You are on page 1of 1

TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN

            Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata ay


ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang
habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
            Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa
pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang
iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang,
nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa
Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.
            Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition
Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip
na ‘black box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni
Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar
(UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang
(Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

TEORYANG COGNITIVE
            Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong
dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at
gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang
pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na
pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng
pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.
            Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa
pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas
sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw na kabaligtaran ng dulog na pabuod.
Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o
pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang cognitiveay palaging
nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa
kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman.
            Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto.
Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may
likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (page at pinnel, 1979). Pinaniniwalaan
ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas
niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo
at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

You might also like