You are on page 1of 38

Mga Salik sa

Matagumpay na
Pagkatuto ng Wika
ARALIN 5
Mga Tagapagtalakay:

Patricia
Galindez
Chinee Kate Boado Ma. Cathlyn Yadao

Ashley Jane
Razel Silaroy Laforteza
Mga Layunin:

Maipapaliwanag ang Gampanin ng mga


sa matagumpay n
dalawang uri ng pagtuturo at pagka
motibasyon. ng wika.
Mga Layunin:

Maipapaliwanag Gampanin ng mga guro Maipaliwanag kung


g dalawang uri sa matagumpay na nga ba ang mga salik
pagtuturo at pagkatuto matagumpay na
ng motibasyon. pagkatuto ng wika
ng wika.
Mga Layunin:

ampanin ng mga Maipaliwanag kung ano Malaman ang iba


ro sa matagumpay nga ba ang mga salik sa ibang estratehiya
na pagtuturo at pag-aaral base sa u
matagumpay na
agkatuto ng wika. ng mag-aaral.
pagkatuto ng wika.
Mga Layunin:

ipaliwanag kung ano Malaman ang iba't


a ba ang mga salik sa ibang estratehiya sa
matagumpay na
agkatuto ng wika.
pag-aaral base sa uri
ng mag-aaral.
Naggigitgitan ang mga magulang, nagsisiksikan, nagtutulakan at kung
minsan ay nagkakapikunan mapabilang lang ang kanilang pitong taong
gulang na anak sa klase sa unang baitang ni Mrs. Quirit. Nangyayari ang
ganito dahil maraming magaganda at kapana-panabik na sandali sa
kanyang pagkaklase. Alam din ng mga magulang na kung ang kanilang
anak ay mapapailalim sa pagtuturo ni Mrs. Quirit magtataglay ang mga ito
ng pangunahing kaalaman at kasanayan na mahalaga sa pagtuklas ng mas
lalong malawak na karunungan. Batid din ng mga magulang na ang mga
tinuturuan ni Mrs.Quirit ay mahilig sa pagbabasa ng libro at masisipag sa
pag-aaral.
Masasalamin sa katauhan ni Mrs. Quirit ang likas niyang pagmamahal sa mga
bata, ang masaya niyang pagtuturo at pagkamahiligin sa pagbabasa. Kung
makapapasok ka sa loob ng kanyang klasrum, makikita mong masasayang
gumagawa ang mga bata. May mga batang nasa isang sulok ng klasrum na
tahimik na nagbabasa. Ang ilan ay abala sa pagpili ng mga aklat na l kanilang
babasahin samantalang may mga batang tahimik na nagsusulat sa kani-
kanilang desk. May mga bata ring gumagawa na kasama si Mrs. Quirit. Sa isa
pang sulok ng klasrum ay makikita ang tatlong bata na sumusulat ng isang
kuwento na kanilang ibabahagi sa klase. At sa isa pang bahagi ng klasrum ay
may mga bata namang gumagawa ng puppet na kanilang gagamitin sa isang
palabas sa klase
Magandang pagmasdan ang nagaganap sa klasrum ni Mrs. Quirit. Ang
mga bata ay malayang nakagagawa ng mga gawain na hindi alintana ang
pagkakamali. Hindi rin sila natatakot na sumubok ng mga gawaing bago
sa kanilang pananaw. Subalit hindi dapat isipin na ang ganitong kaligiran
ay basta na lamang nagaganap. Si Mrs. Quirit ay isang master titser.
Kilala niya ang kanyang mga mag-aaral at iginagalang niya ang kanilang
pagkakaiba-iba. Ginagamit din niya ang kanyang napag-aralan sa paglaki
at pag-unlad ng mga bata at isinasaalang-alang ang mga teorya sa
pagkatuto upang makalinang ng isang kaligiran na komportable ang mga
bata at naroon ang sigasig sa pagtuklas ng karunungan.
Isinasaalang-alang din ni Mrs. Quirit ang dignidad ng bawat bata
at naroon palagi ang respeto sa kanyang mga tinuturuan. May
sapat din siyang kamalayan sa mga mag-aaral hinggil sa kaibahan
ng lalaki sa babae at tinitiyak niyang magkapantay ang mga hamon
at mga pangganyak na inilalaan sa mga ito. Hindi rin makakaligtas
sa kanya ang mga batang mapanukso o iyong mga nang-aapi ng
kapwa. Humihingi siya ng tulong sa mga magulang kung
kailangan at palagi niyang iniulat sa kanila ang progreso sa pag-
aaral ng kanilang mga anak.
1. Motibasyon
 Hindi mapasusubalian na ang motibasyon ay napakahalagang
salik sa matagumpay na pagkatuto. Sa isang klase na halos
magkakapantay ang antas ng karunungan ng mga mag-aaral.
Pakaasahan na may mas higit ang pagtatagumpay sa pag-aaral
dahil mataas ang kanilang motibasyon. Samantalang ang mga
mag-aaral na mababa ang motibasyon o hindi seryoso sa pag-aaral
ay mapapansing makapasa ma'y pilit o di kaya'y pasang-awa.
May dalawang
uri ng
motibasyon:
1. Panlabas na motibasyon (extrinsic motivation) na bunga ng mga salik
eksternal gaya ng:
a. pagkagusto na makahalubilo sa isang kultura ng mga tao na Filipino
ang sinasalita. Integratibong motibasyon ang tawag dito;
b. pag-asam na makatuntong sa isang kolehiyo o pamantasan di kaya'y
pagkakaroon ng isang trabaho na mataas ang pasahod dahil sa alam na
wika. Motibasyong instrumental ang tawag dito; at
c. pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pagkilala mula sa kapuwa
mag-aaral o mga guro .
2. Motibasyong intrinsik (intrinsic motivation) ito'y
likas na kagustuhan sa pagkatuto ng isang wika.
Halimbawa, ang isang mag-aaral na galing sa isang
pamilya na may positibong saloobin sa wikang
Filipino ay maaasahang magkakaroon nang ibayong
interes sa Filipino at magkakaroon ng pagkagusto
upang masterin ang wika.
Tanggapin natin na sa mga klaseng ating tinuturuan, mayroon mga magaaral na
mataas ang motibasyon sa pag-aaral at mayroon namang halos ay walang interes sa
pag-aaral. Ang totoo, mas madaling turuan ang klaseng mataas ang antas ng
motibasyon sa pag-aaral. Kaya nga, kailangang pagsikapan ng guro na magkaroon
ang klase nang higit na mataas na motibasyon sa anumang gawain sa pag-aaral. Sa
ganitong kalagayan, kailangan ang angkop na pagpukaw sa kawilihan ng mga mag-
aaral, paggamit at pagpili ng mga kagamitang panturo na kanilang kalulugdan.
Laging isaalang-alang ang iba't ibang pangangailangan pangkaisipan at
pandamdamin ng mga bata lalo't higit ang kanilang layuning mapagtagumpayan
ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga mapaghamon sub alit
realistikong mga gawain upang mapagtatagumpayan ang layunin.
2. Ang mga Guro
Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang
matagumpay na pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Ang buong katauhan, saloobin panlahat na
kaalaman, at estilo sa pagtuturo ay maaaring maging
sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o
kawilihan ng mga bata sa pag-aaral ng wika.
Ilang katangian
ng Epektibong
Guro:
1.Walang Itinatangi

Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang


guro'y may paborito sa klase o ang kanyang di
pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga
mag-aaral.
2.May Positibong Ugali

Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y


nabibigyan ngpapuri at pagkakilala o rekognisyon.
Malaki ang impak nitosa kanilang tiwala sa sarili at
direksyon.
3.May Kahandaan

Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw


nanilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala
ng mga mag-aaral.
4.May Haplos Personal
Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong
may ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa
kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol
sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang
kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang
pagkatao.
5.MALIKHAIN

Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong


malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa
oras ng ginaganyak sila sa isasagawang aralin, pati
na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.
Ang mga tungkulin o
"papel" na
ginagampanan ang
guro sa loob ng
klasrum. Ilan sa mga
ito ay ang sumusunod:
1. Pagbibigay ng impormasyon at paglalahad ng
kaalaman
2. Paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral
upang pagsanayan ang natamong kaalaman
3. Pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan
ng paglalaan ng iba't iba at nakawiwiling gawain na
magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang
4. Pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa
ng mga mag-aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o
pagkabahala
5. Binibigyang-sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga papuri ("Magaling ang iyong sagot.," Sige, ipagpatuloy mo").
Ito'y nagbibigay ng lugod sa mga bata dahil kinikilala ang kanilang
kakayahan sa klase
6. Palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa pagkatuto ng
mga mag-aaral sa wika.
3. Ang mga Mag-aaral
Lalong magiging matagumpay ang isang guro sa
kanyang pagtuturo kung may kabatiran at
nauunawaan niya ang mga katangian ng kanyang
mag-aaral. Sa isang pag-aaral nina Rubin at
Thompson (1983) nagtala sila ng mga katangian ng
isang magaling na estudyante ng wika.
Mga katangian ng
isang magaling na
estudyante ng wika
a. Nagagawa niyang manghula hinggil sa kayarian ng
wikang pinag-aaralan at sinusubukan niya ang mga
ito sa pamamagitan ng pangangalap at pagiipon ng
mga impormasyon sa isang mabisang paraan.
Gumagamit din siya ng mga hudyat (cues) na maririnig, makikita
niya sa paligid. Idinagdag pa ni Rubin na ang magagaling na
manghula ay gumagamit ng kanilang"pandama" hinggil sa
balangkas na pambalarila, hudyat mula sa mga kalabisan sa isang
mensahe. Isinasaalang-alang din nila ang mga palatandaang di-
berbal, ugnayan ng mga salita, ilang kabatiran tungkol sa
pamayanan, at ilang pagkakatulad sa kanilang unang wika. Hindi
sila nababahala sa mga maling hula at agad nila itong iwinawasto
mula sa susunod na mga konteksto.
b. Mataas ang kanyang motibasyon upang
makipagtalastasan at humahanap siya ng mga
posibleng istratehiya para maparating sa iba ang
kanyang naiisip o nadarama.
Isang istratehiya na ginagamit niya ay ang paggamit na
sirkumlokyusyon (circumlocution), halimbawa, pagsasabi ng
iyon bang ginagamit kapag umuulan kung hindi niya alam
ang salitang payong o kapote. Gumagamit din siya ng sariling
pagpapakahulugan (paraphrase) sa pagpapaliwanag ng iba't
ibang kahulugan ng isang teksto. Malimit din siyang
gumagamit ng mga signal na di-berbal tulad ng pagkumpas o
paggalaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, at iba pa.
c. Hindi rin niya pinipigilan ang kanyang sarili na
makipagsapalaran sa paggamit ng wika. Tinatanggap
niya ang kanyang kalagayan bilang "linguistic
toddler" at tanggap niyang magmukhang hangal para
lamang maunawaan siyang mabuti ng kanyang
kausap.
d. Humahanap siya ng mga pagkakataon upang
magamit ang wika at nangunguna siya sa pagsisimula
ng isang usapan sa kanyang guro at mga kaklase at
palaging sinasamantala ang mga pagkakataong
makapagsalita sa klase.
4. Mga Istilo sa Pagkatuto
 Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanang mas higit na
gusto ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Si Willing (1988 at
binanggit kay Nunan, 1991) ay nagsabi na ang isang guro na sensitibo at
isinasaalangalang ang mga gustong istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay
makatutulong sa pagkakaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto.
Sa isang pagaaral ni Willing nagawa niyang pagpangkat-pangkatin ang mga
mag-aaral.
 Inuri niya sa apat na kategorya. Nagtala rin siya ng mga pinapaborang
estratehiya sa bawat uri ng mag-aaral.
Mga Uri ng Mag-
aaral at Mga
Gustong Estratehiya
sa Pag-aaral
Mga Uri ng Mag-aaral Mga Estratehiyang Kinagigiliwan sa Pag-aaral
Mag-aaral na "Concrete" 1. mga laro
2. mga larawan
3. VCR tapes
4. Pair work
5. pagsasanay ng wika sa labas ng klase

Mag-aaral na “analitikal 1. pag-aaral ng balarila


2. pag-aaral ng maraming aklat sa wika
3. pagbabasa ng mga pahayagan
4. pag-aaral nang mag-isa
5. pag-alam at pagsusuri ng mga kamalian sa wika
6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning
inilahad ng guro
Mag-aaral na “komunikatib” 1. pagmamasid at pakikinig sa mga taal na tagapagsalita
ng wika
2. pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang
pinag-aaralan
3. panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-aaralan
4. pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng
pakikinig dito at paggamit sa aktwal na pakikipag-usap

Mag-aaral na “authority oriented” 1. mas gusto na ang guro ang magpaliwanag ng lahat
tungkol sa wika
2. may sariling batayang aklat
3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa nowtbuk
4. pinag-aaralan ang balarila
5. nagbabasa para matuto
6. natutuhan ang mga bagong salita kung makikita ang
mga ito
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like