You are on page 1of 2

Sinasabi ni Richards (1992), ang isang epektibong guro ay malikhain.

Ang kanyang klase


ay masigla, kawili wili, at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal
ng impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang
mag-aaral na mapabuti ang buhay. Dinagdag pa ni Hendricks (1998), nasusukat ang pagiging
epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan at saloobin ng kanyang tinuturuan.

Higit na makatutulong sa paglago ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral ay kung


mayroon silang isang gurong gagabay sa kanila sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Isang
guro na magbibigay sa kanila ng walang katumbas na pagmamahal at pag-aaruga na handang
umagapay ng walang hinihinging kapalit. Ang guro ay isang ina, ama, at kapatid sa loob ng ating
paaralan o silid- aralan. Ang mga katangiang ito ng guro ang siyang magiging inspirasyon ng
bawat mag-aaral upang patuloy nilang tahakin ang landas ng buhay at makapagtapos ng pag-
aaral.

Sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003 na isinalin ni Villafuerte (2008), may
labindalawang dapat taglayin ang isang guro ngayon.

1. Walang itinatangi minamahal ng mga mag aaral ang guro na pantay pantay ang
pagtingin sa kanila. Lahat ng mag aaral ay itinuturing niyang pantay pantay anuman
ang kalagayan nito sa lipunan, katangian o hitsura, pamilyang pinagmulan at kahinaan o
kalakasan.

2. May postibong pag uugali Lalong tumataas ang tiwala sa sarili ng mga mag aaral
kung ang guro ay nagpapakita ng magandang pag uugali sa kanila.

3. May kahandaan ang gurong may malawak na kaalaman sa paksang itinuturo at ang
kakayahan na ito na iugnay sa iba pang larangan ang paksa ay isang halimbawa ng
mahusay na guro.

4. May haplos personal Madaling madisiplina ng guro ang klaseng malapit sa kaniya.
Upang maging malapit ang klase sa guro, nararapat na kilalanin niya nang mabuti ang
bawat mag-aral, tawagin sa pangalan, marunong ngumiti, inaalam ang nararamdaman,
opinyon at interes ng klase at higit sa lahat, demokratiko.

5. Masayahin hindi malilimuta ng mga mag aaral ang gurong laging may dalang ngiti sa
klase. Higit sa lahat, laging matatandaan ang gurong nakakapagpatawa at nagdudulot ng
kasiyahan sa gitna ng panahon na nahihirapan o napapahiya na ang isang mag-aaral sa
klase.

6. Malikhain nakahihikayat sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral kung maaliwalas


ang silid aralan. Bida ang gurong may ibat ibang paraan sa pagganyak upang ihanda
ang klase sa gagawing pag aaral.

7. Marunong tumggap ng pagkakamali apektado ang klase kung ang guro ay


nagkakamali. Sa pagkakataong ito, mas nagiging modelo ng kababaang loob ang guro
kung tinatanggap niya nang buong puso ang nagawa niyang pagkakamali at may
sinseridad ang paghingi niya ng paumanhin sa klase.

8. Mapagpatawad kalugod lugod ang guro na mahaba ang pasensiya. Mabilis niyang
naitatama at napaptawad ang pagkakamaling nagawa ng mga mag-aaral. Hindi niya
pinepersonal ang mga pagkakamaling nagawa, bagkus ay binibigyan niya ng
pagkakataong makapagpaliwanag ang mga mag-aaral.

9. May respeto samut saring mag-aaral ang nakaksalamuha ng guro sa bawat taon. Sari
saring mga-aaral na may ibat ibang katangian, abilidad, paniniwala, kahinaan at
kalakasan. Minamahal ang gurong marunong gumalang sa mag aaral. Iniiwasan niyang
magbitiw ng masakit na salita, pinagsasabihan niya ang mag-aaral na may nagawang
kamalian nang walang nakaririnig. Ang anumang kahinaan ng mga aaral ay hindi niya
gingawan ng anumang katatawanan. Ang gurong may respeto sa mga mag-aaral ay
sensitibo sa nararamdaman ng bata (Gutierrez, 2006) .

10. May mataas na ekspektasyon kadalasan ang mga mag-aaral ay walang tiwala sa
kanilang kakayahan. Kung ang guro ay may paniniwala sa kakayahan ng bawat issa,
lalong magiging buo ang hangarin ng mga mag-aaral na makapagtamo ng mataas na
marka kaysa inaasahan.

11. Mapagmahal Ang gurong maalalahanin ay tunay na kinnalulugdan. Humahanap siya


ng pagkakataon upang mabisita ang mga-aaral na nagkaksakit. Binibigyan niya ng tugon
ang mga mga-aaral na nahihirapan sa klase at buong puso niyang pinagkakalooban ng
pansin. Marunong siyang dumamay sa mga pagkakataong nanlulumo ang mag-aaral.

12. Ipinadarama na kabilang ang bawat mag-aaral Sinasabing tunay na kapamilya at


kapuso ang guro na nagpapakita ng interes sa bawat mag-aaral. Nagagawan ng paraan ng
guro na maging kabilang ang bawat isa sa talakayan. Nabibigyan ng pagkakataon ang
bawat isa na makasagot at makabahagi sa mga gawaing pampagkatuto na inihanda ng
guro. Kasiya siya ang gurong nagtataglay ng ganitong mga katangian. Ito ang dahilan
kung bakit umuusbong ang bansag na My favorite teacher!.

You might also like