You are on page 1of 66

Filipino q3 week 4

Paunang Pagtataya:

Ano ang nais ipinahihiwatig nito ng larawang ito?


Ikatlong Markahan
Week 4
Unang Araw

Layunin
Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng
isang gawain.
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag
ng panghihinayang.
1. Pagsasanay
Isulat ang uri ng pangungusap
a. Nakatulog si Abby habang nagbabasa.
b. Hanapin ang mga nars.
c. Saan ako naroroon?
d. Aba, parang may prusisyo!
e. Sino ka?
2.Balik-aral
Batay sa inyong napanood kahapon, punan ang tsart

Tauhan Tagpuan

Tauhan Tagpuan
3.Mga Gawain
A.Pagganyak
Ipaturo ang kaliwang kamay ng mga bata sa kaliwang
bahagi ng silid-aralan.
Ano-anong mga bagay ang nasa kaliwa mo?
Ipaturo naman ang kanang kamay ng mga bata sa kanang
bahagi ng silid-aralan.
Ano-anong mga bagay ang nasa kanan mo?
Alin sa mga larawang ito? Meron ba sa mga bagay na ito?
B.Paglalahad
Pangkatin ang mga bata sa lima (5)
Ipaguhit sa bawat pangkat ang mapa ng
sariling silid-aralan gamit ang manila paper.
C.Pagtatalakay
Gamit ang mapang nabuo, ipagawa sa bawat pangkat ang
sumusnod:
 Lagyan ng tsek (/) ang pintuan. Kulayan ito ng berde.
 Lagyan ng ekis (X) ang bintana. Guhitan ito ng kurtinang kulay
berde.
 Lagyan ng dalawang guhit ang cabinet ng aklat. Isulat ang
pangalan ng inyong guro sa ibabaw nito at kulayan ng dilaw.
 Lagyan ng pahilis na guhit ang pisara. Isulat din dito ang
ngalan ng paaralan.
Ilahad ng bawat pangkat ang natapos na gawain.
Nagawa ba ng maayos nang bawat pangkat ang mga panutong ibinigay?
Ano ang ginawa ng bawat pangkat upang maayos at wastong masunod
ang mga napakinggang panuto?
Bakit mahalaga ang pagsunod sa panuto?
Kung sakaling liban ka ng araw na ito na naituro ng guro ang
pagsunod sa hakbang sa paggawa ng balulang,ano ang
mararamdaman mo?
Manghihinayang ka ba? Bakit?
Ano-anong mga magagalang na pananalita ang maari mong magamit
upang maipahayag ang iyong panghihinayang?
D.Pagpapayamang Gawain
Basahing mabuti ang panuto.Isagawa ang
ibinigay na panuto.
1. Gumuhit ng maliit na bilog.Pagkatapos ay gumuhit
ng mas malaking bilog sa ilalim ng maliit na bilog at
sa ibabang mabagi ng malaking bilog ay gumawa ng
tuldok at sundan ng pakurbang guhit.Gumuhit ng
maliit na tatsulok sa gitna ng maliit na bilog at sa
magkabilang gilid nito ay gumuhit ng kalahating bilog
E.Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?


Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto?
Ano-ano ang mga magagalang na pananalita na
nagpapahayag ng panghihinayang?
Sa pagsunod sa panuto nararapat na nakinig na mabuti.
Unawain ang isaktong pagsasagawa ng panuto
Isagawa mula sa simula hanggang sa katapusan
I-tsek kung ang nagawa ay tama.
Inutusan ka ng nanay mo na magluto ng
kanin sapagkat mayroon lamang siyang
tinatapos na gawain. Ano ang unang hakbang
na gagawin mo?
IV.Pagtataya
Babasahin ng guro ang panuto. Hayaan ang mga bata
na isagawa ito.
A. Gumuhit ng isang parisukat. Isulat dito ang
BAWAL MAGTAPON NG BASURA
Kulayan ito ng kulay dilaw
B. Gumuhit ng malaking bilog. Sa kanang bahagi nito maglagay
ng maliit na kamay. Sa gitna ng bilog ay isulat ang salitang
HELLO gamit ang malaking titik
Takdang Aralin
Sumipi ng isang recipe muna sa
cook book at ilahad sa klase ang mga
pamamaran na napapaloob dito.

Sumulat ng mga panuto na maaring


isagawa ng iyong mga kamag-aaral.
Ikatlong Markahan
Week 4
Ikalawang Araw

Layunin
Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan
1.Pagsasanay
Ilarawan ang mga sumusunod:
2.Balik-aral
Isulat sa bawat bahagi nito ang mga dapat tandaan sa
pagsunod sa panuto.
Mga Gawain
A.Pagganyak
Itanong: Ilarawan ang tahanang ito. Ano-ano ang mga
ginagawa mo sa tahanan? Ipagawa sa pamamagitan ng pagkilos
ang sagot sa tanong. Paano ninyo isinagawa ang kilos?
B.Paglalahad
1. Kailan ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkakasundo
ng mga Ati o Ita at mga Malayo?
2. Ano ang masasabi mo sa mga Malayo?
3. Paano nila ipinagdiwang ng mga Ati at Malayo ang kanilang
pagkakasundo?
4. Paano sumayaw ang mga Ati-atihan?
5. Ano ang masasabi mo sa kanilang kasuotan?
(Ipatala sa pisara ang bawat sagot.)
Ano-anong salita ang naglalarawan kung paano? kailan?
Taon-taon Masaya magaling
Ano-anong salita ang naglalarawan sa pangngalan?
Kasuotan Malayo

Ano ang tawag sa mga salitang ito?


Basahin ang usapan. Alamin ang mga pang-uri at pang-abay na ginamit
Basahin ang usapan. Alamin ang mga pang-uri at pang-abay na ginamit
D.Pagpapayamang Gawain: Pangkatang gawain
Magtala ng angkop na pang-uri at pang-abay sa mga
sumusunod na larawan.
E.Paglalahat
Ano ang pang-uri?
Ano ang pang-abay?
IV.Pagtataya
Isulat kung pang-uri o pang-abay ang gamit ng mga
salitang may salungguhit.
1. Matibay ang lubid na ginamit ni Ambo.
2. Mahusay sumalo ng bola si Jose.
3. Masayang naglaro ang mga bata.
4. Mapalad ang mga batang Pilipino.
5. Malakas ang ulan kagabi.
V. Takdang Aralin
Bumuo ng limang pangungusap
gamit ang pang-uri at pang-abay. Isulat ito
sa isang buong papel.

Magsaliksk. Gumawa ng talata tungkol sa


taong nagtagumpay sa buhay. Salungguhitan ang
mga pang-uri at bilugan ang mga pang-abay.
Ikatlong Markahan
Week 4
Ikatlong Araw

Layunin:

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar


ayon sa iba’t ibang sitwasyong pinaggamitan.
Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating
karanasan/kaalaman
Nagagamit ang nakalarawang balangkas upang maipakita ng
nakalap na impormasyon
1. Pagsasanay
Isaayos mo ayon sa pagkakasunod-sunod ng
bagong alpabeto. Lagyan ng bilang 1-8
-----------Xerox -----------Karaoke
-----------Radyo -----------Pansit
-----------Alkohol -----------Bangko
-----------Mesa -----------Videoke

Pamilyar ba kayo sa mga salitang ito? Ibigay ang kahulugan.


2. Balik-aral
Magbigay ng mga halimbawa ng pang-uri at
pang-abay. Isulat sa loob ng hugis

Pang-uri
Pang-abay
Mga Gawain
A. Pagganyak

Pamilyar ba kayo sa mga bagay na ito?


Alin sa mga ito ang di ka pamilyar?
Ayusin ang mga titik sa biluhaba na siyang magiging kahulugan

1. Dumatal sa kaniya ang isang napakalaking suliranin na


nagpagulo sa kanilang isipan.
D t n g I a m u
2. Dahil dito, binalak niya na manalangin sa Panginoon
para siya”y gabayan Niya.
I anpolni
3. Nakapagpasya siya na gagawin ang
lahat upang malutas ang problema.
KapgIoaseaIndnsy
4. Itinuturing niyang ang mga
iyo’y susubok sa kanyang 5. Tunay na naging malupit sa
katatagan. kaniya ang kapalaran, ngunit di
kalian man siya bibitiw sa
IakkIIllna kanilang paniniwala. a a m g k b I s
Panaginip

Minsan, napanaginipan ko na ako’y nasa isang


magarang silid. Antigo ang lahat ng gamit dito. May
isang malaking mesa at dalawang silya na yari sa
nara. May babaing nakaupo sa silya. May hawak
siyang abaniko at nakasuot ng magarang bestida.
Mula sa silya, lumapit siya sa bintana at masayang
tinanaw ang kanyang malawak na hardin. Dito
makikita ang iba’t ibang uri ng halaman tulad ng
rosas, gumamela, santan, sampaguita at rosal.
29 Bonifacio St.
Lubao, Pampanga
Setyembre 2, 2016

Dir Ate Lydia,

Tagahanga mo ako, Ate Lydia. Lagi kong binabasa and kolum mo sa Tanglaw.
Magaganda nag mga payo mo sa mga nagpapadala sa iyo ng liham.
Alam mo Ate Lydia, matagal ko nang nais kang sulatan. Tinutukso nga ako sa
klase dahil sa sobrang nipis ng buhok ko. Kita ang anit ko sa sobrang pino ng buhok
ko.. Sabi ng Nanay ko, kinalbo na raw ako noong bata pa para kumapal ang buhok ko,
ngunit nang tumubo ay manipis pa rin.
Ano kaya ang gagawin ko? May gamut kayang pampakapal ng buhok?
sana’y tulungan mo ako, Ate Lydia. Babasahin ko ang mga susunod mong kolum
upang malaman ang iyong kasagutan.
Maraming salamat at dalangin ko ang lalo pang tagumpay ng iyong kolum.

Sumasaiyo,
Eunice Perez
C. Pagtatalakay

Sino kaya si ate Lydia?


Ano ang suliranin ni Eunice?
Ano ang pamilyar na salita?
Magbigay ng mga halimbawa nito batay sa nabasang liham.
Ano ang di pamilyar na salita ang napapaloob sa liham?
di pamilyar na salita?
Ano-ano ang mga maaaring mangyari sa madalas na pagshampoo ng
buhok? sa sobrang init ng hair dryer?
Ano-anong mahahalagang detalye ang iyong natutuhan sa binasa?
D. Pagpapayamang Gawain

1. Pangkatin ang mga sumusunod na salita. Ilagay sa tamang


hanay at ibigay ang kahulugan nito.
Braid pino magulang doktor
curlers marupok kintab pagtangkilik
kanser nababanat produkto

Pamilyar Di- Pamilyar Kahulugan

2. Itala ang mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan


ng balangkas.
Gamitin itong gabay.

E. Paglalahat

Ano natutuhan ninyo sa aralin. Ipakita ang iyong sagot sa


pamamagitan ng isang rap.
F. Paglalapat

Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga


sumusunod na salita.

1.beauty parlor-
2. siopao-
3. kamiseta-
4. underpass-
5. supermarket-
IV. Pagtataya

A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ikahon ang mga


pamilyar at bilugan ang di pamilyar na salita na ginamit sa
pangungusap at ibigay ang kahulugan nito.

1. Sikat na coach ang kanyang ama.


2. Hindi nila nakita ang elepante sa Manila Zoo.
3. Nag-aaral kami ng computer
4. Madalas kaming maglaro ng video game.
5. May videoke ba roon?
V.Takdang Aralin

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.


1. debut
2. keyk
3.imbitasyon
4.kard
5.bestida
Ikatlong Markahan
Week 4
Ikaapat na Araw

I. Layunin

Nakasisipi ng talata mula sa huwaran


1. Pagsasanay

Bumuo ng salita buhat sa mga pinaghalong mga titik

A t a la t i p s I

s a t o w

2. Balik-aral

Ibigay ang bahagi ng isang balangkas


Mga Gawain

A. Pagganyak
Pasulatin ang mga bata sa show-me-board ng mga
pangungusap na may kaugnayan sa mga gawain nila araw-
araw.
Ano ang mabubuo ninyo kapag pinagsama-sama ang
mga pangungusap na ito?

B. Paglalahad
Magpakita ng modelo ng isang talata.
Hayaang suriin ito ng mga bata.
C. Pagtatalakay

Ano ang bumubuo sa isang talata?


Paano isinusulat ang simula ng pangungusap?
Paano ito tinatapos
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
talata?
Ano ang Talata at komposiyon nito ?

Ang komposisyon o katha ay binubuo ng mga


talata. Ang talata naman ay binubuo ng lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang bahagi
palagay o paksang diwa.

Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong


diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at
may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod
ng mga kaisipan:
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa
komposiyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimulang Talata – ito ang nasa unahan ng isang
komposisyon. Dito nakasaad ang paksang nais, talakayin ng
manunulat at kung ano ang kanyang ipninapilwanag,
isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katwiran.
2. Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging gitna ng
isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo it nng mga
sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang
nais bigyang-linaw ng manunulat.
3. Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas
ng isang komposisyon. Dito nakasaad angg mahahalagang
kaisipan na nabangit sa gitna talata. Minsa, ginagamit ito upang
bigyanglinaw ang kabuuan ng komposisyon.
D. Pagpapayamang Gawain

Gamit ang aklat sa Fipino, hayaan ang mga bata


na pumili ng isang talata at sipiin ito sa sulatang papel.
E. Paglalahat
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa
pagsipi ng talata? Isulat sa tsart.
IV- Pagtataya
Sipiin nang wasto ang talata. Isulat sa sulatang papel
V. Takdang Aralin
Ikatlong Markahan
Week 4
Ikalimang Araw

I. Layunin

Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula.


Pagsasanay
Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaaring maglarawan
sa tauhan/tagpuan sa kuwento.
A E M A M A L T A
L M A B A I T S C
H A G A L A A M E
B A A N U L H A X
A W N A N T I L A
D A D U G O M I L
H I A E K A I N M
B N E G O H K I L
N A T A T A K O T

Balik-aral

Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan kung manonod ng mga


pelikula?
Ano-anong mga salita ang mabubuo mo mula sa mga titik na ito.

lipelaku gatnapu nahuta liikma atsitra


3. Mga Gawain
A. Pagganyak

Sinasabing ang pelikula ang pinakahuling sining na natutunang


sinupin ng mga manlilikha nito. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga
pelikula na nilikha noong unang panahon ay hindi naipalalabas ngayon.
Sa kasalukuyan, kinahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng
pelikula. Ito ang nagsisilbing libangan o pampalipas oras sa ilang mga
Pilipino. Alam ng lahat ang malakas na pagtanggap ng madla sa
ganitong uri ng sining. Kung kaya, marami ang mas nais ang pelikulang
nanggagaling sa labas ng bansa.

Nakapanood ka na ba ng isang pelikula? Ano ang masasabi mo sa


iyong napanood?
Natatandaan mo ba ang tagpuan at mga tauhan nito?
Ilahad ang iyong karanasan?
3. Mga Gawain

A. Pagganyak
Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga pelikula? Anong uri ng
pelikula ang pinanonood ninyo?

B. Paglalahad

Panonood ng mga bata ng isang pelikulang maaaring


magbigay ng magagandang-aral.

C. Pagtatalakay

Pag-usapan ang pelikulang napanood


D. Pagpapayamang Gawain

1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?


2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng
bawat isa.
3. Ilarawan ang tagpuan
4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula?
Ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan.
5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?
Punan ang tsart. Iugnay sa paborito mong pelikulang napanood.

Pagsusuri sa :

Tauhan Tagpuan
E. Paglalahat

Anu-ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng mga


tauhan/tagpuan at mga sa napanood na pelikula?

Kumpletuhin ang pangungusap batay sa napag-aralan.

Sa panonood ng pelikula dapat nating suriin ang


_____________at _____________
F. Paglalapat - Pangkatang Gawain

Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod


na paggsasanay

Pangkat I- Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa.

Pangkat II- Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood

Pangkat III-Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at


ipaliwanag kung bakit ito naibigan

Pangkat IV- Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang


napanood at ipaliwanag kung bakit bakit
Ano-anong suliranin ang kinakaharap ng pelikulang Pilipino?

Magbigay ng mga mungkahi o solusyon sa suliraning


kinakaharap ng pelikulang Pilipino.
Isulat ang mga pelikulang napanood mo na nagbigay ng
aral sa iyo at sa maraming manonood. Sino-sino ang mga
tauhan at saan ang tagpuan.
Pamagat ng Tauhan Tagpuan
Pelikula

You might also like