You are on page 1of 16

3

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 4

Atityud ka Girl!

AIRs - LM
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 4
Atityud ka Girl!
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Raquel E. Ofiana, Palina ES, Pugo District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit : Ernesto F. Ramos, Jr.

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang sa kilos at


pananalita. Kung tayo ay nakikipag-usap sa mga nakatatanda,
tayo ay gumagamit ng mga magagalang na salita. Nagagamit
din ang mga ito sa pakikipag-usap at pagpapaliwanag sa ibang
tao.
Ang mga salitang po , opo , magandang umaga po ,
magandang hapon po, at magandang gabi po ay ilan lamang
sa mga magagalang na salita na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon.
Pagkatapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahan na:

• makagagamit nang magalang na pananalita sa angkop


na sitwasyon ( K to 12 MELC ph. 152 )
Inaasahan din na maisasagawa mo ang mga karagdagang
kompetensi:
• makapagbibigay ng sariling pahayag gamit ang
magagalang na salita.

• makapagpapaliwanag gamit ang magagalang na salita


sa iba’t ibang sitwasyon.
Aralin Paggamit ng Magalang na Salita
1

Simulan

Gawain A
Panuto : Basahin ang iskrip sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang
sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

Turo ni Ina
Akda ni: Raquel E. Ofiana

Isang araw nang inutasan ako ni Ina…


Ina: Isang ,anak. Bumili ka nga ng suka sa tindahan ni Aling Ising.
Isang : Opo Nay.
Sa tindahan ni Aling Ising..
Isang : Magandang umaga po Aling Ising. Pabili po ng suka.
Aling Ising: Ito Isang.
Isang : Magkano po?
Aling Ising: Sampung piso lang Isang.
Isang : Ito po.Salamat po.
Aalis na sana siya nang may Aleng dumating..
Ale : Pabili ng maiinom na tubig.
Isang : Mawalang galang na po Ale. Sa inyo po yata itong pera
na nahulog.
Ale : Naku,salamat. Ito yong isang libo na kanina ko pa
hinahanap sa loob ng bag ko. Heto tanggapin mo ang
bente pesos bilang pasasalamat ko sa iyo.
Isang : Huwag na po Ale. Bilin po ni Ina, tumulong sa kapwa nang
hindi maghihintay ng kapalit. Maraming salamat na lang po.
Ale : Napakasuwerte ng iyong Ina. May mabuti at magalang
siyang anak.
Isang : Wala pong anoman. Maraming salamat din po. Mauna na
po ako.
Masaya kong ikunuwento sa aking ina ang mga naganap
1. Sino ang bata sa kuwento?
A. Aling Ising
B. Isang
C. Osang
2. Ano ang likas na katangian ng bata sa kuwento?
A. magalang
B. maliksi
C. mapanlait

3. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapakita ng


paggalang?
A. “Magandang umaga po.”
B. “Magkano ito?”
C. “Aalis na ako.”

4. Bakit pinuri si Isang sa kuwento?


A. Dahil ibinalik niya ang pera at nakipag-usap siya nang
may paggalang sa nakatatanda.
B. Dahil kinuha niya ang binigay ng Ale.
C. Dahil siya ay bumili ng suka.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginamit ni Isang sa


pakikipag-usap?
A. “Magandang umaga po.”
B. “Maraming salamat po.”
C. “Magkano ang suka?”

Gawain B
Panuto : Basahin ang sumusunod na sitwasyon at bilugan ang
letra ng tamang sagot.

1. Tumunog ang cellphone ng nanay mo at ikaw ang


nakasagot. Ano ang sasabihin mo?
a. Hello! Bakit ka tumatawag?
b. Hello! Sino po sila?
c. Hello! Sino ka?
2. Isang hapon, nakasalubong mo ang iyong guro. Ano ang
sasabihin mo sa kaniya?
a. Magandang umaga po.
b. Magandang hapon po.
c. Magandang gabi po.

3. Tinatanong ka ng nanay mo kung kumain ka na. Ano ang


dapat mong isagot?
a. Opo nanay, tapos na po.
b. Bakit ka nagtatanong?
c. Oo, kanina pa.

4. Hapon na nang makauwi ka sa inyong bahay. Tinanong ka


ng iyong tatay kung saan ka galling. Ano ang isasagot mo?
a. Galing po ako sa bahay ng kalaro ko tatay.
b. Galing ako sa bahay ng kalaro ko, bakit?
c. Galing ako sa bahay ng kalaro ko.

5. Nasalubong mo ang iyong lola na parating sa inyong bahay


na maraming dala-dala. Ano ang sasabihin mo?
a. Tulungan ko na po kayo, lola.
b. Bilisan niyo dadaan ako.
c. Bakit kayo nandito?
Lakbayin

May magagalang na pananalita na ginagamit sa pakikipag-


usap. Maari tayong maging magalang sa kilos at pananalita.
Tayo ay gumagamit ng magalang na pananalita na naayon sa
sitwasyon. Ang paggamit ng mga salitang ito ay nagpapahiwatig
ng respeto sa ating kapwa na ating nakakausap.

Tandaan na dapat gumamit sa pakikipag-usap o


pagpapaliwanag ang salita na may paggalang sa anomang
sitwasyon. Ilan sa mga ito ay ang po , opo , magandang umaga
po , magandang hapon po , at magandang gabi po.

Galugarin

Alam mo na ba kung ano ang mga angkop na salita na dapat


gamitin sa pagpapaliwanag at pakikipag-usap? Subukan ang
iyong kakayahan. Sagutin ang mga gawain sa susunod na
pahina.
Gawain A – Larawan ko , Alamin Mo!
Panuto: Alamin ang mga larawan na nagpapakita ng
paggalang. Lagyan ng tsek √ kung may paggalang at
lagyan ng ekis X kung walang paggalang sa bawat
larawan.

______1. ______ 2.

______3. ______4.

_____5.

Gawain B – Sagot Mo , Konek Mo!


Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat teksto. Itambal ang
mga magagalang na pananalita sa Hanay A sa angkop
na sagot sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Magandang hapon po. a. Oo, maari kang
dumaan.
2. Maari po bang magtanong? b. Nandiyan ba ang
nanay mo?
3. Maraming salamat po. c. Oo, ano iyon?
4. Makikiraan po? d. Magandang hapon
din sa iyo.
5. Ano po ang kailangan nila? e. Walang anoman.
Palalimin
Gawain A
Panuto: Isulat sa loob ng speech balloon ang magagalang na
pananalita na angkop sa bawat sitwasyon.

1. Magandang umaga
Rica.

2.
Hello! Kumusta ka na
John?

Aaron,ikaw ba ang
3. nakasira sa bisiklita
ko?
4. Mukhang nawawala
ka, sino ang
hinahanap mo?

5. Berto , ikaw ba ang


nakabasag sa aking
plorera?
Gawain B
Panuto: Basahin ang diyalogo at kilalanin ang magagalang na
pananalitang ginamit.

Gabi na nang dumating sa bahay si Perla. Nakita niyang may


bisita ang kaniyang tatay at nanay.

Perla : Magandang gabi po , Nanay.


Magandang gabi po , Tatay!
Nanay/Tatay : Magandang gabi din sa iyo.
Perla , siya ang iyong tiyahin, si Tita Analyn.
Perla : Kumusta po, Tita Analyn? Magandang gabi po!
Tita Analyn : Magandang gabi naman, Perla. Nag-aaral ka
bang mabuti?
Perla : Opo , Tita Analyn. Salamat po!

1. Ano ang napansin mo sa pagsagot ni Perla?

_______________________________________________________________

2. Ano anong magagalang na pananalita ang nabasa mo sa


diyalogo?

________________________________________________________________

3. Kailan ginagamit ang magagalang na pananalita?

4. Bakit kailangang gumamit ng magalang na pananalita si


Perla sa kaniyang pakikipag-sap?
5. Ano ang iba pang magagalang na pananalita na maari
mong gamitin sa pakikipag-usap o pagpapaliwanag?

Sukatin

Gawain A
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

1. Binigyan ka ng sorpresang regalo ng iyong nanay sa iyong


kaarawan. Ano ang sasabihin mo?
a. Wala na po bang iba?
b. Maraming salamat po.
c. Wala pong anuman

2. Tinulungan mo ang iyong guro na buhatin ang kaniyang


dalang bag sa pagpasok sa eskuwela. Nagpasalamat siya
sa iyo. Ano ang isasagot mo?
a. Hindi naman po ako nahirapan.
b. Walang anoman po.
c. Mabuti po.

3. Ipinakilala sa iyo ng iyong Tatay ang iyong Tiyo. Ano ang


sasabihin mo.
a. Nagagalak po akong makilala kayo Tiyo.
b. Maraming salamat Tiyo.
c. Kailan ka aalis Tiyo?
4. Natabig mo at nabasag nang hindi sinasadya ang
nakakwadrong larawan sa inyong bahay dahil sa
pagmamadali. Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay kung
ito ay magtatanong?
a. Paumanhin po, hindi ko po sinasadyang matabig ang
nakakwadrong larawan.
b. Naku, nanay bigla na lang po nahulog ang
nakakwadrong larawan.
c. Hindi ko po alam kung sino ang nakahulog sa
nakakwadrong larawan.

5. Naligaw ka sa iyong pupuntahang bahay ng iyong kaibigan


at eksaktong may padaan na matandang lalaki. Ano ang
iyong sasabihin?
a. Baka puwede mo ituro ang bahay ni Andy Santos?
b. Alam mo ba ang bahay nila Andy Santos?
c. Maari po bang magtanong?

Gawain B
Panuto: Bumuo ng usapan sa telepono gamit ang sitwasyon sa
ibaba.

Sitwasyon:
Tinawagan mo ang iyong guro dahil may tatanungin ka
tungkol sa inyong gawain sa modyul na hindi mo maintindihan.

Ako: ________________________________________________________
Titser: _______________________________________________________
Ako: ________________________________________________________
Titser:________________________________________________________
Ako: ________________________________________________________
Titser:________________________________________________________
Ako:_________________________________________________________
Titser: _______________________________________________________
Simulan
Gawain A Gawain B
1. B 1.B
2. A 2. B
3. B 3. C
4. B 4. B
5. A 5. A
Galugarin
Gawain A Gawain B
1. √ 1. D
2. X 2. C
3. √ 3. E
4. √ 4. A
5. X 5. B
Palalimin
Gawain A
Ang sagot ay maaring iba-iba.
Gawain B
Ang sagot ay maaring iba-iba.
Sukatin
Gawain A
1. C
2. B
3. A
4. A
5. A
Gawain B
Susulat ng diyalogo ayon sa sitwasyong nakasaad.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:
Cardinoza, Florenda, Jeny-Lyn Trapane, Alde Amaflor, Agnes G.
Roller, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Magallo,
Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae
Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta
Jaurigue. Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro 3. Pasig: Rex
Bookstore, 2015, pp. 86 - 87.

The Multigrade Teach-Learn Package, Daily Lesson Plan


Exemplars, K to 12 Curriculum Aligned, Filipino Grades 3 and 4,
pp. 17-20

Mga Larawan hango sa:


http://niceclipart.com/13620/teacher-black-and-white (guro)

https://www.pinterest.ph/pin/155092780894254659/ (batang Rica)

https://www.shutterstock.com/327282212 (lalaki no. 2)

https://retroclipart.com/46706 (batang John)

https://www.123rf.com/photo_42465953_stock-vector-a-cartoon-
boy-with-a-sad-expression-.html (batang Aaron)

https://www.dreamstime.com/illustration

https://www.colourbox.com/vector/school-girl-cartoon-vector-
37258064

http://clipart-library.com/free/old-man-clipart-black-and-
white.html ( matandang lalaki na akay ng batang babae)

http://clipart-library.com/clipart/982831.htm (batang babae at


lalaki na nag-aaway)

https://www.picturesof.net/pages/100721-167914-063053.html
( tatay at anak na lalaki)

You might also like