You are on page 1of 30

ANG TEORYA NG MONITOR

PRINCESS KYLA T. COLLADO


LAURIZZ D. PASCUA
DICKSON V. SALVADOR
INTRODUKSYON
- Iminungkahi na teorya si Krashen hinggil sa pagtatamo ng
pangalawang wika na naging batayan ng isang balangkas para
sa pagunawa ng mga proseso kung paano natutuhan ang
pangalawang wika. Ang tawag sa teoryang ito ay Teoryang
Monitor.
- Si Stephen Krashen ay isang guro at linggwistiko na
nagtaguyod ng Monitor Model bilang kaniyang teorya sa
Second Language Acquisition sa maimpluwensya niyang teksto
ang Principles and Practice in Second Language Acquisition
noong taong 1982.
Ayon kina Lightbown at Spada (2006:37), ang konsepto ng
monitor model ay sinasabing impluwensya ng gawa ni
Chomsky na First Language Acquisition.

Ang acquisition o pagtamo ng unang wika ng bata at


wala silang kamalayan dito habang natutunan ang
wika, tinutulan ito ni Schmidt na sa pamamagitan ng
‘subconcious’ o ‘hindi malay’ maaaring maunawaan ng
isang tao ng walang kamalayan.
TAGAPAGTAGUYOD
Si Stephen Krashen ay isang
professor emeritus sa University
of Southern California na
dalubhasa sa larangan ng
linggwistiko, siya ang nagtaguyod
ng Monitor Model bilang teorya
sa kanyang Second Language
Acquisition sa maimpluwensya
niyang teksto ang Principles and
Practice in Second Language
Acquisition
PAGLALAHAD NG MGA
IDEYA
Ang Teorya ng Monitor (Monitor Theory) ay
binubuo ng limang haypoteses. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Acquisition Learning Hypothesis


2. Natural Order Hypothesis
3. Monitor Hypothesis
4. Input Hypothesis
5. Affective Learning Hypothesis
Acquisition Learning Hypothesis
- Ang acquisition learning hypothesis ay nagsasaad ng dalawang
magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika.

Ang Acquisition (Pagtatamo) ay isang pamamaran na natututong


gumamit ng wika ng hindi namamalayan o awtomatik na
nangyayari dahil sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Naipapakita
ito sa natural na pakikipag-usap, na nagmula sa panggagaya sa
mga salita base sa pagkakaintindi at kung paano ito binibigkas.
Mas pinapahalagahan nito ang pakikipagkomunikasyon kaysa sa
tamang paggamit ng wika.
Ang Learning (Pagkatuto) naman ay resulta ng
wastong pag-aaral ng wika na karaniwang
nangyayari sa silid-aralan. Naipapakita rito ang
tamang paggamit ng mga salita, gramatika at iba
pa.
2. Natural Order Hypothesis

Ang lengguwahe ay kusang natutunan sa natural na proseso.


Kusang nalalaman ang pagsasaayos ng balangkas at grammatika,
dahil sa natural na pakikipagkomunikasyon. Isinasaad ni Krashen
na ang mga nag-aaral ng pangalawang wika (L2) at nag-aaral ng
unang wika (L1) ay iba ang paraan ng pagkatuto sa wika. At ang
mga matatanda at batang nag-aaral ng pangalawang wika (L2) ay
meroong pagkakapareho sa antas ng pagkatuto.
3. Monitor Hypothesis

Ayon kay Krashen ang monitor hypothesis ay nangyayari sa tuwing


ang isang tao ay nagsalita at nagsulat base sa kanilang ikalawang
wika ang mga masasambit at masusulat lamang nila ay ang mga
salitang kanilang natamo (acquired) at hindi ang mga salita na
kanilang natutunan.
Asong bahay Pumunta sa trabaho Pumunta sa bahay
Ang “Monitor” ay instrument na ginagamit ng mga tao upang
isaayos ang kanilang pagsasalita at pagsusulat ng wika. Ginagamit
ang mga natutunang kaalaman (learnt knowledge) upang bawasan
o baguhin ang pagbigkas sa mga salitang nabuo mula sa mga
natamong kaalaman (acquired knowledge).

 Nagbigay ng tatlong kondisyon si Krashen sa paggamit ng Monitor

1. Dapat may sapat na oras


2. Dapat nakatuon ang atensyon sa pamamaraan at hindi sa kahulugan
3. Dapat alam ng gumagamit ang mga patakaran
4. Input Hypothesis

Ang pinaka-importanteng haypoteses, dahil pinapaliwanag nito


kung paano nagaganap o nangyari ang ikalawang lengguwahe sa
pagtatamo (second language acquisition). Sinasabi rin ni Krashen
na nakakakuha ng mga kaalaman kapag nauunawaan kung ano
nga ba ang naririnig at nababasa na tinatawag na “Comprehensible
Input”.
Isang halimbawa nito ay ang (i + 1 = level). Sumisimbolo
ang letrang “i” o “input” sa mga salitang alam mona na ang
ibig sabihin. Samantala ang “1” ay ang mga salitang
idinaragdag na naka-ugnay sa “input”. Ang input
hypothesis ay nakatuon lamang sa pagtatamo (acquisition)
at hindi kabilang ang pagkatuto (learning)
5. Affective Filter Hypothesi

Base sa pahayag ni Krashen sa affective filter hypothesis; ang mga


taong meroong mataas ang motibasyon, malaking tiwala sa sarili,
nagtataglay ng maayos na pagpapahalaga sa sarili, at hindi
kadalasang nababalisa ay ang mga taong malaking posibilidad na
magtagumpay sa pagtatamo ng pangalawang wika (second
language acquisition).
Samantala ang mga taong meroong mababang tiwala sa sarili,
walang motibasyon at nangangambang magsalita ng ibang
lengguwahe ay nagiging sanhi ng malaking posibilidad na
makalimot ng malaking saklaw na maaring at naiiwasang magamit
ang “Comprehensible input” na maaring magamit sa pagtatamo ng
wika (acquisition).
Mayroon pang dinagdag na (5) limang
kadahilanan si Krashen. Ito ay ang mga:

1. Aptitude - natural na abilidad ng tao sa pagsasaayos ng


gramatika mula sa pagkatuto ng ikalawang wika.
2. Role of the First Language - ang second language
acquisition ay walang kinalaman sa first language
acquisition, ngunit sa kabila nito ay nakikita ni Krashen ang
paggamit ng unang lenggwahe bilang estratehiya na
kadalasang ginagamit kapag may nakalimutang termino sa
ikalawang lenggwahe.
3. Routines and Patterns - hindi sinasang ayunan ni Krashen
ito dahil para sa kanya, nalilimitahan ang kakayahan at
pagiging malikhain ng tagapagsalita.

4. Individual Differences - ang pagtamo ay may natural na


pagkakasunid sunod:
a. Over-user
b. Under-user
c. Optimal user
5. Age - ang edad ay maaaring makaapekto sa dami ng
nakakalap o nakukuhang kaalaman, ayon din kay Krashen
ay maaaring mas maraming natututunan ang mas bata
kumpara sa matanda.
PAGHAHAMBING AT
PAGKOKONTRAST NG MGA
IDEYA
Dahil mahalaga at konektado sa bawat tao ang pag-aaral
na ginawa ni Krashen ay naging malapit ito sa mga
negatibo o kumukontrang ideya mula sa mga dalubhasa.

- Una ay ang Monitor Model na hindi sinang ayunan ni


McLaughlin sa kadahilanang hindi ito mapagkakatiwalaan at
ayon sa ideya ni Krashen na mayroong subconcious at
concious na paraan ng 'aquisition-learning' na hindi
maaaring gamitan ng inspeksyon o pag aaral.
- Ikalawa naman ay ang pag aaral ni Krashen tungkol sa
aquisition at learning na ito ay hiwalay o magkaiba, na ang
natamong kaalaman ay hindi maaaring maging napag-
aralan o natutunang kaalaman. Ito ay kinontra nina
McLaughlin, Rivers (1980), Stevick (1980), Sharwood-Smith
(1981) at Gregg (1984) na ang natutunan na kaalaman ay
maaaring maging natamong kaalaman sa pamamagitan ng
patuloy na pag eensayo at paggamit nito sa pakikipag-usap
sa araw-araw.
- At ang ikatlo naman ay ang na obserbahan ni Larsen-
Freeman (1983) ay hindi ipinaliwanag ni Krashen kung
paano ang input ay nakokonekta sa nag aaral nito, na kung
saan ang pagkakaiba ng pagtamo o pagkatuto ay may
epekto, dito ay malalaman kung ano ang dahilan sa
pagkakaiba iba ng kaalaman. At bukod sa pagkakaroon ng
kaalaman, ang Moniyor Model matatawag pa ring 'black
box ' theory.
MGA PAGPAPATUNAY BUHAT
SA MGA PAG-AARAL AT
PANANALIKSIK
Mula sa pag-aaral ni Fang Yang noong 2011 na pinamagatang “A Study
on the Application of Input Theory to Reading Instruction in Vocational
College”.

Ipinakita sa pag-aaral na ang unang pangkat (experimental class)


ay mas natuto kaysa sa ikalawang pangkat (control class), matapos
mabigyan ng karagdagang kagamitan sa pagbabasa bilang pang-araw-
araw na takdang aralin. Matapos lumabas ang resulta ng pag-aaral;
naipakita rito na ang kakayahan ng estudyante sa pagbabasa ng may
pang-unawa ay maaring mas mapabuti sa pagbibigay ng higit pang mga
kagamitan sa pagbabasa. Ang mas madalas na pagbabasa ay talagang
nakakatulong sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagbabasa.
PAGLALAPAT SA
REYALIDAD AT SA
KASALUKUYANG
SITWASYON
S a la m a t s a
KONKLUSYON
Pa k i k i n i g

You might also like