You are on page 1of 6

IMBENTARYO NG LAPIT O DULOG AT ESTRATEHIYA O PAMAMARAAN

SA PAGTUTURO NG WIKA AT PANITIKAN

I. Introduksyon

Napakabilis ng pag-usbong ng iba’t ibang makabagong paraan sa pagtuturo.

Kaakibat nito ang mala-kabuteng pagsulpot ng iba’t ibang lapit o dulog at mga

estratehiya o pamamaraan tungo sa mabisang pagtuturo. Ngunit, paano nga ba

isinasagawa ang mabisang pagtuturo? Masakit mang aminin o tanggapin walang

sinuman ang makapagbibigay ng tiyak na sagot sa katanungang ito. Maaagapan

lamang ang kalituhang ito kung magkakaroon ng sapat na kaalaman at pag-unawa sa

mga lapit o dulog at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan. Ang

dulog o lapit ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto

at pagtuturo. Ang pamamaraan naman o estratehiya ay tumutukoy sa pangkalahatang

sistematikong pagpaplano na binubuo ng mga hakbang batay sa isang dulog (Anthony

(1963) halaw kay Badayos, 98). Sa madaling salita, ang estratehiya ay nakaangkla sa

isang natatanging dulog. Ang pagnanais na masuri ang iba’t ibang lapit o dulog at

estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan ang nagtulak upang

isagawa ang papel na ito.

Ang papel na ito ay naniniwala na ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at

pag-unawa sa mga dulog o lapit at estratehiya o pamamaraan ay makatutulong upang

maisangkot ang mga mag-aaral sa interaktibo at makabuluhang pagkatuto. Tinitiyak din

na matugunan ang pagsusuri sa mga dulog o lapit sa pagtuturo ng wika at panitikan

kabilang na ang paglalarawan at ang paggamit nito. Binigyang-diin din ang mga
estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan, ang paglalarawan at

paggamit nito. Batay sa mga natuklasan, nabuo ang isang imbentaryo ng mga lapit o

dulog at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan.

II. Metodolohiya

Ang papel na ito ay gumagamit ng palarawang pagsusuri sa iba’t ibang dulog o

lapit at mga estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan bilang gabay

sa pagbuo ng imbentaryo ng mga lapit o dulog at estratehiya sa pagtuturo ng wika at

panitikan. Sinimulan ang pagbuo ng papel na ito sa pamamagitan ng paglikom ng sapat

na sanggunian at batayang aklat na kinakailangan dagdag pa nito ang pagsangguni sa

internet. Matapos na matiyak na sapat na ang mga kinakailangang sanggunian,

sinimulan ang pagsusuri sa iba’t ibang lapit o dulog sa pagtuturo ng wika at panitikan

kabilang na ang paglalarawan at kung paano ito isinasagawa. Sinundan naman ito ng

pagsusuri sa iba’t ibang estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan na

naglalaman ng paghihimay sa paglalarawan at paggamit nito.

III. Natuklasan at Diskusyon

Matutunghayan sa talahanayang nasa ibaba ang pagsusuri sa lapit o dulog sa

pagtuturo ng wika at panitikan gaya ng patuklas, konseptwal, unified, istruktural, audio-

lingual, pormalistiko, moralistiko, sosyolohikal, sikolohikal at istaylistiko. Inilalahad din

sa bahaging ito ang paglalarawan at ang paraan ng paggamit ng mga dulog na ito.

LAPIT/DULOG PAGLALARAWAN PAANO ITO GAGAMITIN?


Wika
Ang lapit o dulog na ito ay Himukin ang mga mag-aaral
1. Patuklas na Lapit tumutukoy sa pabuod na na manuklas ng ibang paraan o
pamamaraan ng paggabay sa tumuklas ng panibagong tuntunin
mga mag-aaral sa pagtalakay at o paraan. Bigyan ng
pag-oorganisa ng mga ideya at pagkakataon ang mga mag-aaral
pagproseso nito. Ito ay na maging aktibong partisipante
makatutulong sa mga mag-aaral ng pagkatuto sa pamamagitan ng
upang gamitin ang mga ideyang paggawa ng mga gawain,
natutunan sa pagtuklas ng pagmamanipula ng mga
panibagon ideya. kagamitan at pag-interpret ng
mga kinalabasan.
Binibigyang-diin nito ang Nagagamit ito sa
kognitibong pagkatuto: pagkatuto pamamagitan ng pag-oorganisa
sa nilalaman at pagtamo ng ng mga ideya tungo sa
kaalaman. Kinasasangkutan ito makabuluhan at mas malalaking
2. Konseptwal na Lapit ng paglikom ng sapat na mga ideya, mula sa konsepto tungo
ideya o konsepto. sa paglalahat. Bigyan ang mga
mag-aaral ng sapat na
pagkakataon para magbasa,
making at magsulat.
Ang dulog na ito ay Isinasagawa ito sa
sumasangkot sa prosesong pamamagitan ng pagtukoy sa
kognitibo gaya ng pangunahing ideya o konsepto
pagkukompara, pag-uugnay- ng isang paksang aralin,
ugnay, pagtukoy sa sanhi at pagbibigay ng halimbawa,
bunga, paghula sa posibleng pagbabalik-tanaw sa nakaraang
3. Unified Approach resulta at maging sinstesis ng pagtatalakay at pagbibigay-diin
isang paksa. Nilalayon nito na sa mahahalagang konsepto ng
malinang ang mga mag-aaral na paksang tatalakayin.
suriin at busisiin ang
pangkalahatan o kabuuan ng
mga bagay-bagay.
Naniniwala and dulog na ito na Naisasagawa ito sa
ang pagkatuto ng wika ay may pamamagitan ng pagtatalakay sa
kinalaman sa paglinang ng ugali mga tuntunin, pagbibigay-
o gawi. Samakatwid, inaalam halimbawa, pagsasaulo at
4. Dulog Istruktural ang istruktura ng wika at batay panggagaya.
ditto ay sinasanay ang mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pag-
uulit at pagsasaulo.
Ang lapit na ito ay gumagamit Nagagamit sa pamamagitan
ng teyp rekorder, larawan, ng pagpaparinig ng mga tula,
5. Dulog Audio-Lingual pelikula, slides upang mapadali kanta at iba pang gawaing
ang pagkatuto ng wika. kasasangkutan ng pandinig.
Panitikan
Binibigyang-diin ng dulog na Isinasagawa ang dulog na ito
ito ang mga elementong sa pamamagitan ng pagsusuri sa
bumubuo sa katha. Tinatalakay mga elemento ng katha. Sa
1. Dulog Pormalistiko angpagkakaugnay ng mga pagsusuri maaaring gumamit ng
bahagi ng katha. iba’t ibang grapikong pantulong
sa pag-oorganisa ng mga
elemento.
Pinagtutuonan ng dulog na ito Nagagamit ang dulog na ito sa
ang pamantayang moral na pagsusuri sabisang taglay ng
nakapaloob sa akda. Pinag- panitikan, kaisipang moral,
2. Dulog Moralistiko aaralan sa lapit na ito ang halaga ng tao, karangalan at
panitikan na may pagtatangkang kadakilaan. Ang pagsasadula sa
hubugin ang tao at lipunan. moral na nakapaloob sa akda ay
maaring isagawa upang
maisabuhay ang mga ito.
Pinagtutuonan ng pansin ng Nagagamit ang dulog na ito sa
dulog na ito ang mga elemento pagsusuri sa damdamin, aral at
ng panitikan kabilang na ang gawi ng tao batay sa kapaligirang
3. Dulog Sosyolohikal ugnayang sosyo-kultural, political sosyo-kultural. Pabuuin ang mga
at pamumuhay, damdamin,asal mag-aaral ng balita, pagtatalo o
kilos at reaksyon ng tao. di kaya’y reaksyong papel.
Tinatalakay sa dulog na ito Naisasagawa ito sa
ang nakakubling layunin ng mga pamamagitan ng pagsusuri sa
4. Dulog Sikolohikal manlilikha at mga motibo ng mga emosyon, damdamin, kilos at
tauhan sa isang akda. gawing ng tauhan sa akda.
Nakatuon ang dulog na ito sa Naisasagawa sa
pagsusuri sa istilo at devices na pamamagitan ng pagpapasulat
ginamit ng mga awtor tulad ng ng mga komposisyon ayon sa
5. Dulog Istaylistiko wikang ginamit, pananaw, pansariling estilo ng mga mag-
paglalarawan sa tauhan at mga aaral at iba pang gawaing
tayutay. susukat sa pagkamalikhain.

Matutunghayan sa talahanayang nasa ibaba ang iba’t ibang estratehiya o

pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan gaya ng pabuod, pasaklaw,

papanayam, direkta, pagkatutong tulong-tulong, tanong-sagot, integrated o pinagsanib,

paulat, pagtuturong nakapokus sa mag-aaral at pagkatutong interaktibo. Inilalahad din

sa bahaging ito ang paglalarawan at paggamit ng mga estratehiya o pamamaraang ito.

ESTRATEHIYA /
PAGLALARAWAN PAANO ITO GAGAMITIN?
PAMAMARAAN
Wika
Ang pagtuturo ay sinisimulan Isinasagawa sa pamamagitan
sa pinakamadaling paraan ng paghahanda, paglalahad ng
patungo sa pinakakomplikado. mga ideyang bibigyan ng
1. Pamamaraang
Makatutulong ang pamamaraang paglalahat, paghahambing at
Pabuod (Inductive) ito upang makatuklas paghahalaw at paglalahat o
katotohanan, simulain at pagbuo ng pormula, kahulugan o
paglalahat. tuntunin.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito ayon sa mga
nagsisimula sa isang tiyak na hakbang na panimula,
aralin at nagtatapos sa pagbibigay tuntunin o simulain,
2. Pamamaraang paglalahat. Samakatwid, pagpapaliwanag, pagbibigay ng
Pasaklaw (Deductive) nagsisimula ang pamamaraang mga halimbawa,pag-uugnay
ito sa hindi nalalaman ng mga paglalapat at pagtataya.
mag-aaral patungo sa mga
bagay na nalalaman.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit sa pamamagitan
isang paraan ng pagpapaliwanag ng panimula o pagkuha ng
3. Pamamaraang at paglilinaw sa isang paksa.. atensyon ng mga mag-aaral,
Papanayam Gumagamit ito ng eksposisyon resitasyon at pagsubok kung
na maaaring sa pamamagitan ng ganap na naunawaan ng mga
pagsasalaysay o paglalarawan. mag-aaral ang lektyur.
Ito ay isang uri ng Inilalahad sa pamamagitan ng
pamamaraan na karaniwang may diyalogo, itinuturo ang
4. Pamamaraang
tanungan at sagutan na pagbabalangkas at
Direkta kadalasan ay tungkol sa mga pinahahalagahan ang pagbigkas
kilos at gawi sa silid-aralan. ng mga salita.
Binibigyang-diin nito ang Nagagamit ito sa pagbibigay
5. Pagkatutong Tulong- sama-samang pagtutulungan ng ng pangkatang gawain ng mga
Tulong guro at mga mag-aaral upang mag-aaral tulad ng pagbuo ng
mapagtagumpayan ang gawain. portfolio at iba pang proyekto.
Panitikan
Ito ang pinakagamitin sa loob Naisasagawa ito sa
ng klasrum. Kinakailangang may pamamagitan ng panimulang
1. Pamamaraang sapat na kaalaman ang guro sa pagtatanong, paglinang,
Tanong-Sagot paksa para sa isasagawa (paksang-aralin, paliwanag at
pagpapalitran ng tanong-sagot. halimbawa), pagsasanay
(pasalita o pasulat) at pagsubok.
Ang pamamaraang ito ay ang Nagagamit ito kung ang
pagsasanib ng iba-ibang paksa panitikan ay ginagamit bilang
2. Integrated Method at paglalahad sa mga ito bilang lunsaran ng pagtuturo ng wika o
iisang konsepto. di kaya’y ibang larangan.
Ang pamamaraang ito ay ang Ginagawa ito sa
pag-aatas sa mga mag-aaral ng pamamagitan ng isahan o
mga paksang kanilang pangkatang talakayan,
3. Pamamarang Paulat tata;akayin isahan man o symposium o di kaya’y sa
pangkatan. pamamagitan ng pagbabasa at
pagkukwento.
Ito ang pamamaraang Binibigyan ang mga mag-
4. Pagtuturong nakapokus sa mga mag-aaral. aaral ng kalayaang makisangkot
Isinaalang-alang ang input ng sa pansariling pagkatuto. Ang
Nakapokus sa Mag- mga mag-aaral at hindi itinatakda mga patakaran ay iniaayon sa
aaral kaagad ang mga layunin. pangangailangan ng mga mag-
aaral.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito sa dalawahan o
nagbibigay-diin sa interaksyon ng pangkatan kung saan
5. Pagkatutong
mga mag-aaral at pag-unawa sa nagkakaroon ng pagpapalitan ng
Interaktibo konsepto ng iba. mga ideya ang pangkat tungo sa
ibang pangkat.

IV. Konklusyon
Batay sa mga natuklasan, walang tiyak na lapit o dulog at estratehiya o

pamamaraan sa kung paano isasagawa ang mabisang pagtuturo ng wika at panitikan.

Ngunit, ang pagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa kalikasan at pangangailangan

ng mga mag-aaral kasabay ang malawak na kaalaman at pag-unawa sa mga dulog o

lapit at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo nito ay makatutulong sa makabuluhan

at interaktibong pagkatuto ng mga mag-aaral.


V. Mga Sanggunian

Mga Aklat:

Acero, Victorina O. et. al., Principles and Strategies of Teaching, Quezon City:

Rex Bookstore Inc. 2000.

Badayos, Paquibot B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Mga Teorya,

Simulain at Istratehiya, Makati City: Grandwater Publications and Research

Corporation, 1999.

Electronic Sources

https://pr`ezi.com/z2kykr5bqzwz/mga-lapit-pagdulog-at-istratehiya/?webgl=0

MGA LAPIT, PAGDULOG AT ISTRATEHIYA, Abril 21, 2018.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=496386743776796&id=476

472942434843. Abril 21, 2018.

Strategies in Teaching Literature:... (PDF Download Available). Available from:

https://www.researchgate.net/publication/317688529_Strategies_in_Teaching_Literatur

e_Students_in_Focus [accessed Apr 20 2018].

You might also like