You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
I. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali
ang isinasaad ng bawat pangungusap.
1. Kayang-kayang matapos ang isang gawain kung magtutulong-tulong at magkakaisa.
2. Kailangang pahalagahan ang mga matatanda at may kapansanan kahit sa pagbibigay ng
mauupuan man lamang.
3. Iisipin lamang palagi ang sariling kapakanan.
4. Maging mapagparaya alang-alang sa kapakanan ng iba.
5. Ugaliing isaalang-alang ang kapakanan ng may kapansanan sa lath ng pagkakataon.
6. Ibahagi ang pagkain sa mga kamag-anak o kapwa na walang pagkain.
7. Maghintay ng kapalit sa tuwing magbibigay ng tulong sa iba.
8. Ipadama ang bukal sa kaloobang pagtulong sa kapwa.
9. Kinalulugdan ng Diyos ang mga nagkakawang gawa.
10. Ang pagpaparaya sa kapwa ay nagdudulot ng kasiyahandi lamang sa iba kundi pati na rin sa
sarili.
11. Pinagkalooban tayo ng Diyos ng talino upang gamitin ng wasto.
12. Ibahagi ang talino sa iba.
13. Gamitin ang talino upang makapnlamang sa kapwa.
14. Ipagwalang bahala ang mga nangyayari sa kapaligiran.
15. Balewalain ang mga taong nasalanta ng bagyo sa dahilang ikaw ay binagyo din.
16. Tuksuhin ang kamag-aaral na nawalan ng tirahan.
17. Panatilihin ang pagmamalasakit sa kapwa.
18. Ibigay ang tulong sa sinumang nangangailangan.
19. Manalig sa Diyos sa lahat ng oras at pagkakataon.
20. Iwasan ang makapgbitiw ng masasakit na mga salita.
II. Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titikng tamang sagot.
21. Pauupuin mo ba agad ang matandang sumakay sa bus na marami ng sakay? Bakit?
A. OO, bilang paggalang
B. OO, dahil isa akong boyscout
C. HINDI, dahil nagbayad din ako.
D. Hindi, dahil sumakay siya sa sikip
22. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang Tama?
A. Kailangang pahalagahan ang matatanda at may kapansanan.
B. Ang mga matatanda at may kapansanan ay hindi dapat lumalabas sa bahay.
C. Ang mga bus, sinehan at mall ay dapat para lamang sa mga normal na tao lamang.
D. Dapat maglagay ng No Trespassing sign para sa mga matatanda at may kapansanan
sa mga pampublikong lugar.
23. Nakita mo ang isang bata na nadapa at nasaktan sa gilid ng kalsada. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Tawagin ang pulis.
B. Pagalitan ang bata.
C. Huwag pansinin ang bata.
D. Tulungang tumayo ang bata.

24. Oras na ng inyong recess at napansin mo ang iyong kaklase na walang baon. May dala kang
tinapay at juice. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pagtatawanan ko siya.
B. Magtatago ako habang kumakain.
C. Hahatian ko siya ng baon ko.
D. Bibigyan ko siya kung may natira sa baon ko.
25. Nabalitaan mong nasunugan ang kakalse mo. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong
gawin?
A. Bibigyan ko siya ng pagkain.
B. Ibibigay ko ang mga luma kong damit.
C. Pupuntahan ko siya at dadamayan. D. Lahat ng nabanggit.
26. Alin sa mga sumusunod ang maaari nating gawin bilang pagtulong sa kapwa?
A. Ipagdasal ang mga nasalanta ng bagyo at lindol.
B. Mangalap ng tulong upang dumami sang donasyon sa mga biktima.
C. Ipunin ang mga lumang damit at ibigay sa mga nasalanta ng bagyo at lindol.
D. Mayamot sa mga biktima na nanghihingi ng mga pagkain , damit at iba pang
pangangailangan.
27.Bilang isang mag-aaral, paano mo mababawasan ang hirap ng trabaho o gawain ng isang
kaminero?
A. Daanan ang lugar na winwalisan nila.
B. Magtapon ng basura sa lansangan
C. Pagmamasdan sila habang nagtatrabaho sa kalsada.
D. Ilagay ang basura sa bag o plastik kung walang basurahan sa kalye.
28. Si Lucita ay isa sa pinakamayaman sa kanilang lugar. Nagpatayo siya ng klinika para sa mga
taong lansangan na may malubhang karamdaman at paaralan para sa mga batang
lansangan. Ano ang ugali na mayroon siya?
A. Mayabang
B. Matalino
C. Mapamaraan
D. Matulungin
29. Alin samga sumusunod ang nagpapakita ng kaaya-ayang ugali?
A. Pas-iwas sa mahirap na kaklase.
B. Pagbibigay ng tulong sa nangangailanagn.
C. Pagdaramot ng pagkain sa mga batang namamalimos.
D. Pagmamalaki sa mga bago at mamahaling kagamitan sa bahay.
30. Nabalitaan mong may mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamut sa iyong kapit-bahay. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Isumbong sila sa kinauukulan.
B.Gumamit na din ng ipinagbabaal na gamut
C. Itanong kung saan sila bumibili nito.
D. Huwag na lamang pansinin ang nangyayare.
31. Nakita mo ang isang pulis na nakatayo sa gitna ng kalsada at inaayos ang nagbuhol buhol na
trapiko. Nagmamadali ka at mahuhuli ka na sa iyong klase. Ano ang gagawin mo?
A. Tatawid sa kalsada kahit maraming sasakyan.
B. Hihintaying tumalikod ang pulis at saka tatawid nang mabilis.
C. Hihintayin ko na sumenyas ang pulis upang ako ay makatawid nang ligtas.
D. Papagalitan ko ang pulis dahil sa mabagal nitong pag-aayos ng trapiko.
32.Alin sa mga sumusunod ang lumalabag sa batas na ipinaiiral ng pamahalaan?
A. Pagtigil sa tahanan sa oras ng curfew.
B. pang-aabuso sa mga bata.
C. Pagbabasketbol.

D. Lahat ng nabanggit
33. Ang mga sumusunod ay pagtupad sa tuntunin at batas na ipinaiiral ng pamahalaan maliban
sa isa. Alin ito?
A. Paglahok sa programa ng pamahalaan.
B. Pagpaparehistro sa takdang araw kung eleksyon.
C. Paggamit ng dolyar bilang bayad sa pamasahe.
D. Pang-aabuso sa mga kasambahay na taga malayong lugar.
34. Inatasan kang pangasiwaan ang inyong grupo na gumawa ng isang proyekto. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Siraan ang kagrupo.
B. Utusan ang kagrupo
C. Ikaw na lamang ang gumawa
D. Hikayatin ang bawat myembro na magtulungan
35. Nanawagan ang kapitan ng inyong barangay na tumulong ang lahat sa pagpapanatili ng
kalinisan upang masugpo ang paglaganap ng Dengue sa inyong lugar. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Makiisa at tumulong
B. Huwag makisali sa proyekto.
C. Ipagwalang bahala ang panawagan D.Pagtawanan ang proyekto ng kapitan.
III. Punan ang bawat patlang ng wastong salita upang mabuo ang bawat pahayag.
36. Ang masamang bisyo ay __________________ sa ating kalusugan.
37 Ang _______________ sa atin ng mga magulang ay dapat pahalagahan.
38. Sa droga, buhay mo ay laging_____________.
39.________________ ang batas na ipinaiiral ng pamahalaan.
40.Matulungan upang ang hinahangad na ________________ ay makamtan.
IV. Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na kalagayan? (2 puntos)
A. Nahuli mo ang kamg-aaral mo na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
B. Nakita mo ang grupo ng kabataan sa inyong barangay na nanunuod sa isang tagong lugar ng
malalaswang panuorin sa cellphone.
C. Nagpatupad ng curfew sa inyong barangay mula 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.
D. Ginawa kang lider ng iyong guro sa isang grupo upang ayusin ang proyekto ng inyong klase
tungkol sa pag-re-recycle.

You might also like