You are on page 1of 22

Paano ka nagsimulang

matuto ng una at

ikalawang wika?
Prescriptive Grammar

Nakapaloob dito ang metodong grammar - translation sa


pagtuturo ng wika.

Grammar-translation

Sa metodong ito, ang mga mag-aaral ay nagmememorya

ng mahabang talaan ng mga talasalitaan, mga anyo ng

pandiwa at mga pangngalan. Pangunahing gawain sa klase

ang pagsasalin ng mga nakasulat na teksto.


Descriptive Linguistics

Noong mga siglo labingwalo at labingsiyam, nagsimulang

pagtuunan ng pansin ng mga iskolar ang pagkakatulad na


masasalamin sa matatandang wika.

Sa kanilang pag-aaral ng mga nakasulat na dokumento ng

mga unang wika, nagawa nilang matunton ang pinagmulan

ng mga tunog at salita at naroon na rin ang pagtatangkang

maipakita ang partikular na mga pagbabagong

pinagdaanan ng mga wika sa loob ng mahabang panahon

at ang ugnayang pangkasaysayan ng mga wikang ito.


Descriptive Linguistics

Sinuri ng mga naunang linggwist ang mga yunit ng tunog ng

isang wika, kung paano nabuo ang mga ito, at nailarawan

din nila ang istruktura ng mga pangungusap.

Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng mga tunog

ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang

bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri ng mga anyo ng

pangungusap.
Pagbabalangkas o

Diyagraming

Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o

dayagraming bilang gamiting paraang pedagohikal sa

paglalarawan ng wika.

Ang pagsusuri ng mga pangungusap ay nagsisimula sa paghahati ng mga

pangungusap sa dalawang bahagi at bawat isa nito ay hahatiin pang muli

hanggang sa masuri ang maliliit na komponent na bumubuo sa pangungusap.


Pagbabalangkas o

Diyagraming

Ang ganitong sistema sa pag aaral ng wika ay pinaniniwalaang

mailalapat din sa pag-aaral ng pangalawang wika. Bukod pa rito,

marami rin ang umaayon na ang ganap na pag-unawa sa mga

ponetikong komponent ng unang wika ay makatutulong sa

paghahambing ng palatunugan ng una at ng target na wikang pinag-

aaralan. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang

kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipaliwanag

ang target na wika (W2) sa tulong ng kaalaman sa kayarian ng unang

wika.
Behaviorism

Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay

ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang

kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng

pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang

intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa

tulong ng mga angkop na pagpapatibay rito.

Skinner (1968)

Kailangang "alagaan ang pag-unlad intelektwal sa pamamagitan ng

pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting

kilos o gawi.
Behaviorist

Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga

ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa

mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.

Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbigay sa mga


guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling

isagawa sa pagtuturo.
Audio-Lingual Method (ALM)

Ang Audio Lingual Method (ALM) na naging popular noong mga taong

1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorism.

Katangian ng ALM

Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;

Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;

Paggamit lamang ng target na wika;

Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;

Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at

Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro


Innatism

Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang

lahat ng bata ay ipinanganak na may "likas na talino" sa

pagkatuto ng wika.

Chomsky (1975, 1965)

Ipinaliwanag niya na ang kakayahan sa wika ay kasama na

pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay

nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.


Biologically Programmed

Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically


programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay

nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang

tungkuling biyolohikal ng tao.

Inilahad pa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi blangkong papel na

kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang naririnig sa

paligid. Sa halip, inihayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad na tuklasin

sa kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa isang sistema ng wika.


Language Acquisition Device

(LAD)

Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang-isip na ' black box'
na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Tinatayang naglalaman ang 'black box'
ng lahat at tanging iyon lamang mga simulaing panlahat na taglay ng mga wika ng

lahat ng tao, at ito ang humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang daan sa

kanyang pagtuklas ng mga tuntunin ng wika. Upang gumana ang LAD, kailangan

lamang ng bata na may pagkakataon siyang mahantad sa mga halimbawa ng wikang

kanyang sasalitain o pag-aaralan.

Ang mga halimbawang ito ang magbibigay-daan upang gumana ang aparato. Sa

oras na gumana na ito, magagawa na ng batang tuklasin sa kanyang sarili ang

istruktura ng wikang pag-aaralan sa pamamagitan ng paglalapat ng kanyang taglay

na kabatiran sa batayang gramatika ng isang partikular na wika sa kanyang

kapaligiran.
Universal Grammar

Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga

kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG)


na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat

ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).


Cognitive

Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika

ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay

palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o

makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang

pumapailalim na tuntunin, at mailapat ang mga ito upang

makabuo ng orihinal na pangungusap.


Cognitivist

Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan


ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang

iwinawasto. Tinatanaw ng mga cognitivist ang pagkakamali bilang

isang integral na bahagi ng pagkatuto.


Dulog na Pabuod

Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa

pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang

mga ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat.


Dulog na Pasaklaw

Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na

pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga

halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang

dulog na pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng

tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.


Pokus ng Teoryang

Cognitive

Ang teoryang cognitive ay palaging nakapokus sa kaisipang ang

pagkatuto ay isang aktibong prosesong pangkaisipan. Sa

ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga

bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito'y

maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang

pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng

wika, kailangang himukin ng guro ang mag aaral na mag-isip

nang may kamalayan at pag-usapan ang wika upang mapag

ibayo ang kanilang kakayahan sa paggamit nito.


Cognitive vs. Innatism

Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa

maraming aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang

ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan

upang matutuhan ang isang wika (Page at Pinnel, 1979). Ang

tanging pagkakaiba ng dalawang teoryang ito'y may kinalaman sa

implikasyon sa pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga innativist na

hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika

dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga

cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa

pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika.


Teoryang Makatao

Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa

kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Ito'y

nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari

lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawilihan ang mga

mag-aaral at may positibong saloobin sila sa mga bagong

kaalaman at impormasyon. Kung ang mga kondisyong ito'y hindi

matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay

maaaring hindi magbunga ng pagkatuto.


Teoryang Makatao

Pangunahing binibigyang-pansin ng teoryang makatao ang mga

mag-aaral sa anumang proseso ng pagkatuto. Palaging

isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili ng

nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto.

You might also like