You are on page 1of 17

Pagkatuto ng Unang Wika

Ang unang wika ay napapaunlad


batay sa mga sumusunod na
batayang teorya.
Salig sa Behaviorism
May kakayahan ang tao na matuto ng kanyang wika mula
sa pagkontrol ng kanilang kapaligiran. Malaki ang
maitutulong ng mga pagpuri o anumang reward upang
mapagbuti ang pagkatuto.
Sa loob ng paraalan na may pagtuturo ng unang wika,
nabuo ang tinatawang na audio-lingual method mula sa
kaisipang behaviorist. Inuuna ang mga kasanayang pakikinig
at pagsasalita saka pagbasa at pagsulat.
Salig sa pananaw-Innativist
Mula sa paniwala ni Chomsky (1960) ang lahat ng ng
indibidwal ay pinanganak na may likas na salik (Language
Acquisition Device) sa pagtatamo ng wika. Sa ganitong
kalagayan, ang mag-aaral ay may taglay nang kaalaman
tungkol dito kahit hindi na dumaan sa pormal na pagtuturo-
pagkatuto. Ito ay dulot ng exposure sa wika mula sa
kapaligiran. Ang kaalamang pang wikang ito ay tinatawag na
universal grammar na taglay ng bawat indibidwal.
Salig sa Pananaw-Interactionist
Ang wika (langue) ay panlipunan.
Nabibigyang-katuparan ang layon ng wika kung
ang akto ng pagsasalita (parole) ay
pinagkakaisahang gamitin ng pangkat ng tao sa
kanilang pakikipag-ugnayan.
Salig sa pananaw-Humanist
Ang tuon nito ay tao at ang kalaayan niyang
makapagpahayag ng saloobin. Kinikilala sa
paniniwalang ito na ang pagkatuto ng unang
wika ay pagbibigay-halaga sa damdamin at
kailangan ng tao.
Salig sa pananaw-Cognitivist
Kinikilala sa pananaw na ito ang katulad ng
binabanggit ni Chomsky sa likas na taglay ng tao na
kakayahan sa pagtatamo ng wika. May kaalaman at
kakayahan nang gumagamit ng wila ang tao. Kaya
lamang, ang kaibahan nito ay kailangang dumaan sa
pormal na pag-aaral (sitwasyong pansilid aralan) ang
nag-aaral ng wika.
Acquisition at Pagkatuto ng Pangalawang
Wika
Mailalarawang multilinggwal ang linggwistikong
komunidad sa bansa. Kaya nga, bukod sa unang wika, may
kasanayan ang mga Pilipino na makapagtamo at matuto ng
iba pang wika.
Salig sa sainasabi ni Chomsky tungkol sa kasanayan sa
pagtatamo (acquisition) ng wika, nabuo ang mga hipotesis
ni Krashen (1983) na nakatuon sa pangalawang wika
(second language acquisition).
Hipotesis sa Pagtatamo (acquisition) at
Pagkatuto (learning)
Taglay ng tao ang pagtatamo ng wika mula sa
kanyang kapaligiran at pagkatuto na may
patunay kung ginagamit sa tunay na proseso ng
kommunikasyon. Mahihinuhang nagtutulungan
ang dalawa tungo sa paggamit ng wika.
Hipotesis tungkol sa Natural Order
Natatamo ng tao ang mga tuntuning
pangwika sa natural at inaasahang proseso.
Nangangahulugan, may tiyak na inaasahang
matamong wika sa tiyak na edad batay sa
mga tuntuning at pagkabubo ng salita.
Hipotesis tungkol sa pag-monitor
May pagsubaybay ang tao sa
proseso ng kanyang pagtatamo ng
wika. Isinasaalang-alang ang
kaangkupan ng wikang ginagamit.
Hipotesis tungkol sa Input
Ang pagtatamo ng wika ay buhat sa pag-
unawa ng mensahe na maituturing na
comprehensible input. Maituturing na
comprehensible kung nauunawaan ng
gumagamit ng wika ang kanyang natatamo sa
iba’t ibang pagkakataon.
Hipotesis tungkol sa Affective Filter
Ang takot (apprehension at anxiety) sa paggamit ng
wika at nakakapekto sa proseso ng pagtatamo ng
wika.
Sa talakay naman ni Littlewood (mula sa
elektronikong sanggunian, 2016) sa panayam na may
pamagat na Second Language Learning, may proseso
ang pagkatuto ng pangalawang wika (second
language learning).
Paglilipat
Katulad ng Sistema ng pagkatuto sa ilalam ng
programming Mother Tounge Based-Mutilingual
Education (MTBMLE), sinisimulan ang proseso sa pag-
aaral ng unang wika (unang baytang tungo sa ikatlo)
na magagamit sa paglilipat ng tuon sa pagkatuto ng
iba pang mga wika.
Paglalahat
Isinasagawa ang paglalahat ng nag-aaral
ng ikalawang wika bunga ng maraming
karanasan na ng pagtuto ng uang wika.
Nakatuon aito sa mga tuntuning pangwika
at kaayusan ng mga salita.
Ginagawang Payak
Mula sa mga natutuhan na sa unang
wika, ginagawang payak ng nag-aaral ng
ikawlaang wika ang mga tuntuning
pangwika (pinag-iisa ang mga magkakatulad
natuntunin).
Panggagaya
Ang panimulang paraan ng pakatuto
ng iba pang wika ay sa pamamagitan ng
panggagaya (pagbigkas, pagbaybay at
iba pang tuntuning pangwika).
Malay at di malay ng pagkatuto
Ang paglilipat, paglalahat, pagiging payak at
panggagaya ay nangyayari sa bahagi ng mag-aaral ng
ikawlang wika sa paraang malay at di malay na
pagkatuto.
S malay na pagkatuto ng ikawlang wika, nalalamna
nag nag-aaral ng wika ang mga tuntunin at paraan ng
paggamit ng wika sa aktuwal na kommunikasyon.

You might also like