Ang teoryang innative sa pagkatuto ng wika ay batay sa paniniwalang lahat ng
bata ay ipinanganak na may “likas na salik” sa pagkatuto ng wika. Ayon kay Noam Chomsky, ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula sa pagkasilang na at likas itong umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito nabubuo. Ito’y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran. Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang likhang-isip na “aparato” na taglay ng mga bata at tinawag niya itong language-acquisition device (LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ang mga tuntunin. Ang mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. Ang LAD ay patuloy na ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo ng mga tuntunin hanggang sa marating nila ang kaganapan ng kanilang edad (maturation). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan.
Pagkatuto ng Wika vs. Akwisisyon
Nagbigay si Krashen ng magandang paliwanag hinggil sa pagkatuto ng wika at akwisisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan pinag-aralan ang wika sa isang organisadong paraan at may sinusunod ng isang tiyak na programa o silabus. Ang ganitong pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga tuntunin sa paggamit ng wika at pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa isang sistematiko at pormal na paraan. Akwisisyon Nagaganap nang hindi namamalayan. Nagaganap sa isang sitwasyon na ang mag-aaral ay nahaharap sa maraming pagkakataon. Pinupulot ng mag-aaral ang wikang kanyang naririnig na sa palagay niya’y kailangan sa pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang paligid. Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika lalo’t higit kung pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbabago ang dalawang ito sa isa’t isa. Ang pag-aaral ay nagsisimula sa paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa pagbuo ng salita. Ang pokus ng pag-aaral ay ang wika sa halip ng mga makabuluhang gawain o konteksto na kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng mga bata, isa ng mahigpit na batas ang sagot ay sa kompletong pangungusap.