You are on page 1of 8

GAMIT NG WIKA

1. Instrumental
Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan
ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit
rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos,
pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-
pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at
iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain.


§ Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni Joseph.

2. Regulatoryo
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring
instruksiyon o ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga
regulasyon, direksiyon o proceso sa kung paano igawa ang isang partikular na
bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ “Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.”


§ “Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na bukid.”

· 3. Interaksyonal
Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng
kontak sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan
ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa wikang Interaksyonal ay tulad ng
pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati, paggawa ng liham para sa isang tao, at
iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Kita tayo mamaya!


§ Salamat po!

· 4. Personal
Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin
tulad ng pagpapahayag ng sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay
impormal at walang tiyak na balangkas. Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang
panglalait o pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo
at iba pa.

· 5. Heuristiko
Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon at
gamit madalas ay mga impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga
propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan. Halimbawa sa mga ito ay ang
pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita sa
telebisyon o dyaryo, at iba pa.

· 6. Imahinatibo
Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo
na bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na
produkto. Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento,
pagbabasa ng nobela, at iba pa.

· 7. Representasyunal
Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang
pagsusulat at pasalita. Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng
tesis, research paper; pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa.

NG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN


Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang
nagging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na
may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal
ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang
pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa
pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang
mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng
panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo
nito, at positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang
Gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng
pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak
para maging isang doctor o isang abugado. Ang mga gurong umaayon sa
paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring “Magaling.”
“Tama ang sagot mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige, ipagpatuloy mo.”
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng
mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. AngAudio-Lingual
Method (ALM) na nagging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa
teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa
ibaba.
· Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
· Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
· Paggamit lamang ng target na wika;
· Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
· Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
· Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN


Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata
ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni
Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas
itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmedpara sa
pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano
nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata
sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng
tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition
Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip
na ‘black box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan,
inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip,
Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng
lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

TEORYANG COGNITIVE
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong
tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga
ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang
pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito
kagyat at tuwirang iwinawasto.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa
pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklawna kabaligtaran ng
dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa
patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay
nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong
ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan
at sa kanilang dating kaalaman.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming
aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (page at
pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang
bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa
kampo ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na
magpapabilis sa pagkatuto ng wika.
TEORYANG MAKATAO
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng
mga salik na pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha
ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot
kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang
nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong
tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent
Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.

MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA


Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng
palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay
(reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner
naVerbalBehavior (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyuna
isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay
matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa
isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga pangungusap na
hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso
ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang wika.
Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika,
angLanguage Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa
pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May
tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika
sa kasalukuyan.
· Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna
ng pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
· Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto
kung ito ay katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating
utak.
· Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang
kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak
pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-
iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan
tungkol sa pagkatuto ng wika.

BARAYTI NG WIKA
1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita
na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang
namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
“I shall return” ni Douglas MacArthur
“P%@#!” ni Rodrigo Duterte
2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang
salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin
ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
 Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
 Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
 Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako

3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti


lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga
salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
 Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit
ng gelpren mo)
 Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
 May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na
ako kaibigan/kapatid)

Ang Register ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o


gumagamit ng wika. Ito ay mas madalas nakikita o nagagamit sa isang partikular na
disiplina.

ANTAS NG WIKA
Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila


para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.


Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas


gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala


ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,


maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo


Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga


Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog


Halimbawa:
Buwaya (crocodiles – greedy)
Bata (child – girlfriend)
Durog (powdered – high in addiction)
Papa (father – lover)

4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam – paki
Tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad
Buong Salita
Halimbawa:
Etned – bente
Kita – atik

Papantig
Halimbawa:
Dehin – hindi
Ngetpa – Panget
Tipar – Parti

6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
G – get, nauunawaan
US – under de saya

7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak – Palpak – Bigo
Torpe – Tyope – torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salita
Halimbawa:
Bow na lang ng bow
Mag-jr (joy riding)
Mag-gimik
Mag-MU

9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 – pumutok
1433 – I love you too
50-50 – naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti – isputing
Kulang – kulongbisi

11. Kumbinasyon
Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya – Yahi – Dyahi

Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino – Pinoy
Mestiso – Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon – Talon – Lonta
Sigarilyo – Siyo – Yosi

Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa:
Security – Sikyo
Brain Damage – Brenda

Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get – Gets/Getsing
Cry – Crayola

You might also like