You are on page 1of 3

ST.

CLAIRE FOUNTAIN OF KNOWLEDGE Hating Pagsusulit (Unang Markahan) Filipino 7 (HS) Pangalan : ________________________________________ Marka : ______________ Antas/Seksiyon: ___________________________________ Petsa : ______________ BABALA: HUWAG ISULAT ANG IYONG PANGALAN SA PATLANG kung hindi mo pa nababasa ang laman ng kahon na ito. Basahing mabuti ang mga panuto, unawain ang bawat tanong at sagutan ito ng tapat. TANDAAN bawal ang maruming papel at ang pinagpapala ay ang taong matapat. ____ 1. Ano ang uri ng panitikang Pilipino na tumatalakay sa kuwento sa Bibliya? a. Pabula b. Mailking Kuwento c. Parabola d. Kuwentong Bayan ____ 2. Ang pabula ay nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay: a. Mga hayop b. Mito c. Misyon d. Mga Kuwento ____ 3. Sa pagdaan ng panahon ay isinilang ang pabula ni a. Aisop b. Aesop c. Aesup d. Aysop

____ 4. Ito ay uri ng panitikang Filipino na ang pangunahing tauhan ay mga hayop na kumikilos na parang tao. a. Maikling Kuwento b. Pabula c. Alamat d. Pabola ____ 5. Ang mga sumusunod ay mga tanyag na manunulat, sino/sino-sino sa mga sumusunod ang sumulat ng pabula? I. Babrius II. Ramulus III. Socrates IV. Phalacrus a. I at II b. III at IV c. Wala sa mga nabanggit d. Lahat ng nabaggit. ____ 6. Ang mga sumusunod ay mga katangian na sinasalamin ng mga hayop sa Pabula maliban sa: a. Tuso b.Masayahin c. Masunurin d. Masipag ____ 7. Paano nagamit ng mga ninuno natin ang mga pabula? a. Sa pagtuturo ng kagandahang asal. c.Sa pagtuturo ng mabuting pakikipagkapuwa tao. b. Sa pagtuturo ng mabuting pamumuhay. d. Lahat ng nabanggit. ____ 8. Ang Pabula ba ay para lamang sa mga bata? a. Opo, dahil ang mga tauhan nito ay mga hayop. b. Opo, dahil ang mga aral ditto ay para lamang sa mga bata. c. Hindi, dahil nangangailangan ng pang-unawa ang mga tauhan. d. Hindi, dahil ang mga tauhan na binibigyang buhay ng mga hayop ay mga matatanda. ____ 9. Lumaganap ba ang Pabula sa bansang Pilipinas dahil sa mga dayuhan? a. Opo, dahil matagal nilang sinakop ang Pilipinas. b. Opo, dahil mas mahusay ang mga dayuhan na nanakop sa Pilipinas sa pagsulat ng Pabula. c. Hindi, dahil lumaganp na ito bago pa dumating ang mga dayuhan. d. Hindi, dahil ang ninuno nito ang nagsimula ng Pabula. ____ 10. Ang mga sumusunod ay katangian ni Aesop maliban sa a. Isinilang siyang kuba b. Isa siyang alipin. c. Mayaman ang kaniyang pamilya. d. Lahat ng nabanggit ____ 11. Paano nagustuhan ng ibang manunulat ang Panitikang Pabula? a. Dahil ito ay nilikha ng isang tanyag na panunulat. b. Dahil sa kakaiba nitong estilo sa pagsulat. c. Dahil ito ay maganda sa lahat ng uri ng Panitikan. d. Dahil ito ay masayang basahin at nagbibigay aliw sa mga mambabasa. ____ 12. Paano ginamit ng mga Pilipino ang Panitikang Pabula? a. Ginamit ito panakot sa mga batang makukulit. b. Ginamit ito magpahayag ng kanilang damdamin sa kapuwa. c. Ginamit ito upang ituro ang kagandahang-asal. d. Gigamit ito upang maghiganti. ____ 13. Tauhang nagbabago ang katangian sa kabuuan ng kuwento? a. Tauhang Paikot b. Tauhang Lapad c. Tauhang Bilog d. Tauhang Pantay

____ 14. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng banghay? a. Ang kaugnayan ng simula at wakas. c. Tamang paglalahad ng tagpuan. b. Ang pagbabago ng katangian ng mga tauhan d. Pagpapakita ng mga mahahalagang kaisipan

____ 15. Ano ang pagkakaiba ng Tagpuan na Patiyak at Tagpuan na Pahiwatig? a. Ang patiyak ay tumutukoy sa lugar, ang pahiwatig ay tumutukoy sa mga tauhan. b. Ang patiyak ay tinutukoy ang unang lugar na binanggit, ang pahiwatig ay walang tagpuan. c. Ang patiyak ay tiyak na sinasabi ang lugar, samantalang ang pahiwatig ay detayle lamang. d. Ang patiyak ay tiyak na sinasabi ang lugar, ang pahiwatig ay walang tagpuan na sinasaad. ____ 16. Ano ang tawag sa mga mahahalagang - aral na mayroon sa isang pabula? a. Mahahalagang Aral b. Mahahalagang Kaisipan c. Mahahalagang Payo d. Mahahalagang Puntos ____ 17. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga elemento ng pabula? a. Upang masuri ang mga pabula. b. Upang madaling maunawaan ang pabula. c. Upang maging mahusay sa pagbuo ng kaisipan. d. Upang madaling maunawaan, masuri at makabuo ng isang banghay. 18-21. Basahin at unawain ang Pabula at sagutan ang mga sumsunod na tanong. Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak niyang kuting na maysakit para makahanap ng manggagamot. Ginising ng Inang daga ang kanyang anak para tumulong magbantay sa kuting. Ang sabi ng bubwit, ayaw pa nya bumangon kasi maaga pa. Ang sabi ni Inang daga, maraming pagkain sa bahay ng mga pusa para sumama ang kanyang anak. Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa at nakita ng bubwit na may maraming pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkain at naubos nila lahat. Nang magising ang kuting, nagpumilit syang pumunta sa kusina at nakita na ubos na lahat ang kanilang pagkain. Tinawag niyang matakaw ang mag-ina. Nagalit ang bubwit sa sinabi ng kuting at kinagat sa paa ang pusa. Gumanti ang kuting sa bubwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at kinagat sa paa ang kuting. Tumakas ang mag-inang daga at nagtago sa kanilang lungga. Pag-uwi ng Inang pusa, wala sa higaan ang kanyang anak. Nakita nya sa kusina ang kuting na sugatan. Ginamot niya ang mga sugat ng anak. Nang makapagsalita ang kuting, ikinuwento ng anak ang mga pangyayari. Nagalit ang Inang pusa at sinugod ang mag-inang daga. Sabi ng inang pusa, "Daga, daga... lumabas ka diyan sa lungga..." ngunit hindi lumabas ang mag-ina dahil sa takot. Tinawag ng Inang pusa ang kanyang mga kaanak at ikinuwento ang pangyayari. Simula noon, lagi na lamang nag-aaway ang pusa at daga. ____ 18. Ano ang aral na nais ipahiwatig ng Pabula? a. Dapat tayong tumupad sa ating pangako. b. Huwag kumuha ng hindi sa atin. c. Huwag magsasabi ng hindi maganda sa kapuwa. d. Lahat ng nabanggit.

____ 19. Ano ang kasukdulan ng pabula? a. Nang ang mag-inang daga ay kinain ang pagkain ng mag-inang pusa. b. Nang sinabihan ang mag-inang daga na magnanakaw sila. c. Nang nagkasakit si Kuting d. Nang si Kuting ay nagising. ____ 20. Batay sa pabula sino ang tunay na may kasalanan? a. Ang Mag-inang daga dahil sila nila tinupad ang kanilang pinangako. b. Ang Mag-inang pusa dahil nagsalita sila ng hindi maganda sa kapuwa. c. Ang Mag-inang Daga dahil kinuha nila ang hindi sa kanila. d. Ang Mag-inang daga at Mag-inang pusa. ____ 21. Paano magagamit ang aral na mayroon ang pabulang binasa? a. Sa pakikipag-kapuwa tao. c. Sa paghahanap-buhay b. Sa pag-aaral. d. Sa pagsunod sa ating batas. WIKA I. Basahin ang mga sumusunod na tanong at tukuyin ang angkop na sagot. ____ 22. Mayroon bang bagyo sa atin lugar? a. Siguro. b. Mayroon po. c. Ayoko. ____ 23. Naunawaan mo ba ang ating leksyon ngayong umaga? a. Hindi po. b. Ewan ko po. c. Siguro. ____ 24. Lumiban ba ngayong araw si Van sa klase? a. Ewan ko po. b. Opo. c. Baka.

d. Wala pa. d. Wala pa. d. Palagay ko.

____ 25. Naging masaya ba ang pagdiriwang mo na iyong kaarawan? a. Siguro. b. Opo. c. Siguro. ____ 26. Saan po ang tamang daan papuntang palengke? a. Sa kabilang kanto po. c. Doon pa po. b. Liko po kayo sa kabilang kanto. d. Hanapin niyo nalang po.

d. Mayroon po.

27 32. Magbigay ng angkop na pananalita para sa mga sitwasyon sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa kabilang pahina. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang. ____ 27.Gusto mong madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tinatalakay. ____ 28.Gusto mong humingi ng pahintulot para sabihing muli ang sinabi sa iyo ng kinapanayam mo tungkol sa sensitibong paksa para hindi ka magkamali. ____ 29.Gusto mong kunin ang kayang opinyon o kuru-kuro tungkol sa paksa. ____ 30.Gusto mong palitan ang paksa o gusto mong maging tiyak ang sagot ng iyong kinakapanayam. ____ 31.Magtatapos na ang iyong pakikipanayam. ____ 32. Gusto mong simulan ang iyong pakikipanayam. a.Maraming salamat at binigyan mo ng panahon angpakikipanayam ko sa inyo. b.Ano ang pakiramdam ninyo tungkol sa...? c.Maaari ko bang banggiting muli ang sinabi ninyo? d.Maaari bang maiba tayo ng paksa...? e.May mga iba pa ba kayong masasabi tungkol sa... f. Magandang umaga po sa inyo. II. Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. __________ 33. Wow! Ang galing ng ninyong pangkat. ___________34. Ay! Naku! ___________35. Inay! Naku po! Ayyy! ___________36. Yahooo! Yehey! Yipeee! __________ 37. Sana nga! Magkakatoto sana! ___________38. Hindi makatarungan ang hatol ng huruman. ___________39. Nakakalungkot isipin na nasisira na ang ating kalikasan. Takot Paghanga Tuwa Pagkagulat Pag-asa Pagkalungkot Inis/Galit Pagsasalaysay

____ 40. Anong bahagi ng panalita ang nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip? a. Pang-abay b. Pang-uri c. Pangtukoy d. Panlarawan ____ 41. Ito ay naglalahad ng katangian, kalagayan, hugis, o laki ng isang pangngalan o panghalip. a. Pang-abay b. Pamilang c. Panlarawan d. Pantangi ____ 42. Ito ay tawag sa mga salitang panghalili sa mga nabanggit nang pangngalan upang maiwasan ang pag-uulit ng mga ito. a. Pang-abay b. Pang-uri c. Pangtukoy d. Panghalip ____ 43. Ito ay nagsasaad ng bilang o kabuuan ng isang pangngalan o panghalip. a. Pang-abay b. Pamilang c. Panlarawan d. Pantangi

____ 44. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, lunan, hayop, o pangyayari. a. Pang-abay b. Pang-uri c. Pangalan d. Pangngalaan III. Bilugan ang Pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay PANLARAWAN, PAMILANG O PANTANGI. ____________45. Si Bentong ay mataba. ____________46. Limang hayop ang naapektuhan sa kaguluhang ito. ____________47. Tayo ay mga lahing Pilipino. ____________48. Ang magandang lugar ng mga hayop ay natatakpan ng suliraning pangkapayaan. ____________49. Maraming nilalang ang nagkakaproblema dahil sa karahasan ng iba. ___________ 50. Ang mga mag-aaral ay bumuo ng isang maayos at nakakamanghang dula. IV. Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag (5 puntos). Gamitin ang likurang bahagi ng papel. Huwag bastang maninniwala sa mga naririnig na papuri Itoy maaaring bitag na maging dahilan ng pagsisisi

You might also like