You are on page 1of 4

KABANATA 1

INTRODUKSYON
‘Kabataan ang pag-asa ng bayan,’ Ito ang isa sa mga sikat na sipi ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Sa pag-unlad ng kabataan, ito ay resulta
ng mga dalubhasang pagtuturo ng mga guro na itinuturing nating bagong bayani sa
ating henerasyon.
Ang 'pagtuturo' ay isang paraan upang maibahagi o maibigay ang kaalaman na
nararapat malaman ng isang indibidwal na kanyang magagamit upang maging isang
mas kapaki-pakinabang na indibidwal. Ang bawat indibidwal ay may kakayahang
makapagbago ng takbo ng ating lipunan. Ang lahat ay dumadaan sa prosesong
pagiging isang mag-aaral. Kasabay ng pagtuturo ng isang guro ay ang pagkatuto ng
kanyang mag-aaral at mahasa nito ang talino. Sa pamamagitan ng pagtuturo,
naipapahayag ang tiyak na gagawin na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
Ginagamitan ang pagtuturo ng iba't ibang estratehiya na wasto para sa bawat mag-
aaral upang sila ay matuto.
Isa sa kahingian ng Bagong Kurikulum ay ang paglinang sa mga kasanayang
pang-ika-21 siglo kapwa sa mag-aaral sa mga guro. Upang makaagapay sa tawag ng
makabagong kalakaran sa pedagohiya o pagtuturo, ang pag-aaral na ito ay tinangka.
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsipat sa epekto ng paggamit/integrasyon ng
teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral bilang tugon sa tawag ng ika-
21 siglong kasanayan.
Guro ang may susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Kung
baga sa isang manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral,
damhin at pakingganang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang
karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas. Ayon kay Papham (1980), malaki ang
tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng mga kakayahang taglay ng
mga mag-aaral. Ang kanyang impluwensiya sa lipunan at sa paghubog ng mga
kakayahan ng mga mag-aaral ay may malaking epekto sa bawat hakbang ng ating
lipunan.
Subalit sa kabila nito ay mayroong mga hadlang at hamon na ikinakaharap ng
mga kaguruan sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman. Sa pagkamit ng isang mahusay
at epektibong pagtuturo, mayroong iba’t ibang pamamaraan na isinasagawa ang bawat
guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Sa pag-aaral na ito, mapag-uusapan ang
mga sanhi at epekto ng pagreresolba ng mga hamon at pagkamit ng isang mahusay na
pagbahagi ng kaalaman.
Ang paaralang Fiat Lux Academe ay kasalukuyang nagtataglay ng higit sa
2000 na mag-aaral simula kindergarten hanggang sa ika-labindalawang baitang. Ito ay
pinamumunuan lamang ng hindi hihigit sa 15 na gurong nagtuturo ng asignaturang
Filipino sa lahat ng antas.
MAHALAGANG TANONG
Ang pangunahing layunin sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay ang matukoy
ang iba’t ibang hamon at solusyon sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng
asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng Fiat Lux Academe. Nais din ng aral na ito
na sagutin ang mga sumusunod pang mga katanungan:
1. Anu-ano ang mga balakid o hamon sa pagtuturo ng asignaturang
Filipino?
2. Anu-ano ang mga posibleng gawain o solusyon sa pagkakaroon ng
epektibong pagtuturo?
3. Anu-ano ang mga katangiang itinataglay ng mga guro sa mahusay na
pagtuturo?
4. Sa paanong paraan nakakaapekto ang mga hadlang na ito?
5. Paano nakatutulong ang mga paraang nabanggit sa epektibong
pagtuturo?
6. Bakit kailangan alamin ang mga hamon ng pagtuturo ng asignaturang
Filipino?
7. Bakit kailangan ng wastong kaalaman sa pagtuturo ng asignaturang
Filipino?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain. Ito ay
nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pagunawa at masusing pagiisip. Ang
isang gurong pangunahing adhikain ay ang matuto ang kanyang mga estudyante.
Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga mag
aaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay
upang maunawaan ng lubos ng mga mag aaral ang nais na ibahagi ng impormasyon
nito Sa pag-aaral na ito ay layunin ng mga mananaliksik angmakapagbahagi ng
kaalaman at maaunlad ang Sistema ng pagtuturo ng mga kaguruam. Ang pananaliksik
na ito ay naglalayong matukoy ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng
pagtuturo. Sa pamamagitan nito ay maaaring mapalawak ang kaalaman ng mga
mambabasa tungkol sa mga mahahalagang sangkap para sa mabisang pagtuturo. Ito
ay makatutulong sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral – makatutulong ito sa mga mag-aaral upang mas mapalawak ang
kanilang kaalaman sa pamamagitan ng epektibong pagtuturo at organisadong
pagbabahagi ng kaalaman ng mga guro.
Sa mga guro – ang pag-aaral na ito ay maaring magsilbing gabay sa kung ano ang
dapat gawin ng mga guro sa pagtuturo. Makatutulong din itong mas mapahusay ang
kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo.
Sa mga magulang – ang mga magulang ang pangunahing guro ng isang indibidwal.
Makatutulong ito sa pagbibigay moral at leksyon sa kanilang mga anak sa maayos at
epektibong pamamaraan.
Sa lipunan – sa layunin ng pag-aaral na ito na mapabuti ang paraan ng pagtuturo,
makakapagpaunlad ito ng sistema ng edukasyon sa pag-aaral nitong matukoy ang mga
hadlang sa maayos na paraan ng pagtuturo.
Sa iba pang mga mananaliksik – maari itong maging isang gabay ng iba pang pag-
aaral sa ibang larangan ng pananaliksik sa pagtuturo.

BATAYANG TEORETIKAL

BATAYANG KONSEPTUWAL

SAKLAW AT LIMITASYON
 Layunin
Ang layunin ng mga mananalik ay ang mga sumusunod:
1. Upang malaman ang mga hamon at sanhi ng hadlang na ito sa
pagtuturo sa paaralan.
2. Upang malaman ang mga posibleng gawaing makatutulong sa
pagtuturo sa epektibong pamamaraan
 Paksa
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga hamon at epektibong
pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa paaralang Fiat Lux Academe.
 Aspekto ng Pag-aaral
Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng interbyu kung saan nakapaloob ang mga mahahalagang tanong ng
pananaliksik sa piling mga guro ng Filipino sa paaralang Fiat Lux Academe.
 Sino
Ang pananaliksik na ito ay para sa piling 10 guro ng asignaturang Filipino sa
paaralang Fiat Lux Academe.
 Saan
Ang pananaliksik ay magaganap sa dalawang kampus ng Fiat Lux Academe,
ang kampus ng Imus at Dasmariñas.
 Kailan
Ang pananaliksik na ito ay nag-umpisa sa unang semester ng ikalabing-isang
baitang ng mataas na antas sa taong dalawang libo’t labing-siyam.

DEPINISYON NG TERMINO
Ang mga salitang ito ay nilagyan ng kahulugan upang mas lalong maunawaan ng
mambabasa ang mga nakasaad sa ginawang pag aaral
kurikulum - Ay ang mga kursong pag-aaralan, o kaya programang pag aaralan.
syllabus at subjects naman ang meaning nito sa engles
siglo - Ang siglo ay nangangahulugan ng isang daang taon (100 years)
pedagohiya - Ito ang sining at agham sa
pagtuturo - Ang pag sasanay at paraan ng pag tuturo
salik - Ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na maaaring mag karoon ng
impluwensya sa maaaring kahihinatnan ng ano mang paks

You might also like