You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

4
Kagawaran ng Edukasyon
R ehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagami tan sa Pinatnubayan g
Kasanayang Pa mpa gkatuto
Pag gamit ng m ga Uri ng P angungusap
sa P agsasalaysay ng K aranasan
Ika apat na Markahan – Ikalawang Linggo
(Aralin 1 )
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay ng Karanasan
Ikaapat na Markahan – Ikalawang Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kagamitan sa


Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Edlyn A. Olegario Editor: Janet P. Ducos


Tagasuri: Marie Ann Ligsay PhD
Mary Claire Esguera
Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit/ Taga-anyo: Mateo Molina
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD,CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
Pagtalakay sa Paksa
Panuto: Basahin at unawain ang teksto.

Sa Oras ng Pangangailangan
ni Edlyn A. Olegario, San Miguel ES

Makulimlim ang paligid. Lumalakas ang ihip ng hangin.


Nagsasayawan ang mga puno sa paligid. Ang makapal na ulap ay
nagbabadyang bumagsak anomang oras.
“Naku! Tila uulan. Kailangan ko nang makauwi bago pa
bumagsak ang ulan,” ang pagmamadali ni Ferdie. Malapit na
siya sa kanilang bahay nang biglang bumuhos ang malakas na
ulan.
“Anak, mabuti na lamang at nakauwi ka na,” ang sabi ni
Aling Belen sa kanyang anak.
Lumalakas ang buhos ng ulan. Ang mga bubong ng bahay
ay nagkakalampagan.
“Huwag kayong lalabas, baka matamaan kayo ng mga
nagliliparang mga yero,” babala ni Mang Bert sa kanyang mag-
ina. Patuloy na lumalakas ang ulan. Talim ng kidlat at
dagundong ng kulog ang naririnig ng mga tao. Walang ano-ano
ay may narinig na sigaw sina Mang Bert at Aling Belen.

1|Pahina
“Sino ang mga sumisigaw?” tanong ni Aling Belen.
“Tila galing sa ating kapitbahay,” ang sagot ni Mang Bert.
Sumilip ng bahagya sa bintana si Ferdie.
“Inay, si Aling Vergie ang sumisigaw,” ani Ferdie. “Tila
humihingi sila ng tulong.”
“Tulong! Ang bubong namin ay nailipad,” ang sigaw ni Aling
Vergie.
Dali-daling lumabas si Mang Bert upang tulungan sina
Aling Vergie. Dala-dala ang malaking payong, isa-isang pinatuloy
ni Mang Bert ang mag-anak sa kanilang bahay.
“Kung maaari, dumito muna kayo sa aming bahay, ligtas
kayo dito,” ang sabi ni Aling Belen.
“Anak, pakisara mo ang pinto,” ang sabi ni Aling Belen kay
Ferdie
“Tuloy po kayo sa aming bahay,” ang pag aalok ni Ferdie.
“Ferdie, pakikuha mo ang tuwalya sa ating silid,” ang
pakiusap ni Aling Belen sa kanyang anak. Ibinigay ni Aling Belen
ang tuwalya kay Aling Vergie dahil ito ay nabasa ng ulan.

2|Pahina
“Punasan mo ang iyong katawan,” ang sabi ni Aling Belen kay
Aling Vergie.
“Maraming salamat Belen,” ang tugon ni Aling Vergie.
Nasira ng bagyo ang bahay nina Aling Vergie. Nilipad nito
ang bubong ng kanilang bahay.
Kinabukasan, humupa na ang bagyo. Inayos nina Mang
Bert at Ferdie ang bahay nina Aling Vergie. Laking pasasalamat
ni Aling Vergie sa pamilya ni Mang Bert. Tuwang-tuwa naman si
Ferdie sa ginawa ng kanyang mga magulang. Sa oras ng
pangangailangan may mga taong handang tumulong at
maaasahan.

Pamatnubay na tanong
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang nangyari sa bahay nina Aling Vergie?
3. Paano tinulungan ng pamilya ni Ferdie sina Aling Vergie?
4. Kung ikaw si Ferdie, tutulungan mo rin ba sina Aling
Vergie? Bakit?
5. Ano ang dapat gawin kung may mga taong
nangangailangan ng tulong?

3|Pahina
Nasagot mo ba nang tama ang mga
tanong? Sa araling ito magagamit mo
ang mga uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng mga sitwasyon .
Matutu tu han mo rin kung paano
maglahad ng iyong sariling karanasan .

Basahin mo ang mga pangungusap mula sa binasang


teksto. Ito ay mga uri ng pangungusap na ginamit upang
isalaysay ang mga pangyayari o karanasan sa teksto.
1. Naku! Tila uulan.
2. Lumalakas ang buhos ng ulan.
3. Huwag kayong lumabas, baka matamaan kayo ng mga
nagliliparang yero.
4. Sino ang mga sumisigaw?
5. Tulong! Ang bubong namin nailipad.
6. Kung maaari, dumito muna kayo sa aming bahay.
Ligtas kayo dito.
7. Ferdie, pakikuha mo ang tuwalya sa ating silid.
8. Punasan mo ang iyong katawan.
9. Anak, pakisara mo ang pinto.
10.Tuwang-tuwa si Ferdie sa ginawa ng kanyang
mga magulang.

Tandaan:
May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
Maaaring ito ay nagsasalaysay, nagtatanong, nag-uutos
o nakikiusap at maaaring nagsasaad ng matinding

4|Pahina
damdamin. Ang mga ito ay maaari mong gamitin upang
isalaysay ang iyong karanasan.
Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may
layuning magkuwento ng mga pangyayari. Ito ay isang
pamamaraan upang ipabatid ang mga mahahalagang
pangyayaring may kaugnayan sa ating karanasan. Ang
karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaaring
pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.

Mahalaga sa isang pagsasalaysay na masagot ang mga tanong


na ano, sino, saan at kailan upang higit na maunawaan ng
mambabasa ang teksto.

Ngayong naunawaan mo na kung


paano magsalaysay, handa ka
nang gawin ang mga pagsasanay
upang higit na malinang ang iyong
kaalaman.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang teksto.

5|Pahina
Isang Araw sa Parke
ni Edlyn A. Olegario, San Miguel ES

Araw ng Linggo, walang


pasok ang mga magulang
ni Susan. Napagpasiyahan
nila na mamasyal sa
parke.
“Ihanda mo na ang
ating sasakyan,” ang sabi ni
Aling Minda kay Mang
Fredo.
“Anak pakikuha mo ang susi ng ating sasakyan sa ibabaw
ng mesa,” ang pakiusap ni Mang Fredo kay Susan.
Agad namang sumunod si Susan sa kaniyang ama.
“Saan po tayo pupunta?” ang tanong ni Susan sa kaniyang
ama.
“Mamasyal tayo anak,” ang sagot ni Mang Fredo. Nagtungo
ang mag-anak sa isang parke.
“Inay, itay ang ganda po dito,” ang sabi ni Susan.
“Oo anak, kailangan din nating mamasyal upang
makapagpahinga sa mga gawain,” ang tugon ng kaniyang ama.
Naglakad-lakad ang mag-anak. May mga batang naglalaro
sa palaruan. Pumunta si Susan sa padulasan.
“Wow! Ang gandang maglaro dito,” ang masayang sambit ni
Susan.
Tuwang-tuwa naman ng mag-asawa dahil nakita nilang
masaya ang kanilang anak.
“Halika Susan, magmeryenda muna tayo,” ang tawag ng
kaniyang ina.

6|Pahina
“Ano ba ang gusto mong kainin?” ang tanong ni Aling Minda
kay Susan.
“Gusto ko po ng hotdog at tinapay,” ang sagot ni Susan.
Naglatag ng banig si Mang Fredo. Doon sila naupo at
kumain. Masayang-masaya ang mag-anak habang kumakain.
Nang matapos na silang kumain, iniligpit ni Mang Fredo ang
kanilang gamit. Umikot ikot muna sila sa parke upang tingnan
ang iba pang magagandang tanawin dito. Pagkatapos ay umuwi
na ang mag-anak.

7|Pahina
Panuto: Suriin ang mga pangungusap mula sa tekstong binasa.
Isulat kung anong uri ng pangungusap ang mga ito.
(Pasalaysay, Patanong, Pautos/Pakiusap, Padamdam)

1. Araw ng Linggo, walang pasok ang mga magulang ni Susan.


2. Ihanda mo na ang ating sasakyan.
3. Anak, pakikuha mo ang susi sa ibabaw ng mesa.
4. Saan po tayo pupunta?
5. Nagtungo ang mag-anak sa isang parke.
6. Wow! Ang gandang maglaro dito.
7. Halika Susan, magmeryenda muna tayo.
8. Ano ba ang gusto mo?
9. Naglatag ng banig si Mang Fredo.
10.Masayang-masaya ang mag-anak habang kumakain.

8|Pahina
Pagsusulit

Panuto: Isalaysay ang iyong karanasan gamit ang iba’t ibang uri
ng pangungusap. Pumili ng isa sa mga paksa sa loob ng ulap.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Nanalo sa isang paligsahan


Paglalaro kasama ang kaibigan
Pamamasyal kasama ang pamilya

__

9|Pahina
10 | P a h i n a

You might also like