You are on page 1of 29

1

MTB - MLE
Ikatlong Markahan - Modyul 6
Pagtukoy sa Pagkakaiba ng Alamat,
Pabula, Biro at Tekstong
Pang-impormasyon/Pagsasalaysay Muli
ng Mga Akdang Pampanitikan
MTB-MLE - Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagtukoy sa Pagkakaiba ng Alamat, Pabula, Biro at
Tekstong Pang-impormasyon/Pagsasalaysay Muli ng Mga Akdang Pampanitikan
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Bernadeth M. Valimento
Rose Ann G. Balbanero
Veronica V. Indon
May Crisette L. Magayon

Tagasuri ng Nilalaman: Rhea D. Malabanan


Tagasuri ng Wika : Raymond S. Villafane
Emma C. Guitaba
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education– Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
1

MTB - MLE
Ikatlong Markahan - Modyul 6
Pagtukoy sa Pagkakaiba ng Alamat,
Pabula, Biro at Tekstong
Pang-impormasyon/Pagsasalaysay
Muli ng Mga Akdang Pampanitikan
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Ang modyul na ito ay binuo upang malinang
ang iyong kakayahan sa pagsasalaysay muli ng
mga nabasang akdang pampanitikan (alamat,
pabula, biro) at mga tekstong pang-
impormasyon.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

 Natutukoy ang pagkakaiba ng alamat,


pabula, biro at tekstong pang-
impormasyon;
 Nakapagsasalaysay muli ng mga
nabasang akdang pampanitikan na
angkop sa baitang na kinabibilangan;
 Naipakikita ang kawilihan sa pagbabasa
at pagkukuwento muli ng iba’t ibang
akdang pampanitikan; at
 Napahahalagahan ang mga akdang
pampanitikan at mga aral na taglay nito.

1
Subukin
Mga bata, bago natin simulan ang aralin ay
subukin muna natin ang inyong kaalaman. Tingnan
ang mga larawan sa loob ng kahon.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat


ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

_____1. Ang gulay na ito ay may kakaibang tamis at


mainam na pampalinaw ng mata.
A. kalabasa B. repolyo C. sibuyas

_____2. Kulay kapeng gulay na may maanghang na


lasa kapag isinama sa lutuin, pampaganda rin
ito ng iyong tinig.
A. ampalaya B. labanos C. luya

_____3. Ito ay gulay na kulay berde o luntian na hindi


kagandahan ang balat subalit puno ito ng
sustansiya.
A. ampalaya B. kamatis C. talong

_____4. Hugis pahaba at kulay lila ang gulay na ito,


masarap itorta o iprito.
A. patola B. sitaw C. talong
_____5. Kumain ng __________ upang ang katawan ay
lumakas.
A. gulay B. junk foods C. tinapay

2
Balikan
Mga bata, naaalala n’yo pa ba
ang ating nakaraang aralin?
Pag-aralan n’yo ang mga tala na
nasa ibaba at isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Bilang ng Mga Batang Nagbasa


ng Iba’t ibang Akdang Pampanitikan

Pamagat ng Alamat Bilang ng Mga


at Pabula Batang Nagbasa
Alamat ng Ampalaya

Ang Talambuhay
ni Dr. Jose P. Rizal
Alamat ng Pilipinas

Si Langgam
at Si Tipaklong
Alamat ng Bayabas

1. Aling akda ang madalas basahin ng mga


bata?
____________________________________
2. Ano-anong akda ang magkasindami ang
bumasa?
____________________________________
3. Ilan ang batang bumasa ng Alamat ng
Bayabas? ____________________________
3
Tuklasin
Alamin
Basahin natin.

Ang Alamat ng Bulaklak ng Champaca


Ni: Bernadeth M. Valimento

Sa isang malayong kagubatan sa Sitio Tukod


ay may naninirahan na isang mag-anak. Si Aling
Nila ang mabait at mapagmahal na ina at si
Mang Natoy ang masipag at matulunging ama.
Ang mag-asawa ay may isang maganda, mabait
at matalinong anak na babae na ang pangalan
ay Champaca. Mahal na mahal nina Nanay Nila
at Tatay Natoy si Champaca.
Tuwing umaga, ang mag-ina ay laging
nagpupunta sa batis malapit sa kanilang munting
kubo upang maglaba at mamitas ng mga gulay
at bulaklak. Si Champaca ay mahilig sa mga
bulaklak. Tuwing uuwi sila mula sa batis ay may
bitbit siyang bulaklak na kaniyang inilalagay sa
kanilang hapag-kainan.
Isang araw, habang sila ay papauwi mula sa
batis ay nakakita si Champaca ng mga bulaklak
na napaliligiran ng mga paruparo. “Inay, ang
saya sigurong maging isang bulaklak,” ang
masayang sabi ni Champaca sa ina. “Bakit mo
naman nasabi iyan anak?” tanong ni Aling Nila.
“Kasi po, ang daming paruparo na nakikipaglaro
sa kanila. Ang ganda po nilang tingnan,” tugon
ng bata sa ina.

4
“Hay, naku anak, halika na at bilisan na natin
ang paglalakad at uuwi na ang iyong tatay mula
sa. bukid,” ang tugon ni Aling Nila. Hindi pa rin
maialis ni Champaca ang kaniyang paningin sa
mga bulaklak at paruparo. Tuwing pupunta sila sa
batis ay kaniyang pinagmamasdan ang mga ito
habang nakikipaglaro sa kanila.
Isang araw ay nagkasakit nang malubha si
Champaca. Lahat ng paraan ay ginawa ng
kaniyang mga magulang upang siya ay gumaling
subalit hindi na nagtagal ang kaniyang buhay. Ito
ang naging dahilan upang maging malungkot
ang mga magulang niya.
Hanggang isang araw, habang nagwawalis si
Aling Nita sa kanilang bakuran ay may nakita
siyang kakaibang bulaklak na pinaliligiran ng mga
paruparo. Naalala niya ang sinabi sa kaniya ng
kaniyang anak na si Champaca. Tuwing umaga
ay dinidiligan nila itong mag-asawa at
inaalagaan. Napalago nila ito at nakapagbigay
ito ng magagandang bulaklak. Muling nagbalik
ang saya at sigla ng mag-asawa.
Isang araw, habang dinidiligan nila ito ay
naikuwento ni Aling Nila kay Mang Natoy ang
sinabi ni Champaca na nais niyang maging isang
bulaklak. Napagkasunduan ng mag-asawa na
pangalanang Champaca ang mga bulaklak.
Katulad ng kanilang munting anak, ito ay
nagbibigay ng ganda at saya tuwing
namumukadkad.
Mula noon, tuwing may magtatanong sa
kanila kung anong uri ng bulaklak ito, ang
kanilang isinasagot ay Champaca.

5
A. Panuto: Sagutin nang pasalita ang sumusunod na
tanong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat na


iyong binasa?

2. Ano-ano ang katangian ni Champaca?

3. Maaari mo bang ikuwentong muli sa iyong


mga kasama sa bahay ang Alamat ng
Champaca?

B. Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at sagutin


nang pasalita ang sumusunod na tanong.

A. B. C. D.

1. Ano-anong larawan ang iyong nakikita?

2. May nabasa ka na bang kuwento tungkol sa


mga hayop?

3. Ano ang pamagat ng kuwentong iyong


nabasa? Kaya mo ba itong ikuwentong
muli?

6
Basahin natin.
Si Be Bibe at Si Pati Kalapati
Ni: Bernadeth M. Valimento

Isang araw, habang nasa may tabing sapa si


Be Bibe ay nakita niya ang isang puting kalapati na
lilipad-lipad sa kalangitan. Manghang-mangha siya
sa kaniyang nakikita.
Walang sawang pinagmamasdan ni Be Bibe sa
paglipad si Pati Kalapati. Nakita siya ng kalapati at
bumaba ito sa kaniyang tabi. “O, bakit mukhang
malungkot ka kaibigang Bibe,” ang tanong ng
kalapati. “Nais ko sanang lumipad katulad mo,”
malungkot na tugon ni Be Bibe.
“Ganon ba, sige, subukan mong ibuka ang
iyong mga pakpak at lumipad,” ang sabi ni Pati
Kalapati.
Ginawa nga ni Be Bibe ang sinabi ng kaibigang
kalapati subalit hindi nito nagawang lumipad nang
mataas.
“Alam mo kaibigan, hindi lahat ng iyong gusto
ay maaari mong makamit o makuha dahil may mga
bagay sa mundo na hindi talaga para sa atin kahit
ano pa ang ating gawin. Tanggapin natin na ang
mga bibe na katulad mo ay nakalilipad subalit hindi
katulad ng lipad namin na mataas. Kung ito ay
iyong ipipilit ay baka ka lamang mapahamak,” ang
paliwanag ng kalapati.
Mula noon ay hindi na nainggit si Be Bibe kay
Pati Kalapati.

7
C. Panuto: Sagutin nang pasalita ang sumusunod na
tanong.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Sino ang nais lumipad nang mataas?
3. Nagawa ba ni Be Bibe ang nais niya?
4. Anong aral ang iyong natutuhan sa iyong binasa?
5. Ikaw, may alam ka bang pabula? Maaari
mo ba itong ikuwento sa iyong mga kasama
sa bahay?

Mahilig ka bang tumawa?


May alam ka bang nakatutuwang pangyayari
o biro? Maaari mo ba itong ikuwento?

Basahin natin.

May dalawang bata na nag-uusap sa ilalim ng


puno.
Anton: Allen, may itatanong ako sa iyo.
Allen: Ano iyon, Anton?
Anton: Ano ang pagkakatulad ng spaghetti at Boy
Scout?
Allen: Aba, eh di wala. Wala silang pagkakatulad
dahil ang spaghetti ay pagkain at ang Boy
Scout ay samahan ng mga batang lalaki sa
paaralan.
Anton: Mali ka riyan. Mayroon silang pagkakatulad
na dalawa. Ang spaghetti at Boy Scout ay
parehong LAGING HANDA.

8
D. Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong.
1. Nagustuhan mo ba ang iyong binasa?
2. Ano kaya ang tawag sa iyong binasa?
3. May alam ka bang joke o biro?
4. Maaari mo ba itong ibahagi sa iyong mga
kasama sa bahay?

Basahin natin.

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

Jose Protacio Rizal Mercado y


Alonzo Realonda ang buong
pangalan ni Dr. Jose P. Rizal na ating
pambansang bayani. Sila ay labing-
isang magkakapatid. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Francisco Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora
Alonzo Realonda y Quintos.
Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak
sa Calamba, Laguna noong Hunyo
19,1861.
Si Pepe ay pinag-aral ng kaniyang mga
magulang sa ibang lugar. Naging doktor siya sa
mata. Siya rin ang sumulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Ipinagtanggol niya ang bansang Pilipinas sa
mga mananakop na Kastila sa pamamagitan ng
kaniyang kakayahan sa pagsulat.
Siya ay hinuli at hinatulan ng kamatayan.
Namatay si Dr. Jose P. Rizal noong Disyembre 30,
1896 sa Bagumbayan sa Maynila.

9
E. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang
titik ng iyong sagot at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

_____1. Sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?


A. Emilio Aguinaldo C. Marcelo H. del Pilar
B. Teodora Alonzo D. Dr. Jose P. Rizal

_____2. Saan ipinanganak si Dr. Jose P. Rizal?


A. Bulacan C. Cavite
B. Calamba D. Maynila

_____3. Bukod sa pangalan na Jose, ano pa ang


tawag sa kaniya ng kaniyang mga
kababata?
A. Amang C. Kiko
B. Boy D. Pepe

_____4. Paano ipinagtanggol ni Dr. Jose P. Rizal ang


ating bansa sa mga mananakop?
A. Pagdedebate
B. Pagsusulat
C. Pagtatago sa kabundukan
D. Pananahimik

______5. Kailan namatay si Dr. Jose P. Rizal?


A. Hunyo 19, 1861
B. Disyembre 25, 1986
C. Disyembre 30, 1896
D. Disyembre 30, 1996

10
Suriin
Pagtukoy sa Pagkakaiba ng Alamat, Pabula,
Biro at Tekstong Pang-
impormasyon/Pagsasalaysay Muli ng Mga
Akdang Pampanitikan
Ngayon mga bata ay iyong
malalaman kung ano ang tawag sa
mga binasa mo kanina.
Handa ka na ba? Maaari mo
bang basahin ito nang malakas?

Ang ALAMAT ay isang uri ng


kuwentong bayan at panitikan kung
saan ito ay nagsasaad ng pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa mundo.
Ang pagbabasa ng alamat ay
nakaaaliw at ito ay may mga
mabubuting aral na itinuturo sa
mambabasa.

Ang PABULA ay isang uri ng kuwento na


ang tauhan o gumaganap ay mga hayop.
Ang mga hayop na ito ay kumikilos at
nagsasalita na parang tao. May
magagandang aral na makukuha sa
pagbabasa ng pabula.

11
Ang BIRO o JOKE ay mga pahayag na
naglalayong mabigyan ng kasiyahan ang
nakababasa o nakaririnig. Maaaring ito ay
patungkol sa tao, hayop, bagay, lugar o
maging pangyayari. May mga aral din na
makukuha mula rito.

Ang mga TEKSTONG PANG-IMPORMASYON ay


uri ng mga pahayag o kuwento kung saan layunin
nito na makapagbigay ng tiyak na impormasyon.
Ito ay kadalasang sumasagot sa tanong na
ano, sino, kailan, saan, paano at bakit.
Ang tekstong pang-impormasyon ay
naglalahad ng mga tunay na tao at pangyayari
sa isang kuwento. Ang mga halimbawa nito ay
pahayagan o dyaryo, poster, diksyunaryo,
manwal, dokumento, talambuhay at iba pa.

Ngayon, alam mo na ang


kahulugan ng ilan sa mga akdang
pampanitikan. Maaari mo nang
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

12
Panuto: Isulat ang letrang T kung tama ang
isinasaad sa pangungusap at letrang M
naman kung mali ang isinasaad nito. Isulat
ang sagot sa patlang sa unahan ng bawat
bilang sa iyong sagutang papel.

____1. Ang tekstong pang-impormasyon ay batay sa


tunay na buhay na nangyari sa isang tao.

____2. Tinatawag na pabula ang mga kuwento kung


saan mga hayop ang gumaganap na
tauhan.

____3. Ang alamat ay isang uri ng kuwento na


nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay.

____4. Ang pabula at alamat ay ilan lamang sa mga


babasahin na nagbibigay-aral sa mga
bumabasa nito.

____5. Ang joke o biro ay mga pahayag na


naglalayong mabigyan ng kasiyahan ang
nakababasa o nakaririnig.

13
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ilagay sa tamang hanay ang sumusunod
na pamagat. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel

A. Alamat ng Bayabas
B. Ang Agila at Maya
C. Ang Unang Sampaguita
D. Saan Nanggaling ang Punong Pinya?
E. Ang Aso at Uwak

Alamat Pabula

14
Gawain 2
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari
sa binasang pabulang Be Bibe at Pati
Kalapati. Lagyan ng bilang 1-5. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

_____ “Ganon ba, sige, subukan mong ibuka ang


iyong mga pakpak at lumipad”, ang sabi ni
Pati Kalapati.

_____ Nakita siya ng kalapati at bumaba ito sa


kaniyang tabi.

_____ Ginawa nga ni Be Bibe ang sinabi ng


kaibigang kalapati subalit hindi nito
nagawang lumipad nang mataas.

_____ Isang araw, habang nasa may tabing sapa si


Be Bibe ay nakita niya ang isang puting
kalapati na lilipad-lipad sa kalangitan.

_____ “Nais ko sanang lumipad katulad mo,”


malungkot na tugon ni Be Bibe.

15
Gawain 3
Panuto: Basahin ang sumusunod na talata. Tukuyin
kung anong uri ito ng panitikan. Piliin ang
letra ng tamang sagot mula sa loob ng
kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

A. Alamat
B. Pabula
C. Joke o biro
D. Tekstong Pang-impormasyon

_____1. Mula noon ay naging magkaibigan na sina


Kiko Matsing at Me Kambing. Lagi na silang
nagkukuwentuhan at namamasyal sa
tabing-ilog tuwing umaga.

_____2. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso


Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose P.
Rizal na ating pambansang bayani. Sila ay
labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Francisco Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Alonzo
Realonda y Quintos.

_____3. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si


ampalaya ay marami ang hindi
nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait ng
kanyang lasa.

_____4. “Salamat kaibigang Hantik,” wika ni


Tipaklong. “Ngayon ako naniniwala sa iyo
na kailangan nating mag-impok upang sa
panahon na tayo ay nagigipit ay mayroon
tayong magagamit,” ani Tipaklong.

16
_____5. “Ate, ate smart ka ba?”
“Bakit magpapaload ka?”
“Hindi, makikitawag sana ako eh.”

Isaisip
Panuto: Ano ang iyong natutuhan sa aralin? Buoin
ang pangungusap sa pamamagitan ng
pagpili sa kahon ng mga salitang
aangkop sa bawat patlang. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

biro hayop alamat


tekstong pang-impormasyon
pabula tala

Ang __________ ay isang uri ng kuwentong


bayan at panitikan kung saan ito ay nagsasaad
ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Ang __________ ay uri ng kuwento na ang
tauhan o gumaganap ay mga hayop.
Ang mga __________ na ito ay kumikilos at
nagsasalita na parang isang tao.
Ang __________ ay uri ng mga pahayag o
kuwento kung saan ang layunin ay
makapagbigay ng tiyak na impormasyon.
Ang __________ ay mga pahayag na
naglalayong mabigyan ng kasiyahan ang
nakababasa o nakaririnig.

17
Isagawa
A. Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang upang mabuo ang mga
impormasyon tungkol sa iyo na
matatagpuan sa iyong Birth Certificate o
Talaan ng Kapanganakan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

TALAAN NG KAPANGANAKAN

Pangalan ng Bata:

Petsa ng Kapanganakan:

Kasarian:

Lugar ng Kapanganakan:

Pangalan ng Nanay:

Pangalan ng Tatay:

18
B. Panuto: Buoin ang pabula gamit ang mga salita
sa loob ng talutot ng bulaklak. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

nalungkot

nagkasakit umaawit

nag-ensayo magkaibigan

Si Bubuyog at Si Kulisap
Ni: Bernadeth M. Valimento

Si Bubuyog at Kulisap ay matagal ng (1)


_______________. Araw-araw ay lagi silang
magkasama. Namamasyal, naglalaro at umaawit
sila sa tuwing sasapit ang bukang- liwayway.

Isang araw, narinig ng mga langgam ang


boses ni Bubuyog habang (2) _______________. “Nais
mo bang sumali sa aming pangkat kaibigang
Bubuyog?” tanong ni Langgam na may paghanga
sa tinig ni Bubuyog.

“Aba, siyempre. Matagal ko ng nais sumali sa


inyong pangkat,” ang masayang sagot ni Bubuyog.
Araw-araw, sila ay (3) _______________ sa pag-awit
at pagsayaw bilang paghahanda sa paligsahan sa
kanilang lugar.

19
“Kaibigang Bubuyog, halika ng mamasyal sa
hardin,” ang yaya ni Kulisap isang umaga. “Naku!
Hindi ako makasasama. May ensayo kami ngayon.
Ikaw na lang,” ang nagmamadaling tugon nito.

Hanggang nawalan na si Bubuyog ng oras sa


kaniyang kaibigan na si Kulisap.

Isang araw ay (4) _______________ si Bubuyog.


Matagal siyang hindi nakadalo sa kanilang ensayo.
Nang ito ay gumaling at bumalik ay hindi na siya
tinanggap ng mga langgam.

Masyadong (5) _______________ si Bubuyog.


Nalaman ito ng kaniyang kaibigang si Kulisap at
agad siyang pinuntahan nito upang pagaanin ang
kaniyang kalooban. “Kaibigang Bubuyog, huwag ka
nang malungkot, gawin ulit natin ang ginagawa
nating pag-awit sa may hardin tuwing bukang-
liwayway”, ang masayang sabi ni Kulisap.

Sa pagbisita ni Kulisap kay Bubuyog,


napagtanto nito na hindi pala siya itinuring na
kaibigan ng mga langgam. Nagising siya sa
katotohanang si Kulisap na kanyang binalewala, ay
ang kaibigan na hindi siya iiwan.

20
Tayahin
Panuto: May gusto o paborito ka bang alamat o
pabula? Isulat ang pamagat at iguhit ang
tauhan nito sa loob ng kahon. Isulat rin
ang aral na iyong natutuhan mula rito.

_________________________
(Pamagat)
Mga tauhan:

Aral na natutuhan: ______________________________


______________________________

Rubriks
Kraytirya Puntos Iskala
Nakapagbigay ng mga
detalye na hinihingi sa 5 Napakahusay
gawain
Nakapagbigay ng mga
detalye subalit may mga 4 Mahusay
hindi naisama
Nakapagbigay ng mga 3 Katamtaman
detalye subalit hindi natapos
Halos walang naibigay na 1-2 Kailangan
detalye pang
paunlarin

21
Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Kulayan
ng pula ang iyong napiling sagot.

1. Binasa mo ba ang pabulang pinamagatang Si


Bubuyog at Si Kulisap?

Opo Hindi po

2. May aral ka bang napulot sa binasa mong pabula?

Opo Wala po

3. Kaya mo ba itong ikuwento sa iyong mga magulang,


kapatid at kasama sa bahay?

Opo Hindi po

4. Kung ang sagot mo sa bilang 3 ay Opo, ikuwento


mo ito ngayon sa iyong mga magulang, kapatid at
kasama sa bahay.

Kung ang sagot mo naman sa bilang 3 ay Hindi po,


maaari mo bang subuking ikuwento ito sa iyong
mga kasama sa bahay?

5. Nagawa mo ba ang gawain sa bilang 4?

Opo Hindi po

22
Susi sa Pagwawasto

23
Sanggunian

Baisa, Ailene G. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 1, Ikalawang


Edisyon. Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.
2018.

Bamba, Nelia D., Matic, Florita R., Corporal, Franlie R., et al. Mother Tongue-
Based Multilingual Education 3 Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog.
Pasig City, Philippines. 2017.

Belen, Lydia S., Hapin, Mary Ann E., Borbon, Amado E., Narag, Agnes T. &
Tomines, Cleofe L. Filipino sa Makabagong Siglo: Wika at Pagbasa 2.
Quezon City, Philippines: The Bookmark, Inc. 2003.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies (MELCs)


PDF File. MTB 1, 369. 2020.

Rolle, Agnes A., Abrencillo, Andrea Mabel E., Badillo, Enelyn T., et al. Mother
Tongue-Based Multilingual Education 1 Kagamitan ng Mag-aaral sa
Tagalog, Binagong Edisyon. Pasig City, Philippines. 2017.

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

25

You might also like