You are on page 1of 34

Mga Teorya sa

Pagkatuturo at Pagkatuto
ng Wika sa Filipino
MGA LAYUNIN

I. Naipapaliwanag ang mga teknikal na termino


kaugnay sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.

II. Nailalapat sa kontekstong Filipino ang bawat teorya


o pananaw kaugnay sa pagtuturo at pagkatuto ng
wika.

III.Nakakagawa ng panimulang papel-pananaliksik


kaugnay sa ilang piling teorya sa pagtuturo at
pagkatuto ng wika.
Ano ang pinaghahawakan mong
prinsipyo kaugnay sa pagtuturo?
Kapag may nag-usisa ng iyong estilo bilang guro,
paano mo ipapaliwanag o idedepensa ang iyong
sariling atake sa pagtuturo?

Kampante ka ba sa mga ginagawa mo sa silid-


aralan bilang guro?
Isa sa mga katangian ng mahusay na
pagtuturo ay umaalinsunod ito sa
mga simulain ng pagkatuto at
pilosopiya ng pagtuturo.
● Malinaw na may mga pagtuturo-
pagkatuto sa loob at labas ng silid-aralan.
Sa aklat ni Badayos na “Metodolohiya”
(2008), sinasabing may anim na
prosesong pinagdadaanan ang isang
normal na tao upang matuto ng wika.
 Una, ang pasumala o random sa wikang Ingles. -
12 – Buwan o isang taon -Gumagawa madalas ng
tunog ang isang sanggol upang makakuha ng
atensiyon
 Ikalawa, ang unitary - 24 buwan o dalawang taon
- Nagaganap dito ang panggagagad o
panggagaya sa mga tunog na naririnig ng bata sa
kaniyang kapamilya at kapaligiran.
Ikatlo, ang ekspansiyon at delimitasyon - 48 buwan o apat na
taon. - Kampante na ang mga batang makalikha ng salita
hanggang pangungusap. Gayon pa man, ang dalawa o mahigit
pang salita ay maari pa ring may ibang kahulugan o maraming
kagulugan para sa bata.
Ikaapat, ang kamalayang estruktural - 60 buwan o limang taon.
-medyo malinaw-linaw na rito ang kahulugan ng mga salita at
pangungusap na nasasambit ng bata. Bagama’t may mga
pagkakamali pa rin sa pagbigkas at kontruksiyon ng mga
pangungusap sa ilang pagkakataon.
Ikalima, ang awtomatiko - kinder o anim na taon -
nagagawa na ng batang makipag-usap sa iba’t ibang uri
ng tao. Bagama’t bakas at halata pa rin ang wika niya ay
wika sa kaniyang tahanan, sa pakikipaglaro, sa
napapanood, sa nakikita, sa napakinggan.
Ikaanim, ang malikhain - Grade 1 (pitong taon) at pataas
sa elementarya - Mas mahahaba na ang pagbuo ng
sariling pangungusap, malinaw na ito sapagkat may
pormal nang pagtuturong nagagaganap, at kaya nang
maunawaan ang mga abstrak na kaisipan.
MAKRONG PAGSIPAT SA PAGTUTURO
NG WIKANG FILIPINO

1.Lingguwistika
2.Sosyolingguwistika
Lingguwistika
● -ang pagsipat kung nakatuon sa mga tuntuning pangwika gaya ng
mekaniks, ortograpiya, gramatika, retorika, estruktura ng isang wika.
-Ito ang mga oryentasyong nakatuon sa kakayahang panggaramatika
ng isang bata. - ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika -
wastong gamit ng salita, tamang paglalagay ng bantas, paralelismo,
aspekto ng pandiwa, tamang anyo ng mga pagbabagong
morpoponomiko, pagpaparami, kasarian, ayos ng pangungusap, at
pagsusunod-sunod ng salita sa isang pahayag.
Sosyolingguwistika
•   -makabagong phenomenon, kalakaran, isyu, o kairalang pangwika.
Hindi ito masyadong nakakiling sa mga tuntuning pangwika.
Bumabalikwas ito sapagkat mas tinitignan ang gamit sa aktuwal at
praktikal na buhay sa araw- araw lagpas at labas sa mga tuntuning
pambalarila. Laging isinasaalang-alang nito ang gamit ng wika sa mas
malawak na lipunan. May pagsipat din ito sa kung ano talaga ang
ginagamit ng nakakarami sa halip sa makitid na pagsunod sa mga
tuntuning wala naming gumagamit o iilan lamang ang sumusunod sa
patakarang ito. Mas deskriptibo ang oryentasyon nito sa pag-aaral ng
wikang Filipino.
Paano ba maaaaring ituro ang
wikang Filipino sa mga silid-
aralan?
DALAWANG PANGUNAHING
ATAKE SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
●Preskriptibong Pagtuturo
●Deskriptibong Pagtuturo
Preskriptibong Pagtuturo
⮚ Ito ang pagtuturong may sinusunod na tamang tuntunin. At
ang hindi pagsunod sa mga tuntuning pangwika ay ituturing na
mali. Sinasabi sa estilong ito na dapat may tumpak na baybay sa
isang salita, may tamang bantas na gagamitin sa isang
pangungusap, may balarila bilang pamantayan ng kawastuhan.
⮚ Nagpapasunod ang atakeng ito sa pagtuturo ng wikang
Filipino.
⮚ “Ortograpiyang Pambansa” at ang “Manwal sa Masinop na
Pagsulat” mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Deskriptibo
⮚ Sa pagtuturo sa ganitong estilo, hinahayaan
ang batang gumamit ng wikang mas ginagamit
niya sa aktuwal at parktikal na
pakikipagtalastasan sa ibang tao.
Maaring sabihing ito ang tama o istandard na
tuntunin sa usaping pangwika subalit bukas ito
sa baryasyon o kung bakit may iba at kakaiba
MGA PAGDULOG SA KLASE NA MAGAGAMIT SA
FILIPINO •
1.Inter-aktibo
2.Kolaboratibo
3.Tematiko
4.Komunikatibo
• Kakayahang lingguwistika
• Sosyolingguwistika
• Kakayahang Diskorsal
• Kakayahang Estratehiko
INTER-AKTIBONG DULOG
● Lahat ng estudyante ay dapat na kasali
● Buhay na buhay
● Kitang-kita,
● at damang-dama
○ Walang maiiwan sa laylayan
○ Malayang nagkakaroon ng inter-aksiyon ang guro at mag-aaral at mag-aaral
sa kapwa mag-aaral
○ May nagaganap na ditong usapan,tanungan, at ugnayan ng lahat ng nasa
loob ng klase
○ Tandaang isa sa katangian ng mahusay na pagtuturo ay kung nasasangkot sa mahalagang gawain ang
mga mag-aaral.
KOLABORATIBO
● Pagtutulungan sa klase
● Pangkatang- gawain
● Kooperasyon upang maisakatuparan ang anumang task
● Hindi nakakapanaig sa dulog na ito ang indibidwalistiko
○ Dapat lahat may ginagawa
○ Tandaang isa sa katangian ng mahusay na pagtuturo sa Filipino ay kung
mas marami ang gawain ng mga mag- aaral kaysa sa guro.
○ Mas nililinang ang pakikipag-ugnayan sa iba kaya may dalawahan, trayad,
at paggugrupo-grupo.
○ Mas nakikilala ng batang mag-aaral ang kanyang sarili sa tulong ng iba.
TEMATIKO
● Kailangang maipakita ang konsepto ng multidisiplinaryo at
interdisiplinaryo
● Hindi dapat tiwalag sa ibang larang ang asignaturang
Filipino
● Nag-uugnay ng mga konsepto sa Filipino sa ibang disiplina
lalo na sa totoong nangyayari sa buhay at lipunang Filipino
● Mahalaga sa dulog na ito ang pagsasalikop, ang ugnayan,
ang koneksiyon ng paksa sa mga nangyayari sa paligid at
mismong buhay ng mga mag-aaral.
KOMUNIKATIBO
● Kakayahang umunawa, at makabuo ng estruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa
gramatika

○ Ito ay kakayahan at kaalamang pangkomunikasyon na naipapakita sa kasanayan sa


gramatikal at kaalamang ito ang unang hakbang sa mabisang pakikipagkomunikasyon

○ Kakayahang Lingguwistika - Ito rin ang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin sa wika at


hindi sa kahusayan sa pagsasabi sa tuntunin nito.

○ Kakayahang Diskorsal - Kakayahan itong pangkomunikasyon na naipapakita sa kasanayan


at pagpapahayag ng idea sa loob ng isang kontekstong pasulat, pasalita, biswal, at birtuwal

○ Kailangang mahasa at masanay ang mga mag-aaral na magsalita at magsulat na may


wastong balarila at kaya itong gawin nang tuloy- tuloy. Hindi dapat mananatiling blangko o
malinis ang papel matapos ang 30 minutong ibinigay para palawakin ang isang paksa sa
paraang pasulat.
KOMUNIKATIBO
● Ito ang kakayahang pangkomunikasyon na
naipapakita sa kaalaman sa angkop, wasto, at
mabisang estratehiya upang magpatuloy ang
komunikayson sa kabila ng problema o aberya
Kakayahang
● Estratihiko dapat magpatuloy ang komunikayson sa
kabila ng mga sagabal at magagawa ito ng isang
mag-aaral na may kakayahang estratehiko.
MGA SANDIGANG TEORYA SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
1.Beheybyorismo
2.Inatismo
3.Kognitibismo
4.Humanismo
Ilarawan ang iba’t ibang teorya sa pagtuturo ng Filipino at
ibahagi sa klase.
Alin sa mga teoryang ito ang ginagamit mo sa pagtuturo?
Bakit?
BEHEBYORISMO
1. Gurong mahilig sa gantimpala Laging isinaalang-alang ang kapaligiran sa
pagkatuto Kung may parusa ka sa bawat pagkakamali, sakto ka sa bangang
ito. Mahalaga sa teoryang ito ang pagkontrol sa kilos ng mga mag-aaral ANO
ANG BEHEBYORISMO?
2. 21. PAGLALAR AWAN SA BEHEBYOR ISMO Mahilig akong magbigay ng papuri sa
klase gaya ng: Magaling! Kahanga-hanga! Tama ang sagot mo! Mahilig akong
magbigay ng drill o mga Gawain para mabilis na maintindihan ng mga
estudyante ang aralin. Pinipili ko ang mga salitang may kaugnayan sa kanilang
antas ng pag-iisip. Mahilig ako magbigay ng gantimpala gaya ng candies,
sertipiko, bituin, at iba pa. Agaran kong itinatama ang pagkakamali ng isang
bata
MAAARING ITANONG SA TEORYANG BEHEBYORI SMO
● Dapat nga bang parusahan ang mga nagkakasala sa
pagkatuto at pagtuturo ng wika?
● Ano ang tatlong maaring gantimpala sa mabisang pagkatuto
at pagtuturo ng wika?
● Tama bang ginagawang laro ang mga bata sa pagkatuto at
pagtuturo ng wika sa gamit ang teoryang ito?
● Paano matitiyak na tama o likas ang papuri sa mga
nagagawa ng mga mag-aaral?
 INATISMO
● Ito ang nagsasabing likas na matuto ang isang bata kahit hindi
lantaran at aktuwal na turuan.
○ Sinasabing ang utak ng tao ay tila may Language Acquisition
Device (LAD) ayon kay Noam Chomsky para matuto ng wika
may paniniwalang hindi dapat sapilitang ituro ang wika sa
bata.
■ Hindi kailangang sapilitang ituro turuan ang bata ng wika
sapagkat ang mismong pangangailangan at konteksto ang
maglulundo sa kaniyang matuto ng bagong wika. ANO ANG
INATISMO?
PAGLALARAWAN SA INATISMO
● Hinahayaan kong makabuo ng sariling pangungusap ang mga
bata batay sa talasalitaang kanilang nalalaman.
● Sa gawaing pangwika, hindi ko sinasabi ang tamang sagot.
Nailalantad ko ang mga mag-aaral kung paano aktwal na
ginagamit ang wika.
● Hinahayaan ko ang mga mag-aaral na magkaroon ng gawain
tungkol sa paggamit ng wika sa komunidad.
○ May Kalayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng sarili nilang
kahulugan sa mga salita batay sa kanilang iskema o karanasan.
MAAARING ITANONG SA INATISMO
● May likas nga bang talino ang lahat ng tao?
● Paano ang common sense? Naituturo ba ang common sense?
● Kailan nakakasagabal ang iskema (dating alam) sa pagkatuto at
pagtuturo ng wika?
● Ano pang ibang teorya sa pinagmulan ng wika ang kaugnay sa
inatismo?
● Paano ito nauugnay o hindi sa dalumat ng “tabula rasa?”
● Paano ang naaksidente at na-comatose?Ang may sakit na
Dementia? Magiging likas pa ba sa kanila ang wika?
 KOGNITIBISMO
● May paniniwalang 24 oras ay nag-iisip ang batang mag-aaral, may
kakayahan ang isip ng bata upang iproseso ang mga datos o
impormasyong itinuturo ng isang guro.
● Nananalig sa teoryang ito sa apat na hakbang ng pag- iisip ng isang
tao ayon sa sikologong si Jean Peaget.
○ Nakasandig sa teoryang ito sa pananaw na may tamang
panahon din para matuto ang isang mag-aaral batay sa
development ng kaniyang utak.
■ May tamang panahon upang matutuhan ang isang bagay o
konsepto bago ang iba pa.
PAGLALARAWAN SA KOGNITIBISMO
● Ang matuto ang mag-aaral sa kanilang pagkakamali ay bahagi ng
aking pagtuturo.
● Madalas akong gumamit ng matataas na level na tanong upang
mag-isip nang mag-isip ang mag-aaral.
● Madalas akong magbigay ng tanong o tuntunin at hinahayaan ang
mag-aaral ang tumuklas ng tamang sagot.
○ Ibinibigay ko ang sagot sa isang tanong at hinahayaan kong
mag-aaral ang tumuklas kung paano ito nakuha.
○ Madalas kong inuugnay ang pagtalakay ng bagong paksa sa
dating alam ng mga mag-aaral.
MAAARING ITANONG SA KOGNITIBISMO
● Ilarawan ang apat na hakbang sa teoryang ito (nasa aklat
ni Badayos na “Metodolohiya”.)
● Paano ito naugnay sa Minds That Matter School? Ano ang
kulang kapag laging nakasalig sa teoryang ito?
● Dapat ba o hindi ang paniniwala sa teoryang ito na “Hindi
masama ang magkamali?” Bakit? Paano nauugnay sa
teoryang ito ang “brainstorming?’
● Mayroon ba talagang taong hindi nag-iisip?Patunayan!
HUMANISMO
● Nagtatampok ng silid-aralang kaaya-aya at may respeto
sa bawat isa. Ito ang pagtuturong may pagpapahalaga
lagi sa damdamin ng mga mag-aaral
● Madalas na ang gurong nagsasabuhay ng teoryang ito ay
madaling lapitan, kausapin, at hingan ng payo ng mga
mag-aaral. Pinagtutuonan dito ang pagiging komportable
ng mga mag-aaral habang nasa silid-aralan kasama ang
iba.
PAGLALARAWAN SA HUMANISMO
● Isinaalang-alang ko lagi ang kaayusan ng silid-aralan. Binibigyang-
diin ko ang mararamdaman ng aking mga mag-aaral sa loob ng
klase.
○ Mahalaga sa akin ang pagpapahalaga sa sarili ng aking mga
mag-aaral.
○ Palagay na palagay sa akin ang aking mga mag-aaral.
Naniniwala akong magiging matagumpay ang aking pagtuturo
kung may positibong saloobin ang aking mag- aaral sa ano
mang paksang tatalakayin
MAAARING ITANONG SA HUMANISMO
● Bakit madalas naabuso ang guro sa ilalim ng pagsasapraktika
ng teoryang ito? At paano maiiwasan ang mga pang-
aabusong ito? Angkop ba nag kapaligiran ng kasalukuyang
konteksto ng inyong pagkaklase?Pangatwiranan ang sagot.
Bakit mahalaga ang ang positibong saloobin sa isang
pagkaklase? Paano nalalamang nadadala ang pansariling
problema ng isang guro sa kaniyang kalse? Paano magaganap
ang isang kalaseng walang pananakot? Maginhawa ang
pakiramdam?
POKUS SA PAGTUTURO SA ASIGNATURANG
FILIPINO

1.Teacher-centered
2.Student – centered
3.Learning– centered
4.Content - centered
5.5. Task-based
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTUTURO AT
PAGKATUTO NG WIKANG FILIPINO

1.Balarilang transpormasyonal (Noam


Chomsky) •
2.Monitor Model (Krashen) •
3.Whole Language Education •
4.Brain-Based Learning (Caine at Caine,1991)

You might also like