You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PALAWAN
BATARAZA DISTRICT I
___________________________________________________________________________

Paglalapat ng mga Estratehiyang Panliterasi sa Instruksiyong


Modyular sa mga Mag-aaral na may Mababang Antas ng
Kakayahan sa Filipino 10

MISCHELLE M. ISMAEL
Master Teacher II
Proponent

09052942533

1
TABLE OF CONTENTS

I. CONTEXT AND RATIONALE …………………………….. 1


II. ACTION RESEARCH QUESTIONS ……………………….. 3
III. PROPOSED INNOVATION, INTERVENTION, AND STRATEGY …… 3
IV. SCOPE AND LIMITATION ………………………………. 4
a. Location ………………………………. 4
b. Participants ………………………………. 4
V. ACTION RESEARCH METHODS …………………….. 5
a. Sampling ………………………………. 5
b. Data Gathering Methods ………………………………. 7
c. Ethical Issues ………………………………. 8
d. Data Analysis Plan ………………………………. 8
VI. ACTION RESEARCH WORK PLAN AND TIMELINES ………. 9
VII. COST ESTIMATES ………………………………………. 10
VIII. PLAN FOR DISSEMINATION AND UTILIZATION…………… 15
IX. REFERENCES ……………………………………………………….. 15

2
I. KONTEKSTO AT RASYONALE

Isang malaking pagsubok para sa sektor ng edukasyon ang maghatid ng inklusibo at


pantay na kalidad ng edukasyon dahil na rin sa patuloy na pag-usad ng COVID-19. Kahit pa
man may mga bakuna nang magsisilbing pananggalang sa nasabing sakit, hindi pa rin ito
sasapat upang magbukas ng face-to-face classes. Kaya naman, patuloy ang Department of
Education (DepEd) sa pagsusulong ng Learning Continuity Plan (LCP).

Dito, may tatlong paraan ang DepEd upang maihatid ang edukasyong kinakailangan
ng mga mag-aaral sa panahon ng krisis at pandemya – modular distance learning (MDL) at
online distance learning (ODL). Subalit ayon sa pagsisiyasat Social Weather Stations (SWS)
(Lalu, 2021), tinatayang 23.8 milyong kabataang Pilipino ang pinipiling gumamit ng MDL
upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa bagong normal. Ibig sabihin, higit na inklusibo
at makapaghahatid ng pantay na kalidad ng edukasyon ang modular distance learning upang
maabot ang libu-libong mag-aaral na walang akses sa internet.

Sa pahayag ni Nardo (2017), ang instruksiyong modyular ay isang alternatibong


paraan ng paghahatid ng edukasyon kung saan gumagamit ng mga pinaunlad na
instruksiyong modyular ayon sa pangangailangan at kapasidad ng mga mag-aaral. Ito ay
naglalaman ng mga aralin at mga gawaing magpapanatili ng pokus at atensyon ng mga mag-
aaral, kung saan pinaaanyayahan ang self-paced learning. Sa pagkakataong ito, ang mga guro
ang magiging pangunahing tagapagsulong ng nasabing approach ng distance mode of
learning kung saan sila ang mangangasiwa ng proseso ng pagkatuto, at pagkandili sa mga
mag-aaral na gawin ang kanilang mga gawain sa pamamagitan ng paglilinaw kung paano nila
isasagawa ang mga bagay-bagay. Sila rin ang mag-oorganisa ng mga learning resources
partikular na ang modyul na magsisilbing daan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kaakibat ng paglulunsad ng instruksiyong modyular sa kasalukuyang taong


panuruan, maraming pagsubok ang kinakaharap ng mga kaguruan kung paano nila
ipagkakaloob ang pagkatutong nararapat para sa mga mag-aaral. Hindi maitatanggi na iba
ang pagkatutong natatanggap nila sa kasalukuyang buhat na rin ng hindi pangkaraniwang
kalagayan. Gaya na lamang ang pagpapataas ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino. Kahit pa man Tagalog ang pangunahing lenggwaheng ginagamit natin
ay marami pa rin sa mga mag-aaral ang hirap sa pag-aaral at paghahasa ng kasanayan sa

3
Filipino lalo pa’t sa panahon ngayon na nasa bagong normal ang sitwasayon ng kanilang
pagkatuto.

Dahil dito, ang tanging magagawa ng mga guro ay maglunsad ng interbensyong


makakadagdag kasanayan at kahusayan sa mga mag-aaral. Isa sa mga epektibong paraan ay
ang paglalapat ng mga estratehiyang panliterasi. Sa pagsasaliksik ni Polirstok (2017),
kanyang natuklasan na malaki ang benepisyong maaaring maidulot ng paglulunsad ng
estratehiyang panliterasi sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung saan kanyang napatunayan na
nakadaragdag ito upang hikayatin ang mga mag-aaral na higit na matuto at pagbutihn ang
kanilang pagganap sa pag-aaral. Gayundin, sa pagsisiyasat nina Suacillo et al. (2016),
naglunsad sila ng mga estratehiyang upang mapabuti ang kakayahan sa pagbabasa at pagsulat
kung saan natuklasan nila na mayroong positibong implikasyon at maitutulong ang
paglulunsad ng mga estratehiyang panliterasi upang maiangat ang kasanayan ng mga mag-
aaral lalo na yaong may mababang antas ng pagkatuto.

Sa pag-aaral ni Perez (2019), aniya, sa pamamagitan ng maigting na pagsusulong ng


instruksiyong panliterasi sa Pilipinas ay mahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagbabasa at pagsusulat lalo na kung sasapat ang mga materyales at resources na kanilang
ginagamit. Dagdag pa niya, hindi lamang ito basta-bastang pagtuturo ng pagbabasa at
pagsusulat kundi nangangailangan ng matinding pagpapaunawa sa mga nababasa at nasusulat
ng mga mag-aaral at kung papaano nila ito magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng platapormang ito, ang mga guro ay maaaring gumawa ng mga


pag-aaral upang matulungan sa pagkatuto ang mga mag-aaral. Kaya't marapat lamang na
isama ng mga guro ang mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat istruksiyong modyular na
nakatuon sa pagpapataas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Filipino. Kailangan ang
pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng mga guro sa mga stakeholders at magulang
upang makapaghatid ng inklusibo at pantay na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral ng
bagong normal.

Bilang mga kaguruan sa panahon ng pandemya, tayo ay may pananagutan upang


ipagpatuloy ang ating inisyatibo upang iangat ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral
na may mababang antas ng kakayahan sa Filipino sa pamamagitan na rin ng mga
estratehiyang panliterasi sa instruksiyong modyular. Subalit, magagawa lamang natin ito
kung iintindhin at pahahalagahan nating mabuti ang paglulunsad ng mga mungkahing

4
interbensyon. Sa pag-aaral na ito, ninanais ng mananaliksik na ilapat ang mga istratehiyang
panliterasi sa insturksiyong modyular upang iangat ang antas ng kanilang pagkatuto sa
Filipino.

II. MGA KATANUNGAN SA PANANALIKSIK


1. Ano ang naging pagganap ng mga mag-aaral bago ang implementasyon ng
interbensyon?
2. Mayroon bang makabuluhan na pagkakaiba sa pagitan ng pagganap ng mga piling
mag-aaral bago at matapos silang isama sa paglulunsad ng interbensyon
3. Ano ang mga pagsubok na maaaring kaharapin sa paglulunsad ng interbensyon?

III. MGA MUNGKAHING INOBASYON, INTERBENSYON at ESTRATEHIYA

Instruksiyong Modyular – ang ganitong uri ng pag-aaral sa bagong normal ay naaangkop at


maituturing na nakapagdudulot ng inklusibo at pantay na edukasyon sa kasalukuyang mga
mag-aaral. Dahil na rin sa COVID-19, hindi pa pinaaanyayahan ang face-to-face classes,
kaya naman maigting ang paglulunsad ng Kagawaran ng Edukasyon sa ganitong uri ng
pagkatuto Alinsunod dito, ang guro ang siyang maglalaan ng modyul sa mag-aaral kung saan
naglalaman ito ng mga babasahin at mga gawain na siyang makapaghahasa sa pagkatuto at
kakayahan ng mga mag-aaral sa Filipino. Sa pagsusulong din nito, kinakailangan ang
pakikipag-isa sa mga magulang ng mga mag-aaral upang matulungan sila kung papaano nila
gagabayan ang kanilang mga anak sa instruksiyong modyular.

Estratehiyang Panliterasi

1. Ask – Read – Tell (ART). Ito rin ay sumasangguni sa estratehiyang ‘Tanungin Mo!,
Basahin Mo!, Sabihin Mo!’ kung saan matutulungan nito ang mag-aaral upang malinang
ang kanilang kasanayan sa pagbabasa sa Filipino. Sa mga malalalim na babasahin,
naaangkop ang pagsasagamit ng sistematikong pagkakasuno-sunod ng ART. Una, ay ang
ASK (Tanungin Mo!) kung saan isasagawa ito ng mga mag-aaral bago tuluyang basahin
ang teksto. Dito ay titingnan ng mga mag-aaral ang pamagat ng babasahin, tatanungin din
sila kung ano ang maaari nitong nilalaman, at kung ano na ang kanilang mga nalalaman
base sa pamagat ng teksto. Pagkatapos nito ay magsasagawa sila ng kahit dalawang
katanungan na nais nilang masagot sa pagbabasa ng teksto. Ikalawa, ay ang READ
(Basahin Mo!) kung saan habang binabasa ng mga mag-aaral ang teksto, ititigil nila ang

5
pagbabasa nito pagkatapos ng bawat talata. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng guro
kung naiintindihang maigi ng mag-aaral ang kanilang binasa sa bawat talata, kung
kinakailangan, maglalapat ng mga kasanayan ang mga guro sa pag-aayos ng pag-unawa
ng mga mag-aaral. Ikatlo at ang huli ay ang TELL (Sabihin Mo!) kung saan pagkatapos
basahin ang teksto ay susubukin ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan upang
masagot ang mga nilikhang katanungan sa unang bahagi ng estratehiya, ayon sa
nilalaman ng kanilang binasa. Upang maabot ang inaasahang kasanayan, kinakailangang
pumili ang mga guro ng mapanghamong babasahin na naglalayong maging pokus ng
estratehiyang ART (Lipari, 2014).
2. Estratehiyang Mnemonic. Dito ay mamimili ng pangkabuuang ideya ang mga mag-aaral
sa binasang teksto at ibubuod ito bilang “keyword”. Pagkatapos nito, ay irerecode ng
mga mag-aaral ang nagawang keyword sa pamamagitan ng larawang-diwa o ang
paggamit ng kaagdagang imahe na maaaring iugnay sa mahahalagang impormasyon mula
sa nagawang keyword. Sa paraang ito, maaaring balikan ng mga mag-aaral ang mga
mahahalagang impormasyon sa binasang teksto kung kinakailangan (Dunn, 2012).
3. Mga Tekstong Phrase-Cued. Layunin ng estratehiyang ito na mahasa ang mga mag-aaral
sa pagkilala ng mga natural na paghinto sa bawat talata ng kanilang binabasa. This
strategy is a means to train students to recognize the natural pauses that occur between
phrases in their reading. Dahil na rin ang mga parirala ay mga yunit kung saan madalas
na nakapaloob ang mga pangunahing ideya, ang kakayahan ng mag-aaral na kilalanin ang
mga ito ay maaaring mapahusay ang pag-unawa sa teksto sa estratehiyang ito, maaaring
ipaabot ng mga magulang ang kanilang pakikiisa sa interbensyon sa pamamagitan ng
paggabay sa kanilang mga anak. Sa pagkakataong ito, magbibigay ang mga guro ng
tagubilin sa mga magulang kung papaano isasagawa ang estratehiyang phrase-cued sa
instruksiyong modyular ng mga mag-aaral (Glavach, 2011).
4. Estratehiyang Tex Look Back. Isa sa mga problema ng mga mag-aaral ay ang mabilis na
pagkalimot sa mga binasang teksto kahit pa man sa babasahing Filipino. Kaya naman,
kapag nagbabasa ng mga teksto at nagtanong ng mga katanungan patungkol dito, hindi
agad na nabibigay ng mga mag-aaral ang kanilang sagot ukol dito. Sa pamamagitan ng
estratehiyang ito, habang binabasa ng mga mag-aaral ang apat na teksto at magbabalik
tanaw sa mga katanungang sumasangguni rito, may pagkakataon silang itala o i-highlight
ang mga salitang magsisilbing tanda kung ang katanungan ay isang kaisipan o text-
lookback (Schisler et al., 2010).

6
5. Mga Gabay na Tala (Guided Notes). Sa paghahandong ng instruksiyong modyular,
mayroon iilang mga bahagi nito na walang laman kung saan dito isusulat ng mga mag-
aaral ang mga konseptong napapaloob sa aralin. May pagkakataon ang mga mag-aaral na
isulat ang mga ideya at mahahalagang salita na maaaring magpataas ng kanilang
kakayahan sa pag-aaral ng partikular na aralin sa Filipino. Makatutulong ito upang hasain
ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-uunawa ng mga tekstong napapaloob sa
instruksiyong modyular (Glodowski & Thompson, 2018).

IV. SAKOP AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Lokasyon

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Baitang 10 ng Bataraza National High School.


Ito ay isang pampublikong paaralan na matatagpuan sa Barangay Marangay Bataraza ,
Palawan.

Tiyak na Panahon

Ang mananaliksik ay magsisimula sa pagsasagawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng


pag-apruba ng komite sa pagsusuri. Ang implementasyon ng intebensyon ay sa buwan ng
Pebrero, 2022. Ang pinal na manuskrito ay matatapos ng Hulyo 2022.

Mga Kalahok

Magkakaroon ng tatlumpong (30) mag-aaral na magsisilbing kalahok ng pag-aaral na


ito. Lahat sila ay nasa magkakaparehong baitang. Ang mananaliksik din ang magsisilbi nilang
guro. Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay paalalahanan at ang guro ay hihingi din ng
kanilang pahintulot sa pagkuha ng kanilang mga datos.

V. METODOLOHIYA

Sampling

Ang Purposive sampling ay gagamitin sa pag-aaral dahil ang mananaliksik ay


magsusulong ng interbensyon hinggil sa mga estratehiyang panliterasi sa instruksiyong
modyular. Layunin ng mananaliksik na bigyang katuturan ang kahusayan ng mga kasanayan
ng kanyang sariling advisory class lalo na yaong may mababang antas ng kakahayan sa
Filipino.

7
Pagkalap ng Datos

 Pre-test – ito ay ibibigay sa mga kalahok. Naglalaman ito ng mga katanungnang may
kinalaman sa mga aralin. Sa pamamagitan nito ay masusukat ang pagganap ng mga mag-
aaral bago ang implementasyon ng interbensyon. Sa kadahilanang ang interbensyon ay
isasagawa sa paraan ng instruksiyong modyular, ang pagtatayang ito ay isasama sa
instruksiyong modyular na siyang ipagkakaloob sa mga kalahok.
 Post-test – ito ay ibibigay sa mga kalahok. Naglalaman ito ng mga katanungnang may
kinalaman sa mga aralin. Sa pamamagitan nito ay masusukat ang pagganap ng mga mag-
aaral matapos ang implementasyon ng interbensyon. Sa kadahilanang ang interbensyon
ay isasagawa sa paraan ng instruksiyong modyular, ang pagtatayang ito ay isasama sa
instruksiyong modyular na siyang ipagkakaloob sa mga kalahok. Pareho lamang ang
nilalaman ng pagtataya sa pre-test at post-test.
 Study Lesson Checklist para sa mga magulang – magbibigay ng checklist ang
mananaliksik sa mga magulang ng mga kalahok upang tiyakin na nasusunod ng mga
mag-aaral ang kanilang mga nararapat gawin sa pagsasagawa ng interbensyon. Magiging
mahigpit ang mga guro sa pagmomonitor ng mga kalahok ukol sa pagsunod ng mga ito sa
ginawang study guide ng interbensyon.
 Focus Group Discussion – magsasagawa ng interbyu sa mga magulang ukol sa kanilang
mga pananaw sa implementasyon ng interbensyon, gayundin ang mga isyu at pag-aalala
sa pagsasagawa ng pag-aaral. Mahalaga ang bahaging ito sa pagkalap ng datos dahil
magsisilbi itong gabay ng mananaliksik upang maisayos ang pagsasapinal ng study guide
ng interbensyon.

Mga Isyung Etikal

Isusumite ang isang liham sa Division Office na nagpapaliwanag sa hangarin na isulat


ang pananaliksik na siyang inaprubahan ng Punongguro ng Bataraza National High School.
Ang lahat ng mga protocol ay mahigpit na susundin upang maipatupad nang maayos ang
pananaliksik. Isasalang-alang din ang pagiging kompidensiyal ng mga makakalap na
impormasyon sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay
tatanungin din kung pinapayagan nilang maging bahagi ng pananaliksik ang kanilang mga
anak.

8
Pagsusuri sa Datos

Para sa bahagi ng Kwantitatibong Pananaliksik

1. Ang mean, percentage, standard deviation, at frequency ay kakalkulahin upang


bigyan ng interpretasyon ang pagganap ng mga mag-aaral sa implemenstasyon ng
interbensyon
2. Ang t-test ay gagamitin upang malaman kung mayroong makabuluhan na pagkakaiba
sa pagitan ng pagganap ng mga piling mag-aaral bago at matapos silang isama sa
paglulunsad ng interbensyon.

Para sa bahagi ng Kwalitatibong Pananaliksik:

1. Ang transcriptions ay gagamitin para sa focus-group discussion kasama ang mga


magulang. Ito ay magsisilbing gabay sa mananaliksik upang malaman ang
umuusbong na tema ng pananaliksik.
2. Ang observation notes at checklist ay ihahanda upang malaman ang mga gawi at pag-
uugali ng mga mag-aaral sa panahon ng pagsusulong ng mga iminungkahing
interbensyon at inobasyon.

VI. ACTION RESEARCH WORK PLAN AND TIMELINES

Taong Laang MOV’s


Mga Gawain sa Pagsasaliksik Tiyak na Pondo
Kasangkot
Panahon

(Time frame)

Pagsusuri at pagbabago ng manuskrito Pebrero, 2022 Mananaliksik AR


pagkatapos ng pag-apruba nito Proposal

Pagtatapos ng survey questionnaire Pebrero, 2022

Pagkalap ng Datos. Pre-assessment sa mga Pebrero, 2022


kalahok

Implementasyon ng Mungkahing Pebrero, 2022


Interbensyon

Pagkalap ng datos sa post-assessment Hunyo, 2022

9
Pagtatasa at pagkakalkula ng mga datos Hunyo, 2022

Pagsusulat at pag-aanalisa ng burador Hunyo, 2022

Pagbabago at pagtatapos ng manuskrito Hulyo, 2022

Pagsasama ng mga mahahalagang


Pebrero, 2022
rekomendasyon at mungkahi sa manuskrito
pagkatapos ng Oral Defense

VII. COST ESTIMATES

UNIT TOTAL
ELIGIBLE ITEMS QUANTITY UNIT PARTICULARS
COST COST
Supplies & Materials 8 reams Bond paper 250 2,000.00

Communication
1 Internet Connection 500 500.00
Expenses

Reproduction,
2,000.00
printing and binding

Food and other


incurred expenses
1 snacks Food 150 150.00
during the conduct or
research

Contingency Fund 2,000.00

GRAND TOTAL 6,650.00

10
ACTION PLAN

Pamagat: Paglalapat ng mga Estratehiyang Panliterasi sa Intruksiyong Modyular sa mga Mag-aaral na may
Mababang Antas ng Kakayahan sa Filipino Baitang 10.

Instruksiyong Modyular – ang ganitong uri ng pag-aaral sa bagong normal ay naaangkop at maituturing na
nakapagdudulot ng inklusibo at pantay na edukasyon sa kasalukuyang mga mag-aaral. Dahil na rin sa
COVID-19, hindi pa pinaaanyayahan ang face-to-face classes, kaya naman maigting ang paglulunsad ng
Kagawaran ng Edukasyon sa ganitong uri ng pagkatuto Alinsunod ditto, ang guro ang siyang maglalaan ng
modyul sa mag-aaral kung saan naglalaman ito ng mga babasahin at mga gawain na siyang makapaghahasa sa
pagkatuto at kakayahan ng mga mag-aaral sa Filipino. Sa pagsusulong din nito, kinakailangan ang pakikipag-
isa sa mga magulang ng mga mag-aaral upang matulungan sila kung papaano nila gagabayan ang kanilang
mga anak sa instruksiyong modyular.

Estratehiyang Panliterasi

1. Ask – Read – Tell (ART). Ito rin ay sumasangguni sa estratehiyang ‘Tanungin Mo!, Basahin Mo!,
Sabihin Mo!’ kung saan matutulungan nito ang mag-aaral upang malinang ang kanilang kasanayan sa
pagbabasa sa Filipino. Sa mga malalalim na babasahin, naaangkop ang pagsasagamit ng sistematikong
pagkakasuno-sunod ng ART. Una, ay ang ASK (Tanungin Mo!) kung saan isasagawa ito ng mga
mag-aaral bago tuluyang basahin ang teksto. Dito ay titingnan ng mga mag-aaral ang pamagat ng
babasahin, tatanungin din sila kung ano ang maaari nitong nilalaman, at kung ano na ang kanilang
mga nalalaman base sa pamagat ng teksto. Pagkatapos nito ay magsasagawa sila ng kahit dalawang
katanungan na nais nilang masagot sa pagbabasa ng teksto. Ikalawa, ay ang READ (Basahin Mo!)
kung saan habang binabasa ng mga mag-aaral ang teksto, ititigil nila ang pagbabasa nito pagkatapos
ng bawat talata. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng guro kung naiintindihang maigi ng mag-aaral
ang kanilang binasa sa bawat talata, kung kinakailangan, maglalapat ng mga kasanayan ang mga guro
sa pag-aayos ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Ikatlo at ang huli ay ang TELL (Sabihin Mo!) kung
saan pagkatapos basahin ang teksto ay susubuki ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan upang
masagot ang mga nilikhang katanungan sa unang bahagi ng estratehiya, ayon sa nilalaman ng kanilang
binasa. Upang maabot ang inaasahang kasanayan, kinakailangang pumili ng mga guro ng
mapanghamong babasahin na naglalayong maging pokus ng estratehiyang ART (Lipari, 2014).

2. Estratehiyang Mnemonic. Dito ay mamimili ng pangkabuuang ideya ang mga mag-aaral sa binasang

11
teksto at ibubuod ito bilang “keyword”. Pagkatapos nito, ay irerecode ng mga mag-aaral ang nagawang
keyword sa pamamagitan ng larawang-diwa o ang paggamit ng kaagdagang imahe na maaaring iugnay sa
mahahalagang impormasyon mula sa nagawang keyword. Sa paraang ito, maaaring balikan ng mga mag-
aaral ang mga mahahalagang impormasyon sa binasang teksto kung kinakailangan (Dunn, 2012).

3. Mga Tekstong Phrase-Cued. Layunin ng estratehiyang ito na mahasa ang mga mag-aaral sa pagkilala ng
mga natural na paghinto sa bawat talata ng kanilang binabasa. This strategy is a means to train students to
recognize the natural pauses that occur between phrases in their reading. Dahil na rin ang mga parirala ay
mga yunit kung saan madalas na nakapaloob ang mga pangunahing ideya, ang kakayahan ng mag-aaral na
kilalanin ang mga ito ay maaaring mapahusay ang pag-unawa sa teksto sa estratehiyang ito, maaaring
ipaabot ng mga magulang ang kanilang pakikiisa sa interbensyon sa pamamagitan ng paggabay sa
kanilang mga anak. Sa pagkakataong ito, magbibigay ang mga guro ng tagubili ang guro sa mga
magulang kung papaano isasagawa ang estratehiyang phrase-cued sa instruksiyong modyular ng mga
mag-aaral (Glavach, 2011).
4. Estratehiyang Tex Look Back. Isa sa mga problema ng mga mag-aaral ay ang mabilis na pagkalimot sa
mga binasang teksto kahit pa man sa babasahing Filipino. Kaya naman, kapag nagbabasa ng mga teksto at
nagtanong ng mga katanungan patungkol dito, hindi agad na nabibigay ng mga mag-aaral ang kanilang
sagot ukol dito. Sa pamamagitan ng estratehiyang ito, habang binabasa ng mga mag-aaral ang apat na
teksto at magbabalik tanaw sa mga katanungang sumasangguni rito, may pagkakataon silang itala o i-
highlight ang mga salitang magsisilbing tanda kung ang katanungan ay isang kaisipan o text-lookback
(Schisler et al., 2010).
5. Mga Gabay na Tala (Guided Notes). Sa paghahandong ng instruksiyong modyular, mayroon iilang mga
bahagi nito na walang laman kung saan dito isusulat ng mga mag-aaral ang mga konseptong napapaloob
sa aralin. May pagkakataon ang mga mag-aaral na isulat ang mga ideya at mahahalagang salita na
maaaring magpataas ng kanilang kakayahan sa pag-aaral ng particular na aralin sa Filipino. Makatutulong
ito upang hasain ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-uunawa ng mga tekstong napapaloob sa
instruksiyong modyular (Glodowski & Thompson, 2018).

Pangmatagalang Epekto: Mapalalakas ng mga mag-aaral ang kanilang mga kahinaan at mapatataas nito ang
kanilang kakayahan at kasanayan sa Filipino gamit ang instruksiyong modyular.

Pangmatagalang Indikasyon: Higit na magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang mga kakayahan upang

12
matuto at makapagdudulot din ito ng matinding ugnayan sa mga magulang. Gayundin, malilinang ng mga
mag-aaral ang kanilang pag-unlad sa espisipikong lugar ng pagkatuto o kasanayan sa pamamagitan ng mga
mungkahing estratehiyang panliterasi sa instruksiyong modyular.

L L L L

Taunang Pagsukat ng Gawain 1 4 7 11 Nakatalagang Petsa ng


Layunin Tagapagpa- Miyembro Implementas
to to to to
hiwatig -yon
4 7 11 15

Upang itaas 75 porsyento sa Paglalapat ng Guro at Pebrero, 2022


mababang antas mga kalahok ng mga Mananaliksik
ng kakayahan pag-aaral ang may estratehiyang
ng mga mag- kakayahang panliterasi sa
aaral sa Filipino makakuha ng instruksiyong
sa instruksiyong pasadong marka sa modyular ng
modyular. paglulunsad ng mga mag-aaral.
interbensyon.

Upang 100 porsyento sa Pagbisita sa


mapalawak ang mga materyales na tahanan,
Guro Mayo, 2022
paggamit ng binuo ng pagtawag sa
instruksiyong mananaliksik ang mga magulang
modyular para ibibigay sa mga gamit ang cell
sa paglinang ng mag-aaral. phones, text
pagkatuto ng blast, pagbuo
mga mag-aaral ng group chat
para sa mga
magulang at
mga guro

Upang 50 porsyento sa Pagkakaroon ng


mapatibay ang mga magulang ng bukas na
Guro Mayo, 2022
pakikipag- kalahok ang komunikasyon
ugnayan sa mga makikiisa sa sa mga
magulang paglulunsad ng magulang
upang tulungan interbensyon
ang kanilang

13
mga anak na
mapataas ang
kasanayan sa
Filipino

Upang isali ang 50 porsyento sa Online learning Tagapangasiwa Setyembre,


kapwa mga mga guro ang action cell ng LAC 2022
guro sa gagamit ng mga Session
paglalapat ng materyales na
estratehiyang siyang ginawa ng
panliterasi sa mananaliksik
instruksiyong bilang bench mark
modyular ng interbensyon

MUNGKAHING MATRIX NG INTERBENSYON

IKATLONG MARKAHAN

MODYUL LINGGO ARALIN LEARNING MGA ESTRATEHIYA


COMPETENCIES
1. Ask – Read – Tell (ART)
1 1 2. Estratehiyang Mnemonic
3. Mga Tekstong Phrase-Cued
4. Estratehiyang Tex Look Back.
5. Mga Gabay na Tala (Guided Notes).
1. Ask – Read – Tell (ART)
2 2 2. Estratehiyang Mnemonic
3. Mga Tekstong Phrase-Cued
4. Estratehiyang Tex Look Back.
5. Mga Gabay na Tala (Guided Notes).
1. Ask – Read – Tell (ART)
3 3 2. Estratehiyang Mnemonic
3. Mga Tekstong Phrase-Cued
4. Estratehiyang Tex Look Back.
5. Mga Gabay na Tala (Guided Notes).

VIII. PLANS FOR DISSEMINATION AND UTILIZATION

14
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay ibabahagi sa Learning Action Cell, In – Service
Training , Faculty Meeting at iba pang konperensya pagkatapos ng pananaliksik.

Mga Sanggunian:

Dunn, M. (2012). Response to intervention: Employing a mnemonic-strategy with art media


to help struggling writers. Journal of International Education and Leadership, 2(3), n3.

Glavach, M. J. (2011). The brain, prosody, and reading fluency. The Practical Teacher, 2, 1-
5.

Glodowski, K., & Thompson, R. (2018). The effects of guided notes on pre-lecture quiz
scores in introductory psychology. Journal of Behavioral Education, 27(1), 101-123.

Lalu, G. (2021). 42% of School-age Filipinos don't use devices for distance learning - sws.
Retrieved 2021, from https://newsinfo.inquirer.net/1402187/42-of-school-age-filipinos-dont-
use-devices-for-distance-learning-sws

Lipari, G. E. (2014). Reading comprehension intervention: Metacognitive strategy instruction


with sixth grade students. University of Florida.

Perez, F. (2019). How to rise from our poor pisa ranking in reading comprehension.
Retrieved from https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/how-do-we-rise-
from-pisa-a1922-20191208

Polirstok, S. (2017). Strategies to improve academic achievement in secondary school


students: Perspectives on grit and mindset. SAGE Open, 7(4), 215824401774511.
doi:10.1177/2158244017745111

Schisler, R., Joseph, L. M., Konrad, M., & Alber‐Morgan, S. (2010). Comparison of the
effectiveness and efficiency of oral and written retellings and passage review as strategies for
comprehending text. Psychology in the Schools, 47(2), 135-152.

Suacillo, C., Um, S., Velasquez, J., Villaflores, H., & Cequena, M. (2016). Critical reading
strategies, reading comprehension and writing performance of esl college students: A
correlational study. International Journal of Advanced Research, 4(9), 610-623.
doi:10.21474/ijar01/1526

15
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
MIMAROPA Region
Schools Division of Palawan
BATARAZA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bataraza, Palawan
__________________________________________________________________________________

EDNA V. CABUHAT, Ph.D


Public Schools District Supervisor
Chairman
District Research Committee

Attention:
LORNA A. REYES. Ph.D
Secretariat
District Research Committee

Greetings!

I, the undersigned wish to express intention to conduct action research in line


with my specialization. This action research entitled: Paglalapat ng mga Estratehiyang
Panliterasi sa Instruksiyong Modyular sa mga Mag-aaral na may Mababang Antas ng
Kakayahan sa Filipino 10. The study aims to enhance and increase the level of learning
ability of Grade 10 learners in Filipino.

Hoping that this intention merits your favorable approval.

Very truly yours,

Mischelle M. Ismael
Researcher

Noted by:

JEREMIAS L NUŇEZ
Secondary School Principal

16
Annex 2: Research Proposal Application Form and Endorsement of Immediate Supervisor

A. RESEARCH INFORMATION

RESEARCH TITLE:
PAGLALAPAT NG MGA ESTRATEHIYANG PANGLITERASI SA INTRUKSIYONG MODYULAR
SA MGA MAG-AARAL NA MAY MABABANG ANTAS NG KAKAYAHAN SA FILIPINO 10
SHORT DESCRIPTION OF THE RESEARCH

Layunin ng pananaliksik na ito na maiangat ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng
asignaturang Filipino sa Baitang 10.

RESEARCH CATEGORY (check only one) RESEARCH AGENDA CATEGORY


National ( ) (check only one main research theme)
Regional ( ) ( / ) Teaching and Learning
Schools Division ( / ) ( ) Child Protection
District ( ) ( ) Human Resource Development
School ( ) ( ) Governance
Check up to one cross - cutting theme if
Check only one applicable
Action Research ( / ) ( ) DRRM
Basic Research ( ) ( ) Gender and Development
( ) Inclusive Education
( ) Others (please specify):
_________________________

FUND SOURCE ( e.g. BERF, SEF, others) AMOUNT

MOOE

TOTAL AMOUNT 6,650.00

*indicate also if proponent will use personal funds

B. PROPONENT INFORMATION
LEAD PROPONENT / INDIVIDUAL PROPONENT

17
LAST NAME FIRST NAME MIDDLE NAME
ISMAEL MISCHELLE MIPA
BIRTHDATE SEX POSITION/DESIGNATION
06/12/1979 FEMALE MASTER TEACHER II
REGION/DIVISION/SCHOOL (Whichever is applicable)
MIMAROPA / PALAWAN / BATARAZA NATIONAL HIGH SCHOOL

CONTACT NUMBER 1 CONTACT NUMBER 2 EMAIL ADDRESS


0905 294 2533 0968 522 7742 mischelle.ismael0001@deped.gov.ph

EDUCATIONAL ATTAINMENT
TITLE OF THESIS / RELATED RESEARCH PROJECT:
1. DEGREE TITLE: Bachelor of Secondary
Education major in Filipino

2. Master of Education major in Supervision


& Instruction (CARMA)

SIGNATURE OF PROPONENT:

IMMEDIATE SUPERVISOR’S CONFORME

I hereby endorse the attached research proposal. I certify that the proponent/s has/have the
capacity to implement a research study without compromising his/her office functions.

________JEREMIAS L NUŇEZ_____

Name and Signature of immediate Supervisor


Position/Designation:_Secondary School Principal I
Date: February 8, 2022

Annex 3: Declaration of Anti-Plagiarism and Absence of Conflict of Interest

18
DECLARATION OF ANTI – PLAGIARISM

1. I/We MISCHELLE M. ISMAEL, understand that plagiarism is the act of taking and
using another’s ideas and works and passing them off as one’s own. This includes explicitly
copying the whole work of another person and/or using some parts of their work without
proper acknowledgement and referencing.

2. I/We hereby attest to the originality of this research proposal and has cited properly all the
references used. I further commit that all deliverables and the final research study emanating
from this proposal shall be of original content. I shall use appropriate citations in referencing
other works from various sources.

3. I/We understand that violation from this declaration and commitment shall be subject to
consequences and shall be dealt with accordingly by the Department of Education and (insert
grant mechanism).

PROPONENTS:

SIGNATURE: __________________________________

SIGNATURE: __________________________________

SIGNATURE: ___________________________________

Annex 4.

19
DECLARATION OF ABSENCE OF CONFLICT OF INTEREST

1. I/We MISCHELLE M. ISMAEL understand that conflict of interest refers to situations in


which financial or other personal considerations may compromise our judgment in
evaluating, conducting, or reporting research.

2. I hereby declare that I do not have any personal conflict of interest that may arise from my
application and submission of our research proposal. I understand that our research proposal
may be returned to me if found out that there is conflict of interest during the initial screening
as per (insert RMG provision).

3. Further, in case of any form of conflict of interest (possible or actual) which may
inadvertently emerge during the conduct of my research, I will duly report to the research
committee for immediate action.

4. I understand that I may be held accountable by the Department of education and (insert
grant mechanism) for any conflict of interest which I have intentionally concealed.

PROPONENTS:

SIGNATURE: ________________________

SIGNATURE: _______________________

SIGNATURE: ________________________

Annex 5.

20
CERTIFICATE OF CONCEPT ALIGNMENT OF RESEARCH TO SCHOOL PLAN

This is to certify that the research to be undertaken by Mischelle M. Ismael, in


(Name of Lead Proponent)
Bataraza National High School is in accordance to the set plan/s of the school/division.
As stipulated in the School Improvement Plan (SIP) or Division Education Development
Plan (DEDP)

JEREMIAS L. NUŇEZ
Secondary School Principal I

Date: February 8, 2022

21

You might also like