You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
Gabaldon building, Padre Diego Cera Avenue, Elias Aldana, Las Pinas City

LEARNING ACTIVITY SHEETS


FILIPINO 3
IKATLONG MARKAHAN
S.Y. 2023 - 2024
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Itiman ang bilog ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Panuto: Piliin ang angkop na paksa sa bawat teksto.

1. May iba’t-ibang sanhi ang ubo at dahil dito ay nagkakaiba-iba rin ang lunas
nito. Ang ubo ay maaaring dulot ng virus o bacteria. Kung ito ay dulot ng
virus, o iyong pagkahawa, maaari itong mawala nang kusa sa loob ng isang
araw o isang linggo. Ngunit kung ito nama’y dulot ng bacteria, kadalasa’y
nangangailangan na ito ng antibiotics. Subalit may mga uri rin ng ubo na
malubha gaya ng ubong tumatagal, o chronic cough, na maaaring dulot ng
tuberculosis (TB).
(https://tgp.com.ph/)

A. Uri ng ubo
B. Sanhi ng ubo
C. Ang malubhang ubo

2. Ang luya ay may volatile oils na nakagiginhawa ng lalamunan. Para


mabawasan ang ubo, maaaring maglaga ng luya at inumin ito. Ang
maanghang na lasa ng pinakuluang luya ay nakatutulong sa pagpapalambot
ng matigas na plema sa daluyan ng paghinga, na kung patuloy na iinumin ay
maaaring makatanggal ng ubo. Maaari rin itong ihalo sa herbabuwena
(peppermint) para tuluyang mawala ang ubo.
(https://tgp.com.ph/)

A. Ang luya
B. Ang luya bilang lunas sa ubo
C. Ang pinakamabisang lunas sa ubo
3. Para sa ubo, mangyari lamang na sundin ang mga nakasaad. Kumuha ng 15
na dahon ng oregano o mas marami pa hanggang sa mapuno ang isang tasa.
Hugasan ang mga napiling dahon. Pakuluan sa tatlong tasang tubig sa loob
ng 10 hanggang 15 minuto. Hayaang humupa ang init ng kaunti hanggang
sa maaari na itong inumin. (https://tgp.com.ph/)

A. Paano pakuluan ang oregano


B. Paano gawing inumin ang oregano
C. Paano gamitin ang oregano bilang lunas sa ubo

PANUTO: Piliin ang hindi angkop na sumusuportang kaisipan sa nakasaad


na paksa.

4. Wastong Paghuhugas ng Kamay


A. Kuskusin ang iyong mga kamay nang magkasama ng hindi bababa sa 20
segundo.
B. Banlawan ang iyong mga kamay nang lubusan ng maligamgam, at
dumadaloy na tubig.
C. Itigil ang pagkalat ng mga mikrobyo at panatilihin ang iyong sarili at ang
iba pa mula sa pagkakasakit.

5. Mabisang Paraan sa Pag-iwas sa Lamok


A. Ang dengue fever ay isang mapanganib na sakit na dulot ng mga lamok
na kung tawagin ay Aedes aegypti.
B. Itapon nang maayos ang inyong mga basura. Gumamit ng mga
basurahang may takip.
C. Takipan at palaging linisin ang mga imbakan ng tubig.

6. Pangangalaga ng Kalusugan ng Mata


A. Mahalaga ang mata sa buhay ng tao.
B. Kumain ng pagkaing mabuti para sa mata.
C. Iwasang magbabad sa telebisyon at computer.

PANUTO: Piliin ang angkop na reaksyon o opinyon sa mga nakasaad na


isyu.

7. Madalas ang pagkansela ng klase dahil sa masamang lagay ng panahon. Ano


ang iyong opinyon kung magkakaroon ng klase tuwing Sabado kapalit ng
pagsuspende ng klase?

A. Ano ba ‘yan! Ayokong pumasok sa klase kapag Sabado.


B. Hmp! Sana hindi na lang nagkansela ng klase para hindi na kailangang
magklase ng Sabado.
C. Okey lang na magklase ng Sabado para hindi magkulang ang bilang ng
araw ng pagpasok sa paaralan.

8. Ipinagbabawal ang pagdadala ng cellphone sa klase. Ano ang iyong opinyon


tungkol dito?

2
A. Okey lang hindi ko naman kailangan iyan sa klase.
B. Hay! Ang corny naman. Bakit ba kailangang ipagbawal?
C. Dapat payagang magdala ang mga gustong magdala ng cellphone!

9. Nauuso ang paggawa ng “reels” sa Facebook. Uunahin mo ba ito kaysa sa


pag-aaral ng iyong mga aralin?

A. Opo, dahil kikita ako ng pera sa paggawa ng reels.


B. Baduy ang mga taong nahihilig sa paggawa ng reels
C. Uunahin ko po ang pag-aaral bago ako gumawa ng reels.

PANUTO: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol sa sanhi at
bunga at paghihinuha. Piliin ang tamang sagot.

Si Roda
ni Eileen Ibatan

Si Roda ay matalino Sa araw ng pagsusulit


Sa klase ay alisto Nawawalan na naman ng gamit
Ngunit gamit ay magulo Sa kakahanap, oras ay naubos
Lukot lukot at wala sa puwesto Kaya pagsusulit ay ‘di natapos

Lagi siyang nawawalan Naging mababa ang marka


Maging notbuk o lapis man Kaya ayun umiyak siya
Kaya naman napagsasabihan Magbago ka na Roda
Ng guro at magulang Sa sarili’y nangako siya.

10. Ano ang bunga ng pagkawala ng mga gamit ni Roda?


A. Nagiging alisto siya sa klase.
B. Nagiging lukot lukot ang mga gamit niya.
C. Napagsasabihan siya ng guro at magulang.

11. Ano ang sanhi ng pag-iyak ni Roda?


A. Napagalitan siya ng guro.
B. Naging mababa ang kanyang marka.
C. Hindi niya alam ang sagot sa mga tanong.

12. Ano ang naging bunga ng paghahanap ng gamit ni Roda sa araw ng


pagsusulit?
A. Hindi niya natapos ang pagsusulit.
B. Nangako siya sa sarili na magbabago na.
C. Lalong naging magulo ang mga gamit niya.

13. Ano ang posibleng mangyari kung palaging hindi natatapos ni Roda ang
pagsusulit?
A. Patitigilin sa pag-aaral si Roda.
B. Papalipatin ng paaralan si Roda.
C. Magiging mababa ang mga marka ni Roda.

3
14. Ano ang posibleng mangyari kung hindi makikinig sa guro at magulang si
Roda?
A. Patuloy siyang mawawalan ng gamit.
B. Mawawalan siya ng gana sa pag-aaral.
C. Hindi na siya papansinin ng guro at magulang.

15. Ano ang posibleng mangyari kung tutuparin ni Roda ang pangako sa sarili?
A. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.
B. Hindi na masasayang ang oras niya sa paghahanap ng gamit.
C. Bibilhan siya ng mga bagong gamit ng kaniyang mga magulang.

PANUTO: Piliin ang angkop na kahulugan ng nakasalungguhit na


tambalang salita.

16. Maraming nabili sa palengke si Nanay dahil abot-kaya ang mga gulay
ngayon.
A. mura ang presyo
B. mahal ang presyo
C. madaling maabot

17. Nais kong pumunta sa silid-aklatan upang magbasa ng mga libro, ngunit
sarado pa ito.
A. tindahan ng mga aklat
B. tambakan ng mga aklat
C. silid na lalagyan ng mga aklat

18. Tubong-probinsya ang bago kong kaklase. Hindi pa siya marunong


magsalita ng Filipino.
A. lumaki sa probinsya
B. tumubo sa probinsya
C. punong galing sa probinsya

PANUTO: Piliin ang salitang kilos na angkop sa diwa ng pangungusap.

19. _______ ni Tanya nang malakas ang mga hakbang sa paggawa ng paper
mache.
A. Isinulat B. Binasa C. Pinag-aralan

20. __________ muna ang mga lumang dyaryong gagamitin sa paggawa nito.
A. Babasahin B. Babasain C. Itatapon

21. Bukas na lang siya __________ sa paggawa ng paper mache dahil marami
pang kulang na dyaryo.
A. mag-uumpisa B. uumpisahan C. gagawa

4
PANUTO: Piliin ang bagong salitang mabubuo kapag pinalitan ang
nakasalungguhit na letra o pantig.

22. Mas masustansya ang mga gulay na berde ang ________.


A. palay B. balat C. kulay

23. Ang ilulutong pansit bihon ay nasa loob pa ng _________.


A. dahon B. kahon C. kartun

24. Tunay na mahusay magluto ang aking _________.


A.Tatay B. Nanay C. alalay

PANUTO: Piliin ang Pang-abay na angkop sa diwa ng pangungusap.

25. Napagod sa trabaho si Tatay Emman, kaya natulog siya nang ___________.
A. maaga B. masaya C. maingay

26. ___________ kong binuksan ang pinto sa kwarto upang hindi magising si
Tatay.
A. Matagal B. Mabagal C. Dahan-dahan

27. Kinabukasan, ___________ na naghanda si Tatay upang hindi mahuli sa


pagpasok.
A. matamlay B. mabilis C. makupad

PANUTO: Piliin ang Pang-ukol na angkop sa diwa ng pangungusap.

28. Ang liham ni Tanya ay ______________ Marnie.


A. para kay
B. laban kay
C. tungkol kay

29. Ang nilalaman ng liham ay _____________ pag-uwi niya sa


probinsya.
A. labag sa
B. tungkol sa
C. tungkol kay

30. ____________ liham, hindi nakapagpaalam si Tanya kay Marnie.


A. Ukol sa
B. Para sa

5
C. Ayon sa

Talaan ng Ispesipikasyon
LAYUNIN Bilang ng Aytem Kinalalagyan sa
Pagsusulit
1 Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang 3 16-18
salita na nananatili ang kahulugan (F3PT-IIIci-
3.1)
2 Naipahahayag ang sariling opinyon o reaskyon 3 7-9
sa isang napakinggang isyu (F3PS-IIId-1)
3 Nasasabi ang paksa o tema ng teksto, kuwento 3 1-3
o sanaysay (F3PB-IIId-10)
4 Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa 3 19-21
sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan
(F3WG-IIIe-f-5)
5 Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog 3 22-24
upang makabuo ng bagong salita (F3KP-IIIe-g-6)
6 Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa 3 4-6
pangunahing kaisipan ng tekstong binasa
(F3PB-IIIe-11.2)
7 Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang at 3 13-15
pagkatapos mapakinggan ang teksto (F3PN-IIIf-
12
8 Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na 3 25-27
naglalarawan ng isang kilos o gawi (F3WG-IIIh-
6)

6
9 Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga 3 10-12
pangyayari sa binasang teksto (F3PB-IIIh-6.2)
1 Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, 3 28-30
0 ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa) (F3WG-IIIi-
j-7) (F3WG-IIIi-j-7) (F3WG-IVi-j-7) (F3WG-IVi-j-7)

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 11. B 21. A
2. B 12. A 22. C
3. C 13. C 23. B
4. C 14. A 24. B
5. A 15. B 25. A
6. A 16. A 26. C
7. C 17. C 27. B
8. A 18. A 28. A
9. C 19. B 29. B
10. C 20. B 30. C

You might also like