6
Teachers Guide pah. 27-28
Learners Materials pah. 28-29
Kagamitan: lumang magazine, dyaryo, gunting, pandikit, malinis na papel at halimbawa ng isang
collage
Pagpapahalaga: pagmamalaki sa paboritong bagay

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano-ano ang pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay?
2. Pagganyak
Itanong:
May mga paborito ba kayong bagay? ( Pagtatanong ng halimbawa ng mga paborito nilang
mga bagay gaya ng pagkain, kulay, damit at iba pa)
3. Pag-isipan
Anu-ano ang paborito ko?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagpapakita ng isang halimbawa ng collage. ( Maaaring ang collage ay tungkol sa paboritong
bagay ng guro)
2. Paggawa ng Gawain I(learners materials p.28-29)
1. Talakayan
a. Sabihin na ang gagawin nila ay collage (ipaliwanag ang konsepto ng collage)
b. Hikayatin ang bawat mag-aaral na ibahagi sa klase ang natapos nilang collage.
C. Pagsasanay
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay paborito mong pagkain at malungkot na
mukha naman kung hindi.
1. Mansanas

____

2. Pisara

______ 3. Bulaklak

_____

4.bukid
_______
5. Cake
________
D. Paglalahat
Ano ang tawag natin sa mga bagy na gusting-gusto nating laging kinakain o ginagamit?
E.Pagpapahalaga
Ano ang dapat natin Gawain sa ating paborito?
IV.

V.

Pagtataya
Itaas ang inyong kamay kung paborito ninyo at ipadyak ang paa kung hindi.
1. Lechon
2. Kulay pula
3. Bola
4. Rosas
Takdang-aralin
Iguhit o gumupit ng mga paborito mong prutas o gulay. Idikit ito sa kwaderno.

5. Gulay

ARALING PANLIPUNAN
Week:
Day:

4
2

Date: June 23, 2015


Time: ___________

I.
Layunin
1. Naiisa-isa ang mga paboritong pagkain
2. Nasasabi ang kanilang paboritong ay nagpapakilala ng kanilang sarili
II.

Paksang Aralin
Aralin 1.4:
Ang Aking Paboritong Bagay
Sanggunian: Gabay a kurikulum ng k to 12 p. 6
Teachers Guide pah. 29-32
Learners Materials pah. 30
Kagamitan: kuwento Gusto ko ng Pansit
Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa magulang

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang tawag sa ginawa natin kahapon, yng mga larawang pinagdikit-dikit natin?
2. Pagganyak
Magpapahula ang guro:
1. Ito ay ang madalas iluto ni nanay kapag kaarawan natin.
2. Ulam sa umaga, tanghalian puwede rin sa gabi mabango kapag ipinipirito ni nanay, yari
ito sa karne ng baboy puwedeng matamis o maalat, masarap itong isawsaw sa kamatis.
(longganisa)
3. Ito pagkaing intsik, may palamang karne ito sa loob sa toyo ito isinasawsaw, itoy kulay
puti, masrap imeryenda (soimai)
Nais ba ninyo makarinig ng kuwento tungkol sa mga ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagbasa ng kuwentong Gusto ko ng Pansit Ngayon
2. Pagtatalakay
Itanong:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Anu-ano ang nagging paboritong pagkain ni Dingding?
Tuwing kalian niya ito kinakain?
Bakit kaya nagging paborito niya ito?
Anong aral ang nakuha ninyo mula sa kuwento?
Ikaw, ano naman ang paborito mong pagkain?
Nakikilala batayo ng ibang tao base o sa pamamagitan ng ating mga paborito?
C. Pagsasanay
Lagyan ng tsek kung tama at ekis naman kung mali.
_______1. Puro pansit lamang ang kainin.
_______2. Lahat lang ng paborito ang kinakain.
_______3. Dapat kumain ng prutas at gulay.
_______4. Dapat kainin ang pagkaing inihanda ni nanay.
_______5. Puro softdrinks lamang ang inumin.
D. Paglalahat
Anu-ano ang paborito mong pagkain?
E. Pagpapahalaga
Dapat ba nating pahalagahan ang ginagawang paghihirap ni nanay sa pagluluto ng pagkain?
Paano?
IV.
Pagtataya
Hanapin sa grupo ng pagkain ang iyong paborito mong pagkain.
V.

Takdang-aralin
Gumuhit ng mga paborito mong pagkain na nakapaikot sa larawan mo.

ARALING PANLIPUNAN
Week:
Day:

4
3

Date: June 24, 2015


Time: ___________

I.
Layunin
1. Naiguguhit ang paborito nilang pagkain
2. Nasasabi kung bakit ito ang kanilang paborito
II.

Paksang Aralin
Aralin 1.4:
Ang Aking Paboritong Bagay
Sanggunian: Gabay a kurikulum ng k to 12 p. 6
Teachers Guide pah. 33-34
Learners Materials pah. 31-32
Kagamitan: papel, krayola
Pagpapahalaga: pagpapahalaga sa ibang pagkain maliban sa paborito

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pag-awit
Watermelon
2. Pagganyak
Anu-ano ang paborito mong pagkain?
Bakit ito ang mga paborito mong pagkain?
B. Panlinang na Gawain
1. Paggawa ng activity p. 31-32
2. Pagtatalakay
Itanong:
b. Anu-ano ang mga pagkaing iginuhit mo?
c. Bakit ito ang napili mong pagkain?
(Hayaang makibahagi ang mga bata tungkol sa kanilang iginuhit)
C. Pagsasanay
Kulayan ng berde ang paborito mong pagkain at pula naman ang hindi.
D. Pagpapahalaga
Ang mga paborito lang ba nating pagkain ang dapat kainin?
IV.
Pagtataya
Isulat ang T kung tama at M naman kung mali.
_______1. Dapat kumain ng ibat-ibang gulay upang lumaking malusog.
_______2. Baboy at manok lamang ang dapat na kainin.
_______3. Ang gatas ay nakapagpapalakas ng katawan.
_______4. Laging hotdog ang hinging ulam kay nanay.
_______5. Ang pag-inom ng softdrink ay mainam sa katawan.
V.

Takdang-aralin
Magdala ng paboritong ulam, aklat o damit.

ARALING PANLIPUNAN
Week:
Day:

4
4

Date: June 25, 2015


Time: ___________

I.
Layunin
1.Naisasagaw ang paboritong Gawain sa araw-araw sa pamamagitan ng larong charades.
2. Nakapagpapakita ng isang presentasyon tungkol sa mga paborito nilang gawain
II. Paksang Aralin
Aralin 1.4:
Ang Aking Paboritong Bagay
Sanggunian: Gabay a kurikulum ng k to 12 p. 6
Teachers Guide pah. 35
Learners Materials pah. 34-35
Kagamitan: aklat, laruan at damit
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa mga paborito
III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Hayaang ilarawan at sabihin ng mga bata kung ano ang mga bagay na dinala nila at kung bakit
paborito nila ang mga ito. (aklat, damit at laruan)
2. Pagganyak
Hulaan ang gagawin ko. (nagluluto, naglalaba, nagtuturo, sumasayaw, kumakanta at iba pa)
B. Panlinang na Gawain
1.Paggawa ng activity 5 Laerners Materials p.34-35
2. Pagkatapos ng laro
Pagsama-samahin ang mga batang may magkakatulad ng paboritong Gawain. Hayaang gumawa
sila ng maikling presentasyon kung saan maipapakita ang paboritong gawain.
3. Bigyang diin na ang bawat bata ay may kani-kaniyang paboritong bagay, Gawain at pagkain .
Ang mga ito ang nagpapakilala sa iyo bilang natatanging bata.
C. Pagsasanay
Iguhit ang masayang mukha

kung naisasagawa mo ng maayos ang gawain at

mukha kung hindi.


______1. Naisasagawa ko ng maayos ang aking gawain.
______2. Nakikiisa ako sa aking mag-aaral.
______3. Nakasusunod ako sa aking mag-aaral.
______4. Naipagmalaki ko ang aking paboritong gawain.
______5. Pinagtatawanan ko ang aking mga kamag-aral.

malungkot na

ARALING PANLIPUNAN
Week:
Day:

4
5

Date: June 26, 2015


Time: ___________

I. Layunin
1. nakakapagbigay ng mga panlinang na gawain upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral na
matandaan ang mga aralin at kakayahang natutuhan
II. Paksang Aralin
Pagbibigay ng mga Panlinang na Gawain
Sanggunian: Gabay a kurikulum ng k to 12 p. 6
Teachers Guide p. 27-35
Learners Materials p. 29-35
Kagamitan:
papel, lapis at pambura
Pagpapahalaga: katapatan
III.Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1.Pag-awit
2. Pagbabalik-aral
3. Paghahanda ng mga gagamitin sa gawain
B. Pagbibigay ng Pagsasanay
C. Pagtatama ng pagsasanay
IV. Pagtataya
Pinakamataas na iskor:
Pinakamababang iskor:
V.Takdang-aralin
Remedial Teaching

ARALING PANLIPUNAN
Pangalan: _____________________________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________
I.

Iskor: ____________
Petsa: ____________

Panuto: Isulat ang mga impormasyon na hinihingi sa mga sumusunod:

1.Ano ang pangalan mo?


_________________________________________________________________
2. Ilang taon ka na?
__________________________________________________________________
3.Saan ka nakatira?
__________________________________________________________________
4.Kailan ang kaarawan mo?
_________________________________________________________________
II.

Iguhit ang masayang mukha kung tama ang pahayag at malungkot na mukha naman kung
malungkot.

______1. Naipagmamalaki ko ang aking sarili.


______2. Napahahalagahan ko ang aking sarili.
______3. Hindi ako nakikiisa kapag mayroong pangkatang gawain.
______4. Bawat bata ay may pisikal na katangian na naiiba sa kanyang kamag-aral.
______5. Magkakamukha ang thumb print ng lahat ng tao.
______6. Iisa ang damdamin ng bawat tao sa lahat ng pangyayari.

You might also like