You are on page 1of 10

Balik-Tanaw sa mga Klasikong

Kabanata 5 Metodo sa Pagtuturo ng


Wika

Panimula
                                                                                             
            Sa kabanatang ito,

Layunin
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay inaasahang:
1. natatalakay at nabibigyang halimbawa ang mga yugto sa pag-unlad ng wika; at
2. nakagagawa ng isang obserbasyon sa pagkatuto ng wika ng isang batang 3-5 taon.

Inilaang oras
6 na oras
Talakayan

Ang Guro at ang Audio Lingual


Pagtuturo ng Wika Method

Suggestopedia

Ano-ano ang mga


Ang Mag-aaral at Ang Bumubuo ng Isang
Pagkatuto ng Wika Metodo sa Pagtuturo Total Physical
ng Wika? Kahapon? Response
Ngayon? Bukas?

Competency-Based
Language Teaching

Ang Wika at Ang Whole Language


Kultura Learning

Ayon kay Larsen-Freeman, maaaring tanawin ang metodolohiya bilang isang tatsulok
na ang bawat anggulo nito ay kumakatawan sa isang batayang lawak sa pagtuturo at
pagkatuto ng wika.
Pagtuturo ng
Tingnan ang dayagram: Wika/Guro

Pagkatuto ng Wika / Wika /


Mag-aaral Kultura
Ang unang anggulo ay maaaring tawaging pagkatuto ng wika/mag-aaral ng wika. Ang mga
tanong na maaaring tugunin mula sa perspektibong ito ay ang sumusunod:

 Ano ang kalikasan ng pagtatamo/proseso ng pagkatuto ng wika?


 Sino ang gumagawa ng pagkatuto?
 Ano-anong mga salik ang nakaiimpluwensya sa mag-aaral sa pagkatuto?

Ang ikalawang anggulo ay tungkol sa paksang-aralin na ating ituturo. Ito ay tutugon


sa tanong na may kaugnayan sa:

 Ano ang kalikasan ng wika?


 Ano ang kaugnayan ng kultura sa wikang ituturo?
Ang ikatlong anggulo ay sumsaklaw sa pananalig na ang pagtuturo ng wika ay isang
proseso at ang tungkulin ng guro bilang tagapanguna sa pagpoproseso ng pagkatuto.
Masasalamin ito nang malinaw sa mga kasagutan sa itinalagang mga tanong sa naunang
dalawang anggulo.

DULOG, PAMAMARAAN, TEKNIK

Ayon kay Edward Anthony (1963), ang dulog ay isang set ng mga palagay hinggil sa
kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. Ang pamamaraan ay isang panlahat na
pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay ito sa isang dulog. Ang
teknik ay mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang
pamaraan at katugong dulog.

Dulog

Pamamaraan

Teknik Teknik Teknik

METODOLOHIYA – Ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang
mga paniniwalang teoritikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang
kondiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo.”

SILABUS – Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang partikular na programang


pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang-aralin, pagkakasunod-sunod ng mga
aralin at mga kagamitang panturo na makatugon sa mga pangangailangang pangwika ng
isang tiyak na pangkat ng mag-aaral.

TEKNIK – Alinman sa mga gamiting pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang


maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
PABAGO-BAGONG HIHIP NG HANGIN . . . PALIPAT-LIPAT NA PANANAW

Ayon kay Marckwardt (1972:5), ang “pabago-bagong hihip ng hangin at palipat-lipat


na pananaw” ay isang hulwarang siklikal kung saan ay may lumilitaw na bagong pamaraan
tuwing ikaapat na hati ng isang siglo.

PAMARAANG GRAMMAR TRANSLATION (PAMARAANG KLASIKO)

Naging palasak sa mga klasrum na ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa


balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan, at iba’t ibang impliksyon at pagbabanghay ng
pandiwa, pagsasalin at maraming pagsasanay. At noong ika-19 na siglo, ang Metodong
Klasikal ay naging palasak sa tawag na pamaraang Grammar Translation.

Mithiin (goals)

1. Mabasa ang literature ng target na wika.


2. maisaulo ang mga tuntuning balarila at talasalitaan ng target na wika.

Mgs Katangian

1. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
2. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
3. Binibigyang-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang ang pakikiniga at
pagsasalita.
4. Pabuod na itinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan, at pagkatapos
ay magkakaroon ng maraming pagsasanay at pagsasalin.
5. Ang pagbabasa ng mga may kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi
isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral.
6. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang
mga mag-aaral mula sa target na wika.
SI GOUIN AT ANG SERIES METHODS

Si Francois Gouin, Pranses na guro ng Latib ay isa sa mga haliging bato sa pagtuturo
ng wika. Siya ay tinaguriang tagapagtatag ng metodolohiya sa pagtuturo ng wika at
naglathala ng isang aklat noong 1880 na may pamagat na The Art of Learning and Studying
Foreign Languages.

Ang Series Method ay . . .

 isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang
tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap
ay inilalahad sa isang komsepto na madaling maunawaan ng mag-aaral.
 walang pagpapaliwanag sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong
kayariang balarila na nakapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
 Ang pamamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang
transpormasyon ng mga pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling
maintindihan.
 Narito ang halimbawa :
Papunta ako sa pintuan. Papalapit na ako sa pintuan. Nasa may pintuan na
ako. Huminto ako sa may pintuan.
Inabot ko ang door knob. Inikot ko ang door knob. Binuksan ko ang pinto.
Binitiwan ko na ang door knob.

 Ang labing-isang pangungusap sa itaas ay nagtataglay ng mga katangiang


pambalarila na maaaring mahirap maipaliwanag. Subalit ang ganitong uri ng
pagtuturo ay matagumpay na nagamit ni Gouin. Datapwat hindi ito nagtagal at
nalukuban ito ng popular na Direct Method.
ANG PAMARAANG DIRECT

Pangunahing saligan ng Pamaraang Direct ang Series Method ni Gouin at nanalig


din ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad din ng pag-
aangkin ng unang wika – may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika, walang
pagsasalin sa pagitan ng una at pangalwang wika, at halos walang pagsusuri sa mga
tuntuning pambalarila.

Narito ang lagom ng mga simulain sa pamaraang Direct (Richard at Rogers, 1986:9-
10)

1. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang ang ginagamit.


2. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo.
3. Ang mga kasanayang pasalita a nililinang sa pamamagitan ng palitang tanong at
sagot sa pagitan ng guro at mag-aaral.
4. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod.
5. Ang mga bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at pagsasanay.
6. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay na
bagay at mga larawan samantalang ang mga abstraktong bokabularyo ay itinuturo sa
pag-uugnay ng mga ideya.
7. Parehong binibigyng-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
8. Binibigyang-diin ang wastong pagbigkas at balaila.

ANG PAMARAANG AUDIO-LINGUAL (ALM)

Ang ALM ay batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik. Nakatala sa ibaba ang
mga pangunahing katangian ng ALM (halaw kina Prator at Celce-Murcia, 1979).

1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.


2. Pangunahing estratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng mga
parirala, at paulit-ulit na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning
balarila ay itinuturo sa tulong ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
5. Limitado ang gamit ng mga bukabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language
labs at mga pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
9. Sinisikap ng guro na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang kamalian.
Naging bukambibig ng maraming guro ang ALM sa loob ng mahabang panahon,
subalit naglaho rin ang popularidad nito noong 1964sa pamumuno ni Wilga Rivers.
Pinatunayan ni Rivers at mga kasama na ang pagkatuto ng wika ay hindi natatamo sa
pamamagitan ng maraming pag-uulit at pagsasanay, na ang pagkakamali ay bahagi ng
pagkatuto at hindi itinatakda ang wikang dapat matutuhan. Katulad ng ibang paraan, malaki
ang natutuhan natin sa mga kahinaan ng ALM.

ANG MGA DESIGNER METHOD NG DEKADA ‘70

Ang dekada ’70 ay makahulugan sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika sa dalawang


kadahinan: una, sumigla ang mga pagkatuto ng wika sa loob at labas ng klasrum; ikalawa,
nabuo ang ilang inobasyon kung hindi man mga “rebolusyonaryong” paraan sa pagtuturo.
Ang mga designer methods (Nunan, 1989) ay ibinahagi sa maraming guro bilang
pinakabago at pinakamahalagang bunga ng mga pananaliksik pangwika.

Limang Pangunahing Pamaraan noong Dekada ‘70

1. Ang Community Language Learning

 Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na


pandamdamin.
 Sa pamaraang ito, ang pagkabahala ay nababawasan dahil sa ang klase ng
komunidad ng mag-aaral na laging nag-aalalayan sa bawat sangali ng
pagkaklase.
 Ang guro ay tumatayo bilang isang tagapayo at laging handa sa anumang
pangangailangan ng mag-aaral.
 Naiiwasan an gang pagdadahilan sa pag-aaral dahil sa magandang ugnayan ng
guro at mag-aaral.
 Ang pamamaraang ito ay ekstensyon ng modelong Counseling-Learning ni
Charles A Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-
kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan ng kaukulang
pagpapayo.

Ganito halos isinasagawa ang isang pagkaklase na gumagamit ng pamaraang CCL.

Bubuo ng isang maliit na bilog at nakaupo ang mga mag-aaral. ang titser ay nasa
labas ng bilog. Kung may gustong sabihin ang isang mag-aaral sa grupo o sa isang
kasamahan, sabihin niya ito sa kanyang unang wika at isasalin ito ng guro sa target na wika
(e.g. Filipino). Uulitin ng mag-aaral ang salin at gagawin din ito ng lahat ng kasama sa
pangkat.

Iteteyp ang isinagawang usapan sa target na wika upang mapakinggan ng pangkat at


makakuha sila ng ilang impormasyon tungkol sa wikang pinag-aaralan. Maaaring magbigay
ng kaukulang direksyon ang guro upang maipaliwanag niya ang ilang mahalagang
tuntuning pambalarila.

Mga Katangian

1. Isinasaalang-alang ang balarila, pagbigkas, at bokabularyo ayon sa pangangailangan.


Binibigyang-diin ang pagkaunawa at pagsasalita
2. Isinasanib sa pagkatuto ng wika ang mga aspekto ng kultura.
3. Wala itong tiyak na paraan ng pagtataya. Ginagamit ang mga integratibong
pagsusulit kaysa sa mga obhektibo o tiyak.
4. Hinihikayat din ang sariling pagtataya upang mabatid ng mga mag-aaral ang
kanilang pag-unlad.
2.Ang Suggestopedia

 Ang pamamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov (1979), isang


sikologong Bulgarian, na ang utak ay may kakayahang magproseso ng malaking dami
ng impormasyon kung nasa tamang kalagayan sa pagkatuto, katulad halimbawa ng
isang relaks na kapaligiran at ipinauubaya lahat sa guro ang maaaring maganap sa
pagkaklase.
 Mahalaga sa pamaraang ito ang musika na tinaguriang baroque na may 60 kumpas
bawat minute at may tanging indayog na lumilikha ng isang “relaks na kapaligiran” at
nagbubunga ng isang pagkatuto na lagpas sa inaasahan.
 Ayon kay Lozanov, habang nakikinig ang isang mag-aaral sa musikang baroque,
nagagawa niyang makapagtamo ng maraming impormasyon dahil sa pagbilis ng
alpha brain waves at pagbaba ng presyon ng dugo at pulso.
 Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y
isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban
ng bawat mag-aaral at relaks ang kanilang kaisipan.
Mga Katangian

1. Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na


maging panatag ang kalooban.
2. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na
mahinang tugtugin.
3. Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay ng
komprehensibo.
4. Napalilinaw ang mga kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
5. Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension: ang may kamalayan
(conscious) kung saan nakikinig sa isang binabasang diyalogo at ang kawalang-
kamalayan (sub-concious) kung saan ang musikang maririnig ay nagpapahiwatig na
ang pagkatuto ay madali.
6. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin at drama.
7. Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na
pagsubok na ibinibigay.
3. Ang Silent Way

 Ang silent way ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung


ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto (Gattegno, 1972).
 Naglahad sina Richards at Rogers (1986) ng isang lagom hinggil sa teorya ng
pagkatuto na pinagbatayan ng silent way.
1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay tutuklas o lilikha ng
mga sariling gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit ng maraming bese kung ano
ang natutuhan.
2. Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng
mga bagay na nakikita nahahawakan ng mga mag-aaral.
3. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling kinapapalooban
ng mga gawain na may suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.
 Ang pamamaraang patuklas na naging popular noong 1960 na nagtaguyod ng
pagkatuto sa pamamagitan ng sariling pagtuklas ng mga kaalaman at simulain sa
halip na sabihin ito sa mga mag-aaral.
 Ang pamamaraang silent way ay namuhunan sa mga hakbang na apgtuklas na
pagkatuto.
 Nananalig si Gattegn0 (1972) na dapat mayroong tiwala ang mga mag-aaral at
naroon din ang pagiging may pananagutan sa kanyang sariling pagkatuto.
 Ang mag-aaral sa isang klasrum ng silent way ay nagtutulungan sa proseso ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika.
 Sa ganitong kalagayan, nananatiling tahimik ang guro kaya ang katawagan ay Silent
way.
 Kinakailangang paglabanan ng guro ang pagtulong sa sandaling humihingi ng tulong
ang mga mag-aaral at kung maaari ay lumabas ang guro habang bumubuo ng
solusyon sa isang suliranin ang buong klase.
Mga Katangian

1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-aaral ang


kanilang sariling pagkatuto.
2. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at
pakikinig sa mga mag-aaral; nagsasalita lamang siya upang magbigay hudyat (clues),
pinapayagan ang interaksyong-mag-aaral-mag-aaral.
3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na pinagmumulan
ng kaalaman ng mag-aaral.
4. Ang Total Physical Response (TPR)

 Ang Total Physical Response (TPR) ay dinebelop ni John Asher (1977).


 Ang pamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series method ni Gouin na
nagsabi na ang pagkatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng
wikang pinag-aaralan.
 Pinatunayan din ito ng mga saykologist sa kanilang trace theory ng pagkatuto na
nagsasaad na ang pag-aalala ay napabibilis kung may kaugnay na pagkilos ang pag-
aaral.
 Naniniwala si Asher na ang isang klasrum sa wika ay hindi dapat kabakasan ng
pagkabahala at ang mga mag-aaral ay masigla at nagagawa ang gustong gawin sa
ilalim ng mabuting pamamatnubay ng guro.
 Ang isang TPR na pamaraan ay gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na
nag-uuto. Ang pag-uutos ay payak at madaling isagawa. Halimbawa: Isara mo ang
bintana, tumayo, umupo, kunin mo ang libro, ibigay ito kay Andrew.
 Maaari ring gamitin ang mga kompleks na kayarian ng pangungusap na ang-uutos
kung saan ang kasiyahan sa klase at sa mga gawain ay natural na mararanasan ng
mag-aaral. Halimbawa: Lumakad nang marahan sa may pintuan at hawakan ang
pinto. Gumuhit ng isang rektanggulo sa pisara. Pumunta sa may bintana at
lumundag. Ilagay ang iyong sepilyo sa loob ng iyong bag.
Mga Katangian

1. Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titiser na


isinasagawa ng mga mag-aaral.
2. May interaksyong-guro mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga mag-
aaral, nagbibigay sila ng mungkahi sa mga kapwa mag-aaral sa pamamatnubay ng
guro.
3. Binibigyang-diin ang komunikasyong pasalita; isinasaalang-alang ang kultura ng
mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
4. Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa pamamagitan ng mga kilos.
5. Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga
kamaliang global lamang ang iwawasto.
5. Ang Natural Approach

 Naniniwala sina Krashen at Terrel na kailangang komportable at relaks ang mga


mag-aaral sa isang klasrum pangwika. Nakikita rin nila ang pagsasaisang-tabi muna
ng pagsasalita sa wikang pinag-aaralan hanggang sa sumapit ang panahong naroon
ang intension at pagkukusa sa pagsasalita.
 Kailangang mabigyan sila ng maraming pagkakataon sa komunikasyon upang ang
“pagtamo” ay maganap.
 Nilalayon ng Natural Approach na malinang ang mg personal na batayang
kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw
na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, apkikinig sa radio, at iba pa.
 Ang unang gawain ng guro sa pamaraang ito ay maglaan ng mga comprehensible
input o iyong sinasalitang wika na nauunawaan ng mag-aaral o di kaya’y iyong
mataas ng kaunti sa kanilang lebel ng pagsasalita at pag-unawa.
 Hindi kinakailangang magsalita ang mag-aaral sa yugtong ito ng silent period
hanggang sa panahong maramdaman nilang may kahandaan na sila.
 Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t iba at kawili-wiling gawaing
pangklasrum gaya ng laro, utos, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
 Ayon kina Krashen at Terrel, sa Natural Approach, ang mag-aaral ay dumaraan

Pagsasanay

Panuto: Sagutin ng malinaw ang mga sumusunod na katanungan.

1. Balik-aralan ang tatsulok na iminungkahi ni Diane Larsen-Freeman (1987) upang


masipat nang malinaw ang kaisipan hinggil sa metodolohiya sa pagtuturo ng wika.
Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa bawat anggulo ng tatsulok. Sumasang-ayon
k aba sa kaisipang ito? Pangatwiranan.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
___________________
2. Ano ang pamamaraan ayon kay Anthony ng (1963)? Ano ang kanyang konsepto ng
pamaraan? Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad kung mayroon man ang kanyang
teorya sa kaisipang inilahad ni Diane Larsen-Freeman? Maglahad ng mga patunay.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
___________________

Sanggunian:
Badayos, Paquito B.2008.Metodolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa Filipino: mga teorya,
simulain at istratehiya.Malabon City:Mutya Publishing House, Inc.

You might also like