You are on page 1of 2

Ano ang wika ayon kay:

A. JOSE RIZAL

Ayon kay Rizal, "Ang wika ay kaisipan ng mamamayan." Ang wika ay isang tulay sa pagitan ng kanyang
iniisip at ng gusto niyang sabihin. Isa itong pundamental na pangangailangan ng tao para sa kanyang self-
ekspresyon

B. BAYANI ABDILLA

"Ang wika ay ang sinasalitang tunog at nagsisilbing daluyan ng komunikasyon. Naipapahayag sa wika ang
mga kaugalian, isip, at damdamin ng bawat grupo ng mga tao sa larangan ng kaisipan, ang wika rin ang
impukan-kuhunan ng isang kultura."

C. VIRGILIO ALMARIO

"Hindi makitid at mababa ang karunungang makukuha sa Filipinong wika. Pakulo lang ito ng mga maka-
Ingles. Ang tunay na karunungan ay yaong lumulutas sa pangangailangan ng tao, yaong nagagamit niya
para mabuhay at umunlad ang buhay sa mundong ito. Patay na sana ang Filipino kung tunay na mababa
at makitid ang karunungang nasa kanyang wika. Ngunit hindi nangyari iyon sapagkat, tulad ng makikita
sa ating wika, may karungan ang mga Filipino na sapat para sa kanilang ikakabuhay"

D. LEV SEMYONOVICH VYGOTSKY

E. HENRY GLEASON

Ang wika ayon kay Henry Gleason, "ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura."

F. MARIO MICLAT

" Ang wika ang nagpapagising sa taon"

G. RANDY DAVID

" Walang matayog, mahirap at abstraktong kaisipan na hindi maihahayag sa sariling wika."

2. PILOSOPIYANG PANGWIKA

A. Whorfian Hypothesis 1996 (Benjamin Lee Whorf)

-Ang wika ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng tao sa kanyang kapaligiran.

-Galing sa binuo nating kahulugan o larawan ng kapaligiran ang mga salitang ating binibitiwan.

B. Competence and Performance (Noam Chomsky 1968)


-Ang wika ay nakabatay sa kakayahan at kagalingan sa pakikinig.

-Kapag marunong makinig sa kausap, mabilis namakabubuo ng mga salitang sasabihin ang tao.

-Mas naitala ng utak ang anumang napakinggankaysa nabasa.

C. Language Sexism (Ronald Wardhaugh 1986Allan Pace Nielsen 1990)

-May istiryotayping at leybeling na salita para salalaki at babae

-Ang lalaki ay may awtoriti at dominante sa lipunang patriyarkal.

-Ang babae ay pantahan. May distinksyon dahil sa pagkakaiba ng papel (role), kapangyarihan atgawain.

D. Liam Hudson 1967

-Ang wika ay nakabatay sa karaniwang karanasan.

-Dahil sa mga karanasang malimit maranasan ng tao, nakabubuo siya ng salita.

-Ang kaalamang‘convergent’ ay nagsasabing lahat ng suliranin ay may tama at maling sagot.

-Isang koneksyon sa pagitan ng abstraktong konseptwalisasyon at aktibong eksperimentasyon

-Ang kaalamang‘divergent’ ay nakapokus sa kreeytiviti.

-Ang paglikha sa maraming expiryens para sa pagkatuto.

E. Basil Bernstein 1971

-Ang wika ay nakabatay sa gamit ng lipunan.

-Alam ng tao ang kahulugan ng salitang kanyang ginagamit base sa lipunang ginagalawan.

-Naaayon sa napagkasunduang gamit ng mga tao.

You might also like