You are on page 1of 23

Gamit ng

pandiwa bilang
aksyon
pangyayari at
karanasan
1. Bilang Aksyon-
 May aksyon ang
pandiwa kapag
may aktor o
tagaganap ng
kilos.
Mabubuo ang mga
pandiwang ito sa
tulong ng mga
panlaping : um, mag,
ma-, mang-, maki-,
mag-an.
Maaaring tao, bagay o
hayop ang aktor.
Hal.
a.Naglakbay si Bugan
patungo sa tahanan ng
Diyos.
b. Tumalima si Psyche sa
lahat ng gusto ni Venus.
Pandiwa Aktor
a.Naglakbay Bugan
b.Tumalima Psyche
2. Bilang Karanasan-
Nagpapahayag ang
pandiwa kapag ito ay
nagsasaad ng
damdamin.
Hal.
a.Tumawa si Bumabbaker
sa paliwanag ni Bugan.
b.Nalungkot ang lahat nang
mabalitaan ang masamang
pangyayari.
Karanasan Aktor
a.Tumawa Bumabbaker
b.Nalungkot ang lahat
3. Bilang Pangyayari-
Ito ay nakikilala kapag
ang pandiwa ay resulta
ng isang pangyayari
Hal.
a. Sumasaya ang mukha
ni Venus sa twing siya
ay pinupuri.
b. Nalunod ang mga tao
sa isang matinding
baha.
Pandiwa Pangyayari
a. Sumasaya sa twing siya
ang pinupuri
b. Nalunod sa isang
matinding
baha
Pagsasanay: Suriin ang mga
sumusunod na
pangungusap kung anong
gamit ng pandiwang
nakasalungguhit kung ito ay
bilang AKSIYON,
KARANASAN AT
PANGYAYARI.
1. Ginawa ni Psyche
ang lahat upang
maipaglaban ang
kaniyang pagmamahal
kay Cupid.
2.Labis na
nanibugho si Venus
sa kagandahan ni
Psyche.
3. Nalungkot si
Bantugan sa utos
ng hari kaya
minabuti niyang
lumayo na lamang.
4.Umibig ang
lahat ng
kababaihan kay
Bantugan.
5. Hindi nasiyahan si
Jupiter sa ginawang
pagpapahirap ni Venus
kay Psyche.
6. Patuloy na
naglakbay si
Psyche at pinilit na
makuha ang panig
ng mga diyos.
7. Lalong sumidhi
ang pagseselos ni
Venus kay Psyche.
8. Ibinuhos niya sa
harap ni Psyche
ang isang lalagyan
na puno ng mga
buto.
9. Umuwi siya sa
kaharian ni Venus.
10. Dahil sa
paghihirap natukso
siyang tumalon.
1.Aksiyon
2.Karanasan
3.Karanasan
4.Aksiyon
5.Karanasan
6.Aksiyon
7.Pangyayari
8.Aksiyon
9.Aksiyon
10.Pangyayari

You might also like