You are on page 1of 17

ARALIN 7:

PAGKATUTO NG
PANGALAWANG
WIKA
REPORTERS

Briannah Nikki Elaiza


Adalid Balusada Estayan
ANO BA ANG
PANGALAWANG WIKA?
Ayon sa dalubwika, ito ay
tumutukoy sa alinmang
wikang natutuhan ng isang
tao matapos niyang
maunawaang lubos at
magamit ang kanyang
sariling wika o ang kanyang
unang wika.
ACQUISITION AT
PAGKATUTO NG
PANGALAWANG WIKA
ANG ACQUISITION AT PAGKATUTO NG
PANGALAWANG WIKA
Mailalarawang multilinggwal ang lingguwistikong
komunidad bansa. Kaya nga, bukod sa unang wika,
may kasanayan ang mga Pilipino na makapagtamo
at matuto ng iba pang wika.

Salig sa sinasabi ni CHOMSKY tungkol sa kasanayan


sa pagtatamo (acquisition) ng wika, nabuo ang mga
hipotesis ni KRASHEN (1983) nakatuon sa
pangalawang wika (second language acquisition),
HIPOTESIS SA PAGTATAMO
(ACQUISITION) AT
PAGKATUTO (LEARNNG)
Taglay ng tao ang pagtatamo ng wika mula
sa kanyang kapaligiran at pagkatuto na
may patunay kung ginagamit sa tunay na
proseso ng komunikasyon. Mahihinuhang
nagtutulungan ang dalawa tungo sa
paggamit ng wika.
HIPOTESIS TUNGKOL SA
NATURAL ORDER
Natatamo ng tao ang mga tuntuning
pangwika sa natural at inaasahang
proseso. Nangangahulugan, may
tiyak na inaasahang matamong wika
sa tiyak na edad batay sa mga
tuntunin at pagkakabuo ng salita.
HIPOTESIS TUNGKOL SA PAG
MONITOR
May pagsubaybay ang tao sa proseso ng kanyang
pagtatamo ng wika. Isinasaalang-alang ang
kaangkupan ng wikang ginagamit ngunit ang
paggamit nito ay dapat limitado lamang.
Iminungkahi niya na ang “monitor” ay maaring
maging hadlang sa pagtamo ng wika sapagkat
pinipilit nito ang mag-aaral na pabagalin at
tumuon pa sa kawastuhan kaysa sa pagiging
matatas.
HIPOTESIS TUNGKOL SA INPUT
Ang pagtatamo ng wika ay buhat sa
pag-unawa ng mensahe na
maituturing na comprehensible
input. Maituturing na comprehensible
kung nauunawaan ng gumagamit ng
wika ang kanyang natatamo sa iba’t
ibang pagkakataon.
HIPOTESIS TUNGKOL SA
AFFECTIVE FILTER
Ang takot (apprehension at anxiety) sa
paggamit ng wika at nakakapekto sa proseso
ng pagtatamo ng wika.
Sa talakay naman ni Littlewood (mula sa
elektronikong sanggunian, 2016) sa panayam
na may pamagat na Second Language
Learning, may proseso ang pagkatuto ng
pangalawang wika (second language
learning).
PAGLILIPAT
Katulad ng sistema ng pagkatuto sa
ilalim ng programang Mother Tounge
Based-Multilingual Education (MTB-MLE),
sinisimulan ang proseso sa pag-aaral ng
unang wika (unang baytang tungo sa
ikatlo) na magagamit sa paglilipat ng
tuon sa pagkatuto ng iba pang mga
wika.
PAGLALAHAT
Isinasagawa ang paglalahat ng
nag-aaral ng ikalawang wika bunga
ng maraming karanasan na ng
pagkatuto ng unang wika.
Nakatuon ito sa mga tuntuning
pangwika at kaayusan ng mga
salita.
GINAGAWANG PAYAK
Mula sa mga natutuhan na sa
unang wika, ginagawang payak
ng nag- aaral ng ikalawang wika
ang mga tuntuning pangwika
(pinag-iisa ang mga
magkakatulad na tuntunin).
PANGGAYA
Ang panimulang paraan ng
pagkatuto ng iba pang wika ay
sa pamamagitan ng
panggagaya (pagbigkas,
pagbaybay at iba pang
tuntuning pangwika).
MALAY AT DI MALAY
NA PAGKATUTO
Ang paglilipat, paglalahat, pagiging payak at
panggagaya ay nangyayari sa bahagi ng nag-
aaral ng ikalawang wika sa paraang malay at di
malay na pagkatuto.

Sa malay na pagkatuto ng ikalawang wika,


nalalaman ng nag-aaral ng wika ang mga
tuntunin at paraan ng paggamit ng wika sa
aktuwal na komunikasyon.
KON K L U S I Y O N
Napakahalagang matuto ng pangalawang wika dahil
tinutulungan tayo nitong kumonekta sa mga tao
mula sa iba't ibang bansa at maunawaan ang
kanilang mga kultura at tumutulong din ito sa atin
na magkaroon ng higit na kaalaman tungkol sa
mundo.

Ang pagkatuto ng pangalawang wika ang


magtutulay sa bawat bansa tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat nasyon
tungo sa kaunlaran at kapayapaan.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like