You are on page 1of 5

DALOY NG DELUBYO

Sa isang makulay na paraiso ay nakatira rito ang Hari at Reyna kasama ang kanilang nag- iisang Prinsesa.
Sa isip ng Prinsesa ay wala na siyang ibang mahihiling pa. Nag- uumapaw ang kasiyahan at kagalakang
kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang labis na pagmamahalan ng Hari at Reyna. Isang pag-
ibig na tila walang makatitibag kahit na sino man.

Nagpatuloy ang pagmamahalan ng Hari at Reyna. Mayroon mang bangayan na tila ba' y aso at pusa kung
mag- away ngunit sa huli ang lahat ng gusot ay naitutuwid nila ng magkasama. Sa kanilang Prinsesa
naman ay wala silang problema. Nasusubaybayan naman kasi nila ang magandang epekto ng
pagpapalaki at pagdidisiplina nila sa kanilang unica ija. Ang swerte ng pamilya sapagkat payak man kung
maituturing ang kanilang pamumuhay subalit ang paraiso nila ay punung- puno ng saya at
pagmamahalan na nakalaan para sa isat- isa.

Katulad ng isang pamilya, sinubok din ng isang delubyo ang pagsasama ng Hari at Reyna. Kaya sa isang
iglap lang ang kanilang makulay na paraiso ay biglang naglaho at gumuho. Lingid sa kaalaman ng
Prinsesa may isang malakas na delubyo na palang nararanasan ang kanyang pamilya. Bagamat walang
lihim na naitatago kung kaya' t unti- unting napapansin at nakikita ng Prinsesa ang mga pagbabago sa
kanilamg kaharian. Hanggang sa nadiskubre at narinig niya mismo ang bangayan ng Hari at Reyna.
Humagulgol ito sa iyak nang malaman niyang may isang Bruha pala ang nakapasok sa kanilang paraiso at
pilit din nitong inaagaw ang Hari sa kanila ng kanyang Inang Reyna. Ginamitan ng Bruha ng gayuma ang
Hari upang mapasakanya ito. Iginugol ng Bruha ang lahat ng kanyang oras at lahat ng pagkakataong
kanyang makita para lamang magwagi sa pagwasak ng pagsasama ng pamilya.

Ang Reyna ay hindi nagpatinag sa bagsik ng bruha. Nanggagalaiti ito sa galit. Nag- ipon ng lakas ang
Reyna upang malabanan ang Bruha. Sa pagdating ng tamang panahon ay nilabanan ng Reyna ang Bruha.
Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang naipong lakas at lahat ng kapangyarihang kanyang magagamit upang
protektahan ang kanyang pamilya sa masamang balak ng Bruha. Ngunit ang mundo ay mapagbiro nga
talaga, ubos na ubos na ang lakas na mayroon ang Reyna para labanan ang Bruha 'yon pala ay huli na
ang lahat at wala ng pag- asa. Nagtagumpay na ang Bruha sa lahat ng kanyang plano. Nakuha na nito ang
loob ng Hari at ganoon na rin ang trono ng Reyna.

Hindi kinaya ng Reyna ang sakit ng pagkatalo niya sa kanyang pakikipaglaban kung kaya' t isinuko na niya
ito. Hindi man siya nagtagumpay na protektahan ang kanyang pamilya ngunit alam niya namang ginawa
at nagawa na niya lahat ng kanyang makakaya. Nagtamo man ng maraming sugat ang Reyna dahil sa
pakikipaglaban niya sa delubyo ay ganoon din naman siyang nagpursigi upang muling magtayo ng sarili
niyang paraiso kasama ang kanilang Prinsesa. Hindi man ito tulad dati, ang mahalaga ay bumuo muli ang
Reyna ng palasyong nararapat sa kanya at sa kanyang nag- iisang Prinsesa.

PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO


I. Pamagat

Ang pamagat ay "Daloy ng Delubyo", dahil ang mga kaganapan sa kwento ay nag- iwan ng isang
malaking bakas at di malilimutang pangyayari na tulad nga ng hagupit ng isang delubyo sa buhay ng tao.

II. Teoryang Pampanitikan

Ang teoryang pampanitikan ng maikling kwento na ito ay Teoryang Realismo sapagkat ipinapakita rito
ang mga kalimitang nangyayari sa lipunan ukol sa totoong buhay ng mga mag- irog.

III. Tagpuan

Ang tagpuan ng kwento ay sa isang makulay na paraiso kung saan nakatira ang Hari, Reyna at ang
kanilang nag- iisang Prinsesa.

IV. Mga Tauhan

*Hari- Ang asawa ng Reyna at Ama ng Prinsesa. Ang ginayuma at inagaw ng Bruha galing sa Reyna at
Prinsesa.

*Reyna- Ang asawa ng Hari at Ina ng Prinsesa. Siya nakipaglaban sa Bruha upang protektahan ang
kanyang pamilya mula sa masamang balak ng Bruha.

*Prinsesa- Ang unica ija ng Hari at Reyna.

*Bruha- Ang may masamang balak at sumira sa makulay na pamumuhay ng pamilya. Ang umagaw at
gumayuma sa Hari.

V. Banghay ng Maikling Kwento

A. Simula

Sa isang makulay na paraiso ay nakatira rito ang Hari at Reyna kasama ang kanilang nag- iisang Prinsesa.
Sila ay namumuhay ng masaya at may pagmamahal para sa isat- isa.

B. Saglit na Kasiglahan

Mayroon mang bangayan na tila ba' y aso at pusa kung mag- away ngunit sa huli ang lahat ng gusot ay
naitutuwid nila ng magkasama. Sa kanilang Prinsesa naman ay wala silang problema. Ang swerte ng
pamilya sapagkat payak man kung maituturing ang kanilang pamumuhay subalit ang paraiso nila ay
punung- puno ng saya at pagmamahalan na nakalaan para sa isat- isa.

C. Suliranin

Katulad ng isang pamilya, sinubok ng isang delubyo ang pagsasama ng Hari at Reyna. Kaya sa isang iglap
lang ang kanilang makulay na paraiso ay biglang naglaho at gumuho. May isang Bruha pala ang
nakapasok sa kanilang paraiso at pilit din nitong inaagaw ang Hari sa kanila ng kanyang Inang Reyna.
Ginamitan ng Bruha ng gayuma ang Hari upang mapasakanya ito. Iginugol ng Bruha ang lahat ng
kanyang oras at lahat ng pagkakataong kanyang makita para lamang magwagi sa pagwasak ng
pagsasama ng pamilya.

D. Kasukdulan

Ang Reyna ay hindi nagpatinag sa bagsik ng bruha. Nanggagalaiti ito sa galit. Nilabanan ng Reyna ang
Bruha. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang naipong lakas at lahat ng kapangyarihang kanyang magagamit
upang protektahan ang kanyang pamilya sa masamang balak ng Bruha. Ngunit ang mundo ay mapagbiro
nga talaga, dahil nagtagumpay ang Bruha sa lahat ng kanyang plano. Nakuha na nito ang loob ng Hari at
ganoon na rin ang trono ng Reyna.

E. Kakalasan

Hindi kinaya ng Reyna ang sakit ng pagkatalo niya sa kanyang pakikipaglaban kung kaya' t isinuko na niya
ito. Hindi man siya nagtagumpay na protektahan ang kanyang pamilya ngunit alam niya namang ginawa
at nagawa na niya lahat ng kanyang makakaya.

F. Wakas

Nagtamo man ng maraming sugat ang Reyna dahil sa pakikipaglaban niya sa delubyo ay ganoon din
naman siyang nagpursigi upang muling magtayo ng sarili niyang paraiso kasama ang kanilang Prinsesa.
Hindi man ito tulad dati, ang mahalaga ay bumuo muli ang Reyna ng palasyong nararapat sa kanya at sa
kanyang nag- iisang Prinsesa.

VI. Tunggalian

Ang tunggalian sa nasabing maikling kwento ay Tao Laban sa Tao, dahil sa gitna ng mga pangyayari sa
kwento ay nagkaroon ng labanan sa gitna ng Reyna kung saan ay ipinaglalaban niya ang kanyang pamilya
at ng Bruha na siyang may binabalak na masamang gawin sa pamilya.

VII. Mga Bisa ng Akda

1. Bisa sa Damdamin
Ako ay nasasaktan sa mga kaganapan sa kwento lalong- lalo na sa katayuan ng Reyna at ng Prinsesa.
Masakit sa damdamin na makikita mong nawawasak o winawasak ang pamilyang inyong binuo. At ang
dating masaya ay napalitan ng kalungkutan.

2. Bisa sa Asal

Ang natutunan ko sa kwentong ito ay ang mabigat na papel ng pagiging Ina at Asawa. Sapagkat sa kabila
ng mga suliranin sa buhay ay kailangang magpakatatag, lumaban at tumayo mula sa pagkakadapa ang
Ina alang- alang sa kanyang pamilya at higit sa lahat ay para sa kanyang anak.

3. Bisa sa Isip

Nabago ng kwento ang aking pananaw tungo sa pag- aasawa. Sa aking palagay ang pag- aasawa ay hindi
biro kung ito man ay iyong papasukin. Kailangan ang pagdedesisyon ay dapat pag- isipan ng maraming
beses dahil kapag ikaw ay napasok na sa ganitong sitwasyon kailanman ay hindi ka na maaari pang
umatras at ang lahat ng dagok na darating sa buhay ng inyong pamilya ay kailangan niyo itong labanan.

VIII. Buod

Sa isang makulay na paraiso ay nakatira rito ang Hari at Reyna kasama ang kanilang nag- iisang Prinsesa.
Sila ay namumuhay ng masaya at may pagmamahal para sa isat- isa. Mayroon mang bangayan na tila ba'
y aso at pusa kung mag- away ngunit sa huli ang lahat ng gusot ay naitutuwid nila ng magkasama. Sa
kanilang Prinsesa naman ay wala silang problema. Ang swerte ng pamilya sapagkat payak man kung
maituturing ang kanilang pamumuhay subalit ang paraiso nila ay punung- puno ng saya at
pagmamahalan na nakalaan para sa isat- isa.

Katulad ng isang pamilya, sinubok ng isang delubyo ang pagsasama ng Hari at Reyna. Kaya sa isang iglap
lang ang kanilang makulay na paraiso ay biglang naglaho at gumuho. May isang Bruha pala ang
nakapasok sa kanilang paraiso at pilit din nitong inaagaw ang Hari sa kanila ng kanyang Inang Reyna.
Ginamitan ng Bruha ng gayuma ang Hari upang mapasakanya ito. Iginugol ng Bruha ang lahat ng
kanyang oras at lahat ng pagkakataong kanyang makita para lamang magwagi sa pagwasak ng
pagsasama ng pamilya.

Ang Reyna ay hindi nagpatinag sa bagsik ng bruha. Nanggagalaiti ito sa galit. Nilabanan ng Reyna ang
Bruha. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang naipong lakas at lahat ng kapangyarihang kanyang magagamit
upang protektahan ang kanyang pamilya sa masamang balak ng Bruha. Ngunit ang mundo ay mapagbiro
nga talaga, dahil nagtagumpay ang Bruha sa lahat ng kanyang plano. Nakuha na nito ang loob ng Hari at
ganoon na rin ang trono ng Reyna.

Hindi kinaya ng Reyna ang sakit ng pagkatalo niya sa kanyang pakikipaglaban kung kaya' t isinuko na niya
ito. Hindi man siya nagtagumpay na protektahan ang kanyang pamilya ngunit alam niya namang ginawa
at nagawa na niya lahat ng kanyang makakaya. Nagtamo man ng maraming sugat ang Reyna dahil sa
pakikipaglaban niya sa delubyo ay ganoon din naman siyang nagpursigi upang muling magtayo ng sarili
niyang paraiso kasama ang kanilang Prinsesa. Hindi man ito tulad dati, ang mahalaga ay bumuo muli ang
Reyna ng palasyong nararapat sa kanya at sa kanyang nag- iisang Prinsesa.

You might also like