You are on page 1of 11

Pinagsanib na Banghay Aralin sa Filipino at Agham 5

l. Layunin

Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) natutukoy ang sanhi at bunga sa pangyayari;


b) napapahalagahan ang wastong pagtatapon ng basura; at
c) nakakabuo ng pangungusap na may sanhi at bunga.

ll. Paksang Aralin

 Paksa: “Pagtukoy ng Sanhi at Bunga sa Pangyayari”


 Sanggunian: Alab Filipino, p. 84-85,
LM, p. 11-12
 Kagamitan: DLP, laptop, basket, larawan, sobre
 Pagpapahalaga: Pagiging responsable / Pangangalaga ng kapaligiran
 Estratehiya: Explicit teaching

lll. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga pumasok at lumiban
4. Pamantayan
5. Pagsasanay
Sa oras na ito,magkakarooon tayo ng laro. Ang
larong ito ay tinatawag na “Sabihin mo, gagawin
ko”. Papangkatin ko kayo sa dalawang grupo.
Ang hanay sa kanan ang magiging unang
pangkat at tatawagin natin silang pangkat
responsable. Habang ang kaliwang hanay
naman ang magiging ikalawang pangkat at
tatawagin natin silang pangkat tagapangalaga.
Kapag sinabi kong gwapo tatalon kayo ng
tatlong beses. Kapag sinabi ko namang GGSS
isang beses lamang kayo tatalon at kapag
sinabi ko namang pangit tatayo lamang kayo
gamit ang isang paa. Ang grupong may
maraming bilang ng pagkakamali ay
mabibigyan ng parusa ng nanalong grupo. Ang
parusa ay maaring mamumulot sila ng mga
basura dito sa ating silid-aralan o pwede ring
magwawalis sila pagkatapos ng ating klase. Opo titser!
Maliwanag ba mga bata?

Simulan na natin.

B. Panlinang na Gawain
Balik-Aral
Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa
pandiwa. Ito ay ang mga salita na nagsasaad
ng kilos. At upang malaman ko kung may
natutunan kayo sa ating nakaraang talakayan,
magkakaroon tayo ng aktibidad. May lalabas na
timer sa screen at ito ang magiging hudyat
ninyo. Bibigyan ko kayo ng “Entry Pass”.
Isusulat Ninyo dito lahat ng natutunan ninyo sa
nakaraan nating talakayan. Mayroon lamang Maliwanag po titser!
kayong tatlong minuto para gawin ito.
Maliwanag ba mga bata?

Opo titser!
Tapos na
ba ang
lahat?
Ipasa na ang mga papel.
Pagganyak
Ako po titser!/ kami po titser!
1. Sinu-sino dito sa inyo ang mahilig
maglinis sa bahay o di kaya sa
kapaligiran?
Hindi po.
Mabuti kung ganon.
Mahalaga po titser!
2. Itinatapon ba ninyo kung saan-saan ang
inyong mga basura?
3. Mahalaga bang alagaan natin ang
kapaligiran?
C. Paglalahad ng paksa
Pagbasa ng mga layunin
Bago tayo dumako, basahin muna ninyo ang
ating layunin ngayong araw.
Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral
ay inaasahang;
a) natutukoy ang sanhi at bunga sa
pangyayari;
b) napapahalagahan ang wastong
pagtatapon ng basura at;
c) nakakabuo ng pangungusap na may
sanhi at bunga. Meron po.
Pamantayan
May kilala ba kayong taong nangangalaga sa Sa park po.
ating kapaligiran?
Mabuti kung ganon.
Saan ninyo sila kadalasang nakikita?
Magaling! Kadalasan natin silang nakikita sa
ating komunidad upang mapanatili ang
kagandahan ng ating kapaligiran. Ngayon may
isang tagapangasiwa ang nagbigay sa akin ng
malaking sobre. Ang sobre raw na ito ay
naglalaman ng munting paalala na magsisilbing
gabay natin sa ating mga gagawin ngayong
araw. At nais kong tulungan ninyo akong
tingnan isa isa kung anu-ano ang laman ng
malaking sobre sa pamamagitan ng pagpili sa
mga ito.
Pumunta sa harap at sabay-sabay ninyong
basahin ang mga munting paalala na nakasulat
sa munting papel, pagkatapos itong mabuksan
ng inyong mga kaklase.
MUNTING PAALALA
Walis tingting- Makinig
Pandakot - Tingin sa pisara,kamay sa mesa
Kalaykay - Paa sa sahig panatilihing
magkadikit.
MRF - Kung ikaw ay sasagot,itaas ang iyong Opo titser!
kamay isa-isahan at maayos.
Guwantes - Iwasan ang mag-ingay,masakit sa
tenga.
Maaasahan ko ba ang mga ito sa inyo mga
bata?
Paglalahad

BAHA DULOT SA BASURA

Ang May Akda: Blaine Mia Igcasama


Si Henry ay mahilig magrumi sa kapaligiran.
Hindi niya iniisip na masama ang kaniyang
ginagawa. Tapon doon, tapon dito iyan ang lagi
niyang ginagawa araw-araw. Kahit na
pinapagalitan nang kaniyang ina ay hindi pa rin
siya sumusunod nito na huwag magkalat.
Palibhasa’y may katulong silang laging
inuutusang maglinis ng kalat sa loob at sa labas
nang kanilang pamamahay.
Dumating ang panahong kailangang umuwi
ang kanilang kasambahay sa probinsiya at
walang ibang katulong ang pumalit dito. Kaya
obligado si Henry na gawin ang mga utos sa
kanilang pamamahay sa loob o sa labas man.
Isang umaga ipinatapon ng kaniyang ina ang
sako-sakong basura sa may eskinita kung saan
doon kinukuha ng mga basurero ang mga
basura. Ngunit dahil sa pagiging tamad ni
Henry, itinapon niya ito sa likod ng kanilang
bahay kung saan may ilog doon. Hindi alam ng
ina ni Henry ang kaniyang ginawa kaya hindi
siya napagalitan nito. Isang gabi habang si
Henry ay mahimbing na natutulog, napakalakas
na ulan ang humagupit sa kanilang bayan
hanggang sa bumaha. Pumasok sa loob nang
kanilang bahay ang tubig at iba’t-ibang klase
nang mga basura. Nagulantang ang ina ni
Henry sa nangyari. Siya ay nalito kung bakit
may mga basurang nagkalat sa loob ng
kanilang bahay gayong ipinatapon niya na ito.
Kaya pinuntahan niya ang kaniyang anak at
tinanong kung saan nito itinapon ang sako-
sakong basura. Sinabi ni Henry ang
katotohanan na sa ilog niya itinapon ang mga
basura. Kaya nagalit ang kaniyang ina at
sinabihan itong linisin ang basura mag isa.
Napagtanto ni Henry na mali ang kaniyang
ginawa kaya sinabi niya sa sarili na hinding- Baha dulot ng basura
hindi na niya iyon gagawin at magiging Si Henry, ang kanyang ina, at ang
responsable na siya. kasambahay.
Itapon ang sako-sakong basura sa may
Mga tanong: eskinita kung saan doon kinukuha ng mga
basurero ang mga basura.
 Ano ang titulo ng kwento na ating
binasa?
 Sino ang mga tauhan sa kwento?
Hindi po.

 Ano ang ibinilin ng ina ni Henry sa


kanya? Itinapon niya ito sa likod nang kanilang bahay
kung saan may ilog doon.
Hindi po.
 Sinunod ba ni Henry ang bilin ng
kanyang ina? Tamad po siya titser. Hindi niya inaalagaan ang
 Sa halip na sa eskeneta dapat itapon kapaligiran.
ang basura, saan ni Henry itinapon ang
mga ito?

 Makatarungan ba ang ginawa ni Henry?


 Ano ang masasabi ninyo sa inasal ni
Henry?
Pagtatalakay
Batay sa maikling kwentong inyong binasa,
makikitang may kaakibat na epekto ang isang
gawain katulad na lamang ng inasal ni Henry.
Kaya sa araw na ito, pag-aaralan natin ang
tungkol sa sanhi at bunga.
Dahil siya ay mahilig magkalat.
Ngunit bago tayo tumungo dyan, nais ko
munang basahin ninyo ang mga sumusunod na
pangungusap:
1. Si Henry ay mahilig magrumi sa
kapaligiran kaya napapagalitan siya ng
kanyang ina.
Bakit pinapagalitan si Henry?
Dulot ng pagiging marumi ni Henry sa
kapaligiran kaya siya napapagalitan ng kanyang
ina.
Dumako na naman tayo sa pangalawang Hanggang sa bumaha.
pangungusap.
2. Napakalakas na ulan ang humagupit
sa kanilang bayan hanggang sa bumaha. (Ang mga bata ay inaasahang
magboboluntaryo.)
Maari n’yo bang sabihin sakin kung ano ang
bunga sa ibinigay kong pangungusap?
Magaling, mga bata!
Ngayon sa pangatlong halimbawa ng Sanhi: Itinapon ni Henry ang mga basura sa
pangungusap, kailangan ko ng isang ilog
magboboluntaryong sagutin o tukuyin kung
Bunga: hanggang sa bumaha at pumasok sa
saan ang sanhi at bunga sa pangungusap.
loob nang kanilang bahay ang tubig at iba’t-
3. Itinapon ni Henry ang mga basura sa ibang klase nang mga basura.
ilog hanggang sa bumaha at pumasok sa
loob nang kanilang bahay ang tubig at
iba’t-ibang klase nang mga basura.

Mahusay mga bata ang inyong mga sagot ay


tama at sa oras na ito ay aalamin na natin kung
ano nga ba si sanhi at bunga.
Kapag sinabi nating sanhi, ito ay ang
nagbibigay-dahilan o paliwanag sa mga
pangyayari. Ito ay ‘cause’ sa salitang ingles na
na tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari.
Narito ang mga pang ugnay o hudyat na
nagpapahayag ng sanhi o dahilan;

 sapagkat/pagkat
 dahil o dahilan sa
 palibhasa
 kasi
 naging
Kapag sinabi naman nating bunga o effect sa
salitang Ingles, ito ay ang resulta o
kinalalabasan ng pangyayari. Ito ang epekto ng
kadahilanan ng pangyayari.
Narito ang mga pang ugnay o hudyat na
nagpapahayag ng bunga o resulta;

 kaya/kaya naman
 kung o kung kaya
 bunga nito
 tuloy
Halimbawa:
(Kapag nauuna ang sanhi sa pahayag)
 Hindi nag iisip si Henry kaya nang Opo titser.
bumaha,pinasok sila ng mga basura
(Kapag nauuna ang bunga sa pahayag)
 Bumaha dahil sa malakas na ulan.
Naintindihan ba, mga bata?
1. Pinatnubayang Pagsasanay

Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa


angkop na bunga sa kanan. Isulat lamang ang
titik ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

2. Malayang Pagsasanay
3. ISAHANG GAWAIN
Panuto: Tukuyin sa mga nakasalungguhit na
pangungusap ang sanhi at bunga. Isulat sa
patlang ang S kung ito ay sanhi at B naman
kapag ito ay bunga.

_____1. Si Via ay topnotcher dahil nag-aaral


siya ng mabuti sa leksyon.

_____2. Matagumpay na natapos nila Arben


ang kanilang proyekto dahil sila ay
nagtutulungan sa gawain.

_____3. Ang lahat ng mag-aaral ay nakapasa


sa pagsusulit datapwat sila ay nag-
aral ng mabuti.

_____4. Sa panahon ngayon marami na ang


mandurugas kaya marami ring
nabubiktima.
Opo titser!
_____5. Masaya ang pamilya Urmatan dahil
kompleto silang magdiriwang ng
pasko.

Paglalahat
Bunga po titser.
Naintindihan ba mga bata ?
May mga tanong ba kayo ukol sa ating
talakayan? Kung wala na, ako na ang Sanhi
magtatanong sa inyo.
Opo titser.
Ano nga ulit ang tawag kapag ito ay ang resulta
o kinalalabasan ng pangyayari?
Ano naman ang tawag sa tumutukoy sa
pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari?
Naintindihan na ba mga bata?
Pagpapahalaga
Sa ating pang araw-araw na buhay mga bata
madalas tayong nakakaranas ng reyalisasyon
sa mga bagay bagay. Sa huling banda na natin
malalaman na hindi pala mabuti ang naidudulot
ng ating mga gawain.
Katulad na lamang ng mga pangyayari sa ating
binasang kwento. Kapag nagiging Mabuti tayo
sa kapaligiran Mabuti rin ang ganti sa atin nito.
Pero kapag gagayahin ninyo ang inasal ni
Henry sa kwento ay tiyak na pagsisisihan ninyo Hindi po titser.
ang kalalabasan ng iyong ginawa.
Kapag kayo ay tapon nang tapon ng basura
kung saan-saan, sa tingin ninyo matutuwa ba o
magiging mabuti ba ang kalikasan sa inyo o
hindi?
Hindi lang dyan marami pang ibang mga
pangyayari ang pwedeng maging halimbawa Opo titser!
basta ang mahalaga ay laging isa alang alang
ang maayos na sanhi tungo sa maayos na Dahil kung responsable tayo magiging malinis
bunga sa mga pangyayari. ang ating kapaligiran at maka iwas sa mga
insekto. Makakaiwas sa mga sakit. Pati na rin
Mahalaga ba ang pagiging responsable sa sa mga trahedyang dulot ng pagiging marumi
pagtatapon ng basura mga bata? katulad ng pagbaha,bagyo at marami pang
Bakit? pang iba.

Mahusay! Mahalaga ang wastong pagtatapon


ng mga basura upang hindi tayo maparusuhan.
Opo titser!
Uulitin ko magiging maganda ang ganti ng
kalikasan kapag tayo ay mabait sa kalikasan.
Maaasahan ko ba ang mga ito sa inyo kapag
kayo ay gagawa ng isang desisyon para gawin
ang isang bagay?
Mabuti. Lagi nating tandaan at isipin ang mga
iyon mga bata.

Paglalapat
Sa oras na ito, magkakaroon tayo ng pagkatang
gawain. Ang gawaing ito ay tinatawag na
‘AREGLUHIN AKO” . Mayroon akong
inihandang tatlong estasyon, ang bawat
estasyon ay may nakalaang larawan. Ang
gagawin ninyo lamang ay gumawa ng Maliwanag po titser!
pangungusap batay sa larawan gamit ang
hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga.
Kapag kayo ay tapos na, isigaw ninyo ang
pangalan ng inyong pangkat. Bibigyan ko
lamang kayo ng 3 minuto para sa gawaing ito.
Maliwanag ba mga bata?
Ngunit bago ang lahat, narito ang mga
pamantayan ng inyong pangkatang gawain
bilang gabay ninyo.
Rubriks

Puntos
PAMANTAYAN 5 3 1
Mahusa Mahusay Kailang
y -husay an
pang
magsan
ay
Takdang oras
Nilalaman
Kooperasyon
KABUUAN
Pagpapakahulugan:
15 = Naisagawa ang lahat
14-11 =Bahagyang naisagawa
10-6 =Marami-marami ang Hindi
naisagawa
5-1= Kailangan pang Paunlarin
IV. Pagtataya
Exit Pass!
Panuto: Tukuyin sa mga pangungusap kung
alin ang sanhi at bunga. Kapag ito ay sanhi
salungguhitan at bilugan naman kapag ito ay
bunga.

1. Dahil sa malakas na bagyo nasira ang


bubong ng aming kapitbahay.
2. Mahilig kumain ng candy si Ana kaya
sumakit ang kanyang ngipin.
3. Hindi nag-aral si Abeng kaya mababa
ang kanyang iskor sa kanilang
pagsusulit.
4. Dahil sa pagiging responsible ni
Joyce binigyan siya ng regalo ng
kanyang tita.
5. Maraming Nawala na ari-arian ang
Mayor sapagkat naging pabaya ang
kanyang mga security guards.
V. Takdang-Aralin
Mag obserba sa inyong tahanan, maglista ng
mga pangyayari at tukuyin ang mga sanhi at
bunga ng mga kaganapang iyon.
Inihanda nina:
Yusta, Kea
Sedo, Welaa mae,
Jabagat, Nestle Claire

You might also like