You are on page 1of 15

5

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa
Pagsasabi ng Ideya sa Isang Isyu
Asignatura – Filipino Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan –Modyul 5: Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi
ng Ideya sa Isang Isyu
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Science City of Muñoz


Tagapamanihala: Dante G. Parungao, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala: Zurex T. Bacay, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: DESIREE JOY U. VERGARA
Editor: EUFEMIA N. CUARESMA
JOHN A. OCAMPO, PhD
Tagasuri: AUGUSTO A. MATEO
BENNEDICK T. VIOLA
Tagaguhit: MARK ANTHONY S. PARAGUISON
Tagalapat: HEDERLYN L. FERRER, PhD
Tagapamahala: LARRY B. ESPIRITU, PhD
AUGUSTO A. MATEO
RODOLFO A. DIZON, PhD
MERCEDITA D. SALDERO
EDWIN T. MANUEL

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pangpaaralang Pansangay ngScience City of Muñoz
Office Address:Brgy. Rizal, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija
Telefax: (044) 806-2192
E-mail Address: munozscience.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan ng


mag-aaral sa mga pamantayan kung kaya’t inaasahang :

1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng ideya sa


isang isyu(F5PS-IIf-12.12)

Magandang Buhay! Kumusta


kaibigan? Ako si Jenny, ang iyong
kasangga na handang gumabay sa iyong
paglalakbay. May mga hinanda akong
gawain sa pagkatuto na makatutulong
upang mas malinang ang iyong
kaalaman sa paggamit ng magagalang na
pananalita sa pagsasabi ng hinaing o
reklamo, pagsasabi ng ideya sa isang
isyu at pagtanggi. Inaasahan ko na
magagawa mo ang sumusunod na
gawain pagkatapos ng ating paglalakbay.

Handa ka na ba? Halika! Simulan


na natin!

Subukin
Kaibigan narito na ang
unang gawain na susukat sa
iyong kaalaman para sa
ating tatalakaying aralin.
Halika na at simulan mo na!

1
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan, piliin ang
pinakaangkop na kasagutan. Isulat ang tamang sagot sa kuwaderno.
___1. Binigyan ka ng regalo ng ninong mo. Ano ang iyong sasabihin sa
kanya?
a. Walang anoman po.
b. Maraming salamat po.
c. Magandang umaga po.
d. Makikiraan po.

___2. Naglalaro kayo ng iyong nakababatang kapatid nang bigla mo siyang


naitulak ng hindi sinasadya. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Mabuti nga sa iyo.
b. Hindi ka kasi nag-iingat eh.
c. Patawad, hindi ko sinasadya.
d. Ano ba naman yan.
___3. Umaga ng Sabado, habang naglilinis ka ng inyong bakuran ay biglang
dumating ang iyong tiyahin. Ano ang gagawin mo?
a. Magtatago sa likod ni nanay kasi nahihiya ako.
b. Tatakbo sa loob ng bahay para hindi ako makita ng aking tiyahin.
c. Magmamano at babati ng magandang umaga po.
d. Diretso sa paglilinis na parang walang nakita.

___4. Linggo ng inyong pagsusulit sa Filipino, nawawala ang bolpen mo,


nakita mo na may isa pang bolpen ang iyong kapatid. Ano ang
sasabihin mo sa kanya upang may magamit kang bolpen?
a. Hoy! Akin na yang balpen.
b. Maaari ko bang mahiram ang iyong balpen?
c. May isa ka pa namang balpen akin na itong isa.
d. Isusumbong kita kay nanay kinuha mo ang balpen ko.

___5. Dumating ang iyong guro na nagdadala ng mga modyul mo, ngunit
wala ang iyong mga magulang. Ano ang iyong gagawin?
a. Magtatago sa loob ng bahay dahil nahihiya ako.
b. Babati sa guro at tatanungin kung ano ang kanyang pakay.
c. Isasara ang bahay at magkukunwaring walang tao.
d. Magkukunwaring walang nakita at narinig.

2
Aralin Paggamit Magagalang na Pananalita

1 sa Pagsasabi ng Hinaing o Reklamo,


Ideya sa Isang Isyu at sa Pagtanggi.

Balikan
Naalala mo pa ba ang
iyong nakaraang aralin?
Narito ang isang gawain
tungkol dito. Handa ka na
ba? Basahin natin ito.

Nobyembre 12, 2020

Malamig ang simoy ng hangin na dumampi sa aking pisngi ng ibukas


ko ang bintana ng aking kuwarto. Makulimlim ang papawirin. Tila ba
mayroong mensahe ang mga ibong pang-umaga na lumilipad paayon sa
hangin sa kaulapan.Agad akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Inay na
isinisinop ang kanyang mga halaman at si tatay naman ay inaayos ang
aming tarangkahan habang nakikinig ng balita sa radyo. Malakas ang
bagyong darating.
Maging ang aming mga kapitbahay ay isinisinop ang mga kahoy na
panggatong at ang ilan ay maagang uuwi raw ng bayan upang bumili ng
mga makakain at ilang bagay bilang paghahanda sa bagyong darating.
Nagtulong-tulong din ang ilan sa mga kalalakihan upang ayusin ang
bubong ni Tiya Meling.
Maya-maya pa ay nagsimulang bumuhos ang ulan.
Kinabahan tuloy akong bigla ng marinig ang malalakas na pagpatak
ng ulan sa aming bubong. Agad akong umusal ng isang panalangin.

3
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang
letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang pinakikitang damdamin ng sumulat sa talaarawan?

a. masaya b. galit c. lungkot d. takot

2. Sino ang nagsisinop ng kanyang mga halaman?

a. Nanay b. ate c. kuya d. lolo at lola

3. Saan ang tagpuan na binabanggit sa kanyang talaarawan?

a. Palengke b. Bahay c. Paaralan d. Parke

4. Ano ang pinagkakaabalahan ng kanyang tatay?


a. mga pagkain c. nagluluto
b. inaayos ang tarangkahan d. nagdidilig

5. Ano ang ginawa ng sumulat ng talaarawan ng nagsimula nang


pumatak ang ulan?
a. kumain c. natulog muli
b. nanalangin d. naglinis

Tuklasin

Wow! Mahusay kaibigan nasagutan


mo ang unang gawain? Nagkaroon ka ba
ng ideya kung tungkol saan ang ating
magiging aralin sa linggong ito? Sa
bahaging ito nais kong basahin mo ang
maikling kuwento tungkol sa isang batang
nagngangalang si Ompong.

4
Si Ompong, Ang Batang Magalang
( ni Desiree Joy U. Vergara )
Bukas ay ang araw ng pagbisita nila Ompong sa kanyang lolo at lola
sa Palayan. Habang abalang nag-aayos ng gamit si Ompong para sa
kanilang pagpunta bukas sa kanyang mga lolo at lola, bigla siyang tinawag
ng kaniyang nanay Dory.
Agad namang lumapit si Ompong sa kaniyang nanay.
“Ompong, iluluto ko na ang paboritong kakanin ng iyong lolo at lola
na ating dadalhin bukas, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para
mailuto ko na habang maaga pa.”
“ Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? Tanong ni Ompong.”
“Bumili ka ng asukal na pula at niyog,” tugon ni nanay Dory kay
Ompong.”
“ Sige po nay!” tugon ni Ompong.
Nagtungo na si Ompong sa tindahang malapit sa kanila, ang tindahan
ni Aling Myrna.
“ Magandang umaga po, Aling Myrna!” bungad ng batang masigla sa
tinderang si Aling Myrna.
“ Magandang umaga rin sa iyo. Ano ang iyong bibilhin?” tanong ni
Aling Myrna.
“Inutusan po ako ni nanay na bumili ng kalahating kilong asukal na
pula at dalawang pirasong niyog.”
“ Magkano po lahat ang babayaran ko?” tanong ni Ompong.
“Tatlumpung piso ang asukal at limampung piso naman ang niyog
kaya lahat-lahat ay walumpung piso,” ang tugon ng nakangiting tindera.
“ Salamat po, Aling Myrna”
“ Walang anuman, Ompong!”
“Uy, Caloy kumusta? Natapos mo na bang sagutan ang iyong modyul?
Hindi pa nga Ompong ang tugon ni Caloy.” Umuwi ka na Caloy tirik na ang
sikat ng araw. Sige ka, baka magkakasakit ka niyan,” paalala ni Ompong sa
kaniyang kaibigan na abalang nagbibisikleta sa daan.
Nang nasa tapat na ng bahay nila si Ompong, napansin niya ang
isang lalaki na tila may hinahanap agad niya itong nilapitan.
“ Magandang umaga po, ang bati ni Ompong sa lalaki. Sino po ang
inyong hinahanap? Ang tanong ni Ompong sa lalaki.

5
“Hinahanap ko kasi ang bahay ni Ginoong Cardo, tagarito raw siya sa
kalyeng ito,” Ang sagot ng lalaki.
“Ako po si Ompong ang anak ni Ginoong Cardo. Ano po ang pangalan
ninyo?”
“Ako si Ginoong Carding ang kumpare ng iyong tatay,” ang
pagpapakilala ng matandang lalaki.
“Kayo po pala ang kumpare ni tatay, kanina pa po niya kayo
hinihintay. Tuloy po kayo! Tatawagin ko lamang po si tatay sa kusina.”
Salamat iho, ang tugon ni Mang Carding.
“Maupo po muna kayo, ang sabi ni Ompong. Tatay nandito na po ang
inyong hinihintay na kumpare.”
Kumuha ng maiinom si Ompong at ibinigay kay Ginoong Carding.
Salamat iho ang tugon ni Ginoong Carding.
“Mapalad kayo pare sa pagkakaroon ng anak na katulad ni Ompong,
isang batang magalang. Ang papuri ni Ginoong Carding.
“Salamat pare, ang sagot ng tatay ni Ompong.”
Nakangiting nagpaalam si Ompong sa dalawa upang tumulong kay
nanay Dory sa pagluluto.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Sino ang batang magalang na binanggit sa kuwento?

a. Caloy b. Jojo c. Ompong d. Pedro

2. Ano ang ginawa ni Ompong nang nakasalubong si Caloy?

a. bumati b. naglaro c. nagtago d. tumakbo

3. Saan nakita ni Ompong si Mang Carding?

a. sa tindahan c. sa loob ng bahay


b. sa tapat ng kanilang bahay d. sa kanto
4. Ano ang ginawa ni Ompong kay Ginoong Carding nang makarating sila sa
bahay?

a. Pinatuloy at binigyan ng maiinum.

b. Iniwan na lang basta at pumunta na kay nanay Dory.

c. Hindi pinapasok at iniwan na lamang.

d. Umalis at nakipaglaro.

6
5. Batay sa kuwentong iyong nabasa, anong kaugaliang Pilipino ang
ipinakita ni Ompong?

a. pagiging magalang c. pagiging matapat

b. pagiging masigasig d. pagiging maka-Diyos

Suriin

Tandaan:
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa tamang
pamamaraan sa paghingi ng pahintulot , angkop na sitwasyon at
pagbibigay ng reaksyon o komento.
Maraming paraan ang pagpapakita ng paggalang. Ito ay ginagamit sa
iba’t ibang pagkakataon tulad ng pagbati, pagtatanong, paghingi ng
pahintulot, pasasalamat at iba pa.
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan.
Sa kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at
paggalang sa kausap. Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at
kung kalian ito ginagamit.

 po, ho, opo (ginagamit sa pagsagot sa tanong o tawag)


 Makikiraan (po) (pakikiraan)
 Salamat (po) (pagpapasalamat)
 Maaari (po) ba? (paghingi ng pahintulot)
 Walang ano man. (pagsasagot sa pasasalamat)
 Magandang umaga/hapon/ (pagbati)
gabi/araw (po)

 Pasensiya na (po) (paghingi ng paumanhin)


 Paki… (paghingi ng pabor o tulong)

7
Pagyamanin

Naunawaan na ba ninyo
mga bata? Madali lang
maging magalang, hindi
ba?

Gawain A.

 Panuto: Punan ng angkop o tamang magagalang na pananalita ang


bawat usapan gamit ang ibinigay na sitwasyon:

Tumawag si Angel sa kanyang nanay. Magpapasundo siya nang maaga


dahil masakit ang kanyang tiyan. Kumain kasi siya ng sorbetes sa labas ng
paaralan.
Nanay: Hello! Sino po sila?
Angel: _____________________________________________
Nanay: Ganoon ba? Ano ba’ng kinain mo at sumakit ang tiyan mo?
Angel: _____________________________________________
Nanay: Sige hintayin mo ako diyan.

Gawain B.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang magagalang na gawain na angkop sa


bawat sitwasyon o isyu na nagpapakita ng paggalang. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ginagawa mo ang mga gawain sa modyul na ipinapagawa ng iyong
guro.
2. Tumutulong ka sa gawaing bahay araw-araw.
3. Sinusunod mo ang utos ng iyong nakatatandang kapatid.
4. Tinatapos mo nang mahinahon ang iniatas na gawain ng iyong nanay.

A. Pagtulong sa matatanda
B. Pagsunod sa utos ng nakatatanda
C. Pagtulong sa magulang
D. Pagsunod sa guro

8
Gawain C
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang teksto. Sagutin ang mga katanungan
sa ibaba.

Ugaling katangi-tangi
(Desiree Joy U. Vergara)
Magandang ugali na ating minana.
Paggalang sa kapwa lalo na sa matatanda.
Ang pagiging magalang na itinuro ng magulang
Pagbigkas ng po at opo Kahit saan mang dako.

Makikiraan po. Maraming salamat


Palaging gamitin sa ating kapwa.
Ating mga kaugalian nararapat igalang
Kultura’t tradisyon na sagisag ng bansa.

Atin ding igalang alaalang naiwan


Ng mga bayani na dangal ng bayan.
Ang ating kailangan respeto po lamang
Nang tayong lahat ay may pagkakaisa.

Ang karapatan nitong mamamayan.


Kung ating igagalang kaguluha’y ating maiiwasan.
Kung ang lahat may paggalang ang kapayapaa’t
Pag-unlad ng bayan. walang dudang makakamtan.

Panuto: Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Anong magandang ugali ang ating minana sa ating mga ninuno?


2. Ano-ano ang bagay na dapat igalang?
3. Bakit dapat tayong maging magalang?
4. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tayo gagamit ng po at opo
sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda o awtoridad?
5. Bilang kabataan, paano mo ipakikita ang paggalang sa kaugalian at mga
tradisyon nating mga Pilipino?

9
Isaisip
Magaling!
Napagtagumpayan 3. mong Ano an
tapusin ang mga naunang ni
paniniwala
gawain. Tiyak na kaya mong
tapusin ang iba pa.
Pagbutihin mong sagutin
ang sumusunod na tanong.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na bilang gamit ang mga kaalamang


natutuhan sa araling ito. Gayahin ang pormat at isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Natutuhan ko sa araling ito na
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Nalaman ko na ang paggamit ng magagalang na salita ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Malaki ang maitutulong sa akin ng paggamit ng magagalang na
pananalita dahil_______________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________

10
Isagawa

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng isang maikling usapan sa iyong kuwaderno, kung
paano mo maipapakita ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo,
gamit ang magagalang na pananalita.
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin

Maganda ang ipinakita


mong tiyaga sa pag- unawa ng
aralin. Ipagpatuloy mo ang sipag
at tiwala sa iyong sarili upang
mapagtagumpayan mong tapusin
ang lahat ng gawain.

Panuto: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot sa bawat pangungusap.


Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Dadaan ka sa gitna ng dalawang nakatatandang nag-uusap. Anong


magalang na pananalita ang gagamitin mo?
a. pakikuha po.
b. makikiraan po.
c. natutuwa po ako.
c. walang ano man po.

2. Sino-sino ang dapat igalang?


a. magulang lamang.
b. kapatid at magulang.
c. nakatatanda at kapuwa.
d. kamag-aral at kapuwa.

11
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita?
a. Para maging matalino.
b. Dahil dito mo nailalabas ang sama ng iyong loob.
c. Dahil kailangan ito sa iyong pakikipagtalo mo.
d. Dahil dito naipakikita ang respeto sa isang tao sa anumang
sitwasyon.

4. Tama bang gumamit ng magalang na pananalita ang isang mag-aaral na


tulad mo?
a. Hindi, dahil ito ay para lamang sa mga matatalino.
b. Hindi, ito ay para lamang sa mga nakatatanda.
c. Oo, dahil ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng paggalang
d. Hindi, dahil aksaya lamang ito ng oras sa pakikipag-usap.

5. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipakikita ang pagiging


magalang?
a. gagamitin ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon.
b. gagamitin ang magagalang na pananalita sa pag sisinungaling.
c. gagamitin ang magagalang na pananalita sa pakikipag talo.
d. gagamitin lamang ang magagalang na pananalita kapag matanda
ang kausap.

12
Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin
Isagawa Gawain A. Subukin
a. Hellow nanay
ako po ito si 1. b
Angel 2. c
b. Wala po 3. c
c. Salamat po
4. b
d. Bye nanay
Gawain B. 5. b
Isaisip 1. D Tuklasin
2. C
3. B 1. c
4. C
Iba iba ang sagot ng 2. a
mga bata Gawain C 3. b
1. Katangi-tangi Ugali 4. a
5. a
2. matatanda

3. Tradisyon, kultua at
Tayahin sagisag
1. b
4. Upang ang bawat-isa
2. c ay magkaisa
3. d
4. c a. wala tayong
paggalang
5. a
b. mawawala ang
magagandang kaugalian
na ipinamana sa atin
ng ating mga ninuno.

Sanggunian
Gary Zambrano, Published on Sep 11, 2013
https://www.slideshare.net/GaryZambrano/magagalang-na-pananalita.
December 05, 2020

Melin Yare, Sep 15, 2020


https://www.youtube.com/watch?v=klSoTKAhmI4. December 04, 2020

13

You might also like