You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Sangay ng Rizal
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV – A (CALABARZON)

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


Taong Pampaaralan 2016 – 2017

Pangalan:__________________________________________________ LRN: ___________________


Baitang at Pangkat: ___________________________ Iskor: _______

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng wastong sagot.

A. hiyang – hiya B. mabilis C. maramdamin/sensitibo D. masasama E. nagmamadali


1. Halos liparin ng alitaptap ang daan patungo sa bahay ng gorilya.
2. Sinabihan niya ang alitaptap na huwag maging balat sibuyas.
3. Sa isang kisap mata ay napabuwal ng maliit na nilalang ang malalaking gorilya.
4. Natalo ang mga nilalang na may maiitim na budhi.
5. Bahag ang buntot ng mga gorilya pagkatapos ng labanan.

II. A. Panuto: Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari upang mabuo ang banghay/pahayag.

1. Isang beses ay nagtungo siya sa tabi ng dagat upang hintayin ang kanyang ama ngunit nahalina siya sa
tunog ng naggigitara at pinuntahan niya ito. Nagulat siya dahil kamukha niya ang lalaking tumutugtog.
2. Nabigla ang mga magulang ni Celso sa kaniyang ginawa. Labis na nasaktan si Celso ng kanyang ama.
Ngunit sa huli ay niyakap na lang niya si Celso bilang tanda ng pagtanggap.
3. Dumating ang kanyang at naabutan siya nitong nasa lugar na pinagbabawal, nanlilisik ang mga mata ng
ama ni Celso at siya ay napagbuhatan ng kamay.
4. Binabagabag si Celso ng mga katanungan niya sa buhay tungkol sa palaging pag-aaway ng kanyang
magulang, lalo ang pag-iyak ng kanyang ina at ang lambat ng kanyang ama.
5. Umuwi si Celso, humarap sa salamin, doon niya napagtanto ang lahat ng gumugulo sa knayang isip.
Kumuha siya ng itak at pinagtataga ang lambat ng kanyang ama.

6. Alin ang nararapat na panimula?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
7. Alin ang pangalawang pangyayari?
A. 5 B. 3 C. 1 D. 4
8. Alin naman ang pangatlong pangyayari?
A. 3 B.1 C.4 D.5
9. Alin ang pang-apat na pangyayari?
A. 1 B.4 C.5 D.3
10. Ano ang nagging wakas ng kwento?
A. 4 B. 2 C. 5 D.3
11. Ano ang tamang pagkakasunud – sunod ng mga pangyayari?
A. 25314 B. 53142 C. 31425 D. 42531

B. Panuto: Suriin ang barayti ng wikang ginamit sa bawat pahayag. Isulat ang A kung balbal, B. kolokyal,
C. lalawiganin, at D kung pormal ang mga salita/ parirala na nakadiin.
12. ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan.
13. Uy, si Lola, emote na emote.
14. Hayaan mo nga siya Jean, Moment niya ito eh.
15. O sige, kaon na mga bata… tayo’y magdasal na muna.
16. Wow, ito ang chibog… ang daming putahe.
17. Oh so dami. Sira na naman my diet here.
18. Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod naming sa paghahanda.
19. Ipinakikilala ko ang syota kong amerikano. Dumating siya para makilala kayong lahat.
20. Naku, nag – aamoy bawang na. kalian ba naman ang pag-iisang dibdib?

C. Panuto: Maghinuha tungkol sa katangian ng mga tauhan batay sa pag – uugaling ipinakita ng mga ito.
Isulat ang titk tamang sagot.
21. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang lumalangoy,
naghahabulan, at nagtatawanan. Mahihinuha mula rito ang na ang mga dalaga ay…
A. Masayahin B. Mapagwalambahala C. Pakakaibigan D. Malaro
22. Araw – araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kaniya – kaniyang gawaing – bahay.
Mahihinuha mularito na ang mga dalaga ay…
A. Palautos B. Malilinis C. Masisipag D. Masayahin
23. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi niyo pa kilala nang
lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papaya.” Mahihinuha mula rito na ang ama
ay…
A. Magagalitin B. Mainisin C. Mapagmalasakit D. Mapagbigay
24. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
Mahihinuha mula rito na si Delay ay…
A. May sariling desisyon B. Magagalitin C. Malupit D. Mapagbigay
25. Sa kanyang pag –uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan, hindi
napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Alin sa palagay mo ang hindi naramdaman ng ama
mula sa mga sandaling ito?
A. Labis na nasasaktan B. Labis na nagdaramdam C. Labis na nalulungkot D. Labis na nasisiyahan

D.Panuto: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga ss.: na tanong. Isulat ang titik ng tamang kasagutan.

KAY MARIA MAKILING

Nagpaalam noong ang Nanay


Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta
Anong pook ang maaari niyang puntahan
Upang di na magbalik
Anong pook ang maaari niya
Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling
Inalala ang kuwento ng diwatang naglaho
sa panglaw ng sariling panaghoy
“Hindi na babalik”, sabi ni tatay
Pag-uwi, tinanaw ko ang bundok, at totoo, mas maganda itong tingnan
Sa malayo, hindi natitinag, buo

26. Sino ang nagsasalita sa tula?


A. ama B. ina C. diwata D.anak
27. Ano ang nangyari sa kanyang Nanay?
A. nawala B. naiwan C. lumayas D. namasyal
28. Ano ang dahilan ng mag-ama para tumaas
ng bundok?
A. hanapin ang nanay B. magkampo C. Makita ang diwata D.pag-aralan ang bundok
29 Ano ang tingin ng sumulat sa bundok habang
sila ay pauwi.?
A. hindi matitinag B. misteryoso C. maganda D. nakakatakot
30. Ano ang naramdaman ng sumulat habang isinusulat ang tula?
A.masaya B. nangungulila C.naninibago D. nalulungkot

E. Panuto: Suriin kung anong kaantasan ng pang – uri ang salitang may salungguhit. Isulat kung ito ay
Lantay, Pahambing o Pasukdol.
31. Ang dalisay na pagmamahal ng magulang ay kailangan ng mga anak.
32. Mas makabubuti sa anak kung palalalakihin silang may disiplina kaysa palakihin sila sa layaw.
33. Magsinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
34. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling pagpapahalaga sa kabataan.
35. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang telebisyon dahil lagi itong nakikita at sa isang
pindot lang sa remote ay bubukas na ito.

III. A.Panuto: Punan ng angkop na pahayag o salitang nanghihikayat ang patlang upang makabuo ng mga
pangungusap na nanghihikayat. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Ito na Naniniwala akong Tama Tunay Siguradong


36. __________ na mahalaga an gating pagkakaisa para magtagumpay an gating hangarin.
37. __________ ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon maging sa pinakamamalyo mang
lugar.
38. __________ ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
39. __________ magagamit ng mga katutubo ang anumang matutunahan nila sa para sa pagbuti ng kanilang
kalagayan.
40. __________ ang simula ng pagbuti ng kanilang kalagayan.
B. Panuto:. Basahin ang sumusunod na teksto. Tukuyin ang mensahe / kaisipan nito. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
41.
“Anumang gawain ay gumagaan sa tuluy – tuloy na pamamaraan.” Ito ang lagi nating isaisip sa tuwing
ipinagpapaliban natin ang gawaing kaya namang gawin ngayon. Talagang nakatatak na sa ating
isipan ang kaugaliang mañana habit.“

A. Laging isipin ang kaugaliang mañana habit.


B. Ang pag-unlad ng bansa ay nasa ating mga kamay.
C. Huwag ipagpaliban pa ang magagawa mo ngayon.
D. Ang mañana habit ay isa sa mga kaugaliang Pilipino
42.
“Colonial Mentality” -ito’y isa pang kaugaliang hindi maiwasan ng mga Pilipino. Ika nga “imported eh,
kaya matibay, sikat!” Minsan nakakalimutan na nating tangkilikin ang sariling atin. Ang mga mata
nati’y nakatuon na lamang sa mga produktong dayuhan at kung magkakagayon, mas mauunahan pa
nila tayong umunlad. Pero bago mangyari yon,“Tangkilikin ang sariling atin.”

A. Tangkilikin ang sariling atin upang tayo ay umunlad.


B. Basta’t imported matibay.
C. Ang mga produktong Pinoy ay mas maunlad na.
D. Colonial Mentality kaugaling Pilipino
Laging nasa huli ang pagsisisi. Ang pagwawalang bahala ko noon sa pag –aaral ay ngayon ko
pinagsisihan. Binigyan ako ng aking magulang ng pagkakataon para makatapos ng pag –aaral ngunit higit
kong pinahalagahan ang aking barkada. Bunga nito, nahinto ako sa pag –aaral at napag – iwanan ng aking
mga kapatid. Lahat sila ay pawang mga propesyonal na. Mali ang aking naging pagpapasya noon.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon at binigyan pa ako ng pagkakataon ng aking magulang na ipagpatuloy
ang aking pag –aaral. Hindi pa naman huli ang lahat. Doble ang aking pagsisikap ngayon. Kung ang iba ay
nakatapos ng pag –aaral, magagawa ko rin iyon.
43. Ayon sa talata, ano ang naging bunga ng maling pagpapasiya ng tauhan sa talata?
A. Pagkawala ng barkada B. Pagsisisi sa unang pasiya C. Paghinto sa pag – aaral D. Pagpapahalaga sa
sarili
44. Bakit sinasabing “Laging nasa huli ang pagsisisi”?
A. Ang pagsisisi ay dumarating kapag tapos na ang lahat
B. Kung nauuna ang pagsisisi, walang pagkakamali
C. Nangyari na ang lahat sa mundo bago nakilala ang nagkamali
D. Nagawa na ang pagkakamali, bago maunawaan na hindi pala dapat ito.

IV. A. Panuto: Piliin ang titik ng angkop na kahulugan ng mga sumusunod na piling pahiwatig na ginamit sa
tekstong “ Paalam sa Pagkabata.”Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

45. Napabuntunghininga ako . umiling – iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng
damdaming iyon na matagal nang umaalipin sa kanya.
A. walang lakas ng loob na amuin ang ina sa pag – iyak
B. nakadama ng pagkaawa sa pag- iyak ng ina
C. matagal ng palaisipan sa kanya ang madalas na pag – iyak ng ina
D. lahat ng nabanggit
46. Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maaliwalas ang langit.
A. may natatanaw na pag –asa
B. maganda ang sikat ng araw
C. mainit ang sikat ng araw
D. maliwanag ang sikat ng araw
47. Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang
mukha ng isang tao. Unti – unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo.
A. kamukha siya ng ina
B. kamukha siya ng lalaking nasa bahay pawid
C. kamukha siya ng ama
D. alam na niya ang kanyang tunay na pagkatao
48. Nag – aapoy ang mga mata ni tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang
aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan.
A. galit na galit ang ama sa anak
B. nanlilisik ang mga mata ng ama sa anak
C. nakipagtitigan ang anak sa ama
D. may lakas na siya ng loob na lumaban sa ama
49. Sa kabilang silid, sa kwarto nina nanay at tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi. Umiiyak na naman si
nanay. Ang sunud – sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng mundo.
A. laging umiiyak ang nanay
B. hindi mapigilan ang pag – iyak
C. may itinatagong lihim ang nanay
D. malungkot ang buhay ng nanay
50. Desperado lang ang gumagawa ng panghoholdap. Ang nais ipakahulugan sa desperado ay
___________
A. wala ng pag-asa B. sira na’ng pag-iisip C. kulang sa pangaral D. walang hanapbuhay

B. Panuto: ilahad ang tamang pagkakasunud – sunod ng pagluluto ng batchoy. Isaayos ito sa anyong
patalata. (51 – 56)

a. At syempre, ihain at kainin habang mainit.


b. Huling ilagay ang atay ng baboy at hayaang kumulo bago ilagay ang sili.
c. Ikalawa, lagyan ng patis at pamintang buo at isangkutsa nang isang minuto.
d. Ikatlo, maglagay ng gustong dami ng sabaw. Takpan at hayaang kumulo upang lumambot ang karne.
e. Sunod na ilagay ang sayote at miswa. Haluin at saka timplahan ng asin ayon sa panlasa.
f. Una, igisa ang bawang, sibuyas at luya. Isunod ang hiniwa – hiwang karne at halo – haluin.

C. Panuto: kilalanin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagtutulad, metapora, personipikasyon,


pagmamalabis o pagtawag.
57. Ang pag – ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag nagbalik, ito’y sadyang sa iyo
nakalaan.
58. Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.
59. lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.
60. Pag – ibig, tingnan mo ang ginawa mo sa puso kong sugatan.

Inihanda ni:
GNG. MADELYN D. BALBALOSA
Gurong Tagapag – ugnay sa Filipino

TIMOTHY BAUTISTA
Gurong Namamahala

You might also like