You are on page 1of 3

I.

PAKSA

A. PAMAGAT: Cupid at Psyche


B. MAY AKDA: 1. Edith Hamilton (Ang nagsalin sa Ingles)
C. iya ay ipinanganak noong Ika-12 ng Agosto taong 1867 at namatay naman noong Ika-31 ng
Mayo taong 1963. Siya ay isang Amerikanang guro at manunulat na binansagang “the greatest
woman Classicist.” Siya ay 62 taong gulang nang ang kanyang unang aklat na pinamagatang
“The Greek Way” ay nailimbag noong taong 1930. Ang isa sa kanyang mga likha ay ang
“Cupid & Psyche” na isinalin niya sa Ingles mula sa salitang latin.
2. Vilma C. Ambat (Ang nagsalin sa Filipino)
Si Ginang Vilma C. Ambat ay isang guro mula sa kagawaran ng Filipino. Siya ay nanalo ng isang gantimpala
pagkatapos ng isang mahigpit na proseso sa pagpili kung saan kasama sa on-the-spot demo pagtuturo at
interbyu na isinasagawa sa pamamagitan ng isang panel ng mga hukom na kasama Senator Loren Legarda,
Associate Justice Martin Villarama S , Jr. (Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas), Ambassador A. Selverajah
(Embahada ng Republika ng Singapore), Leyte Governor Carlos Jericho Petilla, Congressman Lorenzo
Tañada III (Deputy Speaker at Representative, 4th District ng Quezon), Dr. Lydia B. Echauz (President, Far
Eastern University), at Ms. Veronica Baluyut – Jimenez (Host Program, NBN – 4 at RTVM).

C. URI NG PANITIKAN: Mito

ll. NILALAMAN

A. MGA TAUHAN
1. Cupid
a. Ang anak ni Venus
b. Diyos ng pag-ibig.
2. Psyche
a. Ang sinasabing pinakamaganda sa tatlong anak ng isang hari.
3. Apollo
a. Si Apollo naman ang sinasabing diyos ng propesiya, araw, musika, at
liwanag.
4. Hari

5. Dalawang Kapatid ni Psyche


a. Ang nagtulak kay Psyche upang patayin si Cupid.
6. Zephyr
a. Si Zephyr ang tinanyagang hari ng hangin.
7. Jupiter
a. Si Jupiter ang hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon; diyos ng
mga diyos at tao.
8. Mercury
a. Si Mercury ang mensahero ng mga diyos na siyang saksi rin sa pag-iisang
dibdib nina Cupid at Psyche.
9. Proserpine –
a. Si Proserpine ang tinaguriang reyna sa ilalim ng lupa.
10. Venus
a. Diyos ng kagandahan
b. Ina ni cupid
11. Charon –
a. Si Charon ang may-ari, ferryman, at bangkero ng bangkang sinakyan ni
Psyche patungong underworld para gawin ang utos ni Venus
12. Laggam
a. Ang tumulong kay Psyche upang pagsama-samahin ang mga
magkakauring buto.
13. Halaman
a. Ang pumigil kay Psyche na huwag magpakamatay.
b. Nagsabi kay Psyche kung kailan darating ang mga tupang may gintong
balahibo
14. Agila
a. Ang dumagit sa prasko ni Psyche at nagpuno ng itim na tubig mula sa ilog
Styx
15. Tore
a. Ang nagbigay ng detalyadong direksyon tungo sa kaharian sa ilalim ng
lupa.
16. Asong may tatlong ulo
a. Ang taga pagbantay sa kaharian sa ilalim ng lupa.

B.TAGPUAN

1. LUGAR
a. Sa kaharian ng ama ni Psyche
b. Sa templo ng Diyosang si Venus
c. Sa tuktok ng Bundok kung saan dinala si Psyche ng kanyang amang hari.
d. Sa palasyo ng bagong asawa ni Psyche
e. Sa Kaharian ni Zeus, ang Hari o Ama ng lahat ng Diyos sa Olympus.

2. GALAW NG PANGYAYARI O BANGHAY

1. PANGUNAHING PANGYAYARI
A. May isang napakagandang mortal na tinatawag na Psyche. Lubha siyang maganda
kaya't nakakalimutan na ng lahat ang mag-alay sa Diyosa ng kagandahan na si
Venus dahil nandoon na kay Psyche ang kanilang oras.
2. PASIDHI O PATAAS NA PANGYAYARI
A. Nagalit at nagselos si Venus kay Psyche dahil mas sinasamba na ng mga tao ang
kagandahan ni Psyche kaysa kay Venus.
3. SULIRANIN
A. Ang pagkakainggit ng dalawang kapatid ni Psyche. Ang pagselos ni Venus kay
Psyche. Ang pagkawalang tiwala ni psyche kay cupid.
4. TUNGGALIAN
A. Nang nagkita si psyche at venus ay sinabi ni venus kay psyche na kailanman ay hindi
siya magkakaroon ng asawa kung hindi siya daraan sa butas ng karayom.
5. KASUKDULAN
A. Nang bagsakan ni venus si psyche ng mga mahihirap na pagsubok ngunit sa huli ay
nalagpasan parin ito ni psyche.
6. KAKALASAN
A. Kay Psyche ay ang malagpasan ang lahat ng pagsubok ni Venus. At ang Kay Cupid
naman ay ang pagmamahal nito kay psyche.
7. WAKAS
A. Hinayaan na ni Jupiter si Cupid at Psyche na magsama. At naging panatag na si
Venus kay Psyche dahil isa na itong dyosa.

You might also like