Professional Documents
Culture Documents
AGAPAY
FIL 602
Gawain 1:
Sabi nga nila sa panahon ngayontayong mga guro ay dapat nakapukos sa mga
kabataan o learners centered. Ika nga nila, para sa bata, para sa bayan.paano kung
ang mga mag-aaral ay hindi naman nakuha o naintindihan ang isang aralin? Kaya
nandito na papasok ang tinatawag nating Contextualized at localized. Ang
contextualization ay ginagamit upang mas lalong maka-relate ang mga bata sa paksang
–aralin. Lalong-lalo na ngayong pandemya, hindi masyado maiintindihan ng mga bata
ang topiko, lalong lalo sa mga bundok na lugar, kasi modyul lamang ang ginagamit at
ang kanilang mga magulang lamang ang gumagabay. Ang contextualization ay
tinatranslate sa isang dayalekto ang salita upang mas lalong malinawagan doon, kaya
kinakailangan na isalin ng guro sa dayalek ng ginagamit a isang lugar.Ang localized
naman ay katulad rin ng contextualized. Halimbawa nito ay nasa modyul o sa aklat, ang
mga halimbawa doon nakasaad ay tungkol sa luneta park, Maaari mo ring gawing
halimbawa doon ang plaza ng inyong bayan , kasi mas makakarelate sila ditto kasi
nakikita at nakapunta na sila doon. Malaking tulong ito lalong lalo na sa mga mababang
paaralan. Kasi mas matagal mabura sa isip ng mga bata kapag naka-ekperyens na sila
ng ganoong bagay. Lalong lalo na kapag nakikita at nahahawakan ng mga bata. Mas
madali itong matatak sa kanilang isipan, kaysa sa kanilang imahinasyon lamang.