You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
Rizal District
ILLURU NATIONAL HIGH SCHOOL
IKALAWANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9(Ikalawang Markahan)
(Modyul 5-8)
PANGALAN: ___________________________________PETSA:_________ISKOR:_________________
SEKSIYON: ___________________________________PIRMA NG MAGULANG:__________________
I.WRITTEN WORKS
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na mga sitwasyon. Piliin at isulat ang letra ng
tamang SAGOT sa SAGUTANG PAPEL.
_____ 1. Anong uri ng masining na panitikan ang naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol
sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan?
a. maikling katha c. maikling akda
b. maikling tula d. maikling talata
_____ 2. Alin sa sumusunod na mga bahagi ng kuwento ang naglalahad ng mga kasagutan sa
suliranin ng akda?
a. panimula b. banghay c. wakas d. pababang aksiyon
_____ 3. “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tito Rey.” Anong elemento ng maikling
kuwento ang lantad sa pahayag na ito?
a. tagpuan b. banghay c. tauhan d. tema
_____ 4. “Halos Bagong Taon na.” “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tiya Luo.” Alin sa
sumusunod ay sumasalamin sa kulturang Tsino?
a. pag-iwas sa responsibilidad c. pakikipagkaibigan
b. pagpapahalaga sa pamilya d. pakikipagkapuwa
_____ 5. “Isang bagay lang ang hinding-hindi ko makakalimutan tungkol kay Dingdong-hindi pa
siya pumupunta dito nang hindi niya taglay ang ingay at halakhak.” Ano ang ipinapahiwatig ng
nakaitalisadong mga salita?
a. masayahing tao si Dingdong c. mahirap kalimutan si Dingdong
b. maraming naiinis kay Dingdong d. mahilig humalakhak si Dingdong
_____ 6. Ayon sa pahayag sa bilang 5, ano ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kaniyang
kuwento?
a. ipakilala ang mga tauhan c. isalaysay ang mga pangyayari
b. maghatid ng mga mag-aaral d. ilarawan ang lugar at mga kaugalian
_____ 7. Anong larangan ang sumasakop sa mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sine o bilang bahagi ng industriya ng libangan?
a. dula b. pelikula c. role play d. maikling kuwento
_____ 8. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mahusay
na paglalarawan?
a. may tiyak at kawili- wiling paksa
b. may tiyak na layunin sa paglalarawan
c. may malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita
d. gumamit ng anumang salitang nakaaantig sa damdamin ng mambabasa
_____ 9. Aling pahayag sa ibaba ang tumutukoy sa kahalagahan ng pangatnig at transitional
devices?
a. nakatutulong sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
b. nagbibigay- kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
c. tumutukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat
d. kumikilala kung kailan naganap, nagaganap, at gaganapin ang kilos o pangyayari
_____ 10. Anong elemento ng maikling kuwento ang nais bigyang-pansin sa bahaging ito?
Natatanaw ko ang aking sarili sa isang masusukal at tahimik na kapaligiran. Tanging huni ng
ibon lamang ang maririnig at paspas ng hangin. Isang maliit na bahay na giray na giray na yari
sa kawayan ang makikita sa di-kalayuan.
a. tagpuan b. tauhan c. banghay d. kasukdulan
_____11. “Yehey! Pasado ako sa pagsusulit” Anong damdamin ang ipinahahayag sa
pangungusap?
a. masaya b. nanlulumo c. humahanga d. malungkot
_____12. Anong damdamin ang ipinamalas sa pangungusap na ito? “Ano ba! Huwag ka ngang
makialam!”
a. pag-asa b. masaya c. pagtanggi d. inis
_____13. “Pasensya na! Pero ayaw kong makisali sa gawaing masama!” Anong damdamin ang
ipinamalas sa pangungusap na ito?
a. pag-asa b. masaya c. pagtanggi d. galit
_____14. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pangungusap na ito? “Natutuwa ako at
nakinig ka rin sa aking payo.”
a. pag-asa b. masaya c. pagtanggi d. galit
_____15. Anong damdamin ang ipinamalas sa pangungusap na ito “Sana nga magkaroon ng
katuparan ang iyong mga pangarap.”
a. pag-asa b. masaya c. humahanga d. galit
_____16. “Inang, kaya ko na po ang aking sarili, payagan po ninyo akong maghanap ng
mapagtrabahuan at isasabay ko na rin ang aking pag-aaral.”
Bakit ganito ang sinabi ni Cita sa kanyang ina? Ano ang ipinakita niyang pag-uugali?
a. Ayaw niyang mag-aalala ang ina at gusto niyang makatulong.
b. Sobrang kampante siya sa kanyang kakayahan.
c. Galit siya sa ina at ayaw na niya itong makita.
d. Matapang si Cita at gusto niyang lumayo.
_____17. “Ipinagmamalaki kita anak sa iyong lakas ng loob at determinasyon, sa kabila ng ating
kahirapan ay nakapagtapos ka ng pag-aaral at hindi ka sumuko.’ Anong damdamin ang
nangingibabaw sa pahayag na ito?
a. lungkot b. alinlangan c. pagmamalaki d. pasasalamat
______18. Marami ang nahumaling sa tiktok, may mga matatanda at bata. Nakapagbibigay
diumano ito sa kanila ng aliw at kasiyahan. Batay sa pahayag na ito, ang mga nagtitiktok ay
nakaramdam ng –
a. tuwa b. takot c. lungkot d. pagmamalaki
______ 19. Laging trending ang loveteam na Donbelle at humakot ng maraming views ang IWant
Series na He’s Into Her. Bakit nangyari ito? Anong damdamin ang nangingibabaw sa mga
manonood sa kanila?
a. pagkatuwa b. paghanga c. pananabik d. simpatiya
______20. Sa nangyayaring krisis ngayon sa ating bansa, bilang mamamayan ano ang magagawa
natin upang makatulong? Batay sa tanong, ano ang angkop na pahayag sa pagbibigay opinyon?
a. Sa aking palagay, upang makatulong sa nangyayaring krisis sa ating bansa
kinakailangang tayo ay magtiwala sa namumuno, maging sa pagsunod sa batas nang sa gayon
hindi madaragdagan ang kanilang problema.
b. Sa tingin ko, kinakailangan din nating kumilos sa pamamagitan ng pag-aalsa laban sa
namumuno.
c. Ibig kong ipasa Diyos na lamang ang lahat.
d. Kinakailangang na maging aktibo ako sa lahat nang ipapatupad na batas at gawain
nang ating bansa.
______21. Noong unang panahon, may isang tigre na nahulog sa napakalalim na hukay.
Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong. ______ ay nakarinig siya ng mga yabag.
Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo upang sumigaw ng tulong. Sa huli, tinulungan ng tao
na makaahon ang tigre sa hukay. Anong pahayag ang isusulat sa patlang upang mabuo ang
kuwento?
a. sa simula pa lamang b. walang ano-ano
c. pagkatapos d. sa wakas
_____22. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyong gagamitin upang maipahayag ang damdamin
sa pangungusap na ito? “___________, mas pipiliin ko ang makapagtapos ng pag-aaral kahit
maraming pagsubok.”
a. Higit na b. Siguro makabubuting
c. Kung ako ikaw d. Inaakala kong
_____23. Anong pagpapahalaga sa pagiging Asyano ang likas sa mga taga-Silangang Asya.?
a. Paggalang sa nakakatanda
b. Pangingibabaw ng pamayanan sa indibidwal
c. Sama-sama sa paggawa
d. Mahigpit na pagkakabuklod-buklod ng pamilya
_____24. Paano nagiging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa
pagpapakilala ng kultura at kaugalian ng mga bansa nito sa mga mambabasa?
a. Sa pamamagitan ng makikita sa mga akdang pampanitikan ang kanilang paniniwala,
pilosopiya, katangian, kaugalian at kultura ng kanilang lahi
b. Sa pamamagitan ng makikita sa kung paano sila kumikilos sa akdang pampanitikan
c. Sa pamamagitan ng mga pagpapahalaga na ipinapakita nila sa akdang pampanitikan
d. Sa pamamagitan ng makikita sa mga akdang pampanitikan ang kanilang ugali
_____25. Hindi nila sinisisi si Linda, sapagkat naniniwala ang mga taga- Linawon na sa puso ng
dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam
lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Linda na si Tandang Mando.
Ang ibig sabihin ng sinalungguhitang parirala ay____.
a. naging mayabang
b. mahirap itong pakisamahan
c. nagbago ang pakikitungo sa kapwa
d. nagbago ang magandang pag-uugali
______26. Hindi na kaila sa mga taga-Pandacan ang pakikipagkasintahan ni Lorena sa
inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan.
Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga
taong magkakatugon ang damdamin. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang
damdamin ay________________________.
a. pareho ang minamahal
b. pareho ang iniibig
c. iisa ang itinitibok ng puso
d. iisa ang isinisigaw
_____27. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
b. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
c. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
d. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.
_____28. Ang paggamit ng hayop na ito sa akda ay nangangahulugang mabagsik,
mapanlinlang at walang utang na loob.
a. tigre b. baka c. tao d. kuneho
_____29. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?
a. padapuan-pagapangan c. iyak nang iyak - umaatungal
b. wagas - dalisay d. magpahele-magpa-alaga
_____30. Ang sumusunod ay halimbawa ng ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
maliban sa __________.
a. Lubos kaming natutuwa sa iyong pagdating.
b. Salamat!
c. Yehey! Nanalo ako!
d. Gusto ko sanang sumang-ayon sa’yo.
_____31. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. pabula d. dula
_____32. Punan ng tamang pang-ugnay ang pangungusap. “Nag-aral siya ___ leksyon para sa
nalalapit na pagsusulit.”
a. ng b. nang c. sa d. may
_____33. Gamit ang konotasyon na pagpapakahulugan, ano ang “pusang itim”?
a. uri ng hayop b. kulay c. nagbabadya ng kamalasan d. nangangalmot
_____34. “___________, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas
siyang bumisita sa Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng
taimtim na panalangin kay Kannon-sama, ang Diyosa ng Awa, na
nakadambana roon.” Anong pahayag ang gagamitin upang mabuo ang salaysay?
a. pahayag sa pagsisimula c. pahayag sa pagtatapos ng kuwento
b. pahayag sa pagpapatuloy ng pangyayari d. pahayag sa kuwento
_____35. Simula nang makalabas sa kulungan si Li Huiquan ay kinupkop siya agad ni Tiyo Lou.
Tinulungan upang makapagsarili ng negosyo at magbagong buhay. Anong pagpapahalagang
Asyano ang ipinapakita sa salaysay?
a. Pagpapahalaga sa pamilya . c. Pananampalataya o pananalig sa Diyos.
b. Paggalang sa nakatatanda . d. Paggalang sa awtoridad.
_____36. Tumutukoy ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita.
a. denotasyon c. kasingkahulugan
b. konotasyon d. kasalungat
_____37. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na _______ng dalawang salita, parirala, o
sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.
a. nagsasama b. nagtuturing c. nag-uukol d. nag-uugnay
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry
Blossoms
Naging mabuway?
_____38.Ano ang kahulugan ng salitang mabuway?
a. paglipas ng panahon c. nalanta
b. malapit na ang taglamig d. namumukadkad
_____39. Ano ang simbolo ng imaheng kuneho sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
a. mahinahong tao c. mahinang tao
b. makatarungang tao d. matalinong tao
_____40. Iantas ang mga sumusunod na salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin: (ligaya,
tuwa, ngiti, saya)
a. ngiti, saya, ligaya, tuwa c. saya, ngiti, tuwa, ligaya
b. ngiti, saya, tuwa, ligaya d. saya, tuwa, ngiti, ligaya
II. PERFORMANCE TASK:Panuto: Sa isang bondpaper, sumulat ng islogan tungkol sa nangyayaring
pandemya na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano batay sa sumusunod na
pamantayan: RUBRIK SA PAGMAMARKA:
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Wasto at tumpak ang nilalaman ayon sa kahilingan
Malinaw ang paglalahad ng detalye at mensahe
May kaugnayan ang paksa
Naipakita ang wastong gamit ng salita
Masining na paglalaro ng mga salita
KABUOANG PUNTOS

5 – Pinakamahusay 4 – Mahusay 3 - Katamtaman


2 – Di-mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay

Inihanda ni: MAC JOHN G. CAUSING Iwinasto ni: MELINDA C. GANNABAN


Guro sa Filipino Master Teacher II

Pinagtibay ni: ALELI M. BAYADOG, PHD


Punong-Guro II

Address: Illuru Norte, Rizal, Cagayan


Telephone Nos.: 09265285706
Email Address: illurunhs300464@gmail.com/300464@deped.gov.ph
Website: https://sites.google/deped.gov.ph/illurunhs

You might also like