You are on page 1of 4

James Daniel D.

Swinton
BSA 1-9

Takdang-Aralin sa Pagsasalin sa Kontekstong Filipino

A. Mga taong nagpahayag ng tungkol sa wika at komunikasyon


1. Edward Sapir
 Amerikanong antropologo at lingguwista
 Ayon kay Edward Sapir ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan damdamin at mithiin.
 Para sa kanya matatagpuan sa wika ang mga simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon
sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolong ito ay maaaring salita na kumakatawan sa
isang konsepto o ideya.
2. Johann Wolfgang von Goethe
 Alemang manunulat
 “He who knows no foreign language knows nothing of his own.”
 Para kay Wolfgang, ang isang taong walang alam sa banyagang wika ay wala rin alam sa
kanyang sariling salita.Sa ating mundong ginagalawan, ang komunikasyon ay kailangan
sa ating pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Sa pakikipagkomunikasyon ay napakahalaga ng
wika o lenggwuwahe upang maipahayag ang ating mga iniisip at saloobin. Kaya
nararapat lamang na ito ay masusing pag-aralan at pagyamanin. Sa aking sariling
pagkukuro, marahil ang ibig sabihin ng manunulat sa kanyang banggit(quotation) ay mas
matututunan ang sariling wika kung may banyagang wika na aalamin dahil sa pag-aaral
ng wika ay maaaring may matuklasan na bago tungkol sa sariling wika. Mayroon din na
mga banyagang salita na dahil sa matagal na paggamit dito ay naging bahagi na rin ng
sariling wika. Tulad na lamang ng mga salitang Kastila na naging bahagi ng ating wika
bilang resulta ng maraming taon na pananakop sa ating bayan. Halimbawa nito ay ang
mga salitang: papel, aparador, pantalon etc.

3. Lachica
 “Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinokontrol naman nila. Ang kakayahan
ng tao na kontrolin ang mga simbolong ito ang nagtatangi sa kanyasa iba pang nilikha at
ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop.”
 Ang pahayag ni lachica ay nauugnay sa sinabi ni Edward Sapir ukol sa mga simbolo.
Para sa kanya, ang abilidad ng mga tao na makaunawa at makapagbigay kahulugan sa
mga simbolo ang nagpapatunay na tayo ay tao at bukod tangi sa ibang nilikha. Ang wika
ay pantao. Ito ay para sa gamit ng tao.
4. Ludwig Wittgenstein
 Pilosopo ng wika
 “The limits of my language mean the limits of my world”.
 Para kay Ludwig Wittgenstein may mga bagay na pwede nating malaman at maipakita
ngunit hindi natin kayang ipahayag sa ating lengguwahe.Kung hindi natin ito kayang
ipahayag, hindi ito parte ng ating mundo. Walang bagay na hindi kayang ipaliwanag ng
wika.
5. Carroll
 Ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
 Para sa kanya ito ay isang sistemang unti-unting lumilinang habang umaagos ang
panahon at nagbabago bawat henerasyon. Ang wika ay kasangkapan para sa
komunikasyon at katulad ng iang kasangkapan, kailangan itong ginagamit sapagkat
mawawalan ito ng saysay kapag napabayaan. Kapag ang wika ay di na nagagamit, unti-
unti itong mawawala at mamatay.

6. Todd
 Ayon kay Todd, ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Para sa kanya ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas
na tunog kundi isinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Ang salitang arbitraryo ay nangangahulugang walang tiyak na baatayan. Ibig
sabihin ang pagbuo ng mga simbulo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay,
ideya o kaisipan ay walang tiyak na tuntuning sinusunod. Ito’y pinagkakasunduan ng
mga tao sa tiyak na pook. Ito ang dahilan kung bakit magkakaiba ng mga salitang
ginagamit ang iba’t-ibang pook. Dahil dito masasabi natin na walang dalawang wikang
magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling mga tuntunin

7. Archibald Hill
 Ayon kay Hill, ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao, ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa
isang komplikado at simetrikal na istruktura
8. Nelson Mandela
 Bayani ng Timog Africa
 "If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you
talk to him in his own language, that goes to his heart."
 Ang banggit na ito ni Nelson Mandela ay tama para sakin. Gamit ng salita ng karunungan
na ito, naipakita ni Mandela ang kahalagahan ng pag-aaral ng bagong lengguwahe:
naipapakita natin ang ating pagrespeto sa ibang tao(mga taga ibang bansa). Naipapakita
natin ang ating pagpapahalaga sa kanilang kultura at mga pamana. Halimbawa ay
pumunta ka sa France. Kung ikaw ay magsasalita ng Ingles, maaring may mga taong
makaintindi sayo. Pero kapag ikaw ay nagsalita ng kahit konting wikang Pranses,
matutuwa sila sa iyong pagsusumikap na magsalita gamit ang kanilang lengguwahe.
Makikita nila ang iyong pagrespeto sa kanila at papasok ang iyong mga salita sa kanilang
puso.

B. Mga kahulugan ng pagsalin at iba pang detalye ukol sa pagsasalin


 Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na natural na
katumbas ng mensahe ng simulang wika, una’y sa kahulugan at pangalawa sa estilo.
(Eugene Nida,1964)
 Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisaipang
nasa likod ng mga pahayag na berbal. (Theodore Savory,1968)
 Ang pagsasalin ay isang gawang binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat
na mensahe sa isang wika ng gaya din sa mensahe sa ibang wika. (Petew Newmark,1988)
 Ang pagsalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe na malapit na
katumbas na diwa gamit ang ibang wika. (Griarte,2014)
 May tatlong katangiang dapat taglayin ng isang tagasaling-wika. Una sa lahat, dapat may
sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Pangalawa, dapat may
sapat na kaalaman sa paksang isasalin at panghuli, dapat ay may sapat na kaalaman sa
kultura ng dalawang bansang kaugany sa pagsasalin
 Hindi sapat ang direkta o diretsong pagtutumbas ng bawat salita upang maisagawa ang
maayos na pagsasalin.

C. Sikreto sa Palabas na Heneral Luna


 Ang karakter sa palabas na si Joven na makikitang laging kausap o kakwentuhan ni
heneral Luna ay isang “fictional character" lamang. Ang kanyang pangalan ay
nangangahulugang “young” o “youthful” sa wikang kastila.
 May isang babae sa palabas na ginampanan ni Mylene Dizon na parang maiuugnay kay
heneral Luna. Ang babaeng ito ay sinasabing persona ni Ysidra Cojuangco na
pinaniniwalaan na may “love affair” kay heneral Luna. Ang kayamanan ng mga
Cojuanco-Aquino ay sinasabing nagmula sa pera na ipinagkatiwala ni Antonio luna kay
Ysidra Cojuanco bago sya pumunta ng Cabanatuan at namatay

You might also like