You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 4
Pangngalan at Kahulugan ng
mga Salita
Unang Kuwarter - Modyul 1

Rosalynn I. Basilla
Manunulat

Dr. John Albert B. Colle


Tagasuri

Dr. John Albert B. Colle


Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan,
Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Pagkatapos masagutan ang mga gawaing nakapaloob sa SLeM
na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita
tungkol sa sarili at ibang tao sa Paligid (F4WG-Ia-e-2)
• Nabibigyang-kahulugan ang salita sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon (F4PT-Ia-1.10)

PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang


bilang.
_______1. Ibinalik ko na ang mga aklat na hiniram ko sa silid-
aklatan. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng
pangngalang tumutukoy sa ______?
A. Bagay C. Lugar
B. Hayop D. Pangyayari
_______2. Ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari ay tinatawag na ____.
A. Pandiwa C. Pang-uri
B. Pang-abay D. Pangngalan
_______3. Ang kasarian ng pangngalan na tumutukoy sa babae
ay____?
A. Di-tiyak C. Panlalaki
B. Pambabae D. Walang Kasarian
________4. Natakot
ang pusa nang lumapit ang isang malaking aso.
Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng pangngalang
tumutukoy sa _____?
A. Bagay C. Lugar
B. Hayop D. Pangyayari
_______5. Ang pangngalang tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari at nagsisimula sa
malaking letra ay____.
A. Pandiwa C. Pantangi
B. Pambalana D. Pang-uri

2
B. Isulat ang letra ng naiibang pangngalan sa kategorya.
_______6. A. ama B. anak C. ina D. prutas
_______7. A. baboy B. magsasaka C. kalabaw D. kambing
_______8. A. ahas B. kagubatan C. leon D. uwak
_______9. A. hari B. palasyo C. prinsesa D. reyna
______10. A. agila B. ibon C. kalapati D. puno

Punan ang mga patlang upang mabuo ang mga pangungusap.


Ako si_______________________________________________________.
Nakatira sa ________________________________________________.
Ang aking ama ay si_________________________________________.
Ang aking ina ay si _________________________________________.
Ako ay nag-aaral sa _________________________________________.
Ang aking guro ay si ________________________________________.
Ako ay may alagang __________________na mahal na mahal ko.

Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento.


Ang Pambihirang Sombrero
Ni: Jose Miguel Tejido
Isang araw, naghalungkat si Mia sa lumang baul ng kaniyang
lola. Laking tuwa niya nang makatagpo siya ng sombrero.
Kakaiba ang itsura nito!
Sinubukan niyang isuot ito sa iba’t ibang paraan. Ngunit
naisip niya, bakit parang may kulang?
Lumabas ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan
sa tapat. “Magandang umaga, Manang Sol,” bati ni Mia.
“Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas
maganda kung lalagyan pa natin ng alkansiya,” sagot ng tindera.
Nagulat si Mia sa handog sa kaniya.

3
Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya. “Mang Rico!”
tawag ni Mia. “Maganda po ba ang aking sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda kung palalamutian pa natin ng
kandelabra,” sagot ng panadero.
Nagdaan din si Mia sa klinika. “Doktora Dulce, maganda po
ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda kung papatungan natin ng mga
prutas,” sagot ng doktora.
Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero.
“Mang Ador, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong
ni Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda kung dadagdagan natin ng
akwaryum,” sagot ng bumbero.
Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis.
“Mia, Kakaibang sombrero iyan, ah!” bati ni Mang Kalor.
Pero mas maganda kung sasabitan pa natin ng hawla.”
Umabot si Mia sa hardin ng plasa.
“Mang Lito, maganda na po ba ang aking
sombrero?” tanong ni Mia.
“Oo, pero mas maganda kung kakabitan pa
natin ng mga bulaklak,” sagot ng hardinero.
Pagdating sa palaruan, napakarami nang
palamuti sa sombrero ni Mia!
“Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang
diyan!” sabi ng kaniyang kalaro.
“Sandali lang, Toto!” sigaw ni Mia. Ngunit
naitali na ni Toto ang saranggola.
Biglang umihip ang napakalakas na hangin.
Kumapit si Mia sa kaniyang sombrero at
natangay siya paitaas.
Biglang lumobo ang kaniyang sombrero at
naging isang napakalaking parasiyut.
Nang tumapat ito sa araw, nakita ng lahat ang
angking ganda ng sombrero!

Mga Tanong:

1. Ano ang nakita ni Mia sa loob ng baul?


___________________________________________________________

2. Sino-sino ang mga naglagay ng palamuti sa sombrero ni


Mia?______________________________________________________

4
3. Ano-ano ang mga bagay na
nilagay sa kaniyang sombrero?
___________________________________________________________

4. Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot sa bilang isa at


dalawa?___________________________________________________

5. Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng


tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari?____________________

Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao,


bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Dalawang Uri ng Pangngalan
Pangngalang Pantangi ay tumutukoy sa tiyak o tanging
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay
nagsisimula sa malaking letra.
Hal. Elsa, Gng. Ibarra, Samsung, Spike, Rodriguez ,Rizal,
Pasko
Pangngalang Pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatan o
karaniwang ngalan. Ito ay nagsisimula sa maliit na letra
maliban kung ito ang unang salita sa isang pangungusap.
Hal. aso , laptop, paaralan, bulaklak , pista, aklat

Kasarian ng Pangngalan
Pambabae- pangngalang tumutukoy sa babae
Hal. lola, nanay, tita
Panlalaki- pangngalang tumutukoy sa lalaki
Hal. Tatay, lolo, tito
Di-tiyak- pangngalang maaaring tumutukoy sa babae o lalaki
Hal. isda, pinsan, guro
Walang kasarian- pangngalang tumutukoy sa mga bagay na
walang kasarian
Hal. bangka, bisikleta, buwan

5
Gawain 1
Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay
ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

_________1. Natakot ang pusa nang lumapit ang isang malaking


aso.
_________2. Sasakay tayo ng bus at dyip para makapunta sa bahay
ni Lola Maring.
_________3. Tumawag ang kaibigan mo sa telepono kanina.
_________4. Ang bagong sapatos na ito ay regalo mula sa tatay ko.
_________5. Maghahanda tayo para sa kaarawan ni Juan bukas.

Gawain 2
Isulat ang PT kung ang pangngalan ay pantangi at PB kung
ang pangngalan ay pambalana.

________1. bag ________4. SM Tunasan


________2. tsinelas ________5. Nike
________3. G. Ramos

Gawain 3
Tukuyin ang kasarian ng pangngalang may salungguhit.
Letra lamang ang isulat.
A. Panlalaki C. Di-tiyak
B. Pambabae D. Walang Kasarian

______1. Labis na nasiyahan ang mga bata sa kanilang


bakasyon.
______2. Dinala kasi sila ng kanilang nanay sa probinsiya.
______3. Sumakay sila ng bus papuntang Quezon.
______4. Maagang pumunta sa kulungan ng mga baka si itay.
______5. Pinapainom sila ng sariwang gatas mula sa
inahing baka.

6
Gawain 4
Pormal na depinisyon ang tawag kapag ang salita ay may
pinagbatayan o galing sa diksiyonaryo.
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga pangngalan mula
sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
______1. Ate A. patayong estruktura na nakapaligid
sa isang sukat ng lupa.
______2. Agham B. pabilog na paglalarawan ng mundo
______3. Otap C. nakatatandang kapatid na babae
______4. bakod D. tinatawag ding Siyensiya
______5. Globo E. biskuwit na hugis biluhabâ at
binudburan ng asukal

• Ang pangngalan ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
• Ang dalawang uri ng pangngalan ay pangngalang Pantangi at
Pambalana.
• Ang kasarian ng pangngalan ay Panlalaki, Pambabae, di-
tiyak at walang kasarian.
• Pormal na depinisyon ang tawag kapag ang salita ay may
pinagbatayan o galing sa diksiyonaryo.

Basahin ang talata.


Ang buong mundo ay nakaranas ng Pandemic dahil sa
COVID-19. Ang mga tao ay inabisuhang manatili sa bahay at

7
palakasin ang Immune System upang maiwasan ang sakit na ito.
May mga taong patuloy na tumutulong hanggang ngayon upang
mapagaan ang kalagayan ng mga naapektuhan ng COVID-19. Sila
ang tinatawag na frontliners. Kabilang dito ang lahat ng
nagtatrabaho sa ospital, mga sundalo at pulis, pati na ang mga
namumuno sa ating bansa at mga pribadong mamamayan na
handang tumulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit.
Mula sa binasa magbigay ng sampung (10) pangngalang
ginamit sa talata.
1._________________________ 6.________________________________
2._________________________ 7.________________________________
3._________________________ 8.________________________________
4._________________________ 9.________________________________
5._________________________ 10._______________________________

Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar at pangyayari ay tinatawag na ____.
A. Pandiwa C. Pang-abay
B. Pang-uri D. Pangngalan
__________2. Si Ana ang pinakamagaling umawit sa kanilang
magkakaibigan. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng
______.
A. Pandiwa C. Pang-abay
B. Pang-uri D. Pangngalan
__________3. Ibinalik ko na ang mga aklat na hiniram ko sa silid-
aklatan. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng
pangngalang tumutukoy sa _____?
A. bagay C. lugar
B. hayop D. pangyayari

8
__________4. Si Ginoong Gonzales ang magtuturo sa atin kung
paano magtanim ng Pechay. Ang salitang may salungguhit ay
halimbawa ng pangngalang____.
A. Pambalana C. Pang-abay
B. Pang-uri D. Pantangi
__________5. Nakasanayan na ng aming pamilya ang dumalaw kay
Ingkong tuwing Linggo. Ang ibig sabihin ng Ingkong ay_____.
A. Kuya C. tatay
B. Lolo D. Tiyo
_________6. Ang kasarian ng pangngalang tumutukoy sa babae o
lalaki ay_____?
A. Di-tiyak C. Panlalaki
B. Pambabae D. Walang Kasarian
_________7. May dalang otap si tatay mula sa Cebu. Ang otap
ay_____?
A. Bibingka
B. Uri ng palamig na may buko at gatas
C. biskuwit na hugis biluhabâ at binudburan ng asukal
D. Isang uri ng kakaning may balot ng dahon ng saging.
_________8. Natakot ang pusa nang lumapit ang isang malaking
aso. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng pangngalang
tumutukoy sa _____?
A. bagay C. lugar
B. hayop D. pangyayari
_________9. Tumawag ang kaibigan mo sa telepono kanina. Ang
salitang telepono ay halimbawa ng pangngalang________
A. Di-tiyak C. Panlalaki
B. Pambabae D. Walang Kasarian
________10. Paborito ni Roberto ang asignaturang Agham.
Ang ibang salita para sa Agham ay__________.
A. Araling Panlipunan
B. Esp
C. Filipino
D. Siyensiya

9
Susi sa Pagwawasto
D 10.
B 9.
tao 5. PT 5.
B 8.
tao 4. PT 4.
B 7.
bagay 3. PT 3.
D 6.
bagay 2. PB 2.
C 5.
hayop 1. PB 1.
B 4.
B 3. Gawain 1 Gawain 2
D 2.
C 1.

Unang Pagsubok

D 10.
D 9.
B 5. B 5. B 8.
A 4. A 4. C 7.
D 3. E 3. A 6.
B 2. D 2. B 5.
C 1. C 1. A 4.
C 3.
Gawain 3 Gawain 4
D 2.
D 1.

PAGSUSULIT
PANGWAKAS NA

Mga Sanggunian

• Clipart library,in http://clipart-library.com/magician-


hat.html May 30,2020
• Lalunio, Lydia P. Ph.D., Ril, Francisca G. Hiyas ng Wika 4
(2010)
• Tejido,Jose Miguel. Ang Pambihirang Sombrero. In
https://adarna.com.ph/products/ang-pambihirang-
sombrero, accessed

10

You might also like