You are on page 1of 5

MAHABANG PAGSUSULIT #2 SA FILIPINO 5

IKALAWANG KWARTER
MODYUL 5:
PAGBIBIGAY NG ANGKOP NA PAMAGAT SA ISANG TALATA AT TEKSTONG NAPAKINGGAN.

A. PANUTO: Piliin ang angkop na pamagat sa bawat talata. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa Sagutang Papel.

1. Ang manika ni Lina ay maganda. Mahaba ang buhok niya. Malaki ang mata
ng manika. Ang pangalan niya ay Nika. Puti ang damit niya.
a. Ang Pangalan Niya ay Nika
b. Ang Manika
c. Maganda ang Manika

2. Si Mira ay may aso at pusa. Ang mga ito ay masasaya. Ang pusa ay may laso.
Ang aso ay may laso rin. Laro ng laro ang mga alaga ni Mira.
a. Ang Laso
b. Laro ng Laro ang mga Hayop
c. Ang Aso at Pusa ni Mira

3. Ngayong Linggo ang araw ng pamilihan. May dalang paninda ang mga tao.
May sitaw, bataw, kasoy at patola. May patani, upo at kalabasa. Ang mga
gulay na ito ay masustansya.
a. Ang Araw ng Pamilihan
b. Ang Masustansyang Gulay
c. Ang mga Tindero at Tindera

4. Ang mga bata ay nasa parke. May dalang bola at stik ang mga bata. Kasama
pa ng mga bata ang mga alaga nila na maglaro sa parke.
a. Ang Bola at Stik na Dala ng mga Bata
b. Ang Mga Bata
c. Ang Mga Alaga sa Parke

5. Si Bugoy Unggoy na hindi marunong lumangoy, nahulog sa ilog at ulo ay


nauntog. Si Bugoy ay inanod, nawala at nalunod.
a. Ang Ilog
b. Si Bugoy ay Isang Unggoy
c. Nalunod si Bugoy!

B. PANUTO: Piliin mula sa kahon ang wastong pamagat para sa mga sumusunod
na talata. Isulat ang sagot sa Sagutang Papel.

Ang Paaralan Ang Aking Guro Sa Ikatlong Baitang


Ang Aking Kaibigan Ang Aking Pangarap Kami Sa Silid-Aralan
6. N a p a k a s a y a k
bagong guro at kaklase. Mayroong mga bagong aralin at gawain na
matututunan sa ngayong taon. _________________________

PAHINA 1
7. Sa paaralan, kami ay nag-aaral at natututo. May mga guro na nagtuturo
rito. Ang ilan sa mga lugar na makikita rito ay ang silid-aklatan, klinika at
silid-aralan. Ito ang pangalawang tahanan namin.
_________________________

8. Isa sa mga taong iniidolo ko ay ang aking guro. Ako ay maraming


natututunan mula sa aking guro. Siya ay mabait at matulungin din. Lahat
kami sa silid-aralan ay ginagalang siya. Lahat ng mga tinuturo niya ay
may kasamang aral. _________________________

9. Ang aking pangarap ay maging isang guro. Maaabot ko ang aking


pangarap kung ako ay mag-aaral nang mabuti. Sipag at dasal ang
kailangan upang matupad ko ang aking mga pangarap.
_________________________

10. Mayroon laging handing tumulong sa akin. Siya ay isang mabait at


masipag na kaibigan. Kapag ako ay malungkot, ako ay kanyang
pinapasaya. Ako ay may kaibigan na laging nandyan.
_________________________

MODYUL 6:
NAIPAPAHAYAG ANG SARILING OPINYON O REAKSYON SA ISANG NAPAKINGGANG
BALITA, ISYU O USAPAN.

PANUTO: Basahin ang pahayag at piliin ang titik ng angkop na reaksyon. Isulat ang
sagot sa Sagutang Papel.

11. Sa mga liblib na pook, ang mga manggagamot ay kailangan na kailangan.


a. Malaking pera ang kikitain doon.
b. Napakarami ng doktor sa siyudad.
c. Dumulog sa pamalaan at humingi ng doktor na maipapadala roon.

12. Ang manggagawa ay nagpatulo ng pawis sa bukid.


a. Tulungan ang manggagawa sa paghahanap ng gawain.
b. Ang manggagawa ay hindi masipag sa gawain sa bukid.
c. Pahalagahan ang produkto ng mga manggagawa.

13. Naibibigay ng magulang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga


anak.
a. Balewalain ang ibinibigay ng mga magulang.
b. Huwag humingi sa mga magulang.
c. Magpasalamat sa mga magulang.

14. Inubos lahat ng bunsong anak ang kabuhayang ibinigay sa kanya.


a. Siya ay matulungin sa kapwa tao.
b. Siya ay mahilig sa pakitang tao.
c. Siya ay walang hinayang magtapon ng hindi niya pinaghirapan.

15. Ayon sa kanyang ama, ang kanyang kapatid ay namatay na at muling


nabuhay.
a. Ang kanyang kapatid ay namatay na at muling bumangon sa libingan.

PAHINA 2
b. Ang kanyang kapatid ay nagkasala at bumalik na nagsisi sa maling
nagawa.
c. Naghihirap ang loob ng kanyang kapatid.

16. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging
malinis ang kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang itinatapon ng
mga mag-aaral.
a. Lalong dumami ang nagkalat na basura sa paaralan.
b. Nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa ng salapi.
c. Walang pakialam ang namumuno sa paaralan sa maruming kapaligiran.

17. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na


pumasok. Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi
nakapagsalita si Seth.
a. Hindi nakinig si Seth dahil siya’y naglaro.
b. Nahiya siya sa kanyang mga kaklase kaya hindi siya nakapagsalita.
c. Tumalikod siya sa guro at kaklase.

18. Mula sa ibang bansa si Joana. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng
kanyang kaklase, huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang
magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na Wikang Filipino ang ginagamit na
salita sa kanilang bahay dahil mga Pilipino ang kanyang mga magulang.
a. Huwag agad husgahan ang bagong kakilala at kilalanin muna ito.
b. Pabayaan na lamang ang bagong dating ang lumapit.
c. Iwasan na mapalapit sa baguhan.

19. Isang gabi, hindi nakatulog si Joey. Ayaw humiwalay sa kanyang isipan ang
usapang patitigilin sila sa pag-aaral, dahil wala na talaga silang pera.
a. Gustong-gusto niya ang pasya ng kanyang ina.
b. Nagbibiro lang ang kanyang ina.
c. Nag-iisip siya ng paraan upang makapagpatuloy sa pag-aaral.

20. Gutom na gutom sila Omar at Caleb galing sa paaralan. Tamang-tama ring
naluto na ang pagkaing inihanda ng kanilang kapatid at agad inihain para sa
kanila.
a. Natugunan ang gutom na kanilang naramdaman.
b. Naubos na ang lahat ng pagkain.
c. Silang dalawa ang nagluluto pagdating sa bahay.

MODYUL 7:
PAGBIBIGAY NG BAGONG KAALAMAN MULA SA BINASANG TEKSTO AT DATOS NA
HINIHINGI NG ISANG FORM.

PANUTO: Gayahin ang Aplikasyon sa iyong Sagutang Papel at isulat ang datos na
hinihingi.

Ipagpalagay na ang iyong paaralan ay nagbibigay trabaho sa mga nais maglingkod


sa pampaaralang aklatan bilang isang assistant sa tagapamahala sa aklatan. Nais
mong mag-apply dahil sa bukod na makakatanggap ka ng mataas na marka, ay
magkakaroon ka pa ng pang-araw-araw na alawans.

APLIKASYON
Personal na Datos
21. PAHINA 3
Pangalan: ____________________, _________________________, ___________________
Apelyido Unang Ngalan Gitnang Ngalan
Baitang: ____________________ Pangkat: ____________________
Kasarian: ____________________ Edad: ____________________
APLIKASYON
Personal na Datos
23.
Ngalan ng Ama: _____________________________________ Trabaho: ________________________
Ngalan ng Ina: _____________________________________ Trabaho: ________________________

24.
Bilang ng kapatid: Lalaki ____________________ Babae ____________________
Mga Wika o Lenggwaheng Nasasalita: ______________________________________________________
Posisyong Inaaplayan: _____________________________________________________________________

Ipinagtitibay ko ang katotohanan ng mga nakasaad sa aplikasyong ito.

25.
Lagda: ___________________________
Petsa: ___________________________

MODYUL 7:
PAGSULAT NG SIMPLENG PATALASTAS, AT SIMPLENG ISLOGAN.

PANUTO: Basahin ang halimbawa ng isang patalastas at sagutin ang tanong sa


ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong Sagutang Papel.

Ito ay nagpapalakas sa iyong buhok sa loob lamang ng


isang araw. Mawawala ang mga balakubak sa buhok
ninyo at magkakaroon ito ng malakas na proteksiyon
mula dito.
Ito rin ay hindi nakaiirita sa iyong mata. Mananatili rin
ang mahalimuyak na amoy sa iyong buhok hanggang
beintekuwarto oras!
Ito ay gawa sa mga natural na mga kagamitan kaya hindi
ito nakasisira sa ating kalikasan! Ang lahat ng mga
benepisyong ito ay makukuha ninyo sa mababang presyo.

26. Tungkol saan ang patalastas?


a. murang pagkain
b. shampoo para sa buhok
c. mga iba’t-ibang produkto

27. Alin ang HINDI benepisyong dulot nito sa iyong buhok?


a. Mawawala ang mga balakubak sa buhok.
b. Mananatili ang mahalimuyak na amoy sa buhok.
c. Malalagas ang iyong buhok.

28. Ilang oras ang itatagal ng bango ng iyong buhok?


a. dalawampu't apat na oras
b. kalahating araw
c. anim na oras

29. Saan gawa ang naturang shampoo?


a. natural o likas na sangkap
b. modernong mga sangkap
c. artipisyal na mga sangkap

30. Anong paraan ang ginamit sa pag-aanunsyo ng produkto?


a. islogan b. midya c. patalastas
PAHINA 4
MODYUL 8:
PAGGAMIT NG PANGKALAHATANG SANGGUNIAN SA PAGTATALA NG MAHAHALAGANG
IMPORMASYON TUNGKOL SA ISANG ISYU

A. PANUTO: Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang sagot sa Sagutang Papel.

Ensayklopidya Atlas Peryodiko


Almanac Internet Diksyunaryo

_________________ 31. Ang mga salita rito ay nakaayos nang pa-alpabeto. Ito ay
naglalaman ng kahulugan, tamang baybay, tamang bigkas,
bahagi ng pananalita at pinagmulan ng mga salita.

_________________ 32. Ito ay isang pangkat ng mga aklat na nakaayos nang pa-
alpabeto. Naglalaman ito ng mga mahahalagang impormasyon o
paksa tungkol sa iba’t-ibang tao, bagay at pangyayari.

_________________ 33. Ito ay naglalaman ng mapa ng iba’t-ibang lugar, eksaktong


lokasyon, lawak, dami ng populasyon, lagay ng ekonomiya.
Mababasa mo rin ang mga anyong lupa at tubig na matatagpuan
sa isang tiyak na lugar.

_________________ 34. Ito ay balita, impormasyon, o patalastas tungkol sa isang


lugar o espesyal na paksa.

_________________ 35. Ito ay aklat na naglalaman ng mga pinakamahahalagang


pangyayari sa larangan ng palakasan, politika, ekonomiya, at
teknolohiya na nangyari sa loob ng isang taon.

_________________ 36. Gamit ang laptop, tablet o cellphone at internet connectivity,


ang teknolohiyang ito ay napakalaking tulong sa mga gustong
maghanap ng mga impormasyon sa kahit na anong larangan.

B. PANUTO: Tukuyin kung anong sanggunian ang dapat gamitin sa mga


sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa iyong Sagutang Papel.

37. Impormasyon tungkol sa Solar System.


a. Pahayagan c. Diksyunaryo
b. Atlas d. Ensayklopedya

38. Mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.


a. Pahayagan c. Diksyunaryo
b. Globo d. Tesawro

39. Detalyadong impormasyon tungkol sa mga nayong tubig at anyong lupa.


a. Almanac c. Diksyunaryo
b. Atlas d. Tesawro

40. Tamang pagbaybay, pagpantig at pagbigkas ng salitang “antropolohiya”.


a. Mapa c. Diksyunaryo
b. Pahayagan d. Telebisyo
PAHINA 5

You might also like