You are on page 1of 14

PAGKILALA

SA SARILI
Matapos ang aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
 Naipapakilala ang sarili gamit ang iyong pangalan, edad, tirahan, kaarawan, pangalan ng
magulang at nasyonalidad
 Nailalarawan ang mga natatanging katangian.
 Napapahalagahan ang mga katangian ng pagiging isang Pilipino
Ano ang sasabihin mo sa
mga bago mong
kaibigan? Paano mo
ipakikilala ang iyong
sarili?
Katangian: naglalarawan ng pisikal na
anyo, kakayahan o ugali 
Edad: bilang ng taon mula ng ikaw ay
ipinanganak
Tirahan: kung saan ka nakatira
Nasyonalidad: Nagsasabi kung saang
lahi o bansa ka nagmula
Tuwing ipinakikilala natin ang sarili,
mahalagang sabihin natin ang ating
pangalan at ang ibang impormasyon tulad
ng edad, kaarawan, tirahan, pangalan ng
mga magulang at nasyonalidad natin. 
Ang mga taong naninirahan sa Pilipinas ay
tinatawag na Pilipino. Ito ay ang ating
nasyonalidad.
 Kung sa Pilipinas ka ipinanganak, ikaw ay isang
Pilipino. Kung ang mga magulang mo ay Pilipino,
ikaw ay isa ring Pilipino. Bilang isang Pilipino,
tayo ay may mga natatatanging anyo at ugali na
kakaiba sa ibang lahi.
Katangian ng
mga Pilipino
• Tayo ay palakaibigan at masayahin. 

• Mahilig tayong magsalu-salo, magkantahan, at


magbiruan kasama ang ating mga kaibigan at
kamag-anak.
• Kilala din tayo sa pagiging maasikaso sa bisita at
magalang sa nakatatanda.
Mahalagang alam mo ang iyong pangalan, edad at
kaarawan, tirahan, pangalan ng iyong magulang,
nasyonalidad, at ang iyong mga katangian.
Magagamit mo ito upang maipakilala mo ang iyong
sarili sa mga kaibigan at kaklase.

Bilang isang Pilipino, tayo ay may pisikal na anyo at


mga katangian na katangi-tangi sa ibang lahi. 
Pagtatapos ng Aralin 1 

You might also like