You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI WEST DISTRICT
NANCAMARINAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

TEACHER: LARA MELISSA E. CHANCHICO DATE: OCTOBER , 2019


LEVEL: GRADE 1 – MASUNURIN TIME:

DETAILED LESSON PLAN IN ESP (Day 1)


I. Layunin:
- Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng
tahanan para sa mabuting kalusugan.

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran


Aralin 1: Pag-iwas sa Pagkakalat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Edukasyon sa Pagpapakatao
Teaching Guide ____
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 10
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

TEACHERS ACTIVITY PUPILS ACTIVITY


A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Itambal ang larawan sa tamang ngalan
ng bagay .
Larawan Salita
walis
panlampaso
bunot
daspan
floorwax
2. Pagganyak:
Itanong: Tumutulong ba kayo sa
paglilinis ng inyong tahanan? Paano?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Iparinig/Ipabasa ang kuwento:
Huli Kayo!
Si Lena ay naglilinis ng bahay.
Nagwawalis siya ng silid-tulugan.
Inaayos din niya ang mga
kasangkapan sa silid. Winawalisan
din niya ang ilalim ng kama at
upuan. Nililinis din niya ang mga
sulok na hindi nakikita. Iyong mga
nakatagong dumi, alikabok ay
winalis niya. Inipon niya sa isang
lugar ang mga dumi at kalat na
nakuha.
“Huli kayo!” Sama-sama na kayo
ngayong matatapon!” ang wika ni
Lena at inilagay ang mga dumi at
kalat sa plastic bag sa tulong ng walis
at pandakot. Pagkatapos ay itinapon
sa basurahan.

2. Pagtalakay:
a. Paano nagiging maayos at
malinis ang tahanan?
b. Bakit kailangang linisin ang ating
bahay?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mapapanatili na malinis at
maayos ang ating tahanan?
Tandaan:
Sa loob ng bahay
At kahit saan man
Iwasang magkalat
Pagkat iyon ay bawal.

2. Paglalapat
Iguhit ang mga kagamitan sa
paglilinis ng ating tahanan. Kulayan ang
mga ito.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Wala kang pasok sa paaralan. Paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan ng inyong tahanan?

V. Takdang-aralin
Lutasin:
Naglalampaso ng sahig ang ate ni Joan.
Si Joan naman ay doon pa naglaro at nagpatalbog ng kanyang bola sa lugar na
nililinis ng ate niya.
Tama ba ang kanyang ginawa
Sa iyong palagay nakakatulong ba siya sa ginagawa niya? Bakit?

Gng. Lara Melissa E. Chanchico


Naobserbahan na Guro

Inobserbahan ni:
___________________

You might also like