You are on page 1of 1

Ang Pagiging Pilipino

Ang kwento na ito ay pumapatungkol sa kaugalian ng mga Pilipino ditto sa


Pilipinas.Madami klase ng kaugalian ang mayroon tayo tulad ng
pananalita,pananamit at ugali.Kilala tayong mga Pilipino saan mang panig
ng mundo dahil sa ating pagiging masipag at masikap sa buhay.Tara na at
iisa isahin natin ang mga ugali at katangian ng mga Pilipino.Simulan natin
sa mga ugali ng mga Pinoy.Ito-ito ay ang pakikipagkapwa-tao,pagiging
malapit sa pamilya,pakikibagay sa sitwasyon,mananampalataya o
relihiyoso,matibay at malakas.Malaki ang pinagkaiba natin sa ibang mga
tao sa ibang bansa.Tulad ng isang Overseas Filipino Workers sa ibang
bansa ganitong ugali ang ipinapakita nila dahil kung hindi sila makikibagay
sa kaugalian nila ay tiyak na maaaring mapahamak sila.Tayong mga pinoy
ay kilala sa pagiging palaban,matibay at malakas hindi tayo basta basta
magpapatalo sa iba.Ang ating pakikipag kapwa ay talaga naming di
matatawaran dahil sa tayo ay mabait kapag makikipagkilala sa
iba.Madaming bagay pa ang maaring ugali ang mayroon tayo.Tulad ng
kapag nagkita ang mga Pilipino sa ibang bansa para bang magkakilala
talaga sila kung magkwentuhan.
Sa katangian ng mga Pilipino at Pilipina kung saan tayo mas nakilala dahil
sa hindi matatawaran na magagandang binibini at mga maginoo na
lalaki.Madalas na kapag nakakita tayo ng kayumanggi ang kulay ay
malalaman mo na Pilipino talaga ito. Ang mga Pilipinong nangakatira sa
iba’t ibang bansa sa mundo ay hinahangaan dahil sa pagtataglay ng
maraming kaugalian na nakatutulong sa kanila upang mapagtagumpayan
ang mga pagsubok sa buhay, para lumutang ang pambihirang katangiang
ito sa ibang bansa: Pagbabayanihan, pagtutulungan, pagtanaw ng utang
na loob, pagtitiwala sa sariling kakayahan, mahusay na ugali sa trabaho,
mabuting pakikitungo sa kapwa, pagiging marespeto, pagiging relihiyoso,
pagkakaroon ng tiyaga at sipag, madaling makibagay sa pagkakataon at
pagiging malikhain.

You might also like