You are on page 1of 14

3

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 7

Huwag Mahihiyang Magtanong!

AIRs - LM
Filipino 3
Ikalawang Markahan - Modyul 7
Huwag Mahihiyang Magtanong !

Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ma Kristina S. Mosuela, Naguilian Central School,


Naguilian District
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin
Tanong, tanong, ang dami mong tanong!
Minsan isinusulat, minsan ibinubulong.
May nasasagot na tanong,
May tanong na sa isip nakakulong.
Kung gusto mong lumayo sa pagkakakulong,
Sa iba’y humingi ka ng tulong
Kung hindi mo alam ang sagot sa isang tanong,
Magsabi ka ng totoo at huwag magmarunong!
Kaya halina kayo!
Simulan mo na ang pagtatanong.

Pagkatapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahan na matutunan ang kompetensi na:

• nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga


tao, bagay, lugar at pangyayari (Ano, Sino, Saan, Ilan,
Kailan, Ano-ano at Sino – sino)
F3WG – IIIa- b - 6
F3WG – Ivab - 6
• nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa
aralin/batayang talasalitaang pampaningin
F3PY – IIIb - 2.2 / 2.3

Inaasahan din na matutuhan mo ang mga karagdagang


kompetensi na nakapailalim sa kompetensi na nasa itaas:

• napapangalanan ang mga salitang ginagamit sa


pagtatanong.

• nagagamit nang wasto ang mga salitang pananong

• nababasa nang wasto ang mga salitang natutuhan sa


aralin/batayang talasalitaang pampaningin.
Aralin Paggamit ng Angkop na
1 Pagtatanong

Simulan

Gawain
Panuto : Basahin ang maikling kuwento. Pagkatapos ay sagutin
ang sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

Ang Masipag na Bata

Si Elias ay isang masipag na bata. Nagtitinda siya ng dyaryo


kung walang pasok sa paaralan. Ang kaniyang naiipon ay
itinatago niya sa isang alkansya. Hindi siya bumibili ng mga bagay
na hindi kailangan.
Isang araw, nagkasakit si Mang Ramon, ang kaniyang ama.
Binuksan ni Elias ang kaniyang alkansya. Ang perang nakuha niya
dito ay ibinili ng gamot para sa kaniyang amang maysakit.
1. Sino ang bata sa kuwento?
a. Kulas b. Elias c. Caloy

2. Ano ang gawain ni Elias?


a. pagtitinda ng dyaryo
b. pagtitinda ng sampaguita
c. pagtitinda ng kendi

3. Kailan siya nagtitinda ng dyaryo?


a. araw – araw b. gabi – gabi c. kung walang pasok

4. Saan ginamit ni Elias ang perang kaniyang naipon?


a. ginamit sa pambili ng laruan
b. ginamit sa pambili ng bagong damit
c. ginamit sa pambili ng gamut ng kaniyang tatay

5. Anong uring anak si Elias?


a. magalang b. makasarili c. masipag

Lakbayin

• Ang mga panghalip na pananong ay inahahalili sa


ngalan ng tao, bagay, pook, gawain, at pangyayari sa
paraang patanong.

• Ang mga pangungusap na patanong ay nagsisimula sa


malaking titik at nagtatapos sa tandang pananong(?)

• Ang mga panghalip na pananong ay maaaring isahan o


maramihan.

• Isahan ang panghalip na pananong kung ang


inaasahang sagot ay iisang tao, bagay, pook, gawain o
pangyayari.
Mga halimbawa:
a. Sino – ay ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
tao.
b. Ano – ay ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
bagay, hayop, o pangyayari.
c. Saan - ay ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
lugar.
d. Ilan - ay ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
bilang.
e. Kailan - ay ginagamit kapag nagtatanong tungkol
sa panahon, oras, o petsa.

• Maramihan ang panghalip na pananong kung ang


inaasahang sagot ay dalawa o higit na tao, bagay,
pook, gawain, o pangyayari.
Mga halimbawa:
a. Sino - sino – ay ginagamit kapag nagtatanong
tungkol sa dalawa o higit na tao.
b. Ano – ano - ay ginagamit kapag nagtatanong
tungkol sa dalawa o higit na bagay,
hayop, o pangyayari.

Galugarin

Panuto : Naunawaan mo ba ang tungkol sa mga panghalip na


pananong? Subukin ang iyong kakayahan. Sagutin ang
mga gawain sa ibaba.
Gawain A
Panuto : Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung wasto ang
panghalip na pananong na ginamit sa pangungusap.
Kung mali, isulat ang wastong panghalip na
pananong sa patlang.
__________1. Sino ang kumuha ng aking bag?
__________2. Ilan ang alis ng pamilya mo papuntang Maynila?
__________3. Saan gaganapin ang programa?
__________4. Ano ang ibinigay sa iyo ni Lea na regalo?
__________5. Kailan ang anak ni Berta?
Gawain B
Panuto : Anong panghalip na pananong ang dapat gamitin?
Bilugan ang wastong sagot.

1. ( Saan , Sino ) ang kasama mo?


2. ( Ilan , Saan ) nakatira ang kaibigan mo?
3. ( Ano-ano , Sino-sino ) ang mga binili ng nanay mo sa
palengke?
4. ( Kailan , Ano ) ang kaarawan mo?
5. ( Sino –sino , Ano-ano ) ang mga dumating na bisita ninyo
kagabi?

Palalimin

Gawain
Panuto : Gumawa ng pangungusap na patanong. Isulat ang
buong pangungusap sa patlang nang may wastong
baybay at bantas.

Halimbawa: Si G. Lopez ang nanalo sa laro.


Sino ang nanalo sa laro?

1. Ubas ang paboritong prutas ni Mel.

_________________________________________________________.

2. Galing sa Lungsod ng Baguio si Junie.

__________________________________________________________.

3. Si Pia ay may sugat dahil nadulas siya.

__________________________________________________________.
4. Ipinagdiriwang ang Pasko tuwing Disyembre.

___________________________________________________________.

5. Darating si Lolo sa Linggo.

__________________________________________________________.

Sukatin

Gawain
Panuto : Sukatin natin ang iyong natutuhan sa araling ito.
Basahin ang talata at mula sa talata, sumulat ng limang
pangungusap na patanong gamit ang mga panghalip
na pananong na napag – aralan. Lagyan ng wastong
bantas ang mga ito.

Masaya sina Marco, Mila, at Mateo pagkagaling sa San Martin.


Inimbitahan sila ni Nerissa sa pista ng kanilang bayan noong Sabado.
Nasiyahan sila sa panonood ng mga parada, programa at iba’t
ibang palabas. Sumakay pa sila sa ferris wheel na ang bayad ay
dalawampung piso. Gabi na nang sila ay umuwi. Inihatid sila ni
Nerissa at ng kanyang Ate Mira sa istasyon ng bus.

1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

3. __________________________________________________________

4. __________________________________________________________

5. __________________________________________________________
Aralin Wastong Pagbabaybay
2 ng mga Salita

Simulan

Gawain
Panuto : Bilugan ang salitang may wastong baybay sa bawat
pangkat.

1. industriya indostriya industreya

2. ipinagdiriwng epenagdiriwang ipinagdiriwang

3. omiindak umiindak umiendac

4. itinatanghal ittinatanghal etenatanghal

5. siyentipiko seyentipiko sintipiko

Lakbayin
Ang pagbabaybay ng mga salita nang pabigkas ay sa
paraang patitik. Binibigkas ang bawat letra nang paisa – isa na
ayon sa pagkakasulat ng salita.
Binabasa natin ang letra sa alpabetong Filipino nang
bigkas – ingles maliban lamang sa Ňň (enye) na mula sa Kastila.

Halimbawa:
ligo – l – i - g- o (pasulat)
/el/ /ay/ /dzi/ /o/ (pabigkas)

basa - b- a- s - a (pasulat)
/bi/ /ey / /es/ /ey (pabigkas)
Ang talasalitaan ay listahan ng mga piling salita na
nagdudulot ng balakid sa pagkaunawa kaya binibigyang
kahulugan upang higit na maunawaan ang binabasa.

Galugarin

Gawain
Panuto : Buoin ang nawawalang letra upang mabuo ang
wastong baybay ng mga salita.

1. b __ __ __ n g __ n

2. p __ __ __ p __ r __

3. h __ r d __ __

4. __ __ b __ g

5. t __ b __ __ g – d __ g __ t
Palalimin

Gawain A
Panuto : Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung wasto ang
pagkakabaybay ng salita. Kung ito ay mali, isulat ang
tamang baybay nito sa patlang.

__________________1. sangkalan

__________________2. telibisyon

__________________3. himpapawid

___________________4. sikritaria

___________________5. acsidente

Gawain B
Panuto : Basahin ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang
salitang may maling baybay.

1. Pumunta ang mag – anak sa parkiy.

2. Matamis ang hinog na manga na binigay ni Lola Ason.

3. Nilagyan ni Nanay ng palaman ang tinnapay.

4. Namili ang magkapatid na Jada at Jeda ng makukulay na


sinelas sa palengke.

5. Sumakay ang mag –anak sa buss.


Sukatin
Gawain A
Panuto : Isulat ng may wastong baybay ang mga sumusunod na
salita.

1. gobierno _____________________________

2. trabajo _____________________________

3. kallie _____________________________

4. tsokoulati _____________________________

5. ventana _____________________________

Gawain B
Panuto : Salungguhitan ang salitang may maling baybay sa
pangungusap. Isulat ang tamang baybay nito sa
patlang.
1. Marami akong natanggap na reigalo noong kaarawan ko.

_________________________

2. Uminom ng maraming toobig upang makaiwas sa sakit.

_______________________

3. Pumunta sa siembahan sina Lolo at Lola.

_______________________

4. Malaawak ang aming lupain sa Masbate.

_______________________

5. Malamig ang sourbetes na kinain namin.

_______________________
ARALIN 1
Simulan Galugarin
Gawain A Gawain A Gawain B
1. b 1. / 1. Sino
2. a 2. Kailan 2. Saan
3. c 3. / 3. Ano -ano
4. c 4. / 4. Kailan
5. c 5. Ilan 5. Sino-sino
Palalimin Sukatin
Gawain ( susulat ng limang pangungusap
na patanong gamit ang mga
1. Ano ang paboritong prutas ni Mel? panghalip na pananong na
Sino ang may paboritong prutas na ubas? napag-aralan)
2. Saan galing si Junie?
Sino ang galing sa Lungsod ng Baguio?
3. Ano ang nangyari kay Pia?
Sino ang may sugat?
4. Kailan ipinagdiriwang ang Pasko?
Ano ang ipinagdiriwang natin tuwing Disyembre?
5. Sino ang darating sa Linggo?
Kailan darating si Lolo?
ARALIN 2
Simulan Galugarin Palalimin
Gawain A Gawain B
1. industriya 1. buhangin 1./ 1. parkiy
2. ipinagdiriwang 2. paruparo 2. telebisyon 2. manga
3. umiindak 3. hardin 3. / 3. tinnapay
4. itinatanghal 4. tubig 4. sekretarya 4. sinelas
5. siyentipiko 5. tabing-dagat 5. aksidente 5. buss
Sukatin
Gawain A Gawain B
1. gobyerno 1. reigalo - regalo
2. trabaho 2. toobig - tubig
3. kalye 3. siembahan - simbahan
4. tsokolate 4. malaawak - malawak
5. bintana 5. sourbetes - sorbetes
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulm (Filipino Curriculum Guide),
p.40

Pandayan Wika at Pagbasa


Bookman, Inc. Printer and Publisher pp. 146 - 149

Bagong Filipino sa Salita at Gawa


(Batayang Aklat sa Wika),pp.153 -157

Larawan hango sa:

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.ocea
nreefresorts.com%2Fblogs%2Fwhy-sand-destin-so-
white&psig=AOvVaw05IfA2T065GN2tl9wNqTSr&ust=1603938479808
000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPiRvcaf1uwC
FQAAAAAdAAAAABAF (buhangin)

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwebstockr
eview.net%2Fexplore%2Fcolor-clipart-
butterfly%2F&psig=AOvVaw0QOwlO443WNyol4sznDiP2&ust=16039
39120758000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPC
Y1M-h1uwCFQAAAAAdAAAAABAD ( paruparo)

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.drea
mstime.com%2Fillustration%2Fgarden-
sketch.html&psig=AOvVaw2ZSp7rkU0AaMpWbj42JzQ3&ust=16039
39384561000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLjq9
4ui1uwCFQAAAAAdAAAAABAE ( hardin )

You might also like