You are on page 1of 10

ESC 16- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II- PANITIKAN NG

PILIPINAS

This is a property of
PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE
UNIVERSITY
NOT FOR SALE
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II

Aralin 1

Ang Pagtuturo ng Panitikan


(Ang Guro at ang Pagtuturo)
Aralin 1.4
Ibat-ibang dulog sa Pagtuturo

Panimula

Napakabilis ng pag-usbong ng iba’t ibang makabagong paraan sa pagtuturo. Kaakibat nito ang
mala-kabuteng pagsulpot ng iba’t ibang lapit o dulog at mga estratehiya o pamamaraan tungo sa mabisang
pagtuturo. Ngunit, paano nga ba isinasagawa ang mabisang pagtuturo? Masakit mang aminin o tanggapin walang
sinuman ang makapagbibigay ng tiyak na sagot sa katanungang ito. Maaagapan lamang ang kalituhang ito kung
magkakaroon ng sapat na kaalaman at pag-unawa sa mga lapit o dulog at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo
ng wika at panitikan. Ang dulog o lapit ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto
at pagtuturo. Ang pamamaraan naman o estratehiya ay tumutukoy sa pangkalahatang sistematikong pagpaplano na
binubuo ng mga hakbang batay sa isang dulog (Anthony (1963) halaw kay Badayos, 98). Sa madaling salita, ang
estratehiya ay nakaangkla sa isang natatanging dulog. Ang pagnanais na masuri ang iba’t ibang lapit o dulog at
estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan ang nagtulak upang isagawa ang papel na
ito. Ang papel na ito ay naniniwala na ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at pag-unawa sa mga
dulog o lapit at estratehiya o pamamaraan ay makatutulong upang maisangkot ang mga mag-aaral sa interaktibo at
makabuluhang pagkatuto. Tinitiyak din na matugunan ang pagsusuri sa mga dulog o lapit sa pagtuturo ng wika at
panitikan kabilang na ang paglalarawan at ang paggamit nito. Binigyang-diin din ang mga estratehiya o
pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan, ang paglalarawan at paggamit nito. Batay sa mga natuklasan, nabuo
ang isang imbentaryo ng mga lapit o dulog at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang ibat-ibang dulog ng pagtuturo sa wika at panitikan.


2. Nailalarawan ang ibat-ibang dulog sa pagtuturo.
3. Naisasagawa ang bawat dulog ng pagtuturo sa wika at panitikan.
Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Aralin 1: Ang Pagtuturo ng Panitikan = 3 oras


(3 oras para sa talakayan; 2
Aralin 1.4 Ibat-ibang dulog sa Pagtuturo oras para sa mga 3aking at
pagsasanay ng kabanata)
Talakayan:

MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

MGA KONSEPTO:

METODO
• Ito ang tawag sa panlalahat na pagpaplano para sa isang siisitematiko at
epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod
ang bawat metodo o pamaraan.
ESTRATEHIYA
• Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat
hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto,
larawan o larong pangwika.
TEKNIK
• Ito ang tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksiyong pangklase.
Alinman sa mga kagamitang pagsasanay o Gawain sa loob ng klasrum
upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
DULOG (APPROACH)
• Isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at
pagtuturo.
PAMAMARAAN
• Isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng
wika at batay sa isang dulog.
METODOLOHIYA
• Ito ay isang pag-aaral ng mga gawaing ng pedagohikal (kasama rito ang
mga paniniwalang teoritikal at kaugnay na pananaliksik). Ito ay tumutugon
din din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang
pagtuturo”.

Matutunghayan sa talahanayang nasa ibaba ang pagsusuri sa lapit o dulog sapagtuturo ng


wika at panitikan gaya ng patuklas, konseptwal, unified, istruktural, audio-lingual, pormalistiko,
moralistiko, sosyolohikal, sikolohikal at istaylistiko. Inilalahad dinsa bahaging ito ang
paglalarawan at ang paraan ng paggamit ng mga dulog na ito.
LAPIT/DULOG PAGLALARAWAN PAGGAMIT
WIKA
1. Patuklas na Lapit Ang lapit o dulog na ito ay Himukin ang mga mag-aaral
tumutukoy sa pabuod na na manuklas ng ibang paraan
pamamaraan ng paggabay sa o tumuklas ng panibagong
mga mag-aaral sa pagtalakay tuntunin o paraan. Bigyan ng
at pag-oorganisa ng mga pagkakataon ang mga mag-
ideya at pagproseso nito. Ito aaral na maging aktibong
ay makatutulong sa mga mag- partisipanteng pagkatuto sa
aaral upang gamitin ang mga pamamagitan ng paggawa ng
ideyang natutunan sa mga 5aking,pagmamanipula
pagtuklas ng panibagon ng mga kagamitan at pag-
ideya. interpret ng mga kinalabasan.
2. Konseptwal na Lapit Binibigyang-diin nito ang Nagagamit ito sa
kognitibong pagkatuto: pamamagitan ng pag-
pagkatuto sa nilalaman at oorganisa ng mga ideya tungo
pagtamo ng kaalaman. sa makabuluhan at mas
Kinasasangkutan ito ng malalaking ideya, mula sa
paglikom ng sapat na mga konsepto tungo sa paglalahat.
ideya o konsepto. Bigyan ang mga mag-aaral ng
sapat na pagkakataon para
magbasa, 5aking at magsulat.
3. Unified Approach Ang dulog na ito ay Isinasagawa ito sa
sumasangkot sa prosesong pamamagitan ng pagtukoy sa
kognitibo gaya ng pangunahing ideya o onsepto
pagkukompara, pag-uugnay- ng isang paksang aralin,
ugnay, pagtukoy sa sanhi at pagbibigay ng halimbawa,
bunga, paghula sa posibleng pagbabalik-tanaw sa
resulta at maging sintesis ng nakaraang pagtatalakay at
isang paksa. Nilalayon nito na pagbibigay-diin sa
malinang ang mga mag-aaral mahahalagang konsepto ng
na suriin at busisiin ang paksang tatalakayin.
pangkalahatan o kabuuan ng
mga bagay-bagay.
4. Dulog Istruktural Naniniwala ang dulog na ito Naisasagawa ito sa
na ang pagkatuto ng wika ay pamamagitan ng pagtatalakay
may kinalaman sa paglinang sa mga tuntunin, pagbibigay-
ng ugali o gawi. halimbawa, pagsasaulo at
Samakatuwid, inaalam ang paggagaya.
istruktura ng wika at batay
dito ay sinasanay ang mga
mag-aaral sa pamamagitan ng
pag-uulit at pagsasaulo.
5. Dulog Audio-Lingual Ang lapit na ito ay Nagagamit sa pamamagitan
gumagamit ng teyp rekorder, ng pagpaparinig ng mga tula,
larawan, pelikula, slides kanta at iba pang gawaing
upang mapadali ang kasasangkutan ng pandinig.
pagkatuto ng wika.
PANITIKAN
1. Dulog Pormalistiko Binibigyang-diin ng dulog na Isinasagawa ang dulog na ito
ito ang mga elementong sa pamamagitan ng pagsusuri
bumubuo sa katha. sa mga element ng katha. Sa
Tinatalakay ang pagsusuri maaaring gumamit
pagkakaugnay ng mga bahagi ng ibat-ibang grapikong
ng katha. pantulong sap ag-oorganisa
ng mga element.
2. Dulog Moralistiko Pinagtutuunan ng dulog na ito Nagagamit ang dulog na ito
ang pamantayang moral na sa pagsusuri sa bisang taglay
nakapaloob sa akda. Pinag- ng panitikan, kaisipang
aaralan sa lapit na ito ang moral, halaga ng tao,
panitikan na may karangalan at kadakilaan.
pagtatangkang hubugin ang Ang pagsasadula sa moral na
tao at lipunan. nakapaloob sa akda ay
maaaring isagawa upang
maisabuhay ang mga ito.
3. Dulog Sosyolohikal Pinagtutuunan ng pansin ng Nagagamit ang dulog na ito
dulog na ito ang mga element sa pagsusuri sa damdamin,
ng panitikan kabilang na ang aral at gawi ng tao batay sa
ugnayang sosyo-kultural, kapaligirang sosyo-kultural.
political at pamumuhay, Pabuuin ang mga mag-aaral
damdamin, asal kilos at ng balita, pagtatalo o di
reaksiyon ng tao. kaya’y reaksiyong papel.
4. Dulog Sikolohikal Tinatalakay sa dulog na ito Naisasagawa ito sa
ang nakakubling layunin ng pamamagitan ng pagsusuri sa
mga manlilikha at mga emosyon, damdamin, kilos at
motibo ng mga tauhan sa gawi ng tauhan sa akda.
isang akda.
5. Dulog Istaylistiko Nakatuon ang dulog na ito sa Naisasagawa sa pamamagitan
pagsusuri sa istilo at devices ng pagpapasulat ng mga
na ginamit ng mga awtor komposisyon ayon sa
tulad ng wikang ginamit, pansariling estilo ng mga
pananaw, paglalarawan sa mag-aaral at iba pang
tauhan at mga tayutay. gawaing susukat sa
pagkamalikhain.

Matutunghayan sa talahanayang nasa ibaba ang ibat-ibang estratehiya o pamamaraan sa


pagtuturo ng wika at panitikan gaya ng pabuod, pasaklaw, papanayam, direkta, tanong-sagot,
integrated o pinagsanib, paulat, pagtuturong nakapokus sa mag-aaral at pagkatutong interaktibo.
Inilalahad din sa bahaging ito ang paglalarawan at paggamit ng mga estratehiya o pamamaraang
ito.
ESTRATEHIYA/PAMAMARAAN PAGLALARAWAN PAGGAMIT

1. Pamamaraang Pabuod Ang pagtuturo ay Isinasagawa sa


(Inductive) sinisimulan sa pamamagitan ng
pinakamadaling paraan paghahanda, paglalahad ng
patungo sa mga ideyang bibigyan ng
pinakakumplikado . paglalahat, paghahambing
makatutulong ang at paghahalaw, pagbuo ng
pamamaraang ito upang pormula, kahulugan o
makatuklas ng tuntunin.
katotohanan, simulain at
paglalahat.
2. Pamamaraang Pasaklaw Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito ayon sa mga
(Deductive) nagsisimula sa isang tiyak hakbang na panimula,
na aralin at nagtatapos sa pagbibigay tuntunin o
paglalahat. Samakatuwid, simulain, pagpapaliwanag,
nagsisimula ang pagbibigay ng mga
pamamaraang ito sa hindi halimbawa, pag-uugnay
nalalaman ng mga mag- paglalapat at pagtataya.
aaral patungo sa mga
bagay na nalalaman.
3. Pamaraang Papanayam Ang pamaraang ito ay Nagagamit sa pamamagitan
isang paraan ng ng panimula o pagkuha ng
pagpapaliwanag at atensyon ng mga mag-aaral,
paglilinaw sa isang paksa. resitasyon at pagsubok kung
Gumagamit ito ng ganap na naunawaan ng
eksposisyon na maaaring mga mag-aaral ang lektyur.
sa pamamagitan ng
pagsasalaysay o
paglalarawan.
4. Pamamaraang Direkta Ito ay isang uri ng • Inilalahad sa
pamamaraan na pamamagitan ng
karaniwang may tanungan diyalogo, itinuturo
at sagutan na kadalasan ay ang pagbabalangkas
tungkol sa mga kilos at at pinapahalagaan
gawi sa silid-aralan. ang pagbigkas ng
mga salita.
• Pangunahing
estratehiya sa
pagkatuto ay ang
pagganyak,
pagsasaulo ng mga
parirala at paulit-ulit
na pagsasanay.
5. Pagkatutong Tulong-tulong Binibigyang-diin nito ang Nagagamit ito sa
sama-samang pagbibigay ng pangkatang
pagtutulungan ng guro at Gawain ng mga mag-aaral
mga mag-aaral upang tulad ng pagbuo ng portfolio
mapagtagumpayan ang at iba pang proyekto.
Gawain.
PANITIKAN
1. Pamamaraang Tanong- Ito ang pinaka madalas Naisasagawa ito sa
Sagot gamitin sa loob ng klase.pamamagitan ng
Kinakailangang may sapat panimulang pagtatanong,
na kaalaman ang guro sa paglinang, (paksang-aralin,
paksa sa isasagawang paliwanag at halimbawa),
pagpapalitan ng tanong- pagsasanay (pasalita o
sagot. pasulat) at pagsubok.
2. Integrated Method Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito kung ang
ang pagsasanib ng iba- panitikan ay ginagamit
ibang paksa at paglalahadbilang lunsaran ng
sa mga ito bilang iisang pagtuturo ng wika o di
konsepto. kaya’y ibang larangan.
3. Pamamaraang Paulat Ang pamamaraang ito ay Ginagawa ito sa
ang pag-aatas sa mga pamamagitan ng isahan o
mag-aaral ng mgapangkatang talakayan,
paksang symposium o di kaya’y sa
kanilang
tatalakayin isahan man o pamamagitan ng pagbabasa
pangkatan. at kagkukwento.
4. Pagtuturong nakapokus sa Ito ang pamamaraang Binibigyan ang mga mag-
mag-aaral nakapokus sa mga mag- aaral ng kalayaang
aaral. Isinasaalang-alangmakisangkot sa pansariling
ang input ng mga mag- pagkatuto. Ang mga
aaral at hindi itinatakdapatakaran ay iniaayon sa
kaagad ang mga layunin. pangangailangan ng mga
mag-aaral.
5. Pagkatutong Interaktibo Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito sa dalawahan
nagbibigay-diin sa o pangkatan kung saan
interaksiyon ng mga mag- nagkakaroon ng
pagpapalitan ng mga ideya
aaral at pag-unawa sa ang pangkat tungo sa ibang
konsepto ng iba. pangkat.

KONKLUSYON:

Batay sa mga natuklasan, walang tiyak na lapit o dulog at estratehiya o pamamaraan sa


kung paano isasagawa ang mabisang pagtuturo ng wika at panitikan. Ngunit, ang pagkakaroon ng
malawak na pag-unawa sa kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral kasabay ang malawak
na kaalaman at pag-unawa sa mga dulog o lapit at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo nito ay
makatutulong sa makabuluhan at interaktibong pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sanggunian:

https://www.academia.edu/36575829/Imbentaryo_ng_Lapit_o_Dulog_at_Estratehiya_o_Pamamaraan
https://www.academia.edu/32085152/MGA_SIMULAIN_METODO_SA_PAGTUTURO_NG_FILIPINO
https://newsfeed.ph/facts/87098/mga-uri-ng-dulog-halimbawa-ng-dulog-sa-panunuring-pampanitikan/

Webliyograpiya

KASUNDUAN SA PAGITAN NG MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURA


Ako si , __________________________________________________________ nakatira sa
_____________________________________________________________________________
ay opisyal na nagpatala sa President Ramon Magsaysay State University-Santa Cruz Campus
ngayong _______ Taong Panuruan ________________, pumayag, nanumpa at sumunod sa mga
akademikong patakaran na nakapaloob sa silabus at masigasig na sumunod sa lahat ng
pangangailangan.

_______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Mag-aaral)

Saksi (Witness):

_______________________________________
(Magulang o Tagapag-alaga at Lagda)

________________________________________
(Guro at Lagda)

Tandaan : Marapat na ibalik ang form sa guro ng asignatura.

You might also like