You are on page 1of 13

Kabanata 1

SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

Panimula

“Dekalidad na Edukasyon”.Ito ang sigaw ng bawat isa sa atin.

Nagnanais tayo na ito’y matugunan ng institusyon kong saan tayo nag-aaral.

Ang dekalidad na edukasyon ay makakamtan lamang kung malalaman ang

mga salik na siyang makatutulong upang paunlarin ang performans ng mga

mag-aaral. Ang gawain na ito ay ang responsibilad ng guro. Dapat niyang

malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay makapagplano siya ng mga

estratihiya na makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na

resulta sa performans ng mga magaaral.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na

programa sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay

isang asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa

ating Wikang Pambansa.

Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito dahilan

din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino. Sa

kasalukuyan, ang asignaturang ito ay isa na may mababa na grado lalo na sa

resulta ng NAT Examination. Masakit mang isipin ngunit kailangang tangapin.

Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon, ang mga

mananaliksik ay naglalayon na matulungan ang ating mga guro sa

pagdetermina kung anu-ano ang mga epiktibong estratihiya ang magagamit

upang mas mapaunlad pa ang performans ng mga magaaral sa asignaturang

Filipino.
2

Sanligan ng Pag-aaral

Lahat ng tao ay may iba’t-ibang ideya tungkol sa pagtuturo. Para sa

isang mag-aaral, ito ang pangunahing gawain ng guro upang siya’y

makakuha ng bagomg kaalaman sa mga bagaybagay o pangyayari sa paligid.

Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng departamento ng

edukasyon upang mapalawak ang kaalaman mg bawat Filipino patungkol sa

sariling wika at ang mga kagamitan nito. Ayon kay Abad at Ruedas, ang mga

may-akda ng librong, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo, “Ang Wika

ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang

partikular na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.” Dahil dito,

binigyang diin ng bawat paaralan ang pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Ayon rin kay Leticia F. Dominguez, ang may-akda ng librong Hiyas ng

Filipino Pansekundarya, “Ang mga aralin sa wika ay naglalayong luminang ng

kakayahang komunikatibo at ng kasanayang gumamit ng Wikang Filipino sa

iba’t-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay. Samakatuwid, ang

binibigyan ng higit na diin ay ang gamit ng Wika sa halip na ang istruktura nito

na siyang kalakaran ng ilang nagdaang panahon. May mga aralin ding

nagpapakita ng angkop na anyo ng Wika na gagamitin sa sitwasyon”. Kaya

importante na maituro nang maayos ang asignaturang ito sa lahat ng mag-

aaral sa pang-akademiko at maiaplay sa pangaraw-araw na pamumuhay.


3

Makikita natin sa bawat paaralan ang mga suliranin na dapat bigyang

pansin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino lalong-lalo na kung ang mga

estudyante ang pag-uusapan. Una, nakakawalang gana sa mga estudyante

ang pag-aaral ng asignaturang Filipino, sapagkat wala silang interes na

matutunan ito. Pangalawa, pinagwawalang bahala nila ang pag-aaral ng

asignaturang Filipino sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan

pagkatapos ng 2 kanilang pag-aaral, lalong-lalo na sa mga estudyante na

nais pumunta sa ibang bansa. Patungkol naman sa mga guro, ang mga

suliranin na nakakaapekto sa kanilang pagtuturo ay ang mga sumusunod:

Una, sila ay nagtuturo ng asignaturang Filipino kahit na hindi ito ang kanilang

“Field of Specialization” sapagkat konti lang ang kumukuha ng mayorya sa

asignaturang Filipino kaya kulang ang mga guro na nagtuturo sa nasabing

asignatura. Pangalawa, madalas isinasaisip nila na ang asignaturang Filipino

ay madaling maintindihan kaya hindi sila nag-aaral ng malalim para sa

pagtuturo na nakaapekto rin. Ito ay isang tradisyonal na pamamaraan ng

pagtuturo. Gayunpaman, mas binigyang diin din ng departamento ng

edukasyon ang programa para sa pagpapahusay ng wikang Ingles kaysa

Filipino.

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa perspektibo ng mga

estudyanteng kabilang sa ika-11 baitang sa Katolikong paaralan ng Antipolo

sa pag-iimplenta o pagpapatupad sa pag-aaral ng kahalagahan ng Wikang

Filipino. Pinapakita na ang mga estudyante ng ika-11 baitang sa Katolikong


4

paaralan ng Antipolo ang pangunahing respondente sa pag-aaral na ito.

Samakatuwad, binibigyan din sa pag-aaral na ito ang pagpapahalaga ng

wikang filipino ng mga estudyante bilang isang panitikan na kinalakhan ng

kanilang mga ninuno.

Ang mga mananaliksik ay nilimtahan ang kanilang pag-aaral sa grupo ng

mga estudyante ng ika-11 baitang sapagkat mas matutunan at mas madaling

makakasanayan ang pag-aaral at pagpapahinga ng Wikang Filipino kung ito

ay malalaman sa mismong baitang ng mga mananaliksik. Upang makahanap

ng sapat at narapat na datos,ang bilang ng mga rospondente ay isang daang

(100) katao. Ang mga piling mag-aaral ay nasa ika-11 na baitang na baitang

na may kakayahan na maipakita at maparating ang nais nilang sabihin o ang

kanilang perspektibo tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Mapa-lalaki o

babae, may ideya man o wala tungkol sa wikang Filipino, nais maging bukas

sa pagpapanatili at pangangalaga sa hindi kinamulatang gawi ng pagsulat at

pag-iral ng pagkapositibo sa isip at gawa. Higit sa lahat guto pang matuto at

madagdagan ang kaalaman sa wastong paggamit at pagsasabuhay ng

wikang ito.

Paglalahad ng suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang ilan sa mga

problema na may kaugnayan sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa


5

asignaturang Filipino. Ang mga problema na nagangailangan ng kaukulang

pansin ay ang sumusunod:

1. Anu-ano ang mga salik sa epektibong pamamaraan na nakakaapekto sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino?

2. May malaking kaibahan ba ang tradisyunal na pamamaraan sa

makabagong pamamaraan ng pagtuturo?

Hypotesis

1. Mga epektibong pamamaraan sa pagtuturo.

2. May malaking kaibahan ang makabagong pamaraan ng pagtuturo kaysa sa

tradisyunal na pagtututro.

Haka ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ay ginawa upang tulungan ang mga guro sa

pagtuturo ng mga pamamaraan sa pagtuturo ng epektibo sa asignaturang

Filipino. Gayundin ang mga estudyante upang sila ay medaling matuto sa

nasabing asignatura.

Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Tagamasid. Sila ay makapagrerekomenda ng epektibong pamamaraan ng

pagtuturo base sa mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo.

6
Mga Guro ng Asignaturang Filipino. Sila ang unang makakakuha ng

benepisyo ng pag-aaral na ito, sapagkat mas madadagdagan pa ang mga

estratehiya nila sa pagtuturo at mababawasan ang pag-aalala ng guro sa

kung papaano ituturo ang isang aralin sa asignaturang Filipino. Gayunpaman,

mapapagaan at mapapadali ang kanilang pagtuturo sa nasabing asignatura.

Mula sa pag-aaral na ito ay magkakaroon ng mas maunlad at malawak na

pag-uunawa sa pagtuturo ng nasabing asignatura.

Mga Estudyante. Madagdagan at mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa

asignaturang Filipino. Lalo pa silang gaganahan sa pag-aaral ng asignaturang

ito sapagkat mas madali ang kanilang pag-unawa at dahil dito lalo pa silang

magsikap sa pag-aaral

Balangkas Teyoritikal

Ang pinanghahawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang mga teorya

patungkol sa mga salik sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa mga estudyante.

Ayon sa librong “Facilitating Learning: A Metacognitive Process” nina

Maria Rita D. Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may iba’t-ibang teorya

tungkol sa proseso ng pagkatuto at mga salik na nakakaapekto dito pati na rin

mga pamamaraan sa pagtuturo. Una na rito ay ang likas na proseso ng

pagkatuto, dito mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intensyonal na

proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at karanasan.

7
Pangalawa, ay hangad sa proseso ng pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto

ay nakasalalay sa maayos na representasyon ng kaalaman. Pangatlo,

pagbuo ng kaalaman, ang matagumpay na mag-aaral ay naipag-uugnay ang

bagong impormasyon sa dating alam na sa mas makabuluhang paraan.

Pang-apat, pag-iisip na may estratehiya, ang matagumpay mag-aaral ay

nakakabuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip upang

makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-iisip kung ano ang iniisip,

mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili at pagmomonitor ng mental na

operasyon sa malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang-anim,

pagkatuto mula sa mga konteksto, sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-

aaral ay naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na ang kultura,

teknolohiya at mga paniniwalang instruksyonal. Sumunod dito ay ang

motibasyon at ang emosyonal na impluwensya sa pagkatuto, ito ay kung

paano natututo ang isang mag-aaral sa pamamagitan ng motibasyon.

Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng

indibidwal na emosyon, paniniwala, interes at kaugalian sa pag-iisip. Hindi

lamang ang emosyon ang naiimpluwensyahan ng motibasyon pati na rin ang

sarili. Ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng

mga gawain na bagaman mahirap ay nagagawa dahil sa personal na interes

ng mag-aaral at bukal sa kanyang kalooban na gawin ito.

Ayon naman sa impluwensya ng pagdebelop, ang pagkatuto ay

pinakaepektibo kung ibaiba ang debelopment ng nakuhang kaalaman mula sa

pisikal, intelektwal, emosyonal at sosyal na kapaligiran. Ang pagkatuto rin ay

8
naiimpluwensyahan ng pakikisalamuha, relasyon sa sarili at pagkakaroon ng

komunikasyon sa iba.

Ang mga salik sa pagkakaiba-iba rin ng bawat indibidwal rin ay

nakakaapekto rin sa pagkatuto sapagkat bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang

estratehiya ay kakayahan para matuto mula sa kani-kanilang karanasan

maging ng lahi. Mas matututo rin ang isang mag-aaral kung ang lingwahe,

kultura at sosyal na background na iba-iba ay napag-isa. Batayan rin kung

paano itinuturo ang asignatura, paraan ng pag-ases at batayan kung may

natutunan. Ayon naman kay Vygotsky sa librong “Effective Teaching” na

tinuran ni Aquino (2003), ang paggamit ng scaffolding ay isang mabisang

paraan sa pagbibigay ng kaalaman na ginagamit upang punan ang gap ng

guro at estudyante.

Isa pang teorya na ayon sa sikolohistang si David P. Ausubel na

tinuran ni Aquino (1998), natututo ang mag-aaral mula sa berbal na material─

sinasalita at sinusulat. Kaugnay naman nito ang apat na bagay na pagtuunan

ng pansin at mabigyan ng estratehiya, ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa at

pagsulat na ang mga estratehiyang gamit sa pagtuturo ay nakabase sa

pisiolohikal, sikolohikal, linguistic at sosyolohikal na estruktura.

Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang

tradisyunal na pamamaraan ayon kay Acero at Javier (2000), ang karaniwang

gawain ng mag-aaral ay ang pagbibigay ng kahulugan, katuturan, pagsasaulo

9
ng alituntunin, pagbuo ng mga pangungusap at iba pa. Ang lahat ng paksa sa

aralin ay nakatuon sa mga nakasulat sa aklat.

Ayon naman kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni Laurente,

nakakaimpluwensya sa pag-unawa ng estudyante ang paraang gamit ng guro

kaya dapat lang na mabisa ito. Sa makatuwid, nakasalalay sa asal at

estratehiyang gagamitin ng guro kung makakamtan ang nais niyang

maunawaan ng estudyante.

Sa ibang banda, nakasalalay pa rin sa estudyante ang pagkatuto at

hindi sa titser at pamamaraan ng titser lamang. Ang estudyante pa rin ang

pipili kung gaano siya kabilis matututo. Ang guro lamang ay tumutulong may

kailangan ang estudyante.

10
LAGAK PAMAMARAAN KINALABASAN

1.Nakapagdalub-  Tradisyunal
hasa sa Filipino  Makabago Epekto sa
2.Batsilyer sa performans ng
Filipino mga mag-aaral
3. Hindi na kumukuha ng
Nagmedyor ng asignaturang
Filipino Filipino

Fidbak

PIGURA 1: Ito ay nagpapakita kung papaano ang isang guro (ayon sa

nakuha nitong degree sa pagtuturo at ang kabihasaan sa paggamit ng wikang

gamit bilang medium ng instraksyon) gamit ang mga pamamaraan ng

pagtuturo ay nakakaapekto sa performans ng mga mag-aaral na kumukuha

ng asignaturang Filipino.

11
Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan

ayon sa istandard na depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling

maintindihan.

Filipino. Ito’y sa mga asignatura sa kurikulum ng sekondarya mula unang

taon hanggang ikaapat na antas. Tinutukoy sa asignaturang ito ang mga

bagaybagay na may kaugnayan sa bararila, mga uri ng pananalita at kahit na

ang mga mahahalagang pangyayari sa ating bansa gamit ang Wikang

Pambansa bilang medyum ng instraksyon sa pagtuturo.

Karunungang Nakamtan. Ito’y ang kaalamang natamo ng mga estudyante

mula sa isang aralin o asignatura (Abad, 1995). Ang kaalaman na ito ay

siyang

ginagamit ng tao upang lalo pang maintindihan ang mga pangyayari sa

kanyang

kapaligiran at pati na rin sa pagpapaunlad ng kanyang pansariling kaunlaran.

Nakukuha ang bagay na ito sa pamamagitan ng pagtuturo o kahit ang

pansariling pagmamasid.

12
Guro. Ang guro ang isa sa mga tao na may malaking papel sa edukasyon

(Aquino, 1988). Ito ang/ang mga tao na naghahatid ng kaalaman patungo sa

lahat ng kanyang tinuturuan gamit ang mga pamamaraan at mga materyales

nasiyang nagsisilbing tulay upang maitransfer ang kaalaman ng epiktibo sa

lahat ng mga nangangailangan.

Estudyante. Sila ang mga mag-aaral. Sila ang pangunahing respondent ng

ginagawang

pananaliksik. Tumutukoy ito sa lahat ng tao na nag-aaral sa isang paaralan o

sa lahat ng institusyon na nagbibigay ng edukasyon. Sa pag-aaral na ito, ang

mga esyudante na tinutukoy ay ang mga mag-aaral ng mataas na paaralan

ng Palompon Institute of

Technology.

Tradisyunal sa Pamamaraan. Ito’y pamamaraan ng pagtuturo sa

pamamagitan ng paglelektyur (Garcia, 1989). Ang pamamaraang ito ay

ginamit sa pagtuturo ng kontroladong grupo. Ang guro dito ay siyang palaging

naglelektyur habang ang gawain ng mga mag-aaral ay siyang tumanggap

lamang kung ano ang lahat na sinabi ng guro (Brittanica Encyclopedia, 1976).

Makabagong Pamamaraan. Kabaligtaran ito sa tradisyunal dahil ang

pagkatuto ng mag-aaral ay malaya at hindi lang puro sa guro kundi binibigyan

ng kalayaan ang mga mag-aaral na mangalap ng impormasyon gamit ang

13
sariling kakayahan (kognitib) at gamitin ito (impormasyon) sa lahat ng gawain

sa kanikanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Kapaligiran ng Paaralan. Isa ito sa pinakaimportanteng salik na

kailangang bigyang halaga ng paaralan. Ang salik na ito ay may epekto sa

pag-aaral ng estudyante. Tumutukaoy ito hindi lang ang pisikal na katayuan

kundi pati na rin ang lebel ng relasyon sa bawat isa na mag-aaral at sa

kanikanilang mga guro. Interaksyon at pagtutulungan ang mga pangunahing

katangian ng isang magandang kapaligiran ng paaralan.

You might also like