You are on page 1of 2

ANG TEORYA NG MONITOR

I. INTRODUKSYON
Sa bawat bansa sa mundo ay mayroong kanya-kanyang wika na ginagamit,ngunit hindi
lamang ito nakabase sa iisang lenggwahe dahil may kakayahang matuto ang isang tao ng
pangalawang wika o Second Language. Kaugnay dito,may iminung kahing teorya si Krashen
hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika na naging batayan ng isang balangkas para sa
pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. Ang tawag sa
teoryang ito ay Teoryang Monitor.

Stephen Krashen ay isang guro at linggwistiko na nagtaguyod ng Monitor Model bilang


kaniyang teorya sa Second Language Acquisition sa maimpluwensya niyang teksto ang
Principles and Practice in Second Language Acquisition noong taong 1982.Gayunpaman, sa
kabila ng pagiging popular at impluwensya ng monitor model ay umani ito ng sari-saring
pagpuna.

Ang mga sumusunod na talata ay naglalayong ipaliwanag ang mga pagtuligsa sa monitor
model.

Ang Monitor Model ni Krashen ay base sa First Language Acquisition Research. Ayon kina
Lightbown at Spada (2006:37), ang konsepto ng monitor model ay sinasabing impluwensya
ng gawa ni Chomsky na First Language Acquisition. (Kaczmark, 12059128). Bilang
kasunod, kontra hinggil sa ideya ni Krashen na ang acquisition o pagtamo ng unang wika ng
bata at wala silang kamalayan dito habang natutunan ang wika, tinutulan ito ni Schmidt na sa
pamamagitan ng ‘subconcious’ o ‘hindi malay’ maaaring maunawaan ng isang tao ng walang
kamalayan. Kumontra rin si Gregg sa pagtamo at pagkatuto niKrashen sa pamamagitan ng
pagsasabing sa ilang pagkakataon ang pag aaralo learning ay maaaring maging tunay na
pagtamo. Ito ay ayon kay Gregg, na nagpapatunay na sa ilang mga kaso ang pag-aaral ay
maaaring maging acquisition o pagtamo; halimbawa kapag ginamit ng drills nang walang
makabuluhang input. Sinasabi rin ni Mclaughin 1987 na nagkulang si Krashensa
pagpapaliwanag niya sa mga terminolohiyang conscious o malay (learning)at subconscious o
hindi malay (acquisition). Dagdag pa niya tinukoy lamang niKrashen na ang pagtamo ay
kaugnay sa nararamdaman ng learners, datapuwa’t ang pagkatuto ay maaaring ibase sa
kaalaman ng patakaran. (https://parentingpatch.com/)

Si Stephen Krashen ay isang professor emeritus sa University of Southern California na


dalubhasa sa larangan ng linggwistiko, siya ang nagtaguyod ng Monitor Model bilang teorya
sa kanyang Second Language Acquisition sa maimpluwensya niyang teksto ang Principles
and Practice in Second Language Acquisition. (https://www.sk.com.)

PAGLALAHAD NG MGA IDEYA


Ang Teorya ng Monitor (Monitor Theory) ay binubuo ng limang haypoteses.Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Acquisition Learning Hypothesis


Ang acquisition learning hypothesis ay nagsasaad ng dalawang magkahiwalay na proseso sa
pagiging dalubhasa sa wika. Ang Acquisition(Pagtatamo) ay isang pamamaran na
natututong gumamit ng wika ng hindi namamalayan o awtomatik na nangyayari dahil sa
pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Naipapakita ito sa natural na pakikipag-usap, na nagmula sa
panggagayasa mga salita base sa pagkakaintindi at kung paano ito binibigkas. Mas
pinapahalagahan nito ang pakikipagkomunikasyon kaysa sa tamang paggamit ng wika.
Ang Learning (Pagkatuto) naman ay resulta ng wastong pag-aaral ng wika na karaniwang
nangyayari sa silid-aralan. Naipapakita rito ang tamang paggamit ng mga salita, gramatika at
iba pa.

2. Natural Order Hypothesis


Ang lengguwahe ay kusang natutunan sa natural na proseso. Kusang nalalaman ang
pagsasaayos ng balangkas at grammatika, dahil sa natural napakikipagkomunikasyon.
Isinasaad ni Krashen na ang mga nag-aaral ng pangalawang wika (L2) at nag-aaral ng unang
wika (L1) ay iba ang paraan ng pagkatuto sa wika. At ang mga matatanda at batang nag-aaral
ng pangalawang wika (L2) ay meroong pagkakapareho sa antas ng pagkatuto.

3. Monitor Hypothesis
Ayon kay Krashen ang monitor hypothesis ay nangyayari sa tuwing ang isang tao ay
nagsalita at nagsulat base sa kanilang ikalawang wika ang mga masasambit at masusulat
lamang nila ay ang mga salitang kanilang natamo (acquired) at hindi ang mga salita na
kanilang natutunan. Ang “Monitor” ay instrument na ginagamit ng mga tao upang isaayos
ang kanilang pagsasalitaat pagsusulat ng wika. GInagamit ang mga natutunang kaalaman
(learnt knowledge) upang bawasan o baguhin ang pagbigkas sa mga salitang nabuomula sa
mga natamong kaalaman (acquired knowledge). Nagbigay ng tatlongkondisyon si Krashen sa
paggamit ng Monitor. (1) Una dapat may sapat naoras. (2) Pangalaw ay dapat nakatuon ang
atensyon sa pamamaraan at hindisa kahulugan. (3) Ikatlo at panghuli, dapat alam ng
gumagamit ang mgapatakaran.

4. Input Hypothesis
Ang pinaka-importanteng haypoteses, dahil pinapaliwanag nito kung paano nagaganap o
nangyari ang ikalawang lengguwahe sa pagtatamo (second language acquisition). Sinasabi rin
ni Krashen na nakakakuha ng mga kaalaman kapag nauunawaan kung ano nga ba ang
naririnig at nababasa natinatawag na “Comprehensible Input”.

Isang halimbawa nito ay ang (i + 1 =level). Sumisimbolo ang letrang “i” o “input” sa mga
salitang alam mona na ang ibig. Samantala ang “1” ay ang mga salitang idinaragdag na naka-
ugnay sa

5. Affective Filter Hypothesis


Base sa pahayag ni Krashen sa affective filter hypothesis; ang mga taong meroong mataas
ang motibasyon, malaking tiwala sa sarili, nagtataglay ng maayos na pagpapahalaga sa sarili,
at hindi kadalasang nababalisa ay ang mga taong malaking posibilidad na magtagumpay sa
pagtatamo ngpangalawang wika (second language acquisition). Samantala ang mga taong
meroong mababang tiwala sa sarili, walang motibasyon at nangangambang magsalita ng
ibang lengguwahe ay nagiging sanhi ng malaking posibilidad na makalimot ng malaking
saklaw na maaring at naiiwasang magamit ang“Comprehensible” input na maaring magamit
sa pagtatamo ng wika(acquisition).

Sa Affective Filter, ang pagkuha ng wika ay maaaring maapektuhan ng mga emosyonal na


salik. Kung mas mataas ang affective filter, mas maliit ang posibilidad na matutunan ng
estudyante ang wika. Samakatuwid, ang kapaligiran ng pag-aaral para sa mag-aaral ay dapat
na positibo at walang stress upang ang mag-aaral ay bukas para sa input

You might also like