You are on page 1of 5

MGA TEORYA NG PAGKATUTO NG WIKA

1. Teoryang Behaviorist

Ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang


kanilang kilos at gawa ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol
ng kanilang kapaligiran.
Natural lamang sa isang bata na matutunan ang isang wika sapagkat
ang bawat nilalang ay biniyayaan ng kakayahang pagkatuto subalit ito may
malaking kaugnayan sa kanyang kapaligiran. Makaiimpluwensiya sa isang bata
ang kanyang nakikita sa paligid araw-araw na kung saan gagayahin niya ito at
maging isang faktor sa paghubog ng kanyang pagkatao. Ika nila ang mga bata
o mga mag-aaral ay isang great imitator.
Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at
mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito. binigyang-diin ni
Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang
pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.
Upang mapaunlad at mapayaman ang kakayahang intelektwal ng
isang bata o estudyante kailangang mapanatili ang kanyang interes sa
pagkatuto sa pamamagitan ng pagmotibeyt sa kanya. Ang salitang very good o
magaling, ipagpatuloy mo iyan at iba pang mga salitang nagpapasigla ng
kanyang damdamin tuwing siya’y may nagawang kabutihan o mataas ang grado
ay may malaking impact sa kanyang pagkatao na siyang nag-udyuk sa kanya
upang mas igihan pa ang pagkatuto.
Ang teoryang behaviorist ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga
simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ibinatay ang
audio-lingual method (ALM) na naging popular noong mga taong 1950 at 1960.
Sa pamamagitan ng audio-lingual method masasanay at mahahasa
ang mga estudyante sa paggamit ng target na wika . Ang pagpapalitan ng ideya
sa loob ng silid aralan at pagpapaliwanag ng isang bagay at pagkaaroon ng
isang conbersasyon ay paraan ng pagsasanay upang mapaunlad ang
kakayahang makipagtalastasan ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng
gramatikal istruktyur ng wika.

Audio-lingual Method

 Oral-based approach/sistemang-oral
 Paraan ng pagsasanay sa mga mag-aaral sa pagagamit
ng gramatikal istruktyur.
 Batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik.

Pangunahing katangian ng ALM

 Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;


 Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
 Paggamit lamang ng mga target ng wika;
 Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
 Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
 Ang pagtuturo at pagkatuto ay naktuon sa guro
Sanggunian :

Metodolohiya sa pagtuturo ng wika

Web.nchu.edu.tw

Webster dictionary

Ampan , Girly Jeth S. Prop. Debbie Cruspero


Fil 142 (pagsusulit pangwika)
10 questions:

1. Sinong behaviorist ang naniniwala na maaring maisagawa ng bata


ang anumang gawain kung tuturuan at bigyan siya ng tamang
direksyon. Skinner (1968).
2. Ito ay method na naging popular noong 1960 at ibinatay sa
teoryang behaviorist. Audio-lingual Method (ALM).
3. Ito ay teoryang nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain at
mga pamamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Teoryang
Behaviorist.
4. Ano ang naibigay ng teoryang ito sa mga guro? Simulain.
5. Ipinauulad ng teoryang ito ang intelektwal sa pamamagitan ng
pagganyak sa anumang mabuting gawi.
6. Ang audio-lingual method ay binibigyan-diin ang mga kasanayang
pakikinig at pagssalita.
7. Paggamit lamang ng target ng wika ang isa sa katangian ng audio-
lingual method.
8. Ipaliwanag ang teoryang behaviourist.
9. Ipaliwanag ang audio-lingual method.
10. Magbigay ng 2 pangunahing katangian ng audio-lingual method.

You might also like