Professional Documents
Culture Documents
Halimbawa:
alagang ahas – taksil, walang utang-na-loob, kalawang sa bakal
gagapang na parang ahas – maghihirap ang buhay, maghihikahos, magiging miserable ang buhay parang ahas na
kuyog – galit na lahat ang buong angkan sa kagalit ng isa sa kanila
bagong ahon – baguhan sa pook, bagong salta
alanganin – bakla, tomboy
lumilipad sa alapaap – walang katiyakan, alinlangan
inalat – minalas, inabot ng alat
pinakain ng alikabok – tinalo sa isang karera ng takbuhan
nasagap na alimuom – nakuhang tsismis, sabi-sabi, bali-balita, alingasngas
● Isang salita o parirala na ang kahulugan ay ipinahihiwatig ng salita o ilan sa mga salita sa
parirala.
● Nasisinag ang kontekstuwal na kahulugan sa mga salitang ginagamit.
Halimbawa:
magulo pa sa sangkuwaltang abaka – masalimuot, napakagulo, nakalilito, walang-walang
kaayusan
abot ang utak walang pang-intindi, bobo, tanga, mahina ang ulo
– anay lihim na kaaway
anak sa labas – anak sa di tunay na asawa, anak sa ibang babae
parang iniihan ng aso– di mapakali, di mapalagay, balisa
buhol-babae – mahina o madaling makalas ang pagkakatali, di matatag/matibay
agawin ang buhay – iligtas ang buhay sa kamatayan mag-alsa ng boses – sumigaw (sa galit),
magtaas ng tingin mabigat ang katawan – masama ang pakiramdam o di maganda ang
pakiramdam, tamad
1. Active Learning- dito, hinahayaan ang mga mag-aaral na gawin ang limang makrong kasanayan
(pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalita, at panonood).
2. Critical Thinking – papasok dito ang mga gawaing pangkaisipan na may kakayahang makakuha ng
tamang sagot. Halimbawa nito ay mga paghihinuha, diskusyon, atbp.
3. Experiential Learning – matututo ang mga mag-aaral kung ipagagawa ang gawaing itinakda sa
kanila. Kailangang magamit ang mga napag-aralan nila sa gagawing aktibidades.
7. Learner-Centered Teaching – Ang mga mag-aaral ang nasa sentro ng pagkatuto, at ang mga guro ang
tagapagdaloy. Mas mainam kung makakaisip ang guro ng mga gawain na nakatuon sa mag-aaral.
10. Learning Community – Ang pagsasama-sama ng klase sa isang panlahat na gawain. Madalas
ginagawa ito bilang culminating activities ng asignatura o ng buong paaralan.
11. Problem-Based Learning- Ang problem-based learning (PBL) ay isang istilo ng pagtuturo na
nagtutulak sa mga mag-aaral na maging driver ng kanilang pag-aaral sa pag-aaral. Ang pag-aaral na
nakabatay sa problema ay gumagamit ng mga kumplikado, totoong-mundo na mga isyu bilang paksa ng
silid-aralan, na naghihikayat sa mga mag-aaral na bumuo ng mga kasanayan sa paglutas ng problema at
matuto ng mga konsepto sa halip na sumisipsip lamang ng mga katotohanan.
12. Differentiated Learning – Mahalagang matuklasan ng guro ang pag-iiba-iba ng mga mag-aaral sa
nilalaman, kahandaan, sa pagkatuto, at interes upang makabuo ng mga gawain na angkop para sa lahat.
13. Project-Based Learning - Ang Project Based Learning ay isang paraan ng pagtuturo kung saan ang
mga mag-aaral ay nakakakuha ng kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang
mahabang panahon upang mag-imbestiga at tumugon sa isang tunay, nakakaengganyo, at kumplikadong
tanong, problema, o hamon.
14. Brain-Based Learning- ay tumutukoy sa mga paraan ng pagtuturo, mga disenyo ng aralin, at mga
programa sa paaralan na batay sa pinakabagong siyentipikong pananaliksik tungkol sa kung paano
natututo ang utak, kabilang ang mga salik gaya ng pag-unlad ng pag-iisip—kung paano natututo ang mga
estudyante habang sila ay tumatanda, lumalaki, at tumatanda sa lipunan, emosyonal, at kognitibo.
15.GRAPHIC ORGANIZER - Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din ito
upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga larawan at mga
kaalaman. Ito ay ibinibigay upang mahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.
16. CONCEPT MAP - Ang Concept Map ang nag-uugnay ng mga konsepto hanggang sa
makabuo ng malaking ideya o katuturan. to ay ginagamit upang madaling maisa-isa at
mabigyang-kahulugan ang mga salita, konsepto o pangyayari.
17. Directed Reading Thinking Activity (DRTA)- ay isang estratehiya sa pag-unawa na gumagabay sa
mga mag-aaral sa pagtatanong tungkol sa isang teksto, paggawa ng mga hula, at pagkatapos ay pagbabasa
upang kumpirmahin o pabulaanan ang kanilang mga hula. Hinihikayat ng proseso ng DRTA ang mga
mag-aaral na maging aktibo at maalalahanin na mga mambabasa, na nagpapahusay sa kanilang pang-
unawa.
18. Group Mapping Activity (GMA) - Isang estratehiya na bumubuo ng pag-unawa sa isang teksto sa
pamamagitan ng paglikha ng isang visual na imahe o nakasulat na representasyon na nagbibigay-katwiran
sa ugnayan sa pagitan ng mga tauhan ng kuwento, balangkas, at mga konsepto sa expository material.
Tinatawag din itong Story Map.
19. Question-Answer Relationship (QAR) - tumutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang iba't
ibang uri ng mga tanong. Sa pamamagitan ng pag-alam na ang mga sagot sa ilang tanong na "Nariyan" na
sa teksto. Ang ilang sagot naman ay nangangailangan ng isang mambabasa na "Mag-isip at Maghanap,"
at ang ilang mga sagot ay masasagot lamang ng mismong mambabasa. Kinikilala ng mga mag-aaral na
kailangan muna nila isaalang-alang ang tanong bago bumuo ng sagot.
3. PAG-UUGNAY – magagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga sangkap na ginamit sa isang akda
5. PAGLALAHAT – magagawang mailapat ng mga mag-aaral ang kanyang natutuhan buhat sa akda sa
pagbabasa ng iba pang akda katulad din itong paglalapat ng mga kasanayang natutuhan sa panitikang
Filipino sap ag-aaral ng panitikang Ingles.
6. PAGPAPAHALAGA – karaniwang ginagawa pagkatapos basahin ang isang akda ngunit hindi
tuwirang itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito sapagkat hitik na hitik sa pagpapahalaga ang
panitikan.
1. Tore ng Babel
Ang teoryang ito ay hango sa Bibliya na makikita sa aklat ng Genesis 11:1-8.
Ayon dito, sinasabing may iisang wika lamang ang ginagamit ng mundo, dahilan upang ang lahat ng tao
ay magkaintindihan sa isa’t isa. Naging mapangahas at ambisyoso ang tao. Binuo nila ang Tore ng
Babel sa paghahangad na maabot ang langit at mahigitan ang kapangyarihan ng Diyos.
Sinira at pinaguho ng Diyos ang tore. Upang magkawatak-watak at hindi na magkaintidihan ang mga
tao, ginawa Niyang magkaiiba-iba ang wikang ginagamit ng bawat isa. Ito ang nagpapaliwanag kung
bakit nagkaroon ng iba’t ibang wika ang mundo.
2. Bow-wow
Nilalahad ng teoryang ito na nagsimula ang wika dahil sa panggagaya ng tao sa mga tunog mula sa
kalikasan. Sinasabing mga sinauna o primitibong tao ay limitado at kulang-kulang ang bokabularyong
ginagamit. Dahil dito, ang mga bagay sa kanilang paligid ay pinangalanan nila gamit ang mga tunog na
nililikha nito. Ito, marahil, ang nagpapaliwanag kung bakit tinawag na ‘tuko’ ang mga tuko.
3. Ding-dong
Tinawag ni Max Muller ang teoryang ito na simbolismo ng tunog. Ayos sa Teoryang Ding-dong, lahat ng
bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan o sumisimbolo rito. Nabuo ang wika ng mga tao
dahil sa patuloy na panggagaya sa mga tunog na nililikha ng kalikasan, maging sa mga bagay na nilikha
ng tao. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tunog na ito ay nagpabago-bago at nalalapatan ng bagong
kahulugan.
4. Pooh-pooh
5. Yo-he-yo
Ayon kay A.S. Diamond, isang liggwista, natutong magsalita ang tao dahil sa kaniyang pwersang pisikal.
Nakabubuo ng tunog ang tao kapag gumagamit ng pwersa sa paggalaw. Halimbawa ng mga tunog kapag
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, ang ‘hiya’ kapag tayo ay sumisipa o nagka-karate.
6. Ta-ta
Nakabubuo ng tunog ang tao dahil sa panggagaya ng ating dila sa mga pagkumpas o paggalaw ng mga
kamay. Ang mga tunog na ito ay kalaunang naging mga salita. Tinatawag din itong ‘ta-tana’ sa wikang
Pranses. Halimbawa rito’y ang pagkumpay ng mga kamay nang paibaba at paitaas kapag nagpapaalam.
Kapag ang ating dila ay ginalaw nang paitaas at paibaba, tayo ay makabubuo ng tunog na ‘ta-ta’.
7. Yum-yum
Isinasaad ng teoryang ito na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas ng alinmang bagay
na nangangailangan ng aksyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa ng bibig ayon sa posisyon ng dila.
8. Sing-song
Iminungkahi ni Jesperson, isang liggwista, ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, panliligaw,
pagkausap sa sarili, at iba pang bulalas-emosyunal. Sinasabi rin niya, kaiba sa ibang teorya, ang mga
bulalas na ito ay higit na mahaba at musikal.
9. Coo Coo
Nabuo ang wika dahil sa mga tunog na nililikha ng mga sanggol. Ginamit at ginaya ito ng mga
matatanda upang ipangalan sa mga bagay-bagay na nasa paligid.
10. Eureka!
Ayon sa teoryang ito, sinadyang imbentuhin ng tao ang wika. Mayroon nang ideya ang mga sinaunang
tao sa pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga bagay. Kumalat ang ideyang
ito at naging kalakalaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay.
11. Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ayon sa teoryang ito, ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal. Ang
mga tunog na ito ay nagpabago-bago at nalapatan ng iba’t ibang kahulugan.
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.
Halimbawa: A. 1.
2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa: Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag- aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.
3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo! Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Halimbawa: OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya. HINDI, ayaw niyang sumama.
5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina- kaltas:
Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain. Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at
pangalagaan ang aking bayan.
6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa: araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag
hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa: mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag
o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique mag-pal maka-
Johnson mag-Sprite mag-Corona mag-Ford mag-Japan
E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng
inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa: mag-Johnson magjo-Johnson mag-Corona magco-Corona mag-Ford magfo-Ford mag-Japan
magja-Japan mag-Zonrox magzo-Zonrox
H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo Conchita Ramos-Cruz Perlita Orosa-Banzon
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa: 8:00 a.m Juan 16:16
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang
paliwanag o halimbawa.
Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng
kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga
akda.
Halimbawa: Nagbukas na muli ang “Manila Times”. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi
direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito. A. Ginagamit
upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.