You are on page 1of 2

AGES AND STAGES SCHOOL OF LIPA, INC.

Brgy.7, Granja, Lipa City


FIRST QUARTERLY EXAMINATION in FILIPINO 4
GRADES 456 DEPARTMENT

NAME: ____________________________________ SCORE:

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagbibigay proteksyon sa aklat. Makikita rito ang pamagat ng aklat at ang may-akda nito.
A. Paunang Salita B. Glosari C. Pabalat D. Indeks
2. Nakatala rito ang mahahalagang salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan nito.
A. Pabalat B. Glosari C. Indeks D. Talaan ng nilalaman
3. Mga salitang ginagamit bilang panghalili sa pangngalan.
A. Pang-uri B. Panghalip C. Pangngalan D. Pandiwa
4. Ito ay karaniwang ngalan o tawag sa tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
A. Pambalana B. Pangngalan C. Pantangi D. Panghalip
5. Kasarian ng pangngalan na tumutukoy sa ngalan ng babae.
A. Walang Kasarian B. Panlalaki C. Di Tiyak D. Pambabae
6. Tumutukoy sa kasarian ng pangngalan na pwede sa babae at lalaki.
A. Walang Kasarian B. Panlalaki C. Di Tiyak D. Pambabae
7. Direksyon na matatagpuan sa pagitan ng Hilaga at Kanluran
A. Timog B. Silangan C. Hilagang Silangan D. Hilagang Kanluran
8. Direksyong matatagpuan sa pagitan ng Timog at Silangan.
A. Timog-Silangan B. Hilaga C. Timog-Kanluran D. Silangan
9. Anong kayarian ng salita ang anak-pawis?
A. Payak B. Maylapi C. Inuulit D. Tambalan
10. Anong kayarian ng salita ang bitbit?
A. Payak B. Maylapi C. Inuulit D. Tambalan
II. Panuto: Isulat sa patlang ang letra na tumutukoy sa kasarian ng pangngalan na may salungguhit.
A- Panlalaki M- Pambabae Z- Di Tiyak P- Walang Kasarian

11. Namasyal kami ng aking mga kaibigan kahapon._______


12. Maraming natanggap na regalo ang aking kapatid sa kanyang kaarawan. _______
13. Hindi makalimutan ng dalaga ang taong tumulong sa kanya. _______
14. Maraming gusali ang nagsara dahil sa banta ng malakas na bagyo. _______
15. Hindi na nakuha ng aking tiyo ang kanyang sasakyan sa garahe. _______
16. Ang mga kabataan sa aming nayon ay abala sa pagkakabit ng mga banderitas. _______
17. Hindi nakalilimutan ng aking ina ang paborito kong pagkain. _______
18. Masayang sinalubong ng prinsipe ang kanyang mga panauhin. _______
19. Halos hindi makapaniwala ang bata sa kanyang napanalunang laruan. _______
20. Hiniram ng aking kapatid ang sapatos na aking binili kahapon. _______
III. Panuto: Salungguhitan ang angkop na panghalip panao (kami, kayo, sila) ayon sa pangungusap.

21. Si Sam at ako ay pupunta sa Lola ko. ( Kami, Kayo, Sila ) ay kakain ng masarap doon.

22. Sina Gerald at Sabrina ay matalino. ( Kami, Kayo, Sila ) ay laging mataas ang marka.

23. Ikaw at si Ate Ging ang susundo sa akin. ( Kami, Kayo, Sila ) ang magdadala ng pagkain ko.

24. Si Kuya Andy at ang kanyang kapatid ay pupunta sa Cebu. ( Kami, Kayo, Sila ) ay sasakay ng barko papunta roon.

25. Ang nanay at tatay ay mag sisimba. ( Kami, Kayo, Sila ) ay tutuloy sa sinehan pagkatapos mag simba.

26. Si Tito Mark, Tito Matt at ikaw ang susunod na sasakay sa kotse. (Kami, Kayo , Sila ) ay pupunta sa park.

27. Ako at ang aking pamilya ay kakain sa labas. ( Kami , Kayo , Sila ) ay kakain sa Mien San.

28. Ang mga bata ang magdadala ng bulaklak. ( Kami, Kayo, Sila ) ang mag-aalay nito kay Mama Mary.

29. Ikaw at ang mga kasama mo ang mag lilinis ng hardin. ( Kami, Kayo, Sila) ay magdala ng walis at dust pan.
30. Ang aking mga kaibigan at ako ay maglalaro sa labas. ( Kami, Kayo, Sila ) ay maglalaro ng taguan.

IV. Panuto: Tukuyin ang kailanan at panauhan ng mga panghalip panao na may salungguhit sa bawat
pangungusap. Isulat sa patlang ang kasagutan.

_________ _________31. Si Rodel ay isang masipag na manggagawa. Siya ay tinutularan ng kanyang mga
katrabaho.

_________ _________32. Ako, si Marie, at si Mitch ay may isang maliit na negosyo. Nagtu- tulungan kami sa
pangangasiwa ng aming negosyo.

_________ _________33. Naiwan ni Hilda ang kanyang I.D. Ibigay mo sa kanya ito pag-uwi niya galing sa
eskuwelahan.

_________ _________34. Mga bata, kayo na ang susunod na magtutula. Inaasahan ko na saulo na ninyo ang buong
tula.

_________ _________35. Bukas na ang lakbay-aral natin sa The Mind Museum. Huwag ninyong kalimutan na dalhin
ang permit na may pirma ng inyong magulang.

_________ _________36. Alamin mo ang iyong mga karapatan bilang kasambahay. Ang bagong Batas Kasambahay
ay para sa kapakanan ng mga domestic workers tulad natin.

_________ _________37. Nagkamit ng unang gantimpala ang pangkat ni Eric sa naganap na paligsahan. Ang
malaking tropeyo na ito ay sa kanila.

_________ _________38. Ako ang hinirang bilang pangulo ng samahang ito. Tungkulin ko ang itaguyod ang mga
interes ng mga kasapi nito.

_________ _________39. Dahil tapos ko na ang aking mga gawain, tutulungan kita sa pag- gawa ng iyong takdang-
aralin sa Math.

_________ _________40. Sina Amelia, Joanna, at Carmelita ay mahuhusay na manunulat. Sila ang napiling maging
mga kinatawan natin sa gaganapin na timpalak.

V. Panuto: Isulat sa patlang kung anong direksyon ang itinuturo ng bawat arrow. (10 pts)

_________________

____________ _____________

__________________________________________________________

__________________ __________________

_________________

VI. Magbigay ng tig-3 halimbawa bawat kayarian ng salita.

51-53. Payak-

54-56. Maylapi-

57-59. Inuulit-

60-62. Tambalan-

You might also like