You are on page 1of 7

Silent Way

Ipinasa kay:

Teresita P. Garcia, Ph.D.

Propesor

Ipinasa nina:

Mark Rodillas

Sherley Dalufo

Nobyembre 2017
Ang Silent Way

Ang Silent Way ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa


ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang
pagkatuto (Gattegno, 1972).

Naglahad sina Richards at Rogers (1986) ng isang lagom hinggil


sa teorya ng pagkatuto na pinagbatayan ng Silent Way:

1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ang


tutklas o lilikha mga sariling gawain sa halip na ipasaulo o
ipaulit nang maraming beses kung ano ang natutuhan.

2. Napadali ang pagkakatiuto sa tulong ng mga kagamitang


panturo tulad ng mga bagay na nakikita at nahahawakan ng
mga mag-aaral.

3. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling


kinapapalooban ng mga gawain na may suliraning tutuklasin
ang mga mag-aaral.

Ang pamaraang patuklas na naging popular noong 1960 ang


nagtaguyod ng pagkatuto sa pamamagitan ng sariling pagtuklas ng
mga kaalaman at simulain sa halip sabihin ito sa mga mag-aaral. Ang
pamamaraang Silent Way ay namuhunan sa mga hakbang na
pagtuklas na pagkatuto. Nananalig si Gattegno (1972) na dapat
mayroong tiwala sa sarili ang mag-aaral at naroon din ang pagiging
may pananagutan sa kaniyang sariling pagkatuto. Ang mga nag-aaral
sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa
ganitong kalagayan, nananatiling tahimik ang guro kaya ang
katawagan ay Silent Way. Kinakailangang paglabanan ng guro ang
pagtulong sa sandaling humihingi ng tulong ang mga mag-aaral at
kung maaari ay lumabas ang guro habang bumubuo ng solusyon sa
isang suliranin ang buong klase.

May kahirapan ang pamaraang ito lalo’t higit sa mga


mahihinang mag-aaral. May mga aspekto sa pag-aaral na kailangang
ipinaliliwanag sa mga mag-aaral upang hindi na sila mag-aaksaya ng
oras sa pagtuklas kung paano ang pagkakatuto nito.

Sa kabilang dako, makabuluhan naman ang simulaing


pinagbatayan ng pamaraang ito---hindi dapat ibigay ang lahat sa mga
mag-aaral, hayaan silang mag-isip at tumuklas kung ano ang
nararapat na matutuhan. Mas epektibo ito para sa kanilang
pagkatuto.

Mga Katangian

1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan


ng mga mag-aaral ang sarili nilang pagkatuto.

2. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa


pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-aaral;
nagsasalita lamang siya upang magbigay hudyat (clues),
pinapayagan ang interaksyong mag-aaral—mag-aaral.

3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay


itinuturing na pinagmumulan ng kaalaman ng mag-aaral.
Banghay Aralin

Silent Way

Iniharap ni:

Samirah Coro

Iniharap kay:

Teresita P. Garcia

Nobyembre 2017
Layunin:
 Nakatutukoy ng mga halimbawas
 Nakapagbigay at nalalaman kung anong uri ito ng
paksa
 Nakakagawa ng mga salita na ibinibigay ng guro

I. PAKSANG-ARALIN
a. PAKSA: Pandiwa
b. Sanggunian: Ang Akademikong Filipino sa
komunikasyon
c. Kagamitan: mga larawan, pentel pen, scotch tape,
Cartolina
d. Pagpapahalaga: pagtukoy ng pandiwa sa mabisang
paraan
e. Integrasyon: Filipino

GAWAIN NG MAG-AARAL

PAMAMARAAN

PANIMULANG GAWAIN
Guro: Magandang umaga! Mag-aaral: magandang umaga
Panalangin----- din po maam.

Pagtala ng Liban Mag-aaral: Manalangin


Guro: may lumiban ba sa klase? tayo........

Balik-aral “Wala po maam.”


“anong itinalakay natin noong huling
pagkikita”
“magaling! Ano ang pangngalan?
Pagganyak “pangngalan po,
Huhulaan at tutukuyin ng mga mag-
aaral ang nasa mga larawan: “tumutukoy sa ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook o
“May ilalahad ako sa inyo na mga pangyayari.
larawan, sa mga larawang nakalagay sa
pisara ay hulaan ninyo tapos sa
ikalawang gawain, hanapin ninyo ang
mga pandiwa sa mga talatang nasa Opo maam.
papel na ibibigay ko sainyo. Maliwanag?
Bibigyan ko lamang kayo ng 45 minuto
para magawa ang mga aktibidad.”
 Matukoy ng mga mag-aaral ang
nasa larawan at makapagbigay ng
isang pangungusap gamit ang
nasa larawan. Tig-iisang
pangungusap sa bawat larawan.
“Bibigyan ko kayo ng sampung minuto
sa pagsagot.”
 Kukunin ng guro ang mga module
na ibinigay at itatama ang mga
mali ng mag-aaral
“habang nagchi-check ako ng
inyong mga papel, kokopyahin
niyo ang mga nakasulat sa pisara, Opo maam
walang mag-iingay para hindi
maabala ang ibang mga kaklase
niyo, maliwanag?”.
I. Takdang-aralin
Alamin ang kayarian ng
Pandiwa. Isulat sa
isangkapat na papel.
“paalam na po maam Coro
“Paalam na sa lahat”

You might also like