You are on page 1of 15

STA.

MONICA ELEMENTARY SCHOOL


PANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:

Ano-ano ang makikita sa mesa?

Pagtakda ng Layunin:

Ano-ano kaya ang nasa mesa sa kuwento?

Babasahin ng guro ang pamagat:

Ang pamagat ng ating kuwento ay “Ano ang nasa Mesa?”.

Basahin ang kuwento.

May mani sa mesa.

May kamote sa mesa.

May tasa ng kape sa mesa.

May baso ng gatas sa mesa.

Naku, Ate! May pusa sa mesa!

Dali! May pusa sa mesa!

Hala! Nabasa ang mesa!

Level: Grade 1
Bilang ng mga salita: 36
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang nasa tasa?


a. gatas b. kape c. man

2. Alin sa sumusunod ang nasa mesa?


a. kape sa baso b. mani at gatas c. kamote at gatas

3. Saan naganap ang kuwento?


a. sa sala b. sa kama c. sa kusina

4. Bakit kaya nabasa ang mesa?


a. Nasa mesa ang pusa.
b. Nilinis ni Ate ang mesa.
c. Natapon ni Ate ang kape.

5. Ano ang nadama sa kuwento nang sinabi ang “Naku! May pusa
sa mesa!”?
a. galit b. gulat c. saya
STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL
PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:

Ano ang hilig mong kainin?

Pagtakda ng Layunin:

Tignan kung ano ang hilig kainin ng mga bata sa kuwento at kung ano pa ang
ginagawa nila?

Babasahin ng guro ang pamagat:

Ang pamagat ng ating kuwento ay “Ang Mangga”.

Basahin ang kuwento.

May punong mangga sa bakuran nina Ani.

Marami itong bunga, malalaki, at mabibilog pa. Kulay dilaw ang

hinog nito. Kulay berde naman kapag hilaw pa.

Kay gandang pagmasdan ng puno ng mangga.

Isang araw, pumitas ng mga mangga ang mga kalaro ni Ani.

Maraming napitas sina Dan, Nica at Alan.

“Masarap at matamis ang hinog na nga mangga,” sabi ni Ani.

“Maasim naman ang mga hilaw,” sabi ni Dan.

Level: Grade 2
Bilang ng mga salita: 69
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.
1. Saan makikita ang punong mangga?
a. sa bukirin ni Ani
b. sa bakuran ni Ani
c. sa bakuran ni Alan

2. Bakit kay gandang pagmasdan ng puno ng mangga?


a. Hinog lahat ng bunga.
b. Kay dami ng mga bunga nito.
c. Marami itong berdeng bunga.

3. Sino and nagsabing maasim ang berdeng mangga?


a. si Ani b. si Dan c. si Nica

4. Ano ang nadama ng mga bata pagkapitas ng mga mangga?


a. nahilo b. nagulat c. natuwa

5. Ilan ang mga bata sa kuwento?


a. apat b. dalawa c. tatlo
STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL
PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:

Ano ang ginagawa mo kapag Sabado?

Pagtakda ng Layunin:

Alamin kung ano-ano ang ginawa ng bata isang Sabado.

Babasahin ng guro ang pamagat:

Ang pamagat ng ating kuwento ay “Sabado na Naman”.

Basahin ang kuwento.

Isang Sabado, maagang gumising si Pamela.

“Sabado na naman! Ah, tutulungan ko ang nanay sa mga gawaing bahay.

Marami pa naman siyang ginagawa kapag galing sa palengke,” sabi ni Pamela.

Pagkakain ng almusal, naglinis mabuti ng bahay si Pamela. Mabilis niyang

iniligpit ang nakakalat na mga laruan sa sala. Maingat niyang pinunasan ang

mga bintana at sahig, saka siya nagwalis. Pagkatapos maglinis ay kinuha

niya ang kanyang manika. Masigla siyang lumabas ng bahay.

“Halika, Rosela, maglaro na tayo!,” masayang bati ni Pamela sa kanyang

kaibigan.

Masayang naglaro sina Pamela at Rosela.

Level: Grade 3
Bilang ng mga salita: 91
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang ginawa ni Pamela sa kuwento?

a. Nilinis niya nang mabuti ang bintana at sahig.

b. Iniligpit niya ang nakakalat na manika sa sala.

c. Naghugas siya ng pinggan pagkatapos ng hapunan.

2. Bakit kaya maraming ginawa si Pamela sa bahay?

a. Nasa palengke pa si Nanay.

b. Wala siyang pasok kapag Sabado.

c. Nais niyang makapaglaro sa labas.

3. ‘Iniligpit’ niya ang nakakalat na laruan.

Ang ibig sabihin ng iniligpit ay ____________________.

a. inayos

b. itinabi

c. pinagsama

4. Anong salita ang naglalarawan kay Pamela?

Si Pamela ay __________________ .

a. maingat

b. magalang

c. matulungin

5. Ano kaya ang naramdaman ng Nanay sa ginawa ni Pamela?

__________________ si Nanay.

a. Nagalit

b. Nagtaka

c. Natuwa

6. Alin sa sumusunod ang magandang pamagat ng kuwento?

a. Oras na para Maglaro

b. Oras na Para Tumulong

c. Araw ng Palengke ni Nanay


STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL
PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:

Ano-ano ang ginagawa mong tulong sa bahay ninyo?

Pagtakda ng Layunin:

Tingnan kung paano at bakit tumulong sa bahay ang tauhan sa kuwento.

Babasahin ng guro ang pamagat:

Ang pamagat ng ating kuwento ay “Kay Daming Gawain”.

Basahin ang kuwento.

Maagang naghanda ng almusal si Nanay. Maaga ring gumising si Lita. “Tutulungan


ko kayo, Nanay,”wika ni Lita.
“Anong tulong ang gagawin mo?” tanong ng Nanay.
“Eh, di maghahain po at maghuhugas ng pinggan,’ sagot ni Lita.
“Sana makatulong ka hanggang sa gumaling si Ana. Mahirap ang may sakit ang ating
katulong.” wika ng Nanay.
“Kahit po magaling na siya, tutulong pa rin ako,” wika ni Lita.
Pagkatapos hugasan ang pinggan, nilaro ni Lita si bunso upang makapaglaba si Nanay.
Mahigit dalawang oras siyang nag-alaga.
Sa gabi, tinulungan niya ang kapatid na gumawa ng takdang-aralin. Maraming tanong
ang matiyagang sinagot ni Lita.
“Meron tayong bagong katulong Miguel,” wika ng nanay sa asawa. “Talaga?,” tugon ni
Mang Miguel.
“Tingnan mo si Lita,” wika ni Nanay. “Ipinagmamamalaki ko siya!”
Napangiti si Lita.

Level: Grade 4
Bilang ng mga salita: 130
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang unang nangyari sa kuwento?

a. Inalagaan ni Lita si bunso.

b. Naghugas si Lita ng pinggan.

c. Tinuruan ni Lita ang kapatid niya.

2. Bakit tumulong si Lita sa bahay?

a. Nagpapagaling si Ana.

b. Iyon ang utos at bilin sa kanya.

c. Walang pasok kapag Sabado si Lita.

3. Anong salita ang naglalarawan kay Lita?

a. Siya ay masipag at masunurin.

b. Siya ay matulungin at masipag.

c. Siya ay masunurin at magalang.

4. Bakit ipinagmamalaki ni Nanay si Lita?

a. Maraming naitulong si Lita sa bahay.

b. Namangha siya sa kayang gawin ni Lita.

c. Maraming naitulong sa paglalaba si Lita.

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakitang nasiyahan si Nanay kay Lita?

a. Nakapagpahinga ang may sakit.

b. Maagang naghanda ng almusal si Nanay.

c. Pinag-usapan ng mag-asawa ang ginawa ng anak.

6. Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento?

a. Mainam kapag bago ang katulong.

b. Madali ang gawain kapag tulong-tulong.

c. Ipagmalaki ang mga ginagawa ng katulong.


STA. MONICA ELEMENTARY SCHOOL
PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO

Itanong ang mga sumusunod.


Pagganyak:
Ano-ano ang basurang itinatapon natin?
Pagtakda ng Layunin:
Alamin sa babasahin kung may magagawa nga ba tayo sa mga basura.
Babasahin ng guro ang pamagat:
Ang pamagat ng ating seleksyon ay “May Magagawa ba sa Isang Tambak na Basura?”.
Basahin ang seleskyon.

May napapansin ka bang pagbabago sa inyong lugar? Ang dating malinis at malinaw na ilog,

marumi na ba ngayon? Ang maayos na mga daan, naging tambakan na ba ng basura?

Sino ang may sala sa mga pagbabagong ito sa ating kapaligitan? Huwag na tayong

magsisihan at magturuan. Magtulungan nalang tayo upang hindi lumala ang sitwasyon. Hindi pa

huli ang lahat.

Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Ang basurang nabubulok ay

maaaring pampataba ng lupa na pagtataniman ng mga halaman. Pumili ng isang lugar at humukay

ng pagtatapunan ng basurang nabubulok tulad ng balat ng prutas at tuyong dahon.

Muling magagamit ang ibang basurang di-nabubulok tulad ng mga basyo ng lata, plastic, o

bote. Maaaring gawing alkansya o plorera ang mga basyo ng lata. Ang mga sirang bombilya

naman ay nagagawang palamuti. Ito ang pagreresaykel o ang paghahanap ng maaari pang gamit

ng ating mga itinatapon.

Malaki ang matutulong natin sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ganitiong paraan.

Bukod dito, kikita pa tayo dahil, “may pera sa basura”.

Level: Grade 5

Bilang ng mga salita: 169

Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.


1. Ano ang magagawa sa mga basurang di-nabubulok upang maging kapaki-pakinabang?
Maaring __________________________ ang mga basurang di-nabubulok.
a. itago sa kahon b. ilagay sa hukay c. gawing pataba d. gawing pandekorasyon
2. Bakit kailangang ibukod ang mga basurang nabubulok sa mga basurang di nabubulok?
a. May paggagamitan ang mga basurang ito.
b. Matagal mabulok ang basura sa paraang ito.
c. Maiiwasan ang masamang amoy kapag ginawa ito.
d. Makagagawa ng pataba sa di-nabubulok na basura.
3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng may sala sa pangungusap sa kahon?
Sino ang may sala sa hindi magandang pagbabago sa ating kapaligiran?
a. sumali b. nagsimula c. sumuporta d. may kagagawan
4. Ano ang ibig sabihin ng “may pera sa basura”?
a. Maaaring makakuha ng pera sa basura.
b. Magkakapera kapag pinaghiwalay ang basura.
c. Maaaring pagkakitaan ng pera ang mga basura.
d. Makapagtitipid kapag alam ang pagtapon sa basura.
5. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang ______________________________.
a. sanhi ng pagbabago b. bunga ng maraming basura
c. maaaring gawin sa mga basura d. pakinabang sa nabubulok na basura
6. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Tinalakay ang mga sanhi ng pagtambak ng basura.
b. Maingat na inilarawan ang kalagayan ng kapaligiran.
c. Isinalaysay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
d. Malinaw na isinaad ang suliranin at solusyon sa seleksyon.
7. Alin kaya sa sumusunod ang HINDI magiging bunga kapag tayo ay nagresaykel?
a. Magkakaroon tayo ng pagkakakitaan. b. Mababawasan ang suliranin sa basura.
c. Lilinis at gaganda ang ating kapaligiran. d. Maaaring patuloy na dumami ang basura.

Phil – IRI Form 3A


Markahang Papel ng Panggradong Lebel na Teksto
Name: ______________________ Age:_________ Baitang / Section:__________________
School: Sta. Monica Elementary School Teacher: __________________________
Pre – Test: ____ Post Test: _____ Level:_______ Set: B Date: ___________________________
“Ano ang nasa Mesa?”.

May mani sa mesa.

May kamote sa mesa.

May tasa ng kape sa mesa.

May baso ng gatas sa mesa.

Naku, Ate! May pusa sa mesa!

Dali! May pusa sa mesa!

Hala! Nabasa ang mesa!


Level: Grade 1
Bilang ng mga salita: 36

Phil – IRI Form 3A

Markahang Papel ng Panggradong Lebel na Teksto

Name: ______________________ Age:_________ Baitang / Section:__________________


School: Sta. Monica Elementary School Teacher: __________________________
Pre – Test: ____ Post Test: _____ Level:_______ Set: B Date: ___________________________

Ang Mangga
May punong mangga sa bakuran nina Ani.

Marami itong bunga, malalaki, at mabibilog pa. Kulay dilaw ang hinog

nito. Kulay berde naman kapag hilaw pa.

Kay gandang pagmasdan ng puno ng mangga.

Isang araw, pumitas ng mga mangga ang mga kalaro ni Ani. Maraming

napitas sina Dan, Nica at Alan.

“Masarap at matamis ang hinog na nga mangga,” sabi ni Ani.

“Maasim naman ang mga hilaw,” sabi ni Dan.

Level: Grade 2
Bilang ng mga salita: 69

Phil – IRI Form 3A

Markahang Papel ng Panggradong Lebel na Teksto

Name: ______________________ Age:_________ Baitang / Section:__________________


School: Sta. Monica Elementary School Teacher: __________________________
Pre – Test: ____ Post Test: _____ Level:_______ Set: B Date: ___________________________

“Sabado na Naman”
Isang Sabado, maagang gumising si Pamela.

“Sabado na naman! Ah, tutulungan ko ang nanay sa mga gawaing bahay.

Marami pa naman siyang ginagawa kapag galing sa palengke,” sabi ni Pamela.

Pagkakain ng almusal, naglinis mabuti ng bahay si Pamela. Mabilis niyang

iniligpit ang nakakalat na mga laruan sa sala. Maingat niyang pinunasan ang

mga bintana at sahig, saka siya nagwalis. Pagkatapos maglinis ay kinuha

niya ang kanyang manika. Masigla siyang lumabas ng bahay.

“Halika, Rosela, maglaro na tayo!,” masayang bati ni Pamela sa kanyang

kaibigan.

Masayang naglaro sina Pamela at Rosela.

Level: Grade 3
Bilang ng mga salita: 91

Phil – IRI Form 3A

Markahang Papel ng Panggradong Lebel na Teksto

Name: ______________________ Age:_________ Baitang / Section:__________________


School: Sta. Monica Elementary School Teacher: __________________________
Pre – Test: ____ Post Test: _____ Level:_______ Set: B Date: ___________________________

“Kay Daming Gawain”


Maagang naghanda ng almusal si Nanay. Maaga ring gumising si Lita. “Tutulungan ko

kayo, Nanay,”wika ni Lita.

“Anong tulong ang gagawin mo?” tanong ng Nanay.

“Eh, di maghahain po at maghuhugas ng pinggan,’ sagot ni Lita.

“Sana makatulong ka hanggang sa gumaling si Ana. Mahirap ang may sakit ang ating

katulong.” wika ng Nanay.

“Kahit po magaling na siya, tutulong pa rin ako,” wika ni Lita.

Pagkatapos hugasan ang pinggan, nilaro ni Lita si bunso upang makapaglaba si Nanay.

Mahigit dalawang oras siyang nag-alaga.

Sa gabi, tinulungan niya ang kapatid na gumawa ng takdang-aralin. Maraming tanong

ang matiyagang sinagot ni Lita.

“Meron tayong bagong katulong Miguel,” wika ng nanay sa asawa. “Talaga?,” tugon ni

Mang Miguel.

“Tingnan mo si Lita,” wika ni Nanay. “Ipinagmamamalaki ko siya!”

Napangiti si Lita.

Level: Grade 4
Bilang ng mga salita: 130

You might also like